Share

Chapter 10.1

MABILIS NA NAGLIWANAG ang lugar nang pindutin ni Daviana ang on ng pocket flashlight na nasa palad niya. Normal na lighter iyon na mura lang mabibili sa palengke kung saan ay may libreng flashlight. Hindi man nito gaanong matanglawan nang malakas ang buong paligid, at least nagbigay iyon ng karampot na liwanag upang maaninag ang dilim sa loob ng attic. Nakangiting ini-abot na iyon ni Daviana kay Rohi.

“Sa iyo na lang ito para may ilaw ka tuwing mapupunta ka sa lugar na ito.”

Hindi gumalaw si Rohi. Lumipat lang ang kanyang mga mata mula sa flashlight patungo sa nakangiti pa 'ring mukha ni Daviana. Bakas sa kanyang mga mata na hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ng babae sa lugar na iyon gayong sa ibaba ng bahay ang kasiyahan ng kaarawan ng half-brother niya.

“Ayaw mo ba? Kunin mo na Rohi. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman papabayaran iyan o isusumbat iyan sa’yo. Bigay ko na nga lang hindi ba?” bahagyang may iritasyon na sa mukha ni Daviana na itinaas pa ang kamay upang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status