MABILIS NA NAGLIWANAG ang lugar nang pindutin ni Daviana ang on ng pocket flashlight na nasa palad niya. Normal na lighter iyon na mura lang mabibili sa palengke kung saan ay may libreng flashlight. Hindi man nito gaanong matanglawan nang malakas ang buong paligid, at least nagbigay iyon ng karampot na liwanag upang maaninag ang dilim sa loob ng attic. Nakangiting ini-abot na iyon ni Daviana kay Rohi. “Sa iyo na lang ito para may ilaw ka tuwing mapupunta ka sa lugar na ito.” Hindi gumalaw si Rohi. Lumipat lang ang kanyang mga mata mula sa flashlight patungo sa nakangiti pa 'ring mukha ni Daviana. Bakas sa kanyang mga mata na hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ng babae sa lugar na iyon gayong sa ibaba ng bahay ang kasiyahan ng kaarawan ng half-brother niya. “Ayaw mo ba? Kunin mo na Rohi. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman papabayaran iyan o isusumbat iyan sa’yo. Bigay ko na nga lang hindi ba?” bahagyang may iritasyon na sa mukha ni Daviana na itinaas pa ang kamay upang
MARIING NAIKUYOM NA ng dalaga ang kanyang mga kamao. Kahit kailan talaga, ang eskandaloso ng lalaking ito! Parang pumunta lang ito sa lugar upang asarin siya at ipahiya sa mga makakakita at makakarinig. Hindi niya tuloy mapigilang sumagi sa isipan niya si Rohi na tinawag siya sa buong pangalan noong una silang magkita nito sa hotel. Nakalimutan niya na oo nga pala at magkapatid pa rin ang dalawa. Malamang ay iisang dugo ang nananalaytay sa katawan nila. “Narito ako, Viana. Yohoo! Dito banda sa harapan mo! Saan ka pa ba pupunta? Hindi mo ba ako nakikita?” dagdag pa nitong tanong na siniguradong mas malakas ang boses kanina upang mapansin siya ng mga dumadaan. “Huwag ka ngang magpanggap na hangin ako!” Wala tuloy choice si Daviana kung hindi ang muling humarap at puntahan na ang kaibigan. Kung hindi niya iyon gagawin ay baka kung ano na namang kalokohan ang gawin nito or worst kung anong klase ng basura ang sabihin nito. Matapang na siyang humakbang palapit sa kay Warren na halos um
UNTI-UNTING LUMUWAG ANG hawak ni Daviana sa laylayan ng damit ng katabi niyang kaibigan matapos na marinig ang napakahaba nitong litanya. Ilang beses niyang sinulyapan si Warren na halatang natameme na lang sa lakas ng boses ni Anelie. Tama nga naman ito sa kanyang mga sinabi. Ganunpaman ay hindi naman iyon ang ikinakalungkot ni Daviana Ang ikinakasama pa lalo ng loob niya ay may plano pala itong magka-girlfriend pero hindi man lang ito nagsabi o kahit ang bigyan siya ng heads up nang sa ganun ay hindi naman siya nagugulat. Hindi niya tuloy napaghandaan ang araw na iyon kaya mukha rin siyang talunan. O ‘di kaya naman kahit na ganun sana ang nangyari na wala namang makakaiwas ay at least nakapaghanda siya at hindi na nagulat oras na makita niya sila. Hindi na rin sana siya umasa. Napahinga na si Daviana nang malalim. Anuman ang gawin nila ni Anelie na ngawa ay hindi na rin naman sila mananalo pa sa lalaki. Hinawakan na niya sa isang braso ang kaibigan upang hilahin na paalis doon. “Ha
MASAMA ANG LOOB na lumayas si Warren sa harapan ng magkaibigan. Hindi niya nagamit ang plano niyang pagkain ng almusal kasama si Daviana upang humingi ng tawad at muling makipagbati sa dalaga. Tinanaw lang naman iyon ng dalawa. Nagpalitan sila ng makahulugang mga tingin lalo na nang mabilis na paharurutin ng lalaki ang dala niyang sasakyan. Kumabog ang puso doon ni Daviana ngunit mabilis niya rin naman iyong iwinaglit nang hawakan na ni Anelie ang kanyang isang braso upang ayain na. “Tara na Daviana, ang lakas makasira ng mood ni Warren umagang-umaga.” hila niya sa dalaga. Nagpahila naman si Daviana na parang nalunok na naman ang kanyang dila. Hindi kasi mawala sa isip niya ang hitsura ni Warren noong tumalikod ito at hindi siya muling nilingon. Mabagal na silang naglakad upang pumanhik ng kanilang silid. Patuloy pa rin sa pagdadaldal si Anelie, samantalang nanatiling tahimik naman si Daviana na ang isip ay mukhang sumama sa pag-alis ni Warren ng dorm. “Nakita mo ang mukha ng Warre
SA KABILANG BANDA, hindi mapalagay si Daviana. Hindi siya sanay na may hidwaan sila ni Warren. Hindi lang iyon, nangyari pa ang pag-aaway nilang dalawa kung kailan parating na ang kanilang exam week kung kaya naman nahihirapan siyang makapag-focus at makapag-isip ng tama. Ilang gabi na rin siyang hindi makatulog nang maayos nang dahil sa kanyang insomnia na mas pinalala pa ng pag-aaway nilang dalawa. Hindi niya mapigilang mag-overthink na kahit anong laban niya, hindi niya iyon magawang gapiin. Madalas na hindi niya namamalayan na bigla na lang pala siyang napapatulala habang nag-rereview at nakatingin sa malayo. Lutang na lutang ang kanyang hitsura. “Come on, Daviana. Hindi na bago ang bagay na ito sa’yo. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo!” kastigo niya sa kanyang sarili na ginulo pa ang buhok, inis na inis siya kung bakit sobrang apektado niya. Itinatak niya sa kanyang isipan na oras na makatapos siya, malamang magkakaroon siya ng magandang trabaho na magbibigay sa kanya ng kal
DALA PA RIN ng panic ay binura niya bigla ang message lalo at nakita niya pang kay Warren niya pala iyon naipadala. Nakasanayan na niya kasing mag-send ng message dito kapag may ganitong mga pagkakataon at problema siyang kinakaharap. Siya lang ang madalas niyang takbuhan kung kaya naman nakasanayan na iyon ng kamay. Ito lang ang nagiging comfort niya. Sa ibang pagkakataon, kung normal na araw lang iyon gaya ng dati at wala silang samaan ng loob malamang ay tatawag na ang lalaki oras na mabasa niya ang message upang pakalmahin lang siya. Iyon ang kailangan niya ng mga sandaling iyon. Ngunit sa hindi malamang dahilan, minabuti niyang i-unsent iyon habang hindi pa ito nagagawang i-seen ng lalaki. Ilang beses niyang muling tiningnan ang screen kung saan may nakalagay na unsent message. Muli pa siyang napamura nang malutong doon. Wala naman siyang pakialam kung ano ang sasabihin ni Warren oras na makita ang message niyang binura. Ang sa kanya lang ay ayaw niyang isipin nito na nagpapakumb
NAPAAWANG NA ANG bibig ng dalaga sa naging tugon ng binata na alam niyang napaka-imposibleng mangyari. Pahablot na binawi niya dito ang kanyang cellphone, tinikom ang bibig at hindi na muling nagsalita pa. Ang hallway na malapit sa top floor ay napakatahimik dahil kaunti lang ang dumadaan doon. Ibinaba ni Rohi ang kanyang mga mata sa dalaga upang tingnan ang naging reaksyon nito. Bagamat nakatayo siya sa mas mababang baitang ng hagdan at nasa taas itong baitang, tanaw na tanaw niya ang nakatikom nitong bibig na kasingpula ng prutas na strawberry. Gumalaw na ang kanyang adams apple nang lumunok siya ng laway, gumilid siya at humawak sa handrail ng hagdan dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka bigla siyang mapaupo dahil sa binibigay na reaction ni Daviana ng sandaling iyon. “Ano? Gusto mo pa rin bang burahin ang message mo sa kanya?”Mariing ipinikit ni Daviana ang kanyang mga mata. Sa mga sandaling iyon pakiramdam niya ang isa sa pinaka-nakakahiyang bagay na ginawa niya ay ang mag
SA HALIP NA makinig ang kaibigan ni Rohi na si Keefer ay hindi pa rin iyon tumigil sa pangungulit dahil nakita niya kung gaano ka-attentive ng kaibigan pagdating sa estudyanteng babaeng kaharap nila. Hindi lang basta over-protective ito rito. Iba rin ang kanyang nakikita sa kislap ng mga mata ni Rohi na minsan ay hindi nito ginawa sa ibang babae. Alam na alam niya iyon nang dahil sa mga naging obserbasyon dito.“Sandali lang naman, Rohi. Nag-uusap pa kami nitong–wait, pamilyar sa akin ang mukha mo.” silip ni Keefer sa gilid ng katawan ni Rohi upang makita lang muli ang mukha ni Daviana nakatingin pa rin.Ilang segundong pinagmasdan ni Keefer ang mukha ng dalaga. Gumaganda pa ito habang tumatagal at lalo na kapag namumula. Bakas din ang ka-inosentihan sa kanyang mga mata. “Nagkita na ba tayo dati pa?” famous na banat ni Keefer na alam na alam ni Rohi.Mabilis na umiling si Daviana dahil nahaluan na ng confusion ang isipan. Totoo naman iyon, hindi niya mahagilap ang mukha ng lalaking i