NAINIS NA DOON si Daviana. Binibilisan niya ngang ubusin na ang pagkain sa kanyang pinggan para makalayas na tapos lalagyan pa nito. Platter kasi ang order nila at hindi individual meal na gaya ng iba. Ang akala ni Daviana ay doon na matatapos ang lahat ngunit mali siya. Madaldal talaga si Melissa. Balikan pa ba naman nito ang pakikipag-away ni Warren sa bar, kinakalimutan na nga iyon ni Daviana. “So, alam na ng parents mo ang nangyari kaya malamang ay tutulungan ka nilang ma-settle ang lahat?” halumbaba pa nito paharap kay Warren na hinihintay na ang magiging kasagutan. “Dinig ko malaki raw ang gagastusin noong babae sa surgery. Deserve niya naman kasi iyon. Masyado siyang matapang. Hindi niya kasi kinilala muna kung kaninong girlfriend ang binabangga niya. Hindi ba? Mabuti nga sa kanya!”“Hmm, sabi ng Mommy ko ay magpapapunta siya ng abugado upang iyon na ang makipag-usap sa bar at doon sa pamilya ng babae. Huwag kang mag-aalala magiging okay din iyon. Huwag mo ng isipin pa.” “Oka
MATAMANG SINUNDAN NG mga mata nina Melissa at Warren ang likod ni Daviana na nagkukumahod ng lumabas ng restaurant. Mababakas sa mukha ng nobya ni Warren na hindi nagustuhan ang inasta ni Daviana kung kaya naman mayroon itong komento sa kanya. “Ang bastos niya naman! Anong klaseng ugali iyon? Bigla ba naman tayong nilayasan?” gigil na gigil nitong tanong, walang filter ang pagkainis na nilingon na ang katabi. “Tamang ugali iyon, Warren?” Natatabangan naman siyang nilingon ng lalaki. Puno ng paninisi ang mga mata nito sa ginawa ni Daviana. Hindi alam ni Melissa kung ano ang hirap na pinagdaanan niya mapapayag lang niya si Daviana na akuin ang kasalanan ng nobya sa kanyang mga magulang. Dismayado siyang inilingan na ni Warren. “Kung hindi mo paulit-ulit na binalikan ang tapos ng mangyari, hindi sana siya aalis agad!” tahasan nitong sumbat kay Melissa na biglang napaayos sa inuupuan niyang bangko. “Kasalanan mo, Melissa!” Hindi makapaniwala si Melissa na sa kanya ibubunton ni Warren
NAGLIWANAG ANG MGA mata ni Daviana nang makitang nag-reply ang binata sa message niya. Parang gustong tumalon sa tuwa ang kanyang puso nang makita niya iyon. Kumabog na iyon na para bang ang makita niyang nag-reply ito ay isang achievement na. Ang buong akala niya kasi ay wala na siyang pag-asang reply’an ni Rohi. Ilang beses niya pang paulit-ulit na binasa ang message at baka naman namamalikmata lang siya Napanguso na si Daviana doon na parang nais ng maiyak. Ganun kababaw ng kaligayahan niya at pati ng kanyang mga luha. Tama nga naman ito sa sinabi tungkol sa sticker ng baboy. Hindi niya tuloy mapigilan na mahina ng matawa na rin sa kanyang sarili. Nai-imagine na niya ang hitsura ni Rohi habang sinasabi iyon at nakakunot na ang noo nito habang seryosong-seryoso ang mata. Daviana Policarpio: Diyan. Umiiyak siya hindi ba? Ibig sabihin merong ganyan, Rohi. Hindi ko naman sinabing sa tunay na buhay iyan nangyayari. May iba pa akong sticker ng mga hayop na umiiyak dito. Gusto mo bang i
NANG SUMAPIT ANG gabi at mahiga na si Daviana ay hindi nawala sa kanyang isipan kung paano nasabi ni Rohi ang bagay na iyon sa kanya. Pilit niyang inapuhap sa kanyang isipan kung ano ang sanhi noon. Hindi siya nito patulugin. Binabagabag ang kanyang isipan at puso ng litanya niyang iyon. Wala tuloy siyang choice kung hindi ang balikan ang kanilang nakaraan habang hindi pa siya dinadalaw ng antok.“Hindi naman ako sobrang naging masama sa kanya noon ah? May panahon namang mabait ako.” Noong bata pa sila, palagi siyang nagtutungo sa bahay ng mga Gonzales para makipaglaro kay Warren. Pinapayagan naman siya ng kanyang ina dahil kalapit bahay lang nila. Halos araw-araw niyang ginagawa iyon lalo na sa hapon, ngunit minsan lang niya kung makita si Rohi na nakikisalamuha. Parang may sarili itong mundo. Dahil walang may gusto kay Rohi kung kaya naman palagi itong nakakulong sa kanyang silid sa second floor. Kapag kakain lang, o kapag naisipan niya lang bumaba at kumuha ng bote ng tubig na mai
MABILIS NA NAGLIWANAG ang lugar nang pindutin ni Daviana ang on ng pocket flashlight na nasa palad niya. Normal na lighter iyon na mura lang mabibili sa palengke kung saan ay may libreng flashlight. Hindi man nito gaanong matanglawan nang malakas ang buong paligid, at least nagbigay iyon ng karampot na liwanag upang maaninag ang dilim sa loob ng attic. Nakangiting ini-abot na iyon ni Daviana kay Rohi. “Sa iyo na lang ito para may ilaw ka tuwing mapupunta ka sa lugar na ito.” Hindi gumalaw si Rohi. Lumipat lang ang kanyang mga mata mula sa flashlight patungo sa nakangiti pa 'ring mukha ni Daviana. Bakas sa kanyang mga mata na hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ng babae sa lugar na iyon gayong sa ibaba ng bahay ang kasiyahan ng kaarawan ng half-brother niya. “Ayaw mo ba? Kunin mo na Rohi. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman papabayaran iyan o isusumbat iyan sa’yo. Bigay ko na nga lang hindi ba?” bahagyang may iritasyon na sa mukha ni Daviana na itinaas pa ang kamay upang
MARIING NAIKUYOM NA ng dalaga ang kanyang mga kamao. Kahit kailan talaga, ang eskandaloso ng lalaking ito! Parang pumunta lang ito sa lugar upang asarin siya at ipahiya sa mga makakakita at makakarinig. Hindi niya tuloy mapigilang sumagi sa isipan niya si Rohi na tinawag siya sa buong pangalan noong una silang magkita nito sa hotel. Nakalimutan niya na oo nga pala at magkapatid pa rin ang dalawa. Malamang ay iisang dugo ang nananalaytay sa katawan nila. “Narito ako, Viana. Yohoo! Dito banda sa harapan mo! Saan ka pa ba pupunta? Hindi mo ba ako nakikita?” dagdag pa nitong tanong na siniguradong mas malakas ang boses kanina upang mapansin siya ng mga dumadaan. “Huwag ka ngang magpanggap na hangin ako!” Wala tuloy choice si Daviana kung hindi ang muling humarap at puntahan na ang kaibigan. Kung hindi niya iyon gagawin ay baka kung ano na namang kalokohan ang gawin nito or worst kung anong klase ng basura ang sabihin nito. Matapang na siyang humakbang palapit sa kay Warren na halos um
UNTI-UNTING LUMUWAG ANG hawak ni Daviana sa laylayan ng damit ng katabi niyang kaibigan matapos na marinig ang napakahaba nitong litanya. Ilang beses niyang sinulyapan si Warren na halatang natameme na lang sa lakas ng boses ni Anelie. Tama nga naman ito sa kanyang mga sinabi. Ganunpaman ay hindi naman iyon ang ikinakalungkot ni Daviana Ang ikinakasama pa lalo ng loob niya ay may plano pala itong magka-girlfriend pero hindi man lang ito nagsabi o kahit ang bigyan siya ng heads up nang sa ganun ay hindi naman siya nagugulat. Hindi niya tuloy napaghandaan ang araw na iyon kaya mukha rin siyang talunan. O ‘di kaya naman kahit na ganun sana ang nangyari na wala namang makakaiwas ay at least nakapaghanda siya at hindi na nagulat oras na makita niya sila. Hindi na rin sana siya umasa. Napahinga na si Daviana nang malalim. Anuman ang gawin nila ni Anelie na ngawa ay hindi na rin naman sila mananalo pa sa lalaki. Hinawakan na niya sa isang braso ang kaibigan upang hilahin na paalis doon. “Ha
MASAMA ANG LOOB na lumayas si Warren sa harapan ng magkaibigan. Hindi niya nagamit ang plano niyang pagkain ng almusal kasama si Daviana upang humingi ng tawad at muling makipagbati sa dalaga. Tinanaw lang naman iyon ng dalawa. Nagpalitan sila ng makahulugang mga tingin lalo na nang mabilis na paharurutin ng lalaki ang dala niyang sasakyan. Kumabog ang puso doon ni Daviana ngunit mabilis niya rin naman iyong iwinaglit nang hawakan na ni Anelie ang kanyang isang braso upang ayain na. “Tara na Daviana, ang lakas makasira ng mood ni Warren umagang-umaga.” hila niya sa dalaga. Nagpahila naman si Daviana na parang nalunok na naman ang kanyang dila. Hindi kasi mawala sa isip niya ang hitsura ni Warren noong tumalikod ito at hindi siya muling nilingon. Mabagal na silang naglakad upang pumanhik ng kanilang silid. Patuloy pa rin sa pagdadaldal si Anelie, samantalang nanatiling tahimik naman si Daviana na ang isip ay mukhang sumama sa pag-alis ni Warren ng dorm. “Nakita mo ang mukha ng Warre
WALANG IMIK AT piniling hindi na lang magsalita nina Danilo at Daviana sa mgasinabing iyon ng doctor. Wala rin namang mangyayari kung magbibigay pa sila ng katwiran at ipapaliwanag kung ano ang nangyari. “Bilhin niyo na ang mga kailangang ito ng pasyente.” tagubilin pa ng doctor at inabot na ang reseta.At dahil public hospital iyon ay sila ang pinabili ng mga gamot na kailangan ng kanyang ina. Hindi na siya sinamahan pa ni Danilo dahil batid ng lalaki na babalik naman ang anak lalo pa at nasa ganung sitwasyon ang kanyang ina. Hindi nito magagawang iwan ito sa kanyang palad kung kaya naman panatag na siya. “Siguraduhin mong babalik ka, Viana. Alam mo ang mangyayari sa iyong ina kung hindi.” mahina nitong usal na tanging silang mag-ama lang ang nakakaalam, “Huwag na huwag mong balakin iyon, Viana...”“Oo, Dad, babalik ako. Hindi mo kailangang paulit-ulit na sabihin iyon sa akin. Babalik ako...”Nanatili ang padre de pamilya nila sa labas ng ward pagbalik ni Daviana. May dextrose na s
NANINIKIP ANG DIBDIB na pinalis ng likod ng palad ni Daviana ang kanyang mga luhang nagsimula na doong bumagsak. Inalalayan na niya ang kanyang inang makatayo habang namumuo na ang galit sa puso para sa kanyang amang ang tingin niya ay naging isang halimaw na ngayon. Kapag may masamang nangyari sa kanyang ina, hinding-hindi niya mapapatawad ang ama. Iha-hunting niya ito at pagbabayarin. Marapat lang na ipanalangin nito na walang anumang maging problema dahil magiging masama siya. “Halika, Mommy, dadalhin kita sa hospital. Kaya mo bang tumayo? Aalalayan kita, okay?” sambit niya na pilit na pinapasigla ang kanyang boses kahit na wasak na wasak na siya nang mga sandaling iyon.Masyadong mataas ang temperatura ni Nida, nagliliyab sa init ang kanyang buong katawan. Namilog na ang mga mata ni Daviana nang pahapyaw niyang salatin ang noo ng kanyang ina. Sobrang init nito. Hindi niya rin alam kung gaano katagal na nakakulong doon mag-isa ang ina kaya naman mas lalong lumala ito. Pakiramdam n
BUMIGAT PA ANG pakiramdam ni Daviana nang dahil sa nalaman niya. “Domestic violence a once and for all thing. Maaaring tinitiis ng Mommy mo ang pananakit ng Daddy mo para protektahan ka. Kailangan mong malaman iyon. Kausapin mo ang Daddy mo. Kung hindi kayo magkasundo, tumawag ka ng pulis. Mag-report ka na. Mahirap man resolbahin iyon ng pulis at least may report ka sa kanila. Malayo ka nga at malaya, pero hindi ka naman mapanatag. Ano pang silbi niyan?”Namasa na ang mga mata ni Daviana. Pinatay na niya ang tawag ni Warren. Nag-vibrate ang cellphone ni Daviana at nakita niyang message iyon ng ina niya. Mommy: Viana, pwede ka bang sumaglit mamayang gabi dito sa bahay? Bilhan mo ako ng gamot. Se-send ko ang reseta.Nahigit na ni Daviana ang hininga. Naisip na what if ang ama lang niya iyon at nagpapanggap na ang ina? Isang message pa ang dumating kaya binasa niya ito. Mommy:Huwag kang mag-alala. Wala naman dito ang Daddy mo mamaya. Lalabas siya dahil a-attend siya ng party.Naipiki
IRITABLENG HUMIGPIT NA ang hawak ni Daviana sa kanyang cellphone. Nabubuwisit na naman kay Warren. Balisa na nga siya at problemado, dinagdagan pa iyon ni Warren na halatang nais siya ma-pressure.Warren Gonzales: Fake engagement lang naman iyo at walang ibang mawawala sa’yo. Isipin mong mabuti. Pabor iyon sa’yo. Hahanap na lang tayo ng paraan para i-cancel ang engagement at hindi magtuloy ng wedding. Lampasan na lang muna natin ito Viana nang matapos na.Napasabunot na sa buhok si Daviana. Parang wala na siyang ibang paraan kundi ang pumayag na lang.Warren Gonzales:Isipin mong mabuti ang kalagayan ng Mommy mo. Sa tingin mo titigilan siya ng Daddy mo? Hangga't hindi ka umuuwi, nasa panganib ang buhay niya. Wala kang konsensya at pagmamahal sa kanya. Ganyan ka ba ha?Gusto na sana niyang e-blocked muli si Warren kaso paano naman siya makikibalita sa kanyang ina?Daviana Policarpio: Speaking, nakita mo ba si Mommy? Kumusta siya?Warren Gonzales:Hindi ko siya nakikita.Daviana Polica
MAHIGPIT NA SIYANG niyakap ni Rohi habang bakas sa mukha nito na puno ng pag-asang tunay ang sinasabi ng kanyang nobya. Gumanti naman si Daviana. Alam niyang niloloko lang niya ang sarili at ang kasintahan sa mga salitang binitawan niya. Sinabi niya lang naman iyon para kumalma ito, pero ang totoo, sa mga sandaling iyon ay labis siyang naguguluhan sa kinikilos ng nobyo. Sa ginawa nitong pakiusap, ibig lang sabihin ay may pagdududa rin itong nararamdaman sa kanya. Hindi buo ang tiwala ni Rohi sa kanya. Bagay na nagpakirot ng puso niya. Nang gabing iyon ay hindi tabi natulog ang dalawa sa iisang kama. Sa magkabila silang silid na hindi naman ipinilit ni Rohi sa nobya. Hindi makatulog noon si Daviana na panay ang biling sa higaan. Humahanap ng posisyon na komportable siya ng higa. Patuloy niyang naririnig sa kanyang isipan ang pakiusap ni Rohi na piliin niya ito. Patuloy na binabasag noon ang puso niya habang nagre-replay.‘Baka parte ito ng plano; ang manatili ako sa tabi niya para hin
TUMAAS PA ANG isang kamay ni Rohi at inabot na ang labi niya. Marahan niyang hinaplos iyon ng kanyang hinlalaki. Nagtitimpi na huwag niyang halikan ang labi. Hindi pa rin niya inaalis noon ang nakatitig niyang mga mata sa mukha ni Daviana. “You are my girlfriend. My future wife. Stop thinking too much about the problem. Now your business is also my business. Maano bang tulungan ko ang future wife ko sa mga pinagdadaanan niya? Hindi naman iyon masama di ba? Future husband ako.” Hindi na napigilan ni Daviana na mamula ang mga mata. Shit! Naiiyak siya. Sobrang na-touch siya nito dahil sino ba siya para pagtuonan pa? “Magkasama nating haharapin ang lahat ng mga problema. Hindi ba at ganun naman dapat, Baby? Nagtutulungan. Nagdadamayan. Walang maiiwan sa ating dalawa. Narito ako sa kahinaan mo at dapat ay nariyan ka rin kapag lugmok ako. Okay?” Hindi maisip ni Daviana kung ano ang kabutihang ginawa niya sa past life niya para bigyan siya ngayon ng lalaking ganito kabusilak ang puso. P
NAPAHAWAK NA SI Daviana sa kanyang ulo at napagtanto niyang tama ang sinabi nito. Nagawa niyang tanggalin ang tuwalyang nakabalot doon kanina pero nakalimutan naman niyang tuyuin. Napangiwi siya nang maramdamang pumapatak pa ang tubig sa dulo nito. Sa sobrang lutang niya, nakalimutan niya iyon. “Hmm, oo nga, sorry, nakalimutan ko.”“Ikaw talaga…” maliit na napangiti si Rohi upang pagaanin ang tensyon na bumabalot sa kanila.Sinundan ng mga mata ni Daviana ang nobyo nang tumayo ang binata upang kumuha ng towel. Hindi na nagawa pang makatanggi ng dalaga nang pagbalik nito ay sinimulan niya ng tuyuin ang kanyang buhok. Puno ng pag-iingat ang bawat haplos nito sa ulo niya. Parang among tinutuyo ang bagong paligo niyang aso. Pangiti-ngiti pa ito kada mapapasulyap ng tingin sa kanya ang dalaga. Biglang hinaplos ang puso ni Daviana. Walang sinuman ang gumawa noon sa kanya, si Rohi pa lang; ang kanyang nobyo. “Bakit ganyan ka tumingin? Bago din ba sa’yo ang ganito?”Marahang tumango si Davi
MARIING ITINIKOM PA ni Daviana ang kanyang bibig. Ayaw niyang sabihin ang mga nangyari kay Rohi. Yumuko na siya upang itago ang emosyong nakalarawan sa kanyang mukha. Ganunpaman, hindi niya pa rin napigilan ang magsalita bandang huli. Hindi niya kayang magsinungaling sa nobyo lalo pa iyon ngayon.“Dahil tumakas ako sa kasal na gusto nila, si Mommy ang napagbuntunan ni Daddy. Siya ang inabuso...”“Nasaktan ang Mommy mo? Kailan niya ginawa? Paano mo nalaman ang bagay na iyon?”“Hmm,” problemadong sagot ng dalaga na hindi pa rin makatingin nang diretso kay Rohi, “May infection at lagnat din siya. Actually pinuntahan ko siya sa hospital kanina. S-Sorry, umalis ako nang hindi nagpaalam sa'yo. Baka rin kasi hindi mo ako payagan o maka-istorbo lang din sa'yo ang balitang iyon.” ini-angat na ni Daviana ang kanyang tingin upang salubungin lang ang mas lumalim na titig ng kasintahan, “Nakalabas na rin naman siya ng hospital, okay na siya, pero hindi ko alam kung maiibsan ang sakit ng katawan ni
NAALARMA NA ANG isipan doon ni Rohi. Nakalimutan niya rin ang oras kung kaya naman guilty siya. Alas-sais na pagtingin niya at ang sabi niya ay alas-singko ang uwi niya. Imposible na magbabad ang nobya sa labas nang ganun katagal, lalo na kung injured pa ang kanyang mga paa. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan niya na ito. Sabay silang napalingon ni Keefer sa may pintuan ng silid na inuukupa ni Daviana. Halos sabay rin silang napatayong dalawa sa inuupuan nang marinig na nagri-ring ang cellphone sa loob. Nag-panic na si Daviana sa loob ng kumot ngunit agad na kinalma ang kanyang sarili para mas umarte pa. Sigurado siya na pupunta doon ang kanyang nobyo. Tama nga siya, pagtanggal niya ng kumot sa mukha ay nakita na niya ang bulto ng katawan ni Rohi sa loob ng silid, nakatayo sa tabi ng kama niya, nakatingin. Puno ng katanungan ang mga mata nito na alam niyang normal lang dahil akala nito ay wala siya doon. “Hindi ka pala lumabas? Narito ka lang sa loob ng silid at natutulog?” Upan