Share

Chapter 20.1

MATAMLAY AT WALANG anumang lakas si Daviana ng araw na iyon. Tamad na tamad siyang gumawa ng kahit na ano, marahil dahil birthday niya. Iyon ang naging haka-haka ng kanyang isipan. Dahil nag-cancel si Warren, lahat ng plans niya ng dinner nila ay cancel na rin. Sa sunod na lang, iyon ang paliwanag niya kay Keefer at Rohi.

“Hindi ka magse-celebrate? Bakit?” tanong ni Anelie nang malaman niyang hindi tuloy.

“Basta, ililibre na lang kita sa ibang araw.”

“Hay naku, bakit nga?”

Hindi na lang siya pinansin ni Daviana kahit pa patuloy na kinulit. Pagsapit ng hapon, nakatanggap si Daviana ng lokal na express delivery. Maganda ang pagkakabalot ng kahon ng alam niya ay regalo mula kay Warren. May palumpon din ng mga purong puting rosas. Walang emosyon na tinanggap iyon ng dalaga. Hindi niya madama na masaya siya habang tinatanggap niya iyon. Siguro marahil dahil alam niyang ang presensya ni Warren ang mas kailangan niya.

“Salamat po.” magalang niyang wika sabay yakap sa regalo at bouquet ng bu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status