HINDI MA-PROSESO NANG maayos ni Daviana ang mga sinasabi ng kanyang kaibigan. Hindi niya rin alam. Ang huling kita nilang dalawa ay noong inaaya siya nitong kumain sila ng breakfast. Mula noon ay never na itong komontak sa kanya. Kung kaya naman hindi niya rin alam kung paano nito nalaman na nasa bar siya. Imposible namang sasabihin iyon ni Rohi, hindi sila magkabati. Wala silang maayos na relasyon ng binata. Kung sakali man na nagkausap sila ni warren, hindi niya talaga iyon matandaan. Wala ito sa alaala niya eh. “Pasensya na Anelie kung nadamay ka pa. Ako na ang bahala sa kanya.” “Naku, ayos lang naman. Wala iyon. Maliit na bagay. Sanay na ako. Ang mahalaga ay ayos ka lang at hindi ka napahamak diyan sa pagpunta mo ng bar kung totoo man na pumunta ka talaga.” anitong mahinang natawa, nangunot ng muli ang noo ni Daviana dahil wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Ganunpaman ay hindi na lang niya ito sinita at baka awayin pa siya at paulanan na naman ng mga katanungan. “Pero alam m
PROBLEMADONG HINDI UMALIS sa kinatatayuan niya si Daviana. Iniisip kung paano sasabihin sa binata ang next na pabor na kanyang hihilingin. Napansin iyon ni Rohi ngunit hindi niya pinag-ukulan ng pansin. Muli niyang dinampot ang kanyang cellphone upang doon ibaling ang atensyon ngunit muli iyong naibaba ng binata nang muling magsalita si Daviana. “Hmm, Rohi nakakahiya man pero pwede rin ba akong makahiram ng damit? Ang baho ng suot ko kaya kahit maligo ako kung ito ang muli kong isusuot, hindi mawawala ang amoy ng alak…” Walang anumang naging reaction doon si Rohi ngunit sa kanyang isipan ay napamura na siya. Hindi man lang niya iyon naisip kanina, e ‘di sana nabilhann niya ang dalaga ng extra na damit. “Pasensya na ha? Alam kong doble-dobleng abala na ang ginagawa ko sa’yo dito.”Humakbang si Rohi papasok ng kanyang silid. Hindi sinagot si Daviana kung mapapahiram niya nga ba ito o hindi. Inasahan na ni Daviana na baka wala itong maipapahiram sa kanya. Kung mayroon ay di sana suma
NAPALUNOK NA NG laway si Daviana. Matinding kumabog na ang dibdib niya. Hindi na niya maitago ang pamumutla ng mukha at pangangatal ng kanyang labi. Nag-aalala siya na baka may mas malala pa siyang nagawa. Pakiramdam niya ay hihimatayin na siya oras na malaman niya na mas nakakahiya rin iyon. “A-Anong ibig mong sabihin diyan, Rohi?” Tiningnan na siya ni Rohi nang malalim. Iniisip kung itutuloy pa niya ang pagsasabi dito ng mga nagawa nito habang nasa ilalim ng espiritu ng alak. Halata namang hindi siya handa roon. Baka mamaya kapag sinabi niyang nagsuka ito, hindi lang basta nagsuka kundi sinukahan siya nito ay habangbuhay na itong mahiya sa kanya. Ayaw naman niyang mailang ito at palaging isipin ang pagkakamaling nagawa niya. Ani nga nito, wala siyang maalala sa mga nangyari. Naniniwala naman siya. Hindi ito magsisinungaling doon.“Baka mamaya maisipan mo pang tumalon mula sa itaas ng building kung malalaman mo pa ang iba.” Muling nasamid si Daviana dahil malakas ang kutob niyang
NAPUNO NA NG pag-aalala ang isipan ni Daviana, baka masaktan niya ang damdamin ng binata. Nagmalasakit lang naman siya sa kanya. Wala namang masama doon sa kanyang ginawa eh. Huwag naman niya sanang isipin na may masama siyang intensyon o minamaliit niya ang kakayahan nito. “Okay, tinulungan mo na ako noon sa pamamagitan ng pera. Inalaagan naman kita kagabi. Sa tingin ko ayos na iyon. Fair na. Quits na. Hindi mo na kailangan pang tumanaw sa akin ng utang na loob sa mga ginawa ko. Kalimutan mo na iyon. Wala ka ng utang sa akin na kailangan mong pagbayaran at suklian.”Napahinga na doon nang maluwag si Daviana ngunit may agam-agam pa rin sa kanyang damdamin. Parang may kulang. Pakiramdam niya ay malaki pa rin ang utang na loob niya sa binata kahit na sinabi na nitong okay na iyon. Hindi sapat dito ang perang ibinigay niya kapalit ng dalawang beses nitong walang pag-aalinlangan na pagtulong sa kanya. Ganunpaman ay hindi na niya isinatinig dahil paniguradong hindi nito magugustuhan kung
NAKAHINGA NA NANG maluwag si Rohi, unti-unting lumuwag na rin ang kanyang hawak sa manibela. Gumaan ang pakiramdam niya ng malamang at least, pinapaniwalaan siya ng dalaga. Sa sobrang saya niya hindi niya napigilang umangat ang gilid ng kanyang labi. Facial reaction ni Rohi na hindi nakaligtas sa paningin ni Daviana na sa sandaling iyon ay nakatitig pa rin sa mukha ng binata Binabasa kung nagsasabi ba ito ng totoo ang o ini-echos niya lang ang naging sagot niya sa kanya para bilugin pa ang ulo niya.“Anong nakakatawa, Rohi?” hindi na napigilan ni Daviana na itanong sa kanya. Nakita niyang bahagyang ngumisi ito kanina at para sa kanya ay sobrang estranghero noon. Curious siyang malaman kung bakit ito biglang napangisi nang sabihin niyang naniniwala siya.“Wala. Hindi naman ako tumatawa ah?” “Anong hindi? Ngumisi ka kaya. Huwag mo akong gawing bulag. Nakita ko ‘yun!”Hindi siya sinagot ni Rohi na biglang bumalik ang dati nitong itsura na walang anumang emosyon roon. Good mood na ang n
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Daviana sabay kunot ng kanyang noo. Hindi nagustuhan ng dalaga ang paraan ng pagsasalita ng lalaki sa kanya na parang ang laki ng kasalanan niya. Itinikom niya ang bibig habang tiningnan ang kaibigan na sulyapan ang likod ng humarurot na sasakyan. Muli niyang ibinaling ang tingin kay Daviana na alam niyang mayroong naghatid kahit pa tahasan nitong itanggi iyon. Hindi siya maniniwala sa babae kaya huwag siya nitong gawing tanga dahil hindi siya maniniwala sa kahit na anong kasinungalingan ang sabihin nito sa kanya. Nagagalit siya dahil natututo na rin itong maglihim ngayon.“Nakita mo bang mayroon? Nasaan?” maang-maangang tanong ni Daviana sa kanya, nungkang umamin siya na ang half-brother niya iyon. Malamang lalong magwawala si Warren kapag nalaman niya. “Wala...”“Daviana Policarpio, ano bang nangyayari sa’yo ha?! Natuto ka na 'ring magsinungaling ngayon?!” anitong tinawag na siya sa buong pangalan, alam niyang galit na ito kapag ganito na ang tawag sa ka
PAGKATAPOS NA SABIHIN iyon ni Daviana ay napatungo siya. Gulong-gulo ang kanyang isipan. Hindi niya gusto ang magkaroon ng komplikadong relasyon kay Warren. Kilala niyang matigas ang ulo nito at dahil malambot ang puso niya at ayaw niyang masyadong mapasama ang loob ng kaibigan kung kaya naman hindi niya na dapat pang palakihin kung ano ang gusot sa pagitan nila. Pagkatapos ng lahat-lahat, ang kanilang mga pamilya ay magkakaibigan at saka magkapitbahay. May tendency rin na laging magkikita.“May damdamin din naman ako Warren, na sana naisip iyon ng girlfriend mo.” “Oo naman, Viana. Alam ko naman iyon. Kaya nga ako na ang humihingi ng paumanhin di ba?” Nagdugo pa ang puso ni Daviana sa narinig. Inaasahan na niya iyon pero ang sakit pa rin pala talagang harapang sabihin iyon sa kanya. Nakaramdam na siya ng kaunting hindi pagka-komportable. Batid niyang hindi naman niya ito intensyon pero tila ba sinasadya iyon ng kanyang kaibigan. Nagmamanhid-manhidan lang siya. Kung patuloy niyang pa
MULING NANUMBALIK SA isipan ni Daviana na nasa hotel nga pala siya kagabi kasama si Rohi sa litanyang iyon ni Warren. Bagay na hindi niya pwedeng sabihin sa kaibigan. Hindi niya rin alam ang detalye dahil tuluyan na siyang na-black out nang mapasok ng alak ang katawan. Hindi niya rin alam kung ano ang sinabi niya kay Warren sa tawag dito kagabi, para maintindihan niya ang direksyon ng pinupunto nito, ngunit isang bagay ang natitiyak niya. Sa pagitan ng mga magkakaibigan na opposite sex, talagang hindi na kailangang sabihin pa at pag-usapan ang mga pribadong isyu sa kanilang mga buhay kagaya na lang ng nangyari kagabi. Hindi siya komportable at ayaw niyang pag-usapan nila ni Warren ang paksang ito. Ang weird na kasi kung pag-uusapan pa nila iyon na parang nagku-kuwentuhan lang sila tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari na at wala silang dalawang anumang kontrol.“Wala, ang dumi ng isip mo ha? Ganun ba ako sa paningin mo?” naging malikot na ang mga mata ni Daviana, hindi na niya magawa