Umigting ang panga ni Igneel nang marinig ang sinabi ni Jeriah. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito dahil alam nilang pareho na matagal na iyon at ang tanging iniisip na lang ni Igneel ay ang relasyon nila ni Aricella. "Why, Igneel? Bakit ayaw mong magsalita? Hindi ba't totoo naman ang sinabi ko? Hindi mo natupad ang pangako mo sa akin," mahabang dagdag ni Jeriah. "Huwag mo rin hayaan na tuluyan kitang makalimutan hindi bilang dati kong mahal kundi bilang miyembro na rin ng organisasyon ko. Matagal na iyon at mukhang nakalimutan mong hindi ko natupad ang pangako mo dahil ikaw ang kusang lumayo sa akin..."Hindi rin nakapagsalita si Jeriah sa sinagot ni Igneel, naalala niya lang ang nakaraan kung paano nangako silang dalawa sa isa't isa ngunit ang mismong tadhana ang umaayaw na maging malapit sila ng sobra. "Wala na tayong dapat pag-usapan, huwag kang magkakamali na banggitin ito sa pinsan mo dahil ako na mismo ang makakalaban mo, Jeriah."Pagkatapos sabihin ni Igneel ang mga katag
Kahit na sinabi iyon ni Aricella, mas pinili pa rin ni Igneel ang manatili kasama ang pamilya ni Aricella. Nakatayo siya sa gilid ng sofa, at si Aricella lang ang pinaupo niya. Dahil marami rin talagang bisita sa loob at labas man, may iilang dala kaibigan. “Aricella, kumusta ang kumpanya mo ngayon? Balita ko ay nag-iisa ka na lang dahil may isang kumpanya ang partner mo? Tama ba?” tanong ng uncle ni Aricella. “Maayos naman uncle. Sa katunayan ay hindi ako nahirapan ngayon dahil hindi naman totoo na mag-isa ako. May tumutulong din naman, isa si Igneel na tumulong—““Igneel? Siya?” tanong naman ng tita ni Aricella. Yumuko si Igneel aa kanilang lahat at bumati dahil ngayon lamang siya pinansin kung hindi sinabi ni Aricella ang pangalan niya, para lang siyang hangin sa loob ng bahay. Mas napapansin pa nga ang malakas na hangin na nagmula sa labas ng bahay kaysa sa kanya. “Yes, Tita. Tinutulungan ako ng asawa ko.” Nakangiting sabi ni Aricella. Nagkatinginan ang magkakapatid hanggang
Namutla si Marco dahil sa binulong ni Igneel sa kanya, nagtataka naman si Aricella dahil kita niya ng kaunti na nanlaki ang mga mata ni Marco at bigla itong umalis. Nakatayo lang si Igneel na seryosong nakatingin kay Marco na umalis. "Anong sinabi mo sa kanya?" tanong ni Aricella nang nilapitan niya si Igneel. "Wala akong sinabi, hindi ko alam kung bakit bigla siyang umalis." Bumaling si Igneel kay Aricella na parang walang nangyari. "Tara na? Saan mo gustong pumunta?" tanong niya pa. Hindi nagsalita o sumagot si Aricella sa kanya dahil nagtataka pa rin ito sa inaasta ni Igneel. Alam niyang may sinabi si Igneel kay Marco pero hindi niya mahulahan kung ano. "Nakakapagtaka kung bakit bigla na lang siyang umalis at ang mukha niya ay parang natakot. Gusto kong malaman kung ano ang sinabi mo sa pinsan ko, Igneel..." Hinawakan ni Aricella ang kamay ni Igneel dahil buong akala niya ay makukuha si Igneel na sabihin nito kung ano ang sinabi niya kay Marco. "Trust me. Hindi ko alam kung
Aligaga na ang mga tao sa hide-out na sinasabi ni Marco, pati si Hera na manager ng hide-out ay nagagalit na rin dahil ang mga tao ay mababagal kumilos, lalo na ang mga babae. May iilan pa sa kanila na nag-iiyakan. “Wala bang mas bibilis pa nyan ha?” sigaw ni Hera. Kahit na si Marco ay galit na galit pa rin. “Ano ba kasing problema mo? Kanina ka pa galit na galit?” tanong ni Aliah na fiancée ni Marco at isa rin sa boss ng hide-out. “I already told you. May nakakaalam na nga kung saan tayo, hindi pwedeng malaman ng marami pa!” galit na sigaw ni Marco. Hindi maintindihan ni Aliah ang galit ni Marco. “Bakit ayaw mo na lang ipapatay? Ngayon ka lang natakot ng ganito!” sigaw ni Aliah.Sinabunutan ni Marco ang kanyang buhok dahil sa inis, hindi niya na alam ang gagawin. “Pwede ba? Huwag ka munang sumabay? Sumunod ka na lang, ayusin mo na iyong dadalhin mo dahil aalis na tayo!” Umalis siya sa tabi ni Aliah at sumunod kay Hera. “Ano? Hindi pa rin ba kayo tapos? Kanina pa kayo. Ang iba, n
Kanina pa naiinis si Janette dahil kanina pa tumatawag ang ate niyang si Jannah, hinahanap si Igneel at Aricella. "Hindi nga namin alam, ate. Hindi nga namin namalayan na umalis sila, tumawag na rin ako sa opisina at pinaalam sa kanila na on-leave ang dalawa. Baka bukas ay babalik na sila. Ano ba kasing nangyari at bakit mo sila hinahanap?" Mahabang paliwanag ni Janette dahil kanina pa siya kinukulit ni Jannah."Inutusan ko si Marlon na papuntahin diyan at kausapin si Igneel pero hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi ang asawa ko---""Si Tita Jannah ba iyan?" Biglang pumasok sa loob ng bahay nina Janette si Jenny dahil nagpaalam siya sa kanyang magulang na sa bahay muna nina Aricella siya matulog at bukas na uuwi. "Oo, bakit?" tanong ni Janette."Nasa labas si Uncle Marlon, hinahanap si Igneel dahil hindi raw siya makakauwi ng buhay kung hindi niya nakausap si Igneel," sagot ni Jenny."See! Ngayon pa siya bumalik diyan kung kanina ko pa inutos. Lintek na Marlon, walang kwenta!" sigaw ni
Dahil sa mahinang ungol ni Aricella nang sabihin niya iyon, mas lalong nakaramdam ng init sa kanyang katawan si Igneel. Halos mapamura na siya sa kanyang isipan kahit na hinalikan niya pa naman si Aricella. Hindi ito ang unang beses na may nangyari sa kanilang dalawa pero parang pinaparamdam nito sa kanilang sarili na bago pa lang nilang gagawin dahil sa nararamdamang kaba. Kahit na namalalayan na ni Aricella na gumagala na ang kamay ni Igneel sa kanyang katawan, hinayaan niya na lang ito at halos mapaigtad siya sa sensasyon na kanyang nararamdaman sa kanyang katawan. Kinagat ni Aricella ang kanyang ibabang labi nang marahang hinaplos ni Igneel ang tiyan niya. "Hmmm,Igneel..." Akma niya sanang pigilan si Igneel nang hinalikan nito ang kanyang leeg at tainga ngunit dahil naging mapusok na rin ang naramdaman ni Igneel sa kanyang loob, hindi niya hinayaan na mapigilan siya ni Aricella. As much as possible, gusto niyang manghina si Aricella at sumuko sa kanya. "I love doing this with y
Hindi nakapagsalita o nakasagot si Aricella dahil sa salitang sinabi ni Igneel.“P-pakiulit nga ang sinabi mo?” Nauutal na sabi ni Aricella.Ngumiti si Igneel na tila ba natutuwa siya sa hitsura ni Aricella. “Marry me again, Aricella…and this time, I will make sure na mamahalin natin ang isa’t isa.” Mahabang sabi ni Igneel at hinalikan niya ulit si Aricella. Naramdaman ni Aricella ang mga emosyon na naglalakbay sa kanyang katawan habang patuloy na ginagawa ni Igneel ang kanyang mga ministrasyon. Naramdaman niya ang kasiyahan, na may halo ng kirot, at isang pakiramdam ng pagnanasa na hindi pa niya naranasan dati. Gusto pa niya ng higit pa mula sa kanya, ng higit pa sa kanyang haplos, ng higit pa sa kanyang mga halik. Habang si Igneel ay patuloy na nagsisilbing tagapag-alaga sa kanyang katawan, hindi maiwasang magtaka ni Aricella kung saan hahantong ang kanilang relasyon. Matagal na silang magkasama, ngunit hindi pa rin niya alam kung sila ay nagkakasundo lamang o mayroon nang mas mal
Hindi maintindihan ni Aricella ang sinasabi ng kanyang tiyahin, dahan-dahan siyang bumaling kay Igneel na ngayon ay seryosong kumakain habang nakatingin sa kanya na nagtataka rin. "A-anong ibig sabihin mo, Ante?" Mahinang tanong ni Aricella kay Jannah. Kinakabahan siya sa sinasabi at kung ano ang nangyayari. Bakit naman sasabihin ng kanyang tiyahin na si Igneel ay isang masamang tao. "Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, layuan mo na ang asawa mo dahil unang-una hindi mo siya kilala, hindi natin alam kung sino talaga siya but please, bilang kapatid ng Mama mo at tiyahin mo, para sa pamilya natin. Hiwalayan mo siya, ngayon din. Nasaan ka ba at kailan ka babalik dito sa Manila, ha?!" sunod-sunod na sabi ni Jannah.Wala pa ring naiintindihan si Aricella kaya naman binaba niya na lang ito at pinakiramdaman ang kanyang dibdib na para bang hinahabol ng maraming kabayo dahil sa kaba. "May nangyari ba?" Napatalon sa gulat si Aricella nang biglang nagsalita si Igneel sa kanyang gilid, na