Aligaga na ang mga tao sa hide-out na sinasabi ni Marco, pati si Hera na manager ng hide-out ay nagagalit na rin dahil ang mga tao ay mababagal kumilos, lalo na ang mga babae. May iilan pa sa kanila na nag-iiyakan. “Wala bang mas bibilis pa nyan ha?” sigaw ni Hera. Kahit na si Marco ay galit na galit pa rin. “Ano ba kasing problema mo? Kanina ka pa galit na galit?” tanong ni Aliah na fiancée ni Marco at isa rin sa boss ng hide-out. “I already told you. May nakakaalam na nga kung saan tayo, hindi pwedeng malaman ng marami pa!” galit na sigaw ni Marco. Hindi maintindihan ni Aliah ang galit ni Marco. “Bakit ayaw mo na lang ipapatay? Ngayon ka lang natakot ng ganito!” sigaw ni Aliah.Sinabunutan ni Marco ang kanyang buhok dahil sa inis, hindi niya na alam ang gagawin. “Pwede ba? Huwag ka munang sumabay? Sumunod ka na lang, ayusin mo na iyong dadalhin mo dahil aalis na tayo!” Umalis siya sa tabi ni Aliah at sumunod kay Hera. “Ano? Hindi pa rin ba kayo tapos? Kanina pa kayo. Ang iba, n
Kanina pa naiinis si Janette dahil kanina pa tumatawag ang ate niyang si Jannah, hinahanap si Igneel at Aricella. "Hindi nga namin alam, ate. Hindi nga namin namalayan na umalis sila, tumawag na rin ako sa opisina at pinaalam sa kanila na on-leave ang dalawa. Baka bukas ay babalik na sila. Ano ba kasing nangyari at bakit mo sila hinahanap?" Mahabang paliwanag ni Janette dahil kanina pa siya kinukulit ni Jannah."Inutusan ko si Marlon na papuntahin diyan at kausapin si Igneel pero hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi ang asawa ko---""Si Tita Jannah ba iyan?" Biglang pumasok sa loob ng bahay nina Janette si Jenny dahil nagpaalam siya sa kanyang magulang na sa bahay muna nina Aricella siya matulog at bukas na uuwi. "Oo, bakit?" tanong ni Janette."Nasa labas si Uncle Marlon, hinahanap si Igneel dahil hindi raw siya makakauwi ng buhay kung hindi niya nakausap si Igneel," sagot ni Jenny."See! Ngayon pa siya bumalik diyan kung kanina ko pa inutos. Lintek na Marlon, walang kwenta!" sigaw ni
Dahil sa mahinang ungol ni Aricella nang sabihin niya iyon, mas lalong nakaramdam ng init sa kanyang katawan si Igneel. Halos mapamura na siya sa kanyang isipan kahit na hinalikan niya pa naman si Aricella. Hindi ito ang unang beses na may nangyari sa kanilang dalawa pero parang pinaparamdam nito sa kanilang sarili na bago pa lang nilang gagawin dahil sa nararamdamang kaba. Kahit na namalalayan na ni Aricella na gumagala na ang kamay ni Igneel sa kanyang katawan, hinayaan niya na lang ito at halos mapaigtad siya sa sensasyon na kanyang nararamdaman sa kanyang katawan. Kinagat ni Aricella ang kanyang ibabang labi nang marahang hinaplos ni Igneel ang tiyan niya. "Hmmm,Igneel..." Akma niya sanang pigilan si Igneel nang hinalikan nito ang kanyang leeg at tainga ngunit dahil naging mapusok na rin ang naramdaman ni Igneel sa kanyang loob, hindi niya hinayaan na mapigilan siya ni Aricella. As much as possible, gusto niyang manghina si Aricella at sumuko sa kanya. "I love doing this with y
Hindi nakapagsalita o nakasagot si Aricella dahil sa salitang sinabi ni Igneel.“P-pakiulit nga ang sinabi mo?” Nauutal na sabi ni Aricella.Ngumiti si Igneel na tila ba natutuwa siya sa hitsura ni Aricella. “Marry me again, Aricella…and this time, I will make sure na mamahalin natin ang isa’t isa.” Mahabang sabi ni Igneel at hinalikan niya ulit si Aricella. Naramdaman ni Aricella ang mga emosyon na naglalakbay sa kanyang katawan habang patuloy na ginagawa ni Igneel ang kanyang mga ministrasyon. Naramdaman niya ang kasiyahan, na may halo ng kirot, at isang pakiramdam ng pagnanasa na hindi pa niya naranasan dati. Gusto pa niya ng higit pa mula sa kanya, ng higit pa sa kanyang haplos, ng higit pa sa kanyang mga halik. Habang si Igneel ay patuloy na nagsisilbing tagapag-alaga sa kanyang katawan, hindi maiwasang magtaka ni Aricella kung saan hahantong ang kanilang relasyon. Matagal na silang magkasama, ngunit hindi pa rin niya alam kung sila ay nagkakasundo lamang o mayroon nang mas mal
Hindi maintindihan ni Aricella ang sinasabi ng kanyang tiyahin, dahan-dahan siyang bumaling kay Igneel na ngayon ay seryosong kumakain habang nakatingin sa kanya na nagtataka rin. "A-anong ibig sabihin mo, Ante?" Mahinang tanong ni Aricella kay Jannah. Kinakabahan siya sa sinasabi at kung ano ang nangyayari. Bakit naman sasabihin ng kanyang tiyahin na si Igneel ay isang masamang tao. "Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, layuan mo na ang asawa mo dahil unang-una hindi mo siya kilala, hindi natin alam kung sino talaga siya but please, bilang kapatid ng Mama mo at tiyahin mo, para sa pamilya natin. Hiwalayan mo siya, ngayon din. Nasaan ka ba at kailan ka babalik dito sa Manila, ha?!" sunod-sunod na sabi ni Jannah.Wala pa ring naiintindihan si Aricella kaya naman binaba niya na lang ito at pinakiramdaman ang kanyang dibdib na para bang hinahabol ng maraming kabayo dahil sa kaba. "May nangyari ba?" Napatalon sa gulat si Aricella nang biglang nagsalita si Igneel sa kanyang gilid, na
Ni isa, dalawa o kahit na sino na nanroon ay hindi na nakapagsalita. Nakatingin lamang sila kay Aricella at Igneel na pabalik-balik. “You’re crazy…” Hindi makapaniwalang sabi ni Jemma, ang bunsong kapatid ni Aricella at Jennica.“Baliw? Kung sino ang baliw rito, hindi ako iyon kundi kayo. Nag-iisip kayo ng hindi naman nangyayari, mabuting tao si Igneel!” Galit na sigaw ni Aricella. Lumapit naman sa kanya si Jannete at tinapon sa harap ni Aricella brown envelope na hawak nito. “Ngayon mo sabihin sa amin na mabuting tao ang pinatira natin sa bahay natin sa oras ma makita mo ang laman ng envelope na iyan!”Tinignan lang muna ni Aricella ang envelope sa sahig, tumingin siya sa pamilya niya bago pulutin ang envelope. Bumaling muna siya kay Igneel bago buksan ng dahan-dahan ang envelope. Halos mapanganga siya nang bumungad sa kanya ang mga litrato ni Igneel na nasa isang masulok na lugar, may kasamang tatlong babae habang may nakahiga. Nanginginig si Aricella habang iniisa-isa ang mga lit
Lagat sila ay nakatingin kay Aricella, gusto mang sundan ni Igneel ang asawa ngunit hindi niya magawa agad dahil hinarangan siya ni Arman.“Lumayas ka sa pamamahay namin, lalaki. Dahil hindi ko hahayaan na madumihan ang pangalan ng anak ko at ng pamilya namin dahil sa’yo. Umalis ka bago pa ako tumawag ng pulis para ipakuling ka…” mahabang sabi ni Arman.Umigting ang panga ni Igneel, gusto niyang sagutin ang pamilya ni Aricella ngunit hindi niya magawa dahil ang tanging iniisip niya ay si Aricella na nais niya ng puntahan. “Leave now,” singit na sabi ni Janette.“Kakausapin ko ang asawa ko—“Isang malakas na sampal ang natanggap ni Igneel mula kay Janette. Galit na galit si Janette dahil sa pagmumukha ni Igneel, bilang isang ina ay iniisip niya pa rin ang nararamdaman ni Aricella kaya ang sa tingin niya ay mas makakabuti kung mawala si Igneel sa buhay nila lalo na sa buhay ni Aricella.“Ano ba ang hindi mo maintindihan sa umalis ka na at huwag mo ng dungisan lalo ang pangalan namin, h
Agad na napatayo si Seniro Elias sa narinig mula kay Igneel, seryoso niyang tiningnan ang apo kahit sa kanyang loob ay natutuwa siya at gusto niyang ngumiti at tumawa dahil sa tuwa pero dahil may katandaan na siya, nais niyang itanong ulit para makumpirma na tama ang kanyang naririnig."Anong sabi mo, Igneel? Tama ba ang narinig ko na babalik ka mismo sa organisasyon?" tanong ni Senior Elias. Hindi sumagot si Igneel, seryoso niya ring tiningnan ang kanyang Lolo. Si Igneel ang klase ng tao na kapag sinabi niya na ng isang beses ay hindi niya na ulit sasabihin pa dahil alam niyang narinig naman ng taong sinabihan niya. Isang beses na pagsabi ay isang beses na rin na pagkumpirma. "Anong ginagawa mo?" Pagtataka ni Senior Elias. Naglakad si Igneel palapit sa lamesa ni Senior Elias, kinuha niya ang maliit na kutsilyo na nasa gilid lang nakalagay sa lamesa ni Senior Elias, bahagyang lumaki ang mga mata ni Senior Elias nang sinugatan ni Igneel ang pulso niya.Laking tuwa at pagtataka ni Se