BUMALIK ANG NAKAKABINGING musika sa paligid ni Daviana na ang buong akala niya ay humina ito kanina. Masyadong malakas lang talaga ang boses ni Warren sa kabilang linya. Nag-vibrate ulit ang cellphone, at si Warren na naman ang tumatawag. Diretso niyang pinatay na iyon. Wala siyang planong muling sagutin at kausapin ang kaibigan. Nag-angat siya ng tingin upang matagpuan lang ang mga malalim na mga titig ni Rohi. Madilim ang maitim niyang mga mata habang tahimik na nakatingin sa kanya. Ilang segundong naburo ang mata niya dito at nang hindi matagalan ay napaiwas siya. Muli niyang ibinalik iyon sa binata dahil feeling niya ay kailangan niyang magpaliwanag. “Sinungaling siya! Ilang beses niya akong ginamit panakip-butas. Okay lang naman sa akin iyon, pero nakakasakit na kaya siya! Manhid siya. Wala man lang siyang pakiramdam. Akala niya okay lang sa akin ang lahat ng ginagawa niya.”Hindi umimik si Rohi na nakatingin pa rin.“Kung kaya niyang gawin sa akin ‘yun, kaya ko rin. Anong akala
Lubos na inosente at walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya si Daviana lalo pa ngayong nasa impluwensya siya ng alak. Halata iyon sa kanyang mukha nang muling magtaas ng kanyang paningin sa binata. Parang wala itong anumang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Muling napabuga ng hangin si Rohi, kabado na ito na hinaluan na ng pagkailang sa asta ng dalaga. “Ang bango mo talaga, Rohi. Gustong-gusto ko ng amoy mong ito…pwede bang dito na lang ako?” nakapikit ang matang turan ng dalagang inihalik pa ang mukha sa leeg ng binatang muling sunod-sunod na napalunok ng kanyang laway. “So comfortable...parang unan ko lang...” hagikhik pa ng dalaga kahit wala namang nakakatawa.Kung lubos na matino pa ang isipan noon ni Daviana, hinding-hindi niya sasabihin ang mga ganitong salita na magpapa-awkward sa pagitan nilang dalawa. Isa pa kyeme ito. Mahiyain. At dahil alam ni Rohi na lasing na ito, sinubukan niyang kunin at agawin ang alak mula sa kamay nito.“Tama na ang inom, Davia
BATID NI ROHI na ang ibang tao ay normal na bossy sa loob ng kanilang tahanan, ngunit hindi isa doon si Daviana. Siya ay palaging mabuti at kyemeng nilalang na hindi makabasag ng pinggan sa harapan ng kanyang mga magulang. Subalit, sa mga sandaling iyon ngayon siya ay biglang naging bossy sa harapan niya. Siguro ay marahil dala lang iyon ng alak na nasa loob ng katawan. Makailang beses nitong sinabi na hindi niya kailangan ng magiging tagapag-alaga niya dahil kaya niya na ang kanyang sarili. Hindi na rin ito marunong makinig, taliwas iyon sa pagkakakilala niya sa dalaga noon. Ilang beses pang sinubukan ni Rohi na ibalik ang jacket sa katawan ni Daviana upang takpan ang malusog nitong dibdib, ngunit tumanggi pa rin siyang isuot ang jacket kahit na anong pilit niya. Kahit na ipakita niyang naiinis na rin siya sa dalaga. “Ano ba Rohi? Ang init nga sabi! Huwag mo akong piliting isuot ang jacket na iyan! Alin ba doon ang mahirap intindihin ha?” bulalas nitong sinamaan na siya ng tingin, “
NARAMDAMAN NA NG dalaga na tila may kayakap siya. Hindi lang iyon, feeling niya ay may naririnig siyang mabilis na pintig ng puso doon na animo ay nakikipagkarera. Inilabas pa ng alak ang nakatagong pagnanasa sa katawan ni Daviana na hindi batid ng dalaga na mayroon pala ang katawan niya. Parang may sariling buhay na gumalaw ang kanyang isang kamay na awtomatikong yumakap sa katawan ni Rohi. Iyon ang naging dahilan upang manigas bigla ang katawan ng binata na hindi inaasahang gagawin niya iyon.“D-Daviana…” untag niya sa pangalan nito upang kunin na ang atensyon doon.Sinubukan ni Rohi na tanggalin ang braso nitong nakayakap ngunit sa halip na matanggal ay ikinuskos pa ni Daviana ang kanyang pisngi sa kanyang dibdib na hindi niya namalayang sumandal na pala doon. Para itong pusang naglalambing sa kanyang amo upang bigyan ng pagkain at treats habang nakapikit ang mga mata. Wala pa ring pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya. Nakagat na ni Rohi roon ang kanyang labi. “Alam mo ba? I
KINALADKAD NA NI Rohi ang hinang-hina na dalaga papasok ng banyo upang linisin ang kanyang sarili. Habang hinuhugasan ng binata ang kamay niya ng tubig upang hilamusan sana ang babaeng kasama nang mahimasmasan na ito ay paulit-ulit pa siyang mahinang napamura sa isipan niya. Gigil na gigil siya sa kaibigang nag-ayang magtungo sila sa bar. Umigting pa ang panga ni Rohi nang makita ang inosenteng mukha ni Daviana sa kanyang gilid. Prenting nakatayo at hinihintay ang gagawin niya rito.“Ito ang sinasabi ko sa'yo eh, iinom-inom ka hindi naman pala kaya ng katawan mo! Feeling strong, hindi pa naubos ang isang baso ng tequilla tumba ka na noon kaagad.” hindi na napigilan na sabihin ni Rohi iyon nang tingnan pa ng galit na mata ang hitsura ng suot niyang damit sa harapan ng salamin.Sinubukan niyang linisan ang kanyang katawan kahit pa diring-diri na siya sa amoy nito at hitsura. Buong buhay niya ay ngayon lang din niya naranasan ang masukahan ng ganito. Ang dami pa naman nitong kinain na mg
HINDI NA NAG-IWAS ng mga mata si Rohi nang makita niyang bumakat pa ang malusog na dibdib ni Daviana nang bahagyang gumalaw siya at nagbago ng pwesto ng kanyang higa. Tumagilid na siya paharap sa may banda niya. “Tsk, kung mapagsamantala lang ako o ang mga nasamahan niya na hindi kilala, paniguradong napariwara na ang buhay niya, kulang na ang katawan niya pagkagising niya dahil ganito siya.” turan ni Rohi habang pinagmamasdan pa rin siya.Maya-maya pa ay patingkayad siyang lumapit sa kama. Hinila na ang comforter upang ibinalot na iyon sa katawan niyang nakaramdam na ng lamig. Pagkaraan pa ng ilang minutong pagtayo doon ay tumalikod na rin siya upang umalis na. Hindi niya kailangang bantayan ito hanggang umaga. Safe na safe na ito sa kinaroroonang silid.NANG SUMUNOD na araw, nagising na lang si Daviana nang dahil sa sobrang sakit ng ulo niya. Para iyong nilalagare at nahahati na sa dalawa. Dahan-dahan siyang bumangon ng kama ngunit muli siyang napahiga nang makaramdam ng labis na p
NAPUNO NG KURYUSIDAD ang mga mata ni Daviana. Hindi niya na masundan kung ano ang sinasabi ng binatang nasa harapan niya. “Sobrang nalasing ako…” aminadong turan niya na pilit inaalala kung may iba pa siyang nagawa ngunit wala naman siyang matandaan, “At since lasing ako nakatulog ako doon sa bar. Dinala mo ako dito sa hotel keysa iuwi mo ako sa dorm ko. Ganun ang nangyari hindi ba?”Hindi sumagot si Rohi. Tinaasan lang siya ng isang kilay nito. Naupo na ito sa sofa ngunit may kaunting distansya pa rin naman sa kanya. Sinundan ni Daviana siya ng tingin. Pinanood ng dalaga ang ginawa nitong marahang paglagok ng tubig mula sa basong kanyang tangan doon. Nakaramdam ng inis ang dalaga sa attitude nitong ipinapakita. Maano bang sagutin nito ang tanong niya dahil wala talaga siyang maalala kahit anong piga ang gawin niya sa isipan niya. “Rohi? Bakit hindi ka magsalita?”Totoo naman iyon. Nagising na lang siya sa kama at natagpuan ang kanyang sarili sa ibabaw ng kama. Nang igala niya ang m
HINDI MA-PROSESO NANG maayos ni Daviana ang mga sinasabi ng kanyang kaibigan. Hindi niya rin alam. Ang huling kita nilang dalawa ay noong inaaya siya nitong kumain sila ng breakfast. Mula noon ay never na itong komontak sa kanya. Kung kaya naman hindi niya rin alam kung paano nito nalaman na nasa bar siya. Imposible namang sasabihin iyon ni Rohi, hindi sila magkabati. Wala silang maayos na relasyon ng binata. Kung sakali man na nagkausap sila ni warren, hindi niya talaga iyon matandaan. Wala ito sa alaala niya eh. “Pasensya na Anelie kung nadamay ka pa. Ako na ang bahala sa kanya.” “Naku, ayos lang naman. Wala iyon. Maliit na bagay. Sanay na ako. Ang mahalaga ay ayos ka lang at hindi ka napahamak diyan sa pagpunta mo ng bar kung totoo man na pumunta ka talaga.” anitong mahinang natawa, nangunot ng muli ang noo ni Daviana dahil wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Ganunpaman ay hindi na lang niya ito sinita at baka awayin pa siya at paulanan na naman ng mga katanungan. “Pero alam m