PINAGBUKSAN SIYA NG isa sa mga katulong ng pamilya Gonzales. Agad na nagliwanag ang mukha nito nang makita siya at napalitan ng saya ang kanyang mukha. Alam na ni Daviana ang meaning noon. “Viana, mabuti naman at narito ka. Kailangan mong kausapin si Madam. Hindi mo ba alam na buong magdamag ng nakaluhod si Warren sa lumang silid. Ikinulong siya nila doon. Hindi pa siya doon pinapalabas. Kung magpapatuloy ito, paano kakayanin ng mura niyang katawan ang lahat ng iyon? Hindi rin siya pinakain ng hapunan. Hindi rin siya pinadalhan kahit na isang basong tubig lang. Ang lupit nila.” Sa tingin ni Daviana ay sobrang ginalit niya ang mga magulang doon. Hindi naman ganuna ng trato nila sa kanya. Baka napuno na lang ang mga ito dahil sa nagawa niyang kasalanan. Nagmamadaling pinapasok ni Daviana ang kanyang sarili nang marinig iyon. Bagamat maayos na ang pakiramdam ni Warren, isang taon pa lang halos ang lumilipas mula ng mahulog ito sa kabayo. Nakaluhod siya buong magdamag, operada pa naman
MARAHANG UMILING NA lang si Daviana. Batid niyang kaunti pa lang ang sinabi ng ina ni Warren sa kanya. Kumbaga ay mabait pa ito sa kanya. Kung sa ibang magulang iyon ay baka niratrat na siya nito at pinaulanan ng masasakit na mga salita dahil naging bad influence siya sa anak nito. Iyon ang pagkakaalam niya na siya ang maging dahilan kung bakit napaaway ang kanilang anak, malamang talagang magagalit ito sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Siya na naman ang masama sa Ginang. Kung pwede lang bawiin niya ang lahat at sabihin ang totoo, ginawa niya na sana iyon. Kung tutuusin nga ay pinigilan pa ng Ginang na magalit sa dalaga, dahil kung hindi ay hindi lang iyon ang inabot nito ni Daviana. Ganunpaman ay hindi mawawala na sumama ang loob ng dalaga, hindi sa Ginang kundi kay Warren na pinabayaan na nga siya ng nagdaang gabi gusto pa nitong akuin niya ang lahat. Kasalanan din naman niya, pinamihasa niya itong ang lahat ay nakukuha. Hindi lang iyon, pinaramdam niya ditong palagi siya
BAGO PA MAGTANGHALI ay narinig ni Daviana na may pumasok ng bahay nila. Hindi niya alam kung sino ang dumating pero bumukas ang pintuan ng bahay nila sa ibaba. Bukas ang pinto ng kanyang silid kung kaya naman dinig niya iyon. Tumayo siya upang bumati sa kanila dahil narinig niyang ang mga magulang niya pala iyon, ngunit bago pa man siya makababa at magpakita sa kanila; nagsimula na ang kanilang malakas na pagtatalo. Naudlot sa tangkang pagbaba si Daviana. Pinakinggan kung ano na naman ang ugat ng kanilang pag-aaway. “Wala ka na bang ibang alam na gawin buong araw Nida, kung hindi ang magpa-ganda? Matanda ka na! Hindi mo na kailangan iyang derma-derma na iyan!” bulyaw ng ama niyang si Danilo na halata sa boses na nasa ilalim ng espiritu ng alak, “Ang daming trabaho sa kumpanya! Hindi mo man lang ako damayan sa mga problema. Wala kang ibang iniisip kung hindi ang sarili mo at ang lintik mong mukha at balat!” Napatayo na si Nida mula sa inuupuan niyang sofa. Mula sa bagong manicure na
NANG MULI SIYANG bumaba ng hagdan ay naabutan niya sa living room ang ama. Umahon na ito ng upuan nang makita siya. Hindi sila nito gaanong nagpapansinan kung kaya naman normal na iyon sa dalaga na minsang magtama lang ang kanilang mata. Mabibilang sa daliri sa kamay kung kailan siya nito kinakausap sa loob ng isang buwan. Ngunit ng araw na iyon ay ito ang nagpakita ng kagustuhang makausap siya. Nang harangin siya nito bago pa man makalabas ng main door ng kanilang tahanan.“Pabalik ka na ng dorm?”Walang interes tumango lang si Daviana. Hindi niya man tahasang sabihin pero nakikita iyon sa mukha. “Kalahating taon na lang at ga-graduate ka na hindi ba?” Muling tumango si Daviana. Hindi niya alam kung ano ang pinupunto ngayon ng ama. Wala naman itong pakialam sa kanya, at lalo na sa pag-aaral niya kung kaya naman palaisipan sa kanya ang bagay na iyon. “Kumusta ang pakikitungo mo kay Warren?” Nang tanungin iyon ay nahulaan na ni Davian kung saan patungo ang kanilang usapan. Matalino
TULALA AT PARANG wala sa sarili si Daviana sa paglabas niya ng gate ng kanilang bahay ng sandaling iyon. Prino-proseso pa rin ng naguguluhang isipan niya ang mga sinabi ng kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na isang araw ay maririnig niya iyon mula dito. Sa mga sandaling iyon ay labo-labo na ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nanatiling nakatungo rin ang kanyang ulo, ilang beses pang binabalikan ang salita ng kanyang ama sa balintataw. Naririnig niya pa ang timbre ng boses nito na pinipilit siyang gawin ang isang bagay na alam ng dalagang mahihirapan siya. Ni minsan ay hindi rin kayang sumagot sa mga matatanda ni Daviana kahit na mali sila at may opinyon siya, kung kaya naman ang buong akala ng mga taong nasa paligid niya ay ang tino niyang babae at kayang utuin lang. Ang hindi nila alam ay malalim ang dahilan noon kung bakit siya napaka-masunurin sa kung anong gusto nila at sinasabi nila.“Dapat hindi na lang ako pumasok sa bahay.” sising-sisi ang tono ng kanyang boses.Tandang-tanda
DISMAYADONG UMILING si Rohi na iba ang nais na marinig mula kay Daviana. Ikinatahip na iyon ng puso ng dalaga. Bigla siyang natakot kay Rohi dahil parang hindi siya pwedeng magsabi ng kasinungalingan dahil sa bandang huli ay malalaman din nito kung ano ang katotohanan sa hindi. “Wala kang kinuhang gamit, Daviana. Umuwi ka lang para magmakaawa at pagtakpan ang kasalanan ni Warren sa pamilya niya.” tahasan nitong turan, hindi alam ni Daviana kung paano nito nagawang sabihin iyon sa kanya. “Tinulungan mo siyang makalusot dahil sinalo mo na naman ang kasalanan ng iba.”Panandaliang nagkaroon ng mental block si Daviana sa naging akusasyon ni Rohi. Hindi niya alam kung ano ang iisipin ngayon sa sinabi nito. Palaisipan pa rin kung paano niya nalaman na iyon talaga ang dahilan ng pag-uwi niya? Nakita kaya siya nito kanina na nanggaling sa bahay ng mga Gonzales? Imposible naman iyon. Ano ito, stalker niya? Kailangan na ba niyang matakot sa mga sinasabi nito?“Rohi, mali ka ng iniisip. Hindi k
KAGAYA NG DATI, walang anumang sinabi doon si Rohi. Ni hindi niya sinalungat ang mga paratang nito. Natatakpan na ng bulto ng katawan ni Warren ang mukha ni Daviana kung kaya naman binawi na lang ni Rohi ang tingin dito. Tumalikod na siya sa dalawa at walang imik na lang na umalis. Nakita iyon ni Daviana, akmang pipigilan niya sana si Rohi dahil hindi pa sila tapos mag-usap nang pigilan naman siya ni Warren na gawin iyon. Bakas pa rin ang umaatikabong matinding galit sa kanyang mukha kay Rohi. “Ayos ka lang ba? May ginawa ba siyang masama sa’yo?” parang maamong tupang pag-che-check na ni Warren sa hitsura ni Daviana, “Binantaan ka ba niya? Sabihin mo sa akin. Huwag kang matakot.” Huminga lang nang malalim si Daviana. Punong-puno na sa pagiging OA ni Warren sa kanyang harapan. “Huwag ka ngang OA, Warren!” waglit niya sa pagkakahawak nito sa kanyang isang braso, namumuo na naman ang inis niya dito. “Ano namang gagawin niya sa akin dito na ang daming taong makakakita?”Napahinga na n
SA DAMI NG tao sa paligid ay hindi na nagawa pang magreklamo ni Daviana at ilabas ang kanyang sama ng loob. Marami ang makakarinig oras na gawin niya. Madalas na walang pakialam si Warren ngunit ng mga sandaling iyon ay kitang-kita ng dalaga kung paano ito maging concern sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sarili na magdiwang sa isiping ayaw ni Warren na tuluyang magalit siya sa lalaki. Ibig sabihin lang nito ay pinapahalagahan pa rin ng lalaki ang pinagsamahan nila. Kagaya ng mga nangyari sa nakaraan, napalambot na naman nito ang kanyang puso. Hindi niya talaga matiis si Warren kahit na galit na galit siya. Keysa patagalin pa iyon ay minabuti na lang din niyang makipag-ayos na lang sa lalaki.“Oo na, hindi na ako galit.” mahinang turan niya na hindi ito tinitingnan sa mata.Agad nagliwanag ang mga mata ni Warren. Kulang na lang din ay mapaangat ang puwet nito sa upuan sa sobrang saya. Hindi kasi siya sanay na matagal silang nagkakasamaan ng loob ng kaibigang si Daviana. “Talaga, Vian
KINABUKASAN AY NAGISING si Daviana na nakaunan at nakakulong pa rin sa mga bisig ng nobyo. Nakatulog siya habang may pinag-uusapan. Antok na antok pa siya nang idilat niya ang kanyang mga mata. Ang nakangiting mukha ni Rohi ang sumalubong sa kanya. Bago niya pa matakpan ang bibig ay nagawa na nitong halikan ang kanyang labi.“Good morning,” mababa at malambing nitong bati. “G-Good morning…bakit hindi mo ako ginising kagabi? Nakatulog ka na ba? O binantayan mo ako?”Iinot-inot siyang bumangon pero hinila siya ni Rohi at muling ikinulong sa kanyang mga bisig. Ayaw pang paalisin ng higaan. Dama niya na parang binugbog ang kanyang katawan, pero hindi na ito kasingbigat nang nagdaang gabi matapos gamitin.“Mamaya ka na bumangon, masyado pang maaga.”Nakangusong pinagbigyan ni Rohi ang nobyo. Yumakap na lang din siya sa katawan nito at isiniksik pa ang katawan palapit sa binata. Nang muli nitong halikan ang kanyang kabi ay mahina siyang humagikhik. Naninibago pa rin siya sa ka-sweetan nito
SA HALIP NA tumigil ay lalo pang malakas na umiyak si Daviana nang yakapin siya ni Rohi at palisin nito ang kanyang mga luha. Hindi sa umaarte siya o nagsisisi pero masakit pala talaga ito. “What do you want me to do now, hmm? Sorry na. Kasalanan ko. Hindi ko na dapat ginawa. I’m sorry.”Mariing kinagat ni Daviana ang kanyang labi. Sobrang bait talaga ng binata na kahit hindi naman niya kasalanan ay inaangkin niyang sa kanya. Basically, silang dalawa ang may kagustuhan noon. Hindi lang ito. Hindi lang siya. Silang dalawa naman. “Viana, sabihin mo kailangan ba kitang dalhin sa hospital? May masakit ba sa’yo? Baka kapag dinala kita doon maibsan ang sakit na nararamdaman mo.”Hindi sinasadyang natawa na si Daviana. Bakit kailangan niyang dalhin sa hospital? Ano na lang ang sasabihin sa kanila ng doctor na titingin? Kung gagawin nila iyon para na rin nilang ini-announce sa kanila na ginawa nila iyong bawal. “Sira ka ba? Bakit mo ako dadalhin doon?”“Eh, kasi umiiyak ka at may masakit
NATAGPUAN NA NAMAN ni Daviana ang sarili na nahubaran na naman ng nobyo, ngunit ang pagkakataong iyon ay iba ang tumatakbo sa isipan niya. Desidido na siya. Hindi niya ito pipigilan kung ano ang gagawin sa kanya. Kung, makukuha siya ng ama dahil tumawag ito ng pulis sisiguraduhin niya na naibigay niya ang sarili sa lalaking mahal niya. Maruming babae? Wala na siyang pakialam sa salitang iyon. At least napagbigyan niya rin ang kanyang sarili. Suwail siyang anak? Lulubus-lubusin na niya iyon ngayon.Napaliyad pa si Daviana nang marahang humaplos ang mainit na palad ni Rohi sa kanyang gitna na para bang dinadama niya iyon. Nasundan iyon ng mahabang ungol ng dalaga nang walang anu-ano ay maramdaman niya na hinahalikan ng nobyo ang puson niya pababa at dama na niya ang mainit nitong hininga. Walang anu-ano ay marahas niyang hinawakan ang buhok nito pero sa halip na isubsob ang mukha doon ng nobyo, hinila ito ni Daviana patungo ng kanyang mukha upang halikan siya. “Ayokong halikan mo ‘yun
SUNOD-SUNOD NG NAPALUNOK ng laway si Daviana. Mula sa sparkling abs ni Rohi ay inilipat niya ang paningin sa mukha ng binata. Uminit na ang kanyang mukha. Dama niya iyon. Hindi mapigilan ng dalaga na magtaka kung bakit mukhang patpatin ang nobyo kapag may suot na damit, ngunit kapag wala naghuhumiyaw ang mga muscles na inaanyayahan siyang salatin at hawakan. Hindi naman kasing exaggerated ang muscles niya gaya ng ibang mga lalaki na nakakaasiwang tingnan. Ilang beses ng naghubad ito sa harapan niya pero ngayon niya lang napagmasdan itong mabuti at hindi iyon nakakatuwa para sa nag-iinit na katawan ng dalaga. Napabaling na sa kanya si Rohi. Tuluyang humarap nang hindi niya sagutin ang katanungan.“Viana—”“M-Magdamit ka muna bago tayo mag-usap.”Humalay ang kakaibang tunog ng halakhak ng binata sa bawat sulok ng silid. Nanunukso na ang naka-angat na gilid ng labi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang reaction ng nobya eh ilang beses ng kamuntikan may mangyari sa kanila at
IPINILIG NG BINATA ang ulo. Imposible iyon. Dama naman niya na mahalaga siya, kaya lang pinapangunahan pa rin siya noon na baka wala lang itong choice at mapupuntahan kung kaya sa kanya ito pumunta. Ganunpaman, wala siyang pakialam. Mahal niya ito. Gusto niya ang dalaga. Ano pa bang iisipin niya? At least kahit sandali at kahit paano naramdaman niya mula sa dalaga kung paano rin nito pahalagahan.“Pasensya na. Alam kong masungit ako kanina kaya nanibago ka. Bad mood lang talaga ako kaya hindi kita nagawang samahang kumain. Hindi ko na uulitin.” aniyang parang kawawang tuta na namamalimos ng atensyon kay Daviana, “Pwede bang pag-isipan mo pa ulit ang pag-alis mo dito?”Ang makitang ganito si Rohi ay panibago na naman sa paningin ni Daviana. Mukhang na-miunderstood niya. Ang akala siguro ng nobyo ay galit siya dahil masungit ito kanina kaya siya aalis na sa puder nito. Sa totoo lang, hindi siya pamilyar sa ganitong uri ng hindi pagkakaunawaan. Bilang isang personalidad na kasiya-siya sa
ANG ISA NAMANG kamay ay hinapit niya sa katawan ni Daviana upang mapalapit ito sa kanya. Bahagya niyang ibinaba ang mukha upang halikan lang ang noo ni Daviana pababa sa kanyang ilong. Sa ginawang iyon ng binata, hindi mapigilan ni Daviana na mag-angat ng mukha. Tumingala siya upang magtama ang kanilang mga matang dalawa. Ipinatong ni Rohi ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at natural na ibinaba pa ang kanyang ulo para halikan na ang mga labi ng kanyang nobya. Sandali niya lang itong tinikman. Hindi nagtagal ang halik na banayad dahil baka saan pa mapunta.“Sapat na ba iyan para gumaan ang pakiramdam mo?” tanong niya sa nobya na namula na ang mukha matapos niyang palisin ng hinalalaki ang ilang bahid ng laway niya sa labi ng kanyang nobya.Hindi pa rin makatingin ay tumango si Daviana. Binitawan na siya ni Rohi upang magtungo na sa kusina. Tahimik na sinundan si Rohi ng nobya kaya naman ay tiningnan niya na ito nang may pagtataka.“Sasamahan kitang mag-dinner.”Wala namang nagi
NAGKULITAN PA SINA Anelie at Keefer samantalang nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Daviana, hanggang dumating ang kanilang order na pagkain.“Siya nga pala, Keefer alam mo ba kung ano ang favorite niyang pagkain? I mean ni Rohi.”Tiningnan siya ng lalaki na puno ng pagtataka ang mata. Tahasang nagtatanong na iyon kung bakit o literal na nagsasabing bakit hindi niya iyon alam eh siya ang boyfriend? Hindi lang nito isinatig pa iyon.“Paano ka naging boyfriend kung hindi mo alam?” hindi nakatiis ay tanong ni Keefer sa kanya.Nakaani agad ng batok si Keefer mula kay Anelie. “Siraulo ka ba? Bago pa lang silang dalawa! Kaya nga nagtatanong para makilala pa siya ni Daviana.”Sinamaan ni Keefer ng tingin si Anelie. Kumakamot na sa kanyang ulo na binatukan nito nang mahina.“Hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto niyang pagkain. Walang partikular na pagkain ‘yun. Hindi naman siya mapili. Kahit ano kinakain niya.”How can someone have no preference for food? Hindi naniniwala doon s
TULUYAN NA NGANG magkasamang bumaba si Anelie at Daviana. Tinawagan ni Anelie si Keefer para may kasama sila. Imbitasyon na hindi tinanggihan ng lalaki. Hindi naman pinansin ni Daviana ang galaw ni Rohi kahit napansin niya na parang hindi akma iyon. Medyo nanlumo si Daviana nang maisip ang tungkol sa ina ni Rohi. Tinanong siya ni Anelie kung ano ang mali at nakasimangot.“Anong nangyari sa’yo? Hindi ba at okay ka lang kanina? Bakit nakabusangot ka na naman diyan?”Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Matapos makilala ang ina ni Rohi noong umaga, masama na ang pakiramdam niya. Ito ay kay Rohi na family affair. Bukod dito, malamang wala siyang gustong malaman ng iba na mayroon siyang psychotic na ina. Hindi niya masabi kay Anelie ang tungkol dito para igalang iyon, kaya napailing na lang siya. “Wala. Kain na lang tayo.”Nang dumating si Keefer ay agad niyang pinuna ang pananamlay at kawalan ng gana doon ni Daviana. Walang sumagot sa dalawang babae sa tanong nito. “Sabihin niyo sa a
NABABAKAS NI DAVIANA ang ligaya sa message ng kaibigan dahil sa umaapaw nitong mga emoji ng puso. Napailing na lang si Daviana. Bigla siyang natigilan. Pamilyar ang feeling na iyon sa kanya. Nag-send lang siya ng thumbs up at hindi na ito inistorbo pa para mabilis na matapos sa ginagawa. Gaya ng inaasahan ni Daviana, dumating nga si Anelie sa suite pagsapit ng gabi. Dahil sa takot na baka maistorbo si Rohi sa trabaho ng tunog ng usapan nila, dinala ni Daviana si Anelie sa kanyang kwarto at maingat na isinara niya na ang pinto nito.“Bakit?”“Busy si Rohi sa kabilang silid, baka maistorbo…”Tumango-tango si Anelie na pabagsak ng naupo sa kama. Hindi alintana kung nasaan sila. Maingay si Anelie at ang una niyang nais pag-usapan ay ang tungkol sa kanila ni Darrell na magkasamang nag-overtime. Tinawanan lang siya ni Daviana dito. “Kung alam mo lang Daviana, parang gusto kong araw-araw na lang hilingin na may overtime kami!”“Huwag kang masyadong assuming hangga’t wala siyang sinasabi. Si