Share

Addicted to the Imperfect Billionaire
Addicted to the Imperfect Billionaire
Author: Purple Moonlight

Chapter 1.1

SUMASARA NA ANG talukap ng mga mata ni Daviana nang makatanggap siya ng hindi inaasahang tawag mula sa police station. Laking pagtataka ng dalaga dahil halos hatinggabi na iyon. Tamang-tama lang iyon sa kanyang pamamahinga. Kakatapos lang niyang gawin ang research projects. Lumipad sa kung saan ang antok niya nang malaman mula sa kausap na pulis na nasangkot na naman umano sa gulo si Warren Gonzales. Magulo ang pagkaka-kwento ng kausap niyang pulis kung kaya naman hindi niya lubos maintindihan ang tunay na nangyari. Isa pa, kabadong-kabado na siya dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan. Kilala niyang may saltik sa ulo ang lalaki pero hindi naman siguro intensyon na gumawa ng gulo. 

“Jusko ka naman, Warren. Kailan ka ba magtitino ha? Isusumbong na kita sa Mommy mo eh! Wala ka pa ‘ring character development eh ang tanda-tanda mo na!” bulong-bulong niya habang nagdadabog na kinukuha ang kanyang jacket, wallet at cellphone at inilagay iyon sa sling bag niya.

Batid niyang mahihirapan na siyang makabalik sa loob ng dorm oras na lumabas siya ngayon. Curfew na. Isa pa ay maulan din ng mga oras na iyon, may sama ng panahon.

“Hija, saan ka pa pupunta? Gabing-gabi na!” natatarantang harang sa kanya ng caretaker ng kanilang dormitoryo na nagsasara na.

Mahigpit ang caretaker lalo at curfew na. Walang valid ditong rason. Oras na magpilit ka ay tatandaan ka niya at pahihirapan. Memoryado na ni Daviana iyon. Batid din niyang bukas na siya makakabalik sa lugar.

“May importante lang po akong kailangang puntahan. Sige na po, palabasin niyo na ako!” 

“Alam mo naman ang patakaran, oras na lumabas ka ay hindi ka na pwedeng pumasok dahil simula na ng curfew. Ano? Tutuloy ka?” 

“Opo, kailangan ko po talagang lumabas.” marahipit na pagpupumilit pa rin ni Daviana.

Hindi niya pwedeng balewalain si Warren at hayaang abutin ito ng umaga sa loob ng selda. Hindi lang iyon, nag-aalala siya na baka malala ang gulo kaya ito nasa police station. Ang worst pa sa naiisip niya ay baka naka-disgrasya ang lalaki na huwag naman sanang umabot doon. Criminal record iyon na paniguradong ikakabagsak ng pamilya nila.

“Hija, huwag mo sanang masamain pero saan ka pa ba pupunta? Masama ang lagay ng panahon. Nagpahinga lang ang ulan. Kung hindi naman importante ay—”

“Hindi niyo po ako naiintindihan. Sinabi ko na nga pong kailangan kong lumabas dahil importante. Alin po ba doon ang mahirap maunawaan? Hindi naman po ako magpipilit lumabas kung wala lang ito. Kilala niyo po ako since day one noong freshman ako. Emergency lang po talaga kaya lalabas ako!” mangiyak-ngiyak ng wika ni Daviana dito. 

Unti-unting binuksan ng may edad ng babae ang gate ng dormitory na tapos na niyang isara. Hinayaan ng lumabas dito ang dalaga.

“Ang mga college students nga naman ngayon, ang titigas na ng ulo. Ang gagaling na rin magsinungaling para makuha lang ang gusto. Ibang-iba na sila noong unang panahon na ang titino at hindi mapapalabas sa dis-oras ng gabi. Hindi na rin sila masabihan dahil ayaw ng makinig sa matatanda na para rin naman sa kaligtasan nila. May sarili na silang mga desisyon sa buhay na akala nila ay madali lang kapag nagkamali. Wala na rin silang respeto sa kanilang mga sarili.” pasaring pa ng matanda na hindi na lang pinansin doon ni Daviana. 

Hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoo dahil baka mamaya ay makarating pa iyon sa kanilang mga magulang. Pagod na rin siyang paulit-ulit na magpaliwanag. Hindi rin naman nito maiintindihan ang nararamdaman niya kahit na pilitin niya pa. Nagmamadali na siyang lumabas ng building kahit na umaambon na naman, pumara siya ng taxi upang magtungo ng police station. 

“Excuse me...” kuha niya ng atensyon ng mga police na naroon, “Narito po ako para kay Warren Gonzales.” kabadong sambit niya. 

Kinausap siya ng nasa front desk at sinabi sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Nag-fill up siya ng form at naglabas din ng pera. Mabuti na lang at nasa kanya ang secret savings ni Warren na pwede niyang kunin in case na may mga ganitong sitwasyon. Ang lalaki rin ang nagpro-provide ng laman nito. 

“Miss, ano ang relasyon mo kay Warren Gonzales?” interesado ng tanong ng police officer na tumanggap ng sinulatang form.

Nagkaroon ng bahagyang pag-aalinlangan sa inosenteng mukha si Daviana. Nahahati ang isip niya kung magsasabi siya ng totoo dito.

“Kaibigan niya po. Magkaibigan na kami mula mga bata pa lang kami.” sagot niyang hindi na piniling magsinungaling at sabihin na siya ang soon to be wife or fiance ng lalaki.

Matalik na magkaibigan ang mga ninuno ng kanilang mga pamilya. Nagsimula iyon sa kanilang mga Lolo na biruan lang sa simula. Nagkasundo sila na ipapakasal ang kanilang mga apo kapag nasa takdang panahon na. Hindi naman iyon tinutulan ng kanilang mga magulang. Tinanggap nila ng maluwag sa puso ang plano na ipapakasal ang mga bata kapag nasa hustong edad na at nakapagtapos na rin ng kanilang pag-aaral. Seneryoso iyon ng dalawang pamilya at maging ni Daviana na mula pagkabata ay alam niya na ang magiging kapalaran niya sa pag-aasawa. Si Warren lang ang magulo sa kanilang kausap. Hindi maintindihan kung gusto ba siya nito o hindi. Kapag tatanungin ng kanilang mga magulang, hindi nito masabi ang kanyang gusto kaya minsan naiisip niyang napipilitan lang ito. Bagama’t natanggap na rin ni Daviana ang lahat ng iyon, hindi niya pa rin tahasang masabi na fiancee siya ng lalaki. Ang palagi lang niyang nababanggit ay dahil magkaibigan sila halos sabay na ‘ring lumaki.

“Iisa lang kasi ang numerong nakalagay sa kanyang emergency contact sa cellphone at iyon ay ang number mo lang kaya ang buong akala namin ay kapamilya ka o girlfriend.” gulantang ang mukha ng police officer ng sabihin niya iyon habang matamang nakatingin sa kanya. “Para sa iyong kaalaman din Miss, kung kaya namin siya hinuli ay dahil gumawa siya ng malaking gulo sa loob ng bar. May report na ang buong pangyayari. Sabi niya ay self defense lang daw at pagtatanggol lang niya iyon sa kasintahan na napag-tripan ng kapwa babae niya sa loob mismo ng bar. Napag-tripan ng magtungo ito ng banyo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status