Share

Chapter 5 - Reward

Pagkatapos malaman ni Aricella na hindi ninakaw ni Igneel ang kwentas, palihim siyang ngumiti at umaktong kunyari ay galit. She slowly slapped Igneel in the face. “Gumastos ka agad sa walang kwentang bagay, kailangan kitang parusahan.” 

 

Umawang ang bibig ni Igneel sa sinabi ni Aricella. “Parusa? Regalo ko iyon sa’yo, bakit ako mapaparusahan?” Lumapit nang bahagya si Igneel kay Aricella nang siyang dahilan ng pag-atras ni Aricella dahil nakaramdam siya ng kaba sa paglapit ni Igneel. “Anong parusa?” bulong ni Igneel na nagpainit lalo sa pisngi ni Aricella. 

 

Tinulak niya nang mahina palayo si Igneel, pinakita niya ang kwentas at pinasuot kay Igneel. “I let you wear this, this is your punihsment for spening money and not letting me know about you winning in the lottery.”

 

Igneel plastered a smile on his face, hindi makapniwala sa ginawa ng asawa. Sa sobrang lapit nila ay ayaw niya nang lumayo mula kay Aricella. Hindi niya inasahan na ito ang unang paglalapit nilang dalawa maliban sa araw na kinasal sila. 

 

Watching this warm scene, Klarence felt jealous. Umiwas siya ng tingin, pinaniwalaan niya pa rin na talunan si Igneel. 

 

“Klarence, sa susunod na pagsalitan mo pa ng masama ang asawa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa’yo, baka alisin kita sa buhay ko bilang kaibigan ko. Stop insulting him, he’s my husband and you are just my friend…” 

 

Nagulat si Klarence sa sinabi ni Aricella, hindi niya inasahan na sasabihin iyon ng kaibigan niya. He knew that she was unreasonable, he whispered few words because of frustration pero hindi niya nilabas bagkus itinuon niya sa mga trabahante na hindi pa rin umalis.

 

“Go back to your work! Tapos na ang palabas, magtrabaho kayo!” galit na sigaw niya sa mga empleyado kaya agad naman silang kumilos at bumalik sa mga cubicle nila. 

 

Some employees gave Igneel a smile sa kadahilan na nagkaroon ito ng maganda at mabait na asawa at ang iba naman ay naiinggit dahil hindi sila si Igneel na nanalo sa lotto.

 

Tiningnan ni Aricella ang mga empleyado na isa-isang umalis.

 

“Huwag mong ipahiya sa susunod ang pamilya ko at lalo na ako, Igneel!” she pretended to be angry at Igneel as she waited everyone sat down in their cubicle.

 

Igneel smirked, he thought that as the heir of Rubinacci’ is his card. Ang magkaroon ng maraming pera sa kahit saan at kailan niya gusto. Mabilis niya lang makukuha ang gusto niya mula sa kanyang pamilya, lalo na ang pera. 

 

“Bumili tayo ng kahit anong gusto mo,” masayang sabi ni Igneel sa kanyang asawa. 

 

Kumunot naman ang noo ni Aricella, tumingin kay Igneel. “Sa tingin mo ba makakalaro ka araw-araw ng lotto? Huwag mo na ulitin sa susunod, ang pagpapanalo sa lotto ay swertehan lamang. Sa ngayon ay sinuwerte ka pero sa susunod, hindi natin alam,” paliwanag ni Aricella.

 

“Okay, masusunod.” Ngumiti si Igneel at sinabi. 

 

Bumuntonghininga si Aricella at naglakad pabalik sa opisina, sumunod naman si Igneel. “Why don’t you look for a job or business with that money from lottery?” tanong ni Aricella at umupo sa swivel chair niya. 

 

Umupo rin si Igneel sa sofa sa opisina. Tumingin kay Aricella, paano kaya kung sabihin niya na lang sa kanya kung sino siya at hindi niya kailangan maghanap ng trabaho pero naalala niya lang din ang nangyari kanina. Hindi naniwala si Aricella sa kanya kundi mas naniwala itong nanalo siya sa lotto.

 

“Nevermind,” Aricella said. 

 

Hindi na rin umasa si Aricella na gagawin iyon ni Igneel, noon pa man ay tinaggihan na ni Igneel ang tungkol sa trabaho at hanggang ngayon ay marami pa ring tinatagong sikreto si Igneel sa kanya. 

 

“I will find a job no matter what… for you.” Nagulat si Aricella sa sinabi ni Igneel, kung dati nga ay tinaggihan siya ni Igneel, hindi niya inasahan na marinig iyon ngayon mula kay Igneel. 

 

“Really? Gagawin mo para sa akin?” tanong ni Aricella, tinatago ang ngiti. Tumango naman si Igneel bilang sagot. 

 

Naiisip ni Aricella na bigyan ng reward si Igneel kaya naman nag-out siya ng umaga para dalhin si Igneel sa super market. “Anong gagawin natin?” inosenteng tanong ni Igneel.

 

“Let’s go home early today, bibili muna ako ng lulutuin at ipagluto kita ng paborito mo.” Nagulat si Igneel sa narinig. 

 

Wala na sigurong mas sasaya sa narinig niya mula sa asawa. Bihira lang ito gawin ni Aricella kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon.

 

Pagkatapos nilang kumain, pareho silang nakahiga sa kama pagkatapos maligo. Tahimik na humiga si Igneel sa tabi ni Aricella. Lumunok ng dalawang beses si Aricella at umupo sa kama mula sa pagkahiga. Tiningnan naman siya ni Igneel na may pagtataka.

 

Aricella licked her lips while looking at Igneel, kinakabahang umiwas ng tingin si Igneel sa asawa.

 

“M-matulog na tayo,” nauutal na sabi ni Igneel at humiga na nakatalikod kay Aricella pero mas lalo siyang nagtaka nang hinawakan ni Aricella ang balikat ni Igneel kaya lumingon siya kay Aricella.

 

“Aricella…”   

 

Hinalikan siya ni Aricella na siyang napatigil sa kanya saglit. Mapupungay ang mga mata ni Aricella habang nakatingin kay Igneel pagkatapos ng halik. Igneel looked at Aricella lips. 

 

“Are sure you want to try this?” mahinang tanong ni Igneel. Tumango naman si Aricella. 

 

He kissed her passionately, nakaramdam ng init sa katawan si Aricella nang maramdaman ang kamay ni Igneel sa kanyang hita kaya napaatra siya nang bahagya. Napansin iyon ni Igneel ngunit pinatuloy niya pa rin ang paghahalik kay Aricella hanggang sa naramdaman niyang hindi na rumesponde si Aricella sa halik. Tinigil niya ang halik nang makitang umiyak si Aricell. He hugged her tightly.

 

“I’m sorry…we won’t do it,” he whispered pero pinatigil siya sa pagsasalita ni Aricella gamit ang daliri. 

 

Hinayaan niya lang ang kanyang sarili na yakapin ni Igneel at umiyak. 

 

They are married for a year now but Aricella is still virgin. May rason kung bakit wala pa ring nangyayari sa kanilang dalawa. Bukod sa nirerespeto ni Igneel ang asawa, alam niya rin ang kahinaan ni Aricella. 

 

Nagsimula ito noong isang taon ang lumipas—Aricella was kidnapped by gangsters and almost got raped. Nang subukan niyang patayin ang sarili para manatiling malinis ang pagkababae at makalayo mula sa masasamang tao, isang pulubi ang dumating. Sinubukan niyang lumayo mula sa mga gangsters at sumigaw ng tulong hanggang sa naisipan niyang magpakamatay. 

 

Sinong mag-aakala na ang isang pulubi ay pumulot ng malaking bato para batuhin ang ibang gangsters para iligtas si Aricella ngunit nasaktan si Igneel, nasaksak siya ng kutsilyo na siyang dahilan ng pagkasira ng isa niyang kidney at dahil doon, naging mahina si Igneel na para bang hindi na siya tunay na lalaki. 

 

At saoras na rin iyon, Aricella was forced to marry by his family, at para makabawi kay Igneel sa pagligtas sa kanya, pinakasalan niya si Igneel at iyon ang dahilan na naging son-in-law siya ng pamilya ni Aricella. 

 

Humigpit lalo ang yakap ni Igneel kay Aricella nang maramdamang nakatulog na ito sa kanyang mga bisig, hiniga niya ito ng dahan-dahan sa kamay, hinalikan ang noo. Nakatulog sa pag-iyak. Ngumiti ng tipid si Igneel habang pinagmasdan ang mukha ng asawa, pinunasan niya ang luha sa pisngi ni Aricella.

 

“Sleep tight… love.”      

 

***    

 

KINABUKASAN, nagising si Igneel at ang nakita niya lang ay pagkain sa lamesa at maliit na note. He smiled as he got the note and read it. “Good morning! Breakfast is ready, please eat this. I made this for you, and do not forget to find a job today!”

 

Lumawak lalo ang ngiti ni Igneel, his wife is full of smiles as if nothing happened yesterday. Na para bang nakalimutan niya na ang nangyari sa kumpanya at kagabi.

 

Pagkatapos kumain ni Igneel, tinawagan niya ang housekeeper para maglinis. Dahil nakuha niya na ang mana mula sa kanyang pamilya, the little problem will solve it directly using his money. Tinawagan niya rin ang kilalang doctor ng pamilya para matulungan siya sa pag-recover. Pagkatapos ng mga tawag, nagsimula na siyang maghanap ng trabaho online. Sampung taon siya sa kalsada pero alam niya pa rin naman kung paano maghanap ng trabaho. 

 

When he was submitting his resume to different companies online, Aricella called him.

 

“Where are you?” tanong ni Aricella.

 

“Nasa bahay lang ako, anong nangyari? May nangyari bang hindi maganda?” nag-aalalang tanong ni Igneel nang marinig ang mahinang boses at pag-iyak ni Aricella.

 

“Please come to the hospital, sinugod si Papa.”     

 

Agad na kumilos si Igneel para puntahan ang asawa. 

 

Sa loob ng ward, maingay na nag-uusap si Jenica at Janette at sa laman ng pag-uusap na iyon ay puro galit at pang-iinsulto na naman kay Igneel. Hindi na sila natigil, sinisi pa nila si Igneel sa dahilan kung bakit na-hospital ang ama ni Aricella na si Arman. 

 

“Wala siyang ginagawang masama, Mama, ate. Tigilan niyo na ang asawa ko—”

 

“You always defending him, he’s nothing but a beggar, Aricella. Ikaw ang tumigil,” sabi ni Jenica. Hindi siya pinansin ni Aricella dahil nakarinig na sila ng may tao sa labas ng kwarto.

 

“Baka ang asawa ko na iyon…bubuksan ko lang.”    

 

Pagkatapos niyang sabihin iyon, pumunta siya sa pintuan at binuksan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status