Share

Chapter 6.3

NANG MULI SIYANG bumaba ng hagdan ay naabutan niya sa living room ang ama. Umahon na ito ng upuan nang makita siya. Hindi sila nito gaanong nagpapansinan kung kaya naman normal na iyon sa dalaga na minsang magtama lang ang kanilang mata. Mabibilang sa daliri sa kamay kung kailan siya nito kinakausap sa loob ng isang buwan. Ngunit ng araw na iyon ay ito ang nagpakita ng kagustuhang makausap siya. Nang harangin siya nito bago pa man makalabas ng main door ng kanilang tahanan.

“Pabalik ka na ng dorm?”

Walang interes tumango lang si Daviana. Hindi niya man tahasang sabihin pero nakikita iyon sa mukha.

“Kalahating taon na lang at ga-graduate ka na hindi ba?”

Muling tumango si Daviana. Hindi niya alam kung ano ang pinupunto ngayon ng ama. Wala naman itong pakialam sa kanya, at lalo na sa pag-aaral niya kung kaya naman palaisipan sa kanya ang bagay na iyon.

“Kumusta ang pakikitungo mo kay Warren?”

Nang tanungin iyon ay nahulaan na ni Davian kung saan patungo ang kanilang usapan. Matalino
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elsie Espanueva Torregosa
di Ikaw pakasal. Gago.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status