DAHAN-DAHAN NA IKINUYOM ni Daviana ang kanyang dalawang kamao at kapagdaka ay marahan na lang na tumango upang sumang-ayon sa mga sinabi ng kaibigan. Hindi mawala sa kanyang isipan na ang akala niya noon ay ang lalaki ang magiging boyfriend niya na eventually ay magiging asawa sa hinaharap, ngunit hindi pala. May nakakagimbal na plot twist sa pagitan nila. Isa pala iyong malaking joke lang ng kapalaran na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit nangyari sa kanya. Hindi siya ang babaeng pangarap ng kaibigan. Iba. Hindi siya na unti-unti pang dumudurog sa buo niyang pagkatao. “Sige na, kain na…” panghihinuyo ni Warren nang mabasang tila nawalan na ng gana ang hitsura ni Daviana, “Concern lang ako sa'yo. Huwag mo sanang isipin na hilig ko lang ang pakialaman ka...”Hindi na nila muling binalikan ang naging topic nilang dalawa kanina. Matapos na ubusin ang kanilang inuming kape ay inihanda na ni Daviana ang iwanan doon ang kaibigan. Tumayo siya. Inayos na ang bahagya
PINAANDAR NA NI Warren ang dala niyang kotse. Sa halip na lumiko siya patungo ng kanilang tahanan ay dire-diretso ang kanyang pagmamaneho patungong South Luzon. Pagkatapos ng graduation niya noon ay bumili siya ng malaking flat na matatagpuan sa may bandang Batangas. Bungad lang iyon, napapagitnaan ng Calamba at Alaminos, Laguna.. Ngayon ang nakatira sa bahay niyang iyon ay ang kasintahan niyang si Melissa. May malalim din siyang dahilan kung bakit ayaw niya at hindi niya hinayaang sabihin ni Daviana sa kanyang pamilya na nagde-date sila ni Melissa. Ang ama ni Melissa ay isang mataas na opisyal na natiwalag sa isang kumpanya at tinanggal sa pwesto dahil sa katiwalian noong nakaraang taon. Anak siya ng mayaman na kagaya niya na lumaking sunod sa lahat ng layaw, ngunit pagkatapos na matanggal ang kanyang ama, ang kanyang dating buong pamilya ay nagkawatak-watak. Nawala ang kanyang marangyang buhay at madalas na inaapi na lang ng mga tao sa paligid na sa kanila ay mga nakakakilala. Noong
HINDI NA kinulit pa ni Melissa si Warren. Pagkatapos na kumain nila ng hapunan ng araw na iyon ay nagtungo na siya sa isa sa mga silid ng bahay na iyon. Dahil hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi, paglapat ng kanyang likod sa kama ay mabilis siyang hinila ng antok. Gayunpaman, bigla na lang siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Natutulog na rin si Melissa sa guest bedroom ng mga sandaling iyon. Kaagad siyang bumangon habang habol ang kanyang hinga. Nananaginip na naman siya. Kakatwa ang naging laman noon na sa hinagap ay hindi niya naisip na sisilid sa kanyang isipan. Sa panaginip niya kasi ay mayroon siyang kaulayaw na babae na perpekto ang hubog ng katawan. Hindi niya maipaliwanag ang ibinibigay nitong kaligayahan na para bang sasabog ang kanyang buong katawan sa kanilang ginagawa. Nakatalikod ito sa kanya pero kilala niya ang bulto ng katawan nito. Malinaw na malinaw ang panaginip niya na para bang totoong nangyayari iyon sa totoong buhay at mundo. Hindi niya naisip na panaginip
NAMILOG NA ANG mga mata ni Daviana sa sinabi ng kaibigan kahit na hindi naman niya iyon gaanong naiintindihan para saan. Buong buhay niya ay noon lang din niya narinig ang salitang iyon. Ganunpaman, batid niyang may ibang kahulugan iyon lalo na sa naging reaction ni Anelie na parang kinikilig. Napailing na lang siya mga sa kalokohan nito.“Anong ibig sabihin naman noon? Hindi ko gets. Ipaliwanag mo nga sa akin.”“Paano ko ba e-explain sa’yo sa paraang maiintindihan mo?” balik ng tanong ni Anelie, nangunot pa ang noo nito kay Daviana na para bang mahirap siyang umintindi kahit na ipaliwanag niya pa iyon sa kanya. “I-search mo kasi online kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘yun. Uso na ngayon ang mag-search, Daviana. Napakadali ng malaman ang kahulugan ng mga bagay-bagay sa paligid dahil sa mabilisang access sa internet. Hindi na gaya noong unang panahon ng ating mga parents na pumupunta pa raw ng library.” mahabang linya nito na ikinatawa lang ng mahina ng dalaga. “Teka nga, sendan
NATAWA NA LANG si Daviana sa naging reaction na iyon ng kaibigan. Malamang kapag nalaman ni Anelie na si Rohi ang may-ari ng damit at kasama niya mag-bar, baka lalo pa siyang ma-windang at kung anu-ano na naman ang mga sabihin at isipin sa kanya kahit na wala naman siyang masamang ginagawa. Hindi pa naman mapigilan ang bibig nito. Saka baka makarating pa iyon kay Warren. Bagay na pinaka-iingatan niya dahil sa nakaraan nilang isyu na sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nila nare-resolba. Ayaw niya ‘ring maipit sa kanilang pagitan. Base sa relasyon ng magkapatid na sina Warren at Rohi, malamang na malaking gulo na naman ang kahahantungan ng dalawa. Si Warren pa? Oras na malaman niyang magkaibigan sila ni Rohi, gagawa ito ng hakbang upang hindi na sila muling magkita pa.“Oh, bakit bigla kang tumahimik?”Kinamumuhian din ni Warren si Rohi, kaya lahat ng kaibigan niya noon ay nagawa siyang pahirapan kahit na walang kasalanan. Siguro dahil gusto niya si Warren noon kung kaya naman hindi
KUNG DATI-RATI NA bago ang mga pagsusulit ni Daviana sa school ay gusto niyang makausap si Warren dahil isa ito sa mga inspirasyon sa kanya upang ipasa sa abot ng kanyang makakaya ang lahat ng exam. Feeling ng dalaga kasi ay sobrang proud ni Warren sa kanya kapag nalaman niyang pasado siya at hindi lang iyon, iyong kasama pa siya sa top, subalit nitong mga nakaraan lang ay biglang nag-iba na iyon. Toxic na si Warren para sa kanya. Hindi na ito inspirasyon para kay Daviana. Ang mga tawag at mensahe ni Warren ay nagpapaalala lang sa kanya ng sakit na nakuha niya dahil nagbago ito at may ibang babae ng gusto. “O sige, tatawag ako mamaya—”Hindi na iyon pinatapos ni Daviana at pinutol na niya ang tawag. Pamartsa na siyang bumalik sa loob ng room. Suot sa mukha ang sobrang iritasyon. Walang kabuhay-buhay ang kanyang mga matang panay pa ang ikot.“Tsk, e ‘di tumawag ka. Hindi ako sasagot!”Ilang araw ang lumipas bago siya muling tinawagan ni Warren. Actually, tinawagan siya nito ng araw na
MATAMLAY AT WALANG anumang lakas si Daviana ng araw na iyon. Tamad na tamad siyang gumawa ng kahit na ano, marahil dahil birthday niya. Iyon ang naging haka-haka ng kanyang isipan. Dahil nag-cancel si Warren, lahat ng plans niya ng dinner nila ay cancel na rin. Sa sunod na lang, iyon ang paliwanag niya kay Keefer at Rohi.“Hindi ka magse-celebrate? Bakit?” tanong ni Anelie nang malaman niyang hindi tuloy. “Basta, ililibre na lang kita sa ibang araw.”“Hay naku, bakit nga?”Hindi na lang siya pinansin ni Daviana kahit pa patuloy na kinulit. Pagsapit ng hapon, nakatanggap si Daviana ng lokal na express delivery. Maganda ang pagkakabalot ng kahon ng alam niya ay regalo mula kay Warren. May palumpon din ng mga purong puting rosas. Walang emosyon na tinanggap iyon ng dalaga. Hindi niya madama na masaya siya habang tinatanggap niya iyon. Siguro marahil dahil alam niyang ang presensya ni Warren ang mas kailangan niya.“Salamat po.” magalang niyang wika sabay yakap sa regalo at bouquet ng bu
NAPAIRIT NA DOON nang malakas si Anelie, wala pa man ay kinikilig na ang babae na muling mahigpit na binigyan ng yakap si Daviana na mabilis siyang itinulak papalayo. Muling sinamaan na ito ng mga tingin.“Bitaw na, para kang sawa kung makalingkis!”“Salamat, Daviana! Darrell, magkikita na tayong muli sa malapitan. Makikita ko na naman ang gwapo mong mukha!” excited na bulalas na ni Anelie na pulang-pula na ang mukha habang nangangarap na ng gising.Napailing na lang si Daviana sa kabaliwan ng kaibigang lumayo na sa kanya. Hindi niya ma-gets kung bakit masaya ito kahit ganun lang ang interaction nila ng long time crush niya. Ilang taon na din niya na kaya iyong nagugustuhan. Hindi niya sukat-akalain na may ganun pa pala. Samantalang siya, hindi maging masaya kung saan ang dami na nilang napagsamahan ni Warren. Sabagay magkaiba naman kasi sila ng sitwasyon ng kaibigan. Pinaasa kasi siya ng binata, iyon ang pagkakaiba nilang dalawa. Kaya rin siya pumayag sa gusto ng kaibigan niya ngayon
SA KANYANG NARINIG ay hindi na napigilan ni Daviana na mapuno. Kung makapagsalita itong si Warren akala niya alam na niya ang lahat ng bagay. Kung apakan niya si Rohi ay ganun-ganun na lang. Hindi na niya matiis pa iyon.“Hindi kasalanan ni Rohi kung ipinanganak siya sa pamilya niyo. Oo, anak siya sa labas ng Daddy mo pero hindi ibig sabihin noon ay anak siya ng third party. Kung hindi pinakasalan ng Daddy mo ang Mommy mo, nasaan ka kaya ngayon? Inosente si Rohi. Biktima siya ng pang-bu-bully mo mula mga bata pa tayo. Lumaki siyang walang kaibigan at pakiramdam na walang nagmamahal sa kanya nang dahil sa kagagawan mo! Ikaw ang totoong villain dito, ikaw!” Hindi mapigilang mapanganga ni Warren sa narinig na pagsagot sa kanya ni Daviana. “Magaling siya. Matalino. Madiskarte sa buhay. Hindi mo siya kagaya na spoiled brat. Kung ikukumpara ka sa kakayahan niya,” umiling-iling pa si Daviana upang mas lalong buwisitin si Warren. “Walang-wala ka sa kalingkingan niya. Tingnan mo nga? Ang gal
SABAY NG NAPATINGIN sina Rohi at Warren kay Daviana nang malakas na itong sumigaw. Hindi maikakaila sa dalaga ang takot na nararamdaman niya sa mga pagbabanta ni Warren na paniguradong gagawin. Ayaw naman ng dalaga na mawalan ng trabaho si Rohi nang dahil lang sa kanya. Ayaw niyang maging involved ito sa away nila ni Warren kung kaya naman pagbibigyan na lang niya kung ano ang gusto nitong mangyari, nang tumahimik na ang lalaki. Gusto lang naman siya nitong makausap. Wala rin naman siguro itong masamang gagawin sa kanya. Pilit siyang ngumiti kay Rohi nang magtama ang kanilang mga mata. Pinaparating niya sa mga tingin niya na ayos lang siya at hindi dapat ikaalala.“Ayos lang ako Rohi, mag-uusap lang naman kami. Babalik din ako agad. Bitawan mo na ako.”Masunuring binitawan ni Rohi ang braso ni Daviana na kanyang hawak at itinaas na ang kamay. “Bitawan mo na rin siya, Warren. Nasasaktan na sa ginagawa mo si Daviana.” Sa halip na sumunod sa utos ni Rohi ay mas humigpit pa ang hawak ni
NAGSUKATAN NG MATALIM na mga tinginan ang dalawa na ikinalamig na ng buong katawan ni Daviana. Baka kasi mamaya ay magsuntukan sila doon, nakakahiya. Hindi mababanaag ang pagiging magkadugo ng dalawa na parang parehong ibang tao ng mga sandaling iyon. Sinubukan ni Daviana na pumagitna sa kanilang dalawa na nagiging manipis ang pagitan. Kitang-kita ng dalaga kung paano magngalit ang mga ngipin ni Warren sa sobrang inis niya rito.“Gusto ko lang makita ang tunay na nangyari. Iyon lang. Huwag mo na sanang ipagdamot iyon, Warren. Uulitin ko, wala akong masamang ginawa sa girlfriend mo. Ni hindi ko hinawakan ang kamay noon. Nagpatihulog siya ng sadya.” Hindi pa rin siya pinakinggan ni Warren na hinawi lang sila upang siya na ang maghanap ng footage. “Tingnan natin, Viana, kung sino ang nagsasabi sa inyong dalawa ni Melissa!” hawak nito sa mouse na binitawan ni Rohi kanina, ikinapula na iyon ng mga mata na naman ng dalaga. “Dito natin makikita kung sino ang sinungaling.” Namuo na ang luh
MALALAKI ANG MGA hakbang na tinungo ni Warren ang general security department ng kanilang Hacienda. Nais niyang patunayan na hindi nagsisinungaling ang kanyang nobya at ang kaibigang si Daviana talaga ang may kasalanan ng aksidente. Doon ay saka pa lang siya mapapalagay ng loob. Para matapos na rin pagka-guilty niya sa mga nangyari. Ganun na lang ang gulat ng head ng security department nila nang marinig kung kaninong anak siya at ng purpose ng pagpunta niya doon. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kanina pa nauna doon si Rohi at Daviana upang tingnan ang CCTV, habang kumakain ng breakfast kanina ay hinimok ni Rohi na tingnan nila ang buong pangyayari sa mga CCTV. “Hindi na kailangan, Rohi, alam ko naman na wala akong masamang ginagawa.” “Kailangan iyon Daviana, para malinis mo rin ang iyong pangalan. Para masampal mo rin sa babaeng iyon na siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan at hindi ikaw. Mappaatunayan mo lang iyon kung makikita iyon ng lantaran sa CCTV.” Muling iniiling ni Davi
SINUNDAN NG MGA mata ni Rohi ang likod ng dalaga na naglaho na sa paningin niya nang sumara ang pintuan. Dahan-dahang naupo ang binata sa sofa habang nakatingin pa rin ang mata sa dahon ng pintuan ng silid. Nakapagkit pa rin sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ni Daviana kanina. Napayuko na siya doon. Hindi na niya napigilan ang sarili at malakas na doong tumawa na tanging siya lang ang nakakarinig. Tuwang-tuwa ang binata sa naging reaksyon ng dalaga na halatang labis na nahihiya pa rin sa kanya. Nanatiling nakangiti pa rin ang labi ni Rohi.“Ang cute niya talagang maasar…” mahina niya pang usal na muling mahinang natawa. Nahiga na si Rohi sa sofa at pilit niyang pinagkasya ang sarili doon. Pinag-krus niya pa ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Muli pa siyang natawa nang pagpikit ng mga mata ay makita niya sa balintataw niya si Daviana. Ang linaw noon na tila ba kaharap niya lang ang dalaga. Nakagat na ni Rohi ang kanyang pang-ibabang labi, iba na kasi ito. Masyado
PINATAY NI ROHI ang gripo gamit ang kaliwa niyang palad. Biglang natahimik ang buong silid nang mawala ang ingay ng bumabagsak na tubig. Humigpit pa ang hawak niya sa kamay ni Daviana na parang bigla itong naging kabado doon. “Kung ganun, napag-isipan mo bang ikonsidera ang ibang lalaki kung sakaling mangligaw sa’yo?” Naramdaman ni Daviana na nagsimulang uminit ang kanang kamay na hawak ng binata. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso niya, parang lalabas na sa dibdib niya ang puso. Nang sobra na ang tensyon na nararamdaman ng kanyang katawan ay laking pasasalamat niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya na naging dahilan upang basagin ang katahimikan sa loob ng kwarto. Tila napasong binitawan ni Rohi ang kamay niya at umatras ng ilang hakbang upang makalayo sa katawan niya at bigyan na siya ng distansya.“Hindi mo ba sasagutin ang tawag?” Ang buong akala ni Daviana ay cellphone iyon ni Rohi kung kaya naman wala siyang a
HINDI NA MAPIGILAN ni Daviana na mapakurap ng kanyang mga mata. Para siyang nabingi sa narinig niyang pahayag ng kaharap na binata. Ano raw? Hindi na ito aalis? Doon ito matutulog kasama niya? Bakit niya naman gagawin iyon?“Anong s-sinabi mo, Rohi?” Sa halip na sumagot ay dire-diretso lang lumakad ang binata palapit sa sofa at naupo na ito sa kabilang gilid noon. “Ang sabi ko hindi na ako aalis. Dito ako matutulog. Sasamahan kita.” Hindi magawang makaimik ni Daviana. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Paano ang mga tauhan nitong lasing na? Saka saan siya matutulog? Iisa lang ang silid at kama na naroon. Ano iyon magtatabi sila? “Bakit?” “Sa sofa ako matutulog. Huwag kang mag-alala.” sa halip ay sambit niya dahil nababasa ang pag-aalala ng dalaga.May bahid pa ng luha ang mata ni Davian, basa pa noon ang kanyang mga pilik-mata. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Rohi. Malamang, paano niya iiwanan doon ang dalaga lalo na at nakita niya itong umiiyak da
NAPATITIG NA SI Daviana sa likod ni Rohi na nagsimula ng humakbang patungo ng pintuan ng holiday home. Mabagal niyang sinundan ang binata. Gusto niya itong pigilan para samahan siya doon, ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig lalo pa at alam niyang kailangan ito ng mga staff doon sa hotel. Nakaramdam ng pagkataranta at bahagyang pag-aalala na ang dalaga nang akmang lalabas na siya rito. “Rohi, sandali lang!” Agad napalingon sa kanya ang binata nang marinig ang kanyang sinabi. Mababanaag niya sa mukha ng dalaga ang pag-aalinlangan na may sabihin ito sa kanya. Bagay na hindi niya naman alam kung ano iyon.“Bakit? May kailangan ka pa ba?” Marahang kinagat ni Daviana ang labi. Ang nais niyang sabihin ay huwag siyang iwan nito sa lugar ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig. Salitang hindi naman niya pinagsisisihang sabihin pa rin sa binata.“Maraming salamat.”“Walang anuman, Daviana. Siya nga pala, bagama’t may mga guards ang lugar na ito na nagbabantay magdamag hindi pa rin ito
DUMILIM NA ANG paningin ni Rohi nang marinig niya ang mga sinabi ng dalaga. Humigpit pa ang hawak niya sa manibela ng kanyang sasakyan. Marami siyang nais na sabihin pero hindi niya magawang sabihin dahil ang labas noon ay magiging pakialamero na siya sa buhay nito.“Paniguradong hindi na kami muling magiging magkaibigan pa ni Warren mula sa araw na ito.” mapakla ang tinig na sambit ni Daviana na bahagyang ikinalingon sa kanya ni Rohi, huminga pa siya nang malalim para lang hugutin ang sama ng kanyang loob. “Naaksidente kasi si Melissa kanina nang mangabayo kami at pumunta sa pusod ng kagubatan sa may waterfalls. Sa akin ba naman binebentang, ni hindi ko nga hinawakan kahit ang dulo ng daliri ng babaeng iyon. Malamang girlfriend niya iyon kaya siya ang pinapaniwalaan at hindi ako. May sira na ang utak ng babaeng ‘yun! Nakakabahala na talaga…”“Paanong bintang? Itinulak mo?” “Hindi. Ganito kasi iyon.” Umayos na ng upo si Daviana upang ikuwento ang nangyari kay Rohi. “Pinatakbo ko an