LAKING PAGSISISI NI Daviana. Mabuti pa na hindi na lang niya sinabi iyon sa kaibigan dahil ang daming naging komento nito. Nagpabigat pa iyon sa puso ng dalaga. Naramdaman na niya ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata nang dahil sa luha. Kinagat niya na ang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ng sandaling iyon ay ang tang-tanga niya. “Daviana, alam mo maganda ka kaya hindi ka dapat ginaganyan. Hayaan mo na ang Warren na iyon. Baka naman past time niya lang ang babae tapos ikaw pa rin naman ang papakasalan niya sa bandang huli. Huwag mo ng isipin pa iyon.”Marahang iniiling ni Daviana ang kanyang ulo. Hindi niya na rin alam kung ano ang iisipin pa dito.“Hindi ko alam Anelie, pero parang mahal talaga siya ni Warren eh. Iba ang kinang ng mata niya habang nakatingin sa babaeng iyon. Basta. Hindi ko ma-explain sa’yo kung paano.” Hindi na alam ni Daviana kung ano ang iisipin niya. Pareho sila ng school noon ni Warren noong high school at hindi siya sweet sa ibang tao. Sa kanya lang
NANG SUMAPIT ANG gabi ay hindi makatulog si Daviana sa kakaisip ng mga nangyari. Hindi niya rin mapigilang alalahanin ang kanilang nakaraan na nakalipas na. Ganung panahon noong magsimulang ma-adik si Warren sa horseback riding. Hindi iyon alam ng kanyang mga magulang. At noong nakaraang taon lang nang sumali siya sa racing at hindi sinasadya siyang nahulog doon. Halos humadusay sa lupa si Daviana sa sobrang pag-aalala sa binata. Takot na takot siyang baka mapahamak ito nang hindi alam ng kanyang mga magulang. Nang maisakay siya sa ambulance, nakita niya na nababalot ng dugo ang kanyang ulo. Ang isip ni Daviana ay baka mamatay na doon ang binata, hindi lang siya ang nag-iisip noon dahil maging si Warren ay iyon din ang tumatakbo sa kanyang isipan. Bago tuluyang sumara ang kanyang mga mata ay idinilat niya iyon at mahinang tinawag ang pangalan ni Daviana.“V-Via-na…” paputol-putol nitong tawag sa kanyang pangalan.Nagkukumahog na lumapit sa kanya ang dalaga noon habang umiiyak. Nanlala
PINAGBUKSAN SIYA NG isa sa mga katulong ng pamilya Gonzales. Agad na nagliwanag ang mukha nito nang makita siya at napalitan ng saya ang kanyang mukha. Alam na ni Daviana ang meaning noon. “Viana, mabuti naman at narito ka. Kailangan mong kausapin si Madam. Hindi mo ba alam na buong magdamag ng nakaluhod si Warren sa lumang silid. Ikinulong siya nila doon. Hindi pa siya doon pinapalabas. Kung magpapatuloy ito, paano kakayanin ng mura niyang katawan ang lahat ng iyon? Hindi rin siya pinakain ng hapunan. Hindi rin siya pinadalhan kahit na isang basong tubig lang. Ang lupit nila.” Sa tingin ni Daviana ay sobrang ginalit niya ang mga magulang doon. Hindi naman ganuna ng trato nila sa kanya. Baka napuno na lang ang mga ito dahil sa nagawa niyang kasalanan. Nagmamadaling pinapasok ni Daviana ang kanyang sarili nang marinig iyon. Bagamat maayos na ang pakiramdam ni Warren, isang taon pa lang halos ang lumilipas mula ng mahulog ito sa kabayo. Nakaluhod siya buong magdamag, operada pa naman
MARAHANG UMILING NA lang si Daviana. Batid niyang kaunti pa lang ang sinabi ng ina ni Warren sa kanya. Kumbaga ay mabait pa ito sa kanya. Kung sa ibang magulang iyon ay baka niratrat na siya nito at pinaulanan ng masasakit na mga salita dahil naging bad influence siya sa anak nito. Iyon ang pagkakaalam niya na siya ang maging dahilan kung bakit napaaway ang kanilang anak, malamang talagang magagalit ito sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Siya na naman ang masama sa Ginang. Kung pwede lang bawiin niya ang lahat at sabihin ang totoo, ginawa niya na sana iyon. Kung tutuusin nga ay pinigilan pa ng Ginang na magalit sa dalaga, dahil kung hindi ay hindi lang iyon ang inabot nito ni Daviana. Ganunpaman ay hindi mawawala na sumama ang loob ng dalaga, hindi sa Ginang kundi kay Warren na pinabayaan na nga siya ng nagdaang gabi gusto pa nitong akuin niya ang lahat. Kasalanan din naman niya, pinamihasa niya itong ang lahat ay nakukuha. Hindi lang iyon, pinaramdam niya ditong palagi siya
BAGO PA MAGTANGHALI ay narinig ni Daviana na may pumasok ng bahay nila. Hindi niya alam kung sino ang dumating pero bumukas ang pintuan ng bahay nila sa ibaba. Bukas ang pinto ng kanyang silid kung kaya naman dinig niya iyon. Tumayo siya upang bumati sa kanila dahil narinig niyang ang mga magulang niya pala iyon, ngunit bago pa man siya makababa at magpakita sa kanila; nagsimula na ang kanilang malakas na pagtatalo. Naudlot sa tangkang pagbaba si Daviana. Pinakinggan kung ano na naman ang ugat ng kanilang pag-aaway. “Wala ka na bang ibang alam na gawin buong araw Nida, kung hindi ang magpa-ganda? Matanda ka na! Hindi mo na kailangan iyang derma-derma na iyan!” bulyaw ng ama niyang si Danilo na halata sa boses na nasa ilalim ng espiritu ng alak, “Ang daming trabaho sa kumpanya! Hindi mo man lang ako damayan sa mga problema. Wala kang ibang iniisip kung hindi ang sarili mo at ang lintik mong mukha at balat!” Napatayo na si Nida mula sa inuupuan niyang sofa. Mula sa bagong manicure na
NANG MULI SIYANG bumaba ng hagdan ay naabutan niya sa living room ang ama. Umahon na ito ng upuan nang makita siya. Hindi sila nito gaanong nagpapansinan kung kaya naman normal na iyon sa dalaga na minsang magtama lang ang kanilang mata. Mabibilang sa daliri sa kamay kung kailan siya nito kinakausap sa loob ng isang buwan. Ngunit ng araw na iyon ay ito ang nagpakita ng kagustuhang makausap siya. Nang harangin siya nito bago pa man makalabas ng main door ng kanilang tahanan.“Pabalik ka na ng dorm?”Walang interes tumango lang si Daviana. Hindi niya man tahasang sabihin pero nakikita iyon sa mukha. “Kalahating taon na lang at ga-graduate ka na hindi ba?” Muling tumango si Daviana. Hindi niya alam kung ano ang pinupunto ngayon ng ama. Wala naman itong pakialam sa kanya, at lalo na sa pag-aaral niya kung kaya naman palaisipan sa kanya ang bagay na iyon. “Kumusta ang pakikitungo mo kay Warren?” Nang tanungin iyon ay nahulaan na ni Davian kung saan patungo ang kanilang usapan. Matalino
TULALA AT PARANG wala sa sarili si Daviana sa paglabas niya ng gate ng kanilang bahay ng sandaling iyon. Prino-proseso pa rin ng naguguluhang isipan niya ang mga sinabi ng kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na isang araw ay maririnig niya iyon mula dito. Sa mga sandaling iyon ay labo-labo na ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nanatiling nakatungo rin ang kanyang ulo, ilang beses pang binabalikan ang salita ng kanyang ama sa balintataw. Naririnig niya pa ang timbre ng boses nito na pinipilit siyang gawin ang isang bagay na alam ng dalagang mahihirapan siya. Ni minsan ay hindi rin kayang sumagot sa mga matatanda ni Daviana kahit na mali sila at may opinyon siya, kung kaya naman ang buong akala ng mga taong nasa paligid niya ay ang tino niyang babae at kayang utuin lang. Ang hindi nila alam ay malalim ang dahilan noon kung bakit siya napaka-masunurin sa kung anong gusto nila at sinasabi nila.“Dapat hindi na lang ako pumasok sa bahay.” sising-sisi ang tono ng kanyang boses.Tandang-tanda
DISMAYADONG UMILING si Rohi na iba ang nais na marinig mula kay Daviana. Ikinatahip na iyon ng puso ng dalaga. Bigla siyang natakot kay Rohi dahil parang hindi siya pwedeng magsabi ng kasinungalingan dahil sa bandang huli ay malalaman din nito kung ano ang katotohanan sa hindi. “Wala kang kinuhang gamit, Daviana. Umuwi ka lang para magmakaawa at pagtakpan ang kasalanan ni Warren sa pamilya niya.” tahasan nitong turan, hindi alam ni Daviana kung paano nito nagawang sabihin iyon sa kanya. “Tinulungan mo siyang makalusot dahil sinalo mo na naman ang kasalanan ng iba.”Panandaliang nagkaroon ng mental block si Daviana sa naging akusasyon ni Rohi. Hindi niya alam kung ano ang iisipin ngayon sa sinabi nito. Palaisipan pa rin kung paano niya nalaman na iyon talaga ang dahilan ng pag-uwi niya? Nakita kaya siya nito kanina na nanggaling sa bahay ng mga Gonzales? Imposible naman iyon. Ano ito, stalker niya? Kailangan na ba niyang matakot sa mga sinasabi nito?“Rohi, mali ka ng iniisip. Hindi k