NAIKILING NI DAVIANA ang kanyang ulo sa narinig. Para siyang nabingi at nagkaroon saglit ng mental block. Imposible iyon. Baka namali lang ng pagkaintindi ang pulis sa dahilan ng gulong sumiklab sa bar.
“A-Ano hong sinabi niyo? K-Kasintahan? Iyon ang dahilan ng gulo?” paglilinaw niya pa, binalewala na ang iba pang sinabi ng pulis na kanyang kaharap.
“Oo, Miss na ayon dito sa report ang pangalan ng girlfriend niya ay Melissa Abalos.” kumpirma ng police officer, na nagpaawang pa nang bahagya sa bibig ni Daviana. Estranghero sa kanya ang pangalang iyon. Ibig sabihin ay ngayon lang niya narinig. “Noong nagtungo raw sila ng bar ay may nakaalitan na sa labas pa lang itong girlfriend niya na kapwa bar hoppers. Naapakan yata sa paa. Di naman sadya. Ayon napikon si Warren Gonzales nang makita niyang biglang sinabunutan ang nobya. Hinampas niya ba naman sa ulo ng bote ng alak iyong babae. Mali siya dito, Miss eh. Babae pa rin iyon eh. Hindi sana niya pinatulan. Iba pa naman ang lakas ng lalaki sa babae.” bahagyang napailing ang police officer, gulat na gulat pa rin doon si Daviana dahil hindi ganun ang pagkakakilala niya kay Warren. “Sobrang lala ng tama ng babae, nasa hospital pa siya hanggang ngayon para sumailalim sa surgery sa ulo. Nagreklamo rin ang bar dahil sa danyos at gulong nilikha niya doon. Bukas ay malalaman mo sa kanila mismo kung ano ang tunay talagang nangyari dahil pupunta dito ang Manager para makipag-usap, kung ano talaga ang nangyaring kaguluhan. May CCTV rin sila kaya wala talagang kawala ang kaibigan mo. Uunahan na kita Miss, maaaring makasuhan dito ang kaibigan mo dahil sa gulong kanyang nilikha. Sinasabi ko lang para naman handa kayo.”
Hindi na inintindi ni Daviana ang ibang detalye. Nag-hang ang isipan niya doon sa part na may girlfriend ito. Araw-araw silang magkausap at nagkikita, ngunit ni minsan ay hindi nito nabanggit iyon sa kanya. Nakakapagtampo sa part niya. Hindi niya rin tuloy mapigilang ma-confuse sa ginawa nito.
“Totoo ba? May girlfriend siya?” muli pang tanong ng dalaga sa kawalan.
Matapos na makumpleto ang mga kailangan ay inilabas na ng mga police si Warren sa pinaglalagyang selda. Nang dumapo ang mga mata ng dalaga sa kanya ang una niyang nakita ay ang sariwa pang sugat nito sa kanyang noo. Sa tantiya niya at tatlong centimeter ang haba noon. Halata iyon sa mukha niya. Napahinga na nang malalim si Daviana. Hindi rin iyon ang unang pagkakataon na napalaban ang binata. Marami siyang history ng pakikipagbasag-ulo na maaaring ma-traced noong nasa Junior High pa sila. Palibhasa galing sa mayamang pamilya at makapangyarihan kung kaya naman spoiled siyang lumaki. Balewala na lang din sa kanya ang lahat kahit pa masira ang kanyang pangalan. Palagi naman siyang nakakalusot doon kahit pa sabihing nadudungisan noon ang reputasyon ng pamilya nila at apelyido. Matagal ng nawala sa kanyang bokabularyo ang salitang takot at kahihiyan dahil sa sanay na siya.
“Viana…” malambing na tawag nito sa kanyang palayaw na animo ay nagsusumbong na bata. “Buti pumunta ka…”
Hindi pa gaanong nakaka-recover sa mga natuklasan niya si Daviana kung kaya naman tulala pa rin ito. Nanatili ang kanyang mga mata sa sugat ng lalaking nasa kanyang noo. Gusto niya sanang unang itanong sa lalaki ay kung masakit ba ang sugat nito at kailangang dalhin siya sa hospital para matingnan iyon, ngunit agad na nagbago ito nang lumabas na iyon sa kanyang bibig.
“Sino si Melissa Abalos?”
Gulantang ang emosyong rumihistro sa mukha ni Warren nang marinig ang tanong na iyon. Maya-maya ay inakbayan na niya si Daviana na balewala na lang sa kanila. Iginiya na siya nito papalabas ng police station.
“Tara na, Viana. Sa labas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa kanya.”
Hindi naman doon tumutol ang dalaga na nagpatangay sa pag-giya nito palabas ng estasyon ng pulis. Agad na niyakap ang kanilang katawan ng malamig na ihip ng hangin. Kakatapos lang noon ng malakas na buhos ng ulan kung kaya naman malamig pa rin ang simoy ng hangin. Laking pagsisisi ni Daviana na ang manipis na jacket lang ang kanyang nadala. Pakiramdam niya kahit suot iyon ay nanunuot ang lamig sa pinakailalim ng mga buto. Payat ang katawan niya kung kaya naman walang tabang sasangga dito.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Daviana nang tumawid sila ng kalsada at tinutumbok na ang hotel sa harapan lang ng police station, ayaw niyang mag-isip ng masama pero biglang kinabahan na siya doon.
“Mag-uusap.”
Wala ng panahon para mag-atubili at mag-isip ng kung anu-ano ay walang imik na lang na sinundan ni Daviana si Warren. Interesado siya kay Melissa kaya dapat niyang malaman ang tungkol dito. Niyakap na lang niya ang kanyang sarili at nilabanan ang walang patawad na halik ng malamig na ihip ng hangin. Nakahinga ng maluwag ang dalaga nang makapasok na sila sa lobby ng hotel at mabawasan na ang lamig na dala ng hangin sa labas. Nanginginig ang labing minasahe niya ang mga daliri sa mga kamay.
“Melissa Abalos is my girlfriend, Viana.” panimula ni Warren na dire-diretsong nagtungo sa tapat ng elevator na ipinagtaka na ng dalaga dahil hindi sila dumiretso sa front desk ng hotel para kumuha ng room, “Plano ko naman talaga siyang ipakilala sa’yo kaya lang nangyari naman ang ganito. Nasa itaas siya. Doon sa room na kinuha namin dito kanina. Nagpapahinga na. Tara.”
Manhid pa ang pakiramdam ni Daviana hanggang makalabas sila ng elevator sa palapag kung nasaan ang room ni Melissa. Pakiramdam niya ay nanigas ang kalamnan niya at mga kasu-kasuan sa sobrang lamig.
“Ganun naman pala, kasama mo naman ang girlfriend mo bakit hindi na lang siya ang pinag-asikaso mo ng pagpiyensa sa’yo? Bakit kailangang ako pa ang bulabugin mo gayong alam mo namang malayo ako at curfew na?”
Gusto niyang iparamdam dito ang nagtatampo niyang sentimyento, ngunit masyadong manhid si Warren kung kaya naman hindi niya mahuhulaan na ganun ang kanyang nararamdaman ng sandaling iyon.
“Sorry, Viana kung naistorbo kita. Sobrang natakot kasi si Melissa sa nangyari sa bar kaya hindi ko na rin pinilit na siya ang mag-asikaso sa akin. Isa pa, sobrang lamig at ang lakas din ng buhos ng ulan kanina.”
SUMIKLAB PA LALO ang naramdamang tampo ni Daviana kay Warren dahil sa tono at meaning ng sinabi nito. Nais na nga niya itong palakpakan sa pagiging mabait nito, sa ibang tao nga lang iyon. Nakahanda siyang isakripisyo nito para lang sa pansariling kapakanan. Ano pa nga bang magagawa niya? Tapos na rin naman at kung mag-aalboroto siya, wala na rin namang silbi iyon. Nagawa na niyang magpauto sa kanya.“Maraming salamat nga pala sa pagpunta. Sabi ko na eh, hindi mo ako matitiis. Huwag kang mag-alala, babawi ako sa'yo kapag naging maayos na ang lahat. Salamat sa palaging pagtulong mo sa akin, ha?” Kagaya ng malamig na klima sa labas, parang ganun ang naramdaman ni Daviana sa puso niyang yumakap. Malinaw na walang pakialam sa kanya si Warren, kahit pa siya ay magkasakit ‘wag lang ang kanyang girlfriend. At bulag siya sa katotohanang iyon.“Sige. Ayos lang.” Kumatok sa pintuan ng silid na tinigilan nila si Warren. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at isang bulto ng babae ang lumabas. Wal
MAHILIG MAGLARO SA iba’t-ibang larangan si Warren noong ito ay bata pa. Hilig nitong mag-rides ng bike na kung saan-saan nakakarating at kabisadong mabuti na iyon ni Daviana. Mahilig din ito sa musika. Pang-atleta rin ang katawan nito kung kaya naman hindi ito basta na lang masasaktan sa mga natamo. Inaasahan ng kanyang ama na mag-aaral siya ng masteral sa ibang bansa at pagbalik ay mamanahin na niya ang kanilang family business. Subalit, matapos na maka-graduate ng college ay hindi nito sinunod ang gusto ng ama. Nanatili ito sa bansa at nagsimulang sumali sa mga racing, mapa-kabayo man iyon o sasakyan. Minsan nga sumasali pa ito sa mga endurance na para kay Daviana ay sobrang napakadelikado.“Hindi iyan, huwag kang kabahan.” palaging sagot nito kapag pinapaalalahanan ni Daviana, wala namang magawa doon ang dalaga kung hindi ang ibigay na lang ang kanyang hilig. “Magtiwala ka lang sa akin.”Lahat ay kinabaliwan ni Warren laruin, maliban na lang sa babae kung kaya naman nagtataka pa ri
HINDI NA NAGULAT pa si Rohi sa nalaman niya. Kilalang-kilala niya ang kapatid sa ama mula pagkabata. Basagulero at takaw-gulo talaga ang half-brother niya kahit na noon pang mga bata sila. Worst, ito ang madalas na nagsisimula ng gulo at aastang siya ang biktima ng kaguluhang iyon. Hindi niya masisi ang kapatid, pinalaki rin naman siya sa layaw at ang lahat ng naisin niya ay nakukuha. Bagay na malamang na hanggang sa pagbibinata nito ay dala-dala. Wala naman siyang say doon, ito pa rin ang lihitimong anak. Dala man niya ang apelyido ng ama, hindi maiaalis na siya pa rin ang outsider sa kanilang dalawa.“Kung ganun ay nasaan siya? Bakit mag-isa ka lang? Huwag mong sabihin na iniwan ka niya matapos mo siyang tulungan?” alanganing tanong ni Rohi nang hindi masasaktan ang kanyang babaeng kaharap. “Oo, eh. Kasama ang girlfriend niya. Nag-booked sila ng hotel room malapit doon sa police station.” sagot ni Daviana sa tonong sobrang nasasaktan, hindi niya alam kung bakit ang bilis niyang map
HINDI ALAM NI Daviana kung ano ang kahulugan ng salitang makalat at malinis sa binata. Ni isa naman ay wala siyang makitang kalat sa loob ng suite nito na hindi niya alam kung gaano na katagal tinitirhan ni Rohi. Pinagmasdan niyang hubarin ng lalaki ang suot nitong sapatos na panlabas matapos na isabit sa gilid ang bitbit niyang payong. Sinuot na nito ang pambahay niyang tsinelas. Ilang minutong nilingon siya nito matapos na gawin ang bagay na iyon na para bang mayroon itong nakitang problema sa bulto niya.“Pasensya na ulit, walang babaeng nakatira dito kaya naman iisa lang ang pangbahay na tsinelas. Huwag kang mag-alala, magpapadala ako dito mamaya sa utility ng hotel para naman mayroon kang masuot.” “Ayos lang. Huwag ka ng mag-abala pa. Isang gabi lang naman akong mamamalagi dito.” kumpas ni Daviana ng isang kamay upang pigilan ang binata sa kanyang pina-plano, iyong bigyan siya nito ng higaan at matutuluyan ng gabing iyon ay sapat na sa kanya. “Ayos lang naman ang mga paa ko, Roh
MABUTING TAO SI Daviana pero naniniwala siya na ang pinakapangit na nagawa niyang desisyon sa buhay ay ang maging kakampi ni Warren noong sila ay mga bata pa. Hindi lang sa bahay ng pamilya Gonzales pangit ang trato kay Rohi dahil maging sa kanilang paaralan ay naging tampulan siya ng tukso ng kanilang mga kapwa estudyante. Nang dahil iyon sa pangalang inaalagaan ni Warren sa kanilang school. Masyado siyang popular at iginagalang. Kapag may inutusan siyang gawing masama ang mga kaklase, walang reklamo silang sumusunod agad dito nang hindi sila ang mapag-initan at mapagbalingan ng galit. Ang hindi makakalimutan ni Daviana ay nang minsang hindi sinasadyang mabangga siya ni Rohi. Aaminin niya, siya ang may kasalanan noon dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan.“Warren, hindi siya ang may kasalanan—”“Huwag kang makialam, Viana. Kailangang bigyan iyan ng leksyon para alam niya kung saan siya dito lulugar! Sampid!”“Pero Warren, hindi nga—” Bago pa muling makapag-react si Daviana ay ib
HINDI PA RIN SIYA pinansin ni Rohi na tuloy lang sa kanyang pagkain. Sa loob nito ay ang daldal pa rin ng dalaga. Wala itong kupas kagaya noong mga bata pa lang sila. At natutuwa siyang malaman niya iyon.“Whoa! Sobrang nabusog ako. Salamat sa almusal, Rohi. Huwag kang mag-alala, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay babawi ako sa’yo. Saan mo gusto? Gusto mong kumain tayo diyan sa Seaside Tapsi? Treat ko.” aniyang hinaplos pa ang busog na tiyan matapos na isandal ang kanyang likod sa upuan.“Sige. Bahala ka.” sagot ni Rohi na pinupunasan na ang kamay sa hawak niyang tissue. Ang buong akala ni Daviana ay tatanggihan siya ng binata, ngunit laking gulat niya ng pumayag ito agad. Hindi niya rin lubos maisip na after noon ay papayag pa itong magkaroon ng contact sa kanya na bully niya. Parang nagbago na ngang yata ang binata at medyo nae-excite siya na mas makilala pa siya.“Talaga? Payag ka?”“Dapat bang tanggihan ko?” balik-tanong nitong seryoso ang tinig at nakatitig na sa kanya. “Hin
MAGKASAMANG BUMABA ANG dalawa ng silid matapos ang kanilang maikling usapan. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan habang nasa loob ng elevator. Walang sinuman ang nagtangkang magsalita.“Kailangan mo pa bang ihatid kita?” Hindi na komportable ang pakiramdam ni Daviana na abalahin pa si Rohi, itinaas niya ang kamay ay iwinagayway iyon sa kanya. “Hindi na kailangan, sasakay na lang ako ng taxi.”“Sige, ingat ka na lang pauwi.”Tumalikod na si Daviana at naramdaman na hindi na siya giniginaw sa suot niyang jacket. Maliit na siyang napangiti doon. Isang sulyap pa ang kanyang iniwan kay Rohi bago tuluyang humakbang patungo ng taxi stand upang humanap ng masasakyan. Ilang hakbang pa lang ang layo niya doon nang matigilan dahil mayroon siyang naalala. Ang birthday ni Rohi. Sa kanyang malabong balintataw ay paniguradong summer ang buwang iyon. Summer din kasi noong umalis ito ng mansion ng mga Gonzales, dahil hindi niya na makayanan ang pambu-bully sa school at pagpaparusa ng pangalawa
LAKING PAGSISISI NI Daviana. Mabuti pa na hindi na lang niya sinabi iyon sa kaibigan dahil ang daming naging komento nito. Nagpabigat pa iyon sa puso ng dalaga. Naramdaman na niya ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata nang dahil sa luha. Kinagat niya na ang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ng sandaling iyon ay ang tang-tanga niya. “Daviana, alam mo maganda ka kaya hindi ka dapat ginaganyan. Hayaan mo na ang Warren na iyon. Baka naman past time niya lang ang babae tapos ikaw pa rin naman ang papakasalan niya sa bandang huli. Huwag mo ng isipin pa iyon.”Marahang iniiling ni Daviana ang kanyang ulo. Hindi niya na rin alam kung ano ang iisipin pa dito.“Hindi ko alam Anelie, pero parang mahal talaga siya ni Warren eh. Iba ang kinang ng mata niya habang nakatingin sa babaeng iyon. Basta. Hindi ko ma-explain sa’yo kung paano.” Hindi na alam ni Daviana kung ano ang iisipin niya. Pareho sila ng school noon ni Warren noong high school at hindi siya sweet sa ibang tao. Sa kanya lang