Share

Chapter 7

Nalaman nila na ang dahilan ng pagtunog ng phone ni Igneel ay ang pagtagumpay na nakapag-transfer siya ng pera. Lahat ng tao sa loob ng kwart ay lumapit kay Igneel, hindi makapaniwala at hindi naniwala na nagawa iyon ni Igneel. 

“I can’t believe it, did you steal a money from my daughter?” sigaw ni Janette. 

Lahat ay nagulat sa sinabi ni Janette at nagsimula na nga silang pagbintangan si Igneel na ang perang ginamit ni Igneel ay ang pera ni Aricella. Sino namang maniniwala sa kanila na may ganoong halaga si Igneel kung isa lang siyang palamunin sa pamilya ni Aricella. Walang trabaho o kahit koneksyon manlang para magkaroon siya ng maraming pera.

Bumuntonghininga si Igneel, alam niya na mangyayari ulit ito. Ang walang maniniwala sa kanya. “Tumaya ako sa lottoo at iyan ang napalanunan ko. Hindi ko na kargo kung ayaw ninyong maniwala,” seryosong sabi ni Igneel. 

Lumapit naman si Aricella sa tabi ni Igneel at pinakita ang kwentas na binili rin ni Igneel sa paniniwalang nanalo nga siya sa pagtaya sa lottoo. “He is telling the truth, everyone. Here, itong kwentas ang binigay sa akin ni Igneel, nanalo nga siya sa lotto. Stop accusing him, will you?” pagtatanggol ni Aricella kay Igneel.

Nanahimik ang lahat sa sinabi ni Aricella, lumapit pa ang iba sa kanya para hawakan at tingnan ang kwentas na pinakita niya. Alam nila kung totoo o hindi ang isang bagay kaya sa pagkakataon na ito, nanlaki ang mga mata nilang bumaling kay Igneel dahil napagtanto nilang totoo ang kwentas at halatang mamahalin. 

“So, it’s true na nanalo ka nga sa lottery? Then, give us some money. Umambag ka—” Hindi natapos ang sasabihin ni Janette nang magsalita ulit si Igneel.

“I’m sorry, Mom. Nagastos ko na ang ibang napalunan ko, binigay ko na rin ang pera para sa bagong ward ni Papa.” Walang emosyong sabi ni Igneel pero sa likod sa isip niya ay nakangiti siya. 

Everyone got mad, especially the mother of Aricella. Galit sila sa sinabi ni Igneel. “How could you spend a lot without thinking, stupid? Ang ibig mong sabihin, inubos mo ang napalunan mo sa mga walang kwentang bagay, ganoon ba, Igneel?” galit na sabi ni Janette. 

“I can’t believe you,” Kenjin murmured. 

Bumaling si Igneel kay Kenjin at hindi sinagot ang galit na si Janette. Ngumisi si Igneel kay Kenjin at sinabing, “you should kneel down and apologize to me, brother.” 

Umismid naman si Kenjin at galit na tumingin kay Igneel. “You are just lucky to have that money, do not be arrogant!” galit na sigaw ni Kenjin.

Galit na lumabas si Janette sa ward pero bago siya lumabas, pinagsalitaan niya muna ng masamang salita si Igneel. “Hindi ka nag-iisip, kahit kailan ay ang tanga at bobo mo pa rin, Igneel. Hindi ko maintindihan ang aking anak kung bakit ikaw ang pinakasalanan niya, you are nothing but a poor and stupid man,” insulto ni Janette. 

Bumaling siya kay Kenjin na may ngiti sa kanyang labi. “Kenjin, I know you’re the best. Now, find a VIP ward and pay the payment.” Pagpupuri ni Janette kay Kenjin. 

Makikita sa pamilya na kahit ano pang gawin ni Igneel sa kanila, tulong man pinansiyal o kung anong bagay na pwede silang magkabenepesiyo, hindi pa rin nila binibigyan ng halaga si Igneel dahil ang tanging pinaniwalaan at pinipilit nila na walang silbi si Igneel.

Lumabas si Kenjin para sundin ang inutos ng kanyang mother-in-law, naghanap siya ng VIP ward ngunit wala siyang mahanap. Bumalik siya sa ward para sabihin ang balita. 

“Iho, do you know someone here? Perhaps, a higher person that we could ask for a favor. Maaari tayong humingi ng pabor sa kanila para sa VIP room ni Arman,” Julio suggested. 

“Yes, Tito. I know someone, I could call them and make an arrangement for this. This person is part of the government in our City, I am sure na bibigyan niya tayo sa hiling natin,” Kenjin said with a smile. 

Everyone praised him again. Na tila ba nakalimutan ang hamon ni Kenjin kay Igneel. Hindi na sila pinansin ni Igneel, lumabas siya ng ward at pumunta sa banyo para tawagan ang isang tauhan niya. 

“Good day, signore. How may I help you? Do you need anything right now?” sunod-sunod na tanong ng butler. 

“Gambino, I want you to do something. Nandito ako sa Hermendez Medical, do everything to find a VIP ward for my father-in-law,” utos ni Igneel. 

Hermendez Medical is the best hospital in the city, ramdam niya pa lang sa sinabi ng kanyang brother-in-law na si Kenjin na tawagan ang isang government officials ay hindi rin makakatulong sa kanila. Alam niyang walang otoridad ang taong iyon para pagbigyan si Kenjin para sa ward ng kanilang father-in-law. And to get security and safety, he called someone from his family’s people to do a favor.

“Roger, signore. I will do it right away, anything else?” tanong ni Gambino. 

“Iyon lang, Gambino. Tatawagan ulit kita kung meron akong hihingiin. I should go now,” paalam ni Igneel sa tawag. 

Pagkalabas niya sa banyo, bumuntonghininga siya at nagmamasid kung may tao ba sa labas. At nang mapagtantong wala, bumalik siya sa ward. Nang makita nila si Igneel, nagalit na naman sila. 

“Saan ka na naman nanggaling, hampaslupa? Bakit hindi mo gayahin si Kenjin na tumutulong maghanap ng ward, palibhasa wala kang kilalang malalaking tao para hingan mo ng pabor. Napakawalang kwenta,” insulto na naman ni Janette. 

“Nag banyo lang ako—” Hindi natapos ang sasabihin ni Igneel nang tumunog ang phone ni Kenjin. 

Lahat ay nakuha ang attention sa tumunog na cell phone mula kay Kenjin. Sinagot niya ang tawag mula sa section chief ng hospital, lahat ay natuwa maliban kina Aricella at Igneel. Ngunit naging seryoso rin ang lahat nang makitang nagbago ang nakangiting mukha ni Kenjin na tila ba may isang balita na hindi niya nagustuhan.

“Chief, what did you say?” malakas na sigaw ni Kenjin na nagpagulat sa lahat at nagtataka sa biglaang pagsigaw ni Kenjin at pagbago ng reaction. 

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
sana maupdate ito...
goodnovel comment avatar
Charmz1394
kung hindi dahil kay igneel eh di wala ng ngpapalamon sa inio dahil wala na si aricella
goodnovel comment avatar
ANA REYES
next plsssss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status