NAPAAWANG NA ANG bibig ng dalaga sa naging tugon ng binata na alam niyang napaka-imposibleng mangyari. Pahablot na binawi niya dito ang kanyang cellphone, tinikom ang bibig at hindi na muling nagsalita pa. Ang hallway na malapit sa top floor ay napakatahimik dahil kaunti lang ang dumadaan doon. Ibinaba ni Rohi ang kanyang mga mata sa dalaga upang tingnan ang naging reaksyon nito. Bagamat nakatayo siya sa mas mababang baitang ng hagdan at nasa taas itong baitang, tanaw na tanaw niya ang nakatikom nitong bibig na kasingpula ng prutas na strawberry. Gumalaw na ang kanyang adams apple nang lumunok siya ng laway, gumilid siya at humawak sa handrail ng hagdan dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka bigla siyang mapaupo dahil sa binibigay na reaction ni Daviana ng sandaling iyon. “Ano? Gusto mo pa rin bang burahin ang message mo sa kanya?”Mariing ipinikit ni Daviana ang kanyang mga mata. Sa mga sandaling iyon pakiramdam niya ang isa sa pinaka-nakakahiyang bagay na ginawa niya ay ang mag
SA HALIP NA makinig ang kaibigan ni Rohi na si Keefer ay hindi pa rin iyon tumigil sa pangungulit dahil nakita niya kung gaano ka-attentive ng kaibigan pagdating sa estudyanteng babaeng kaharap nila. Hindi lang basta over-protective ito rito. Iba rin ang kanyang nakikita sa kislap ng mga mata ni Rohi na minsan ay hindi nito ginawa sa ibang babae. Alam na alam niya iyon nang dahil sa mga naging obserbasyon dito.“Sandali lang naman, Rohi. Nag-uusap pa kami nitong–wait, pamilyar sa akin ang mukha mo.” silip ni Keefer sa gilid ng katawan ni Rohi upang makita lang muli ang mukha ni Daviana nakatingin pa rin.Ilang segundong pinagmasdan ni Keefer ang mukha ng dalaga. Gumaganda pa ito habang tumatagal at lalo na kapag namumula. Bakas din ang ka-inosentihan sa kanyang mga mata. “Nagkita na ba tayo dati pa?” famous na banat ni Keefer na alam na alam ni Rohi.Mabilis na umiling si Daviana dahil nahaluan na ng confusion ang isipan. Totoo naman iyon, hindi niya mahagilap ang mukha ng lalaking i
BUONG BUHAY NI Daviana ay hindi niya pa nagawa ang bagay na iyon ngunit ng mga sandaling iyon ay nais niyang subukan kahit na isang beses lang. Habang nagche-check ang kanyang mga kaklase ng test paper ng kakatapos lang nilang exam ay walang imik na lumululan naman ang dalaga papasok sa loob ng sasakyan ni Rohi upang magtungo ng bar. Bagama't abot-abot na ang kanyang kaba ay hindi niya iyon ipinahalata sa dalawang lalaking kasama. Iniukit na lang niya sa kanyang isipan na kasama naman niya si Rohi kung kaya walang anumang mangyayaring masama sa kanya. Ganun kalaki ng tiwala niya. Hindi siya mapapahamak as long as nasa tabi niya ang binata. Magtitiwala lang siya sa lalaki.‘Saglit lang ako doon, hindi ako magtatagal. Gusto ko lang maranasan na makasapasok sa totoong bar. Ito na ang pagkakataon ko.’ tahimik na kumbinsi ni Daviana sa kanyang sarili kahit na nagsimula na doong magulo na ang kanyang agam-agam. ‘For minsang experience lang ito.’Si Rohi ang may hawak ng manibela habang si K
NAMILOG NA DOON ang mga mata ni Daviana sa naging pakiusap ni Keefer. Mukhang nagkakamali ito ng pagkakakilala sa kanila. Sino naman siya para pakinggan ni Rohi oras na pagsabihian niya? Di hamak na kaibigan lang naman siya ng lalaki. Wala rin naman silang relasyon na ipagyaybang kahit na pagkakaibigan lang iyon. Naging toxic sila sa bawat isa noong mga bata pa sila. Bully siya. “Talaga?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Daviana, “Wow, ang astig naman noon. Pero hayaan na natin siya kung ayaw niyang ma-discover ng iba ang talent niya.” palusot ni Daviana na kunwari ay respeto iyon. “Ikaw ba?” “Hindi na gaano ngayon. Nagbawas na ako ng alcohol intake. Kakaunti na lang akong uminom ngayon kumpara noong nasa ibang bansa ako. Isa pa, may trabaho na rin ako na kailangan na tutukan, kapag hindi ko iyon gagawin baka bigla na lang akong matanggal. At saka napagsawaan ko na rin siguro ang bagay na iyon. Napagod ako.” umayos na ng upo si Keefer upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Davia
PUMUNTA SILA SA isa sa pinaka-famous na bar na matatagpuan sa kanilang lugar na may pangalang SKINNY BANK BAR. Prestihiyoso iyon at sikat sa mga may kaya sa lipunan. High-end iyon kung saan mahal ang presyo ng alak ngunit walang pakialam doon si Daviana. May naipon naman siya mula sa kanyang baon at iyon ang lulustayin niya. Isa pa, minsan lang naman niya iyon gagawin kung naman ayos lang ito. Nang tumigil na ang sasakyan ay lumakas pa ang kabang nararamdaman ni Daviana na parang nananakal.“Baba ma, Daviana.” utos ni Rohi na nilingon siya, nakababa na doon si Keefer na nauuna na. Agad namang sinunod iyon ng dalaga. Hinintay nila ni Keefer si Rohi na umibis ng sasakyan bago sabay-sabay silang tatlong naglakad patungo sa main entrance noon. Hindi naman sila sinita ng guard kahit pa halatang masama ang tingin nito kay Daviana. Napansin kasi nitong naka-suot pa ito ng uniform. Ganun pa man ay hinid naman ito nag-aksaya ng laway an sitahin sila. Sa pintuan pa lang noon na kung saan ay di
IKINAWAY NI DAVIANA ang isang kamay niya sa harapan ng waiter na parang sinasabing ayos lang iyon pero hindi pa rin naman nawawala ang pagkadismaya na ipinakita nito sa kanyang mukha kanina. Medyo napahiya kasi siya sa kanyang mga kaharap. Ganunpaman ay hindi niya na pinahaba pa rito ang usapin. “Nevermind. Huwag mo ng uulitin iyon dahil nakakapikon, Kuya Waiter. Hindi lahat ng mukhang bata ay natutuwa kapag nasasabihan sila ng baby face at dapat naka-angkop din iyon sa lugar.” acting ni Daviana na akala mo ay kung sinong matanda, gusto lang naman niyang bigyan ng lesson ang waiter doon. “Baka isipin ng nakakarinig na nag-cutting classes ako ngayon para lang pumunta dito.” defensive niya pang turan na siyang tunay naman, hindi lang halata ang kanyang suot na uniform nang dahil sa suot na pinahiram na jacket ni Rohi kung kaya nagawa niya iyong maikubli sa mata ng nakakarami. “Mayroon ba kayo ditong tequila?” lakas-loob ng tanong ni Daviana na para na namang beterana sa harapan nila.
PILIT NA PINIGILAN ni Rohi na mapakamot siya ng ulo sa sobrang inis nang dahil sa sinagot ni Daviana. Parang biglang naging ibang babae ang kaharap niya ngayon sa natatandaan niyang Daviana na kilala. Nagugulat siya na ang masunuring babae noon ay naging matigas na ang ulo ngayon at hindi na ito mapagsabihan. Bagay na labis niyang ipinagtataka. Malamang si Warren na naman ang dahilan kung bakit ito ganito. Pasimpleng napabuga na siya ng hangin. Pilit niyang kinalamay ang sariling huwag sumabog.“Ang mataas na content ng alcohol ay hindi maganda sa katawan mo lalo na kung hindi ka naman sanay. Huwag ka ngang magtapang-tapangan diyan, Daviana. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari kapag nasobrahan ka ng alak. Alam kong hindi ka naman lasenggera. Huwag kang feeling strong sa harapan ko.”Akmang aagawin iyon ni Rohi sa kanya nang mabilis ni Daviana na tunggain iyon. Nandilat na ang mga mata ni Rohi sa kanyang ginawa. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng dalaga. Hindi lang iyon, mas
TULUYANG NILAMON NA si Daviana ng alak na ininom niya kung kaya naman hindi man niyang tahasang aminin ay namamanhid na ang kanyang buong katawan kasama na ang kanyang mga kamay. Halos kalahating minuto niyang tiningnan ang tawag sa phone at nang mamatay iyon ay mahina lang siyang natawa. Nang muling mag-ring ay saka pa lang niya sinagot iyon. Inilapit niya ito sa kanyang tainga upang marinig dahil sa matinding ingay na bumabalot sa buong paligid. Kung hindi niya iyon gagawin ay nungkang marinig niya ang sasabihin ng nasa kabilang linya na walang iba kung hindi si Warren lang. “Viana…”Napabungisngis na doon ang dalaga nang marinig ang malambing na boses ni Warren. Ibang-iba iyon sa mga pagtawag niya dati sa kanya. Iyong tipong may kailangan ito kung kaya naman ganun ang tono. “Hmm?” “Nasaan ka?” Maingay sa loob ng bar kung kaya naman hindi maintindihan ni Daviana kung ano ang sinasabi nito. Mas malakas kasi doon ang tugtog. Ayaw naman niyang lumabas. Tinatamad siyang gawin ang ba