HANGGANG SA MARATING nila ang destinasyong restaurant ay hindi pa rin binigyan ng pansin ni Rohi ang dalaga kahit nakikinita niya ang bulto nito sa side mirror ng sasakyan. Lalong nanlumo doon si Daviana na halatang guilty pa rin sa pagiging pasaway niya noong lasing siya. Marahil ay nainis sa kanya ang binata. Iyon ang patuloy na umiikot sa isipan ni Daviana habang lulan ng sasakyan. Ilang beses na rin niyang hindi napapansin na napakagat na pala siya sa kanyang hinliliit na kuko. Iyon ang madalas niyang gawin kapag sobrang tensyonado siya. Pumarada ang kanilang sasakyan malapit sa restaurant. Sa kabilang street iyon at kailangan pa nilang maglakad ng ilang metro at tumawid. Wala na kasing space ang harapang bahagi ng kainan kung kaya walang choice si Keefer. Jam packed kasi doon ng ganung oras. Pagkapatay ng makina ay umibis na sila doon. Magkasabay na naglakad sina Rohi at Darrell na halatang hindi pa rin tapos sa topic nila sa magiging trabaho nito, agad naman silang sinundan ni A
HINDI NAGING KUMBINSIDO sa naging sagot ni Daviana si Keefer. Base sa nakita niyang tingin dito at concern ng kaibigang si Rohi, batid niyang may iba. Mukhang may malalim silang connection sa bawat isa. Umiling ang lalaki na ikinakunot noo ni Daviana at kapagdaka ay mahinang bigla na lang doong natawa. “Tingnan mo, Daviana. Anong sabi sa'yo kanina? Hindi ka magaling magsinungaling. Hindi ako naniniwala na ganoon lang ang relasyon niyo sa nakitang kong pakikitungo niya sa’yo. Iba talaga eh. Kapitbahay? Kalokohan, Daviana! Walang kapitbahay lang na titingnan ka na para bang...” hindi itinuloy ito ni Keefer. “Eh iyon naman talaga ang totoo. Bakit hindi siya ang tanungin mo? Magkapitbahay nga kami. Period.” busangot na ang mukhang saad ng dalaga, hindi na niya gusto ang tabas ng dila ni Keefer. Iyong tipong may iba itong tinutukoy na hindi niya mapunto kung ano. Sinagot niya na ang tanong nito tapos ayaw pa siyang paniwalaan? Nagtanong pa ito sa kanya! “Nagtanong ka pa. Ayaw mo namang m
NAGKIBIT-BALIKAT NA LANG si Daviana. Piniling manahimik. Hindi niya binigyan ng sagot ang tanong ni Keefer na sa mga sandaling iyon ay nakahabol ng tingin sa kanya. Ipinapakita nito sa kanyang mga tingin na hinihintay niya ang sagot, at binigo siya doon ng dalaga. “Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko?” pasimpleng sunod ni Keefer sa kanya, hindi pa rin siya pinansin ni Daviana. “Hey—”Naputol iyon nang malalaki ang mga hakbang ng dalaga na pumasok na sa loob ng restaurant. Pasunod sa tatlong kasama na nasa loob na. Nakalingon sa may pintuan at hinihintay silang dalawa ni Keefer. Walang nagawa si Keefer kundi ang sumunod na rin sa kanya kahit mababakas sa mukha nito na medyo frustrated sa kawalan ng sagot ni Daviana sa bagay na itinatanong niya. Panandalian na itong iwinaglit. Nang tuluyang makapasok ang lahat sa loob ay sinalubong na sila ng dalawang waiter upang e-assist ang mga bagong dating na customers.“Nagpa-reserve ako dito kanina sa pangalan ni Rohi Gonzales.” walang gatol n
UMINIT PA ANG mukha ni Daviana lalo pa nang magawi ang tingin niya sa banda ni Rohi na sa mga sandaling iyon ay nakaburo na pala ang mga mata sa kanya. Malalim ang pagtitig na ginagawa nito sa dalaga na para bang kailangan niyang mag-explain kung bakit may pa-cake sa kanya si Keefer? Eh, hindi niya rin naman alam kung bakit nag-abala pa ang lalaking iyon. Hindi naman niya dito hiningi. So, hindi na rin niya kasalanan iyon kung bakit mayroon. Ilang segundo silang nagtitigan. Mas nagbaga pa ang mukha niya nang maisip na iyon ang unang pagkakataon na tiningnan siya nito mula nang dumating sila sa resto.“Minsan ka lang naman magbi-birthday sa isang taon, at para sa akin ay cake ang pinaka-importanteng pagkain na mayroon ka sa araw na iyon. Malay mo kasi matupad mo na ang mga wish mo dito kapag nag-blow ka ng candle. Hindi ba?” lihim na patutsada ni Anelie na alam ni Daviana na may nakatagong panunukso ang mga nilalaman ng lahat ng kanyang sinasabi. “Hindi ba, Keefer? Isang beses lang iyo
PAGLABAS NG BANYO, sa halip na bumalik ng table sa loob ng restaurant si Daviana ay nagtungo siya sa dulo ng corridor kung saan may daan patungo ng veranda sa itaas. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng resto at inihawak sa railings ang dalawa niyang kamay sa walang katau-taong veranda ng resto. Tumingala na siya sa madilim na langit. Huminga siya nang malalim habang pinipigilan na maiyak pa dahil sa sobrang lungkot na bumabalot sa katawan. Naagaw ang atensyon niya nang mag-vibrate ang cellphone sa bulsa niya. Inilabas niya ito.“Tsk, talagang tumatawag ka pa. Hindi ka pa ba tapos sa pananakit na ginagawa mo sa akin ha?” kausap niya sa screen nang makita niya itong si Warren. Umismid pa siya na animo ay makikita siya ng kaibigan.Pinindot niya ang mute button at tinitigan ang screen ng kanyang telepono, pinapanood niyang muling dumilim iyon. Ilang sandali pa ay muli itong umilaw sa bagong tawag. Sa bandang huli ay hindi niya pa rin natiis iyon.“Hello?”“Busy ka ba? Kanina pa ako tuma
NAGKAROON NG PAG-AALINLANGAN si Daviana na muling isipin ang pangyayaring iyon sa nakaraan nila. Hindi niya maiwasang makiramay kay Rohi ng mga sandaling iyon dahil sa labis na lungkot. Hindi na rin naman siya komportableng balikan ang malungkot na parte ng buhay na iyon ng binata. Baka oras na banggitin niya ito ay mauna pa siyang maiyak nang dahil sa nararamdaman niya pang awa. Walang imik na bumalik siya sa tabi ng binata at hinaayang malanghap ng ilong niya ang amoy ng sigarilyo na sumasama sa ihip ng hangin. Ngayon lang naman iyon. Biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay pagdating sa usok ng sigarilyo nito. Naalala niya ang t-shirt na ipinahiram sa kanya ng binata na may mahinang amoy ng tabako. Naisip ng dalaga na marahil dito iyon naggaling na nahaluan lang ng gamit na pabango ni Rohi.“Nalabhan ko na iyong ipinahiram mo sa aking damit, ngunit hindi ko naman ito dinala ngayon. Hindi ko rin kasi alam na makikita kita ngayong araw. Ibibigay ko na lang iyon siguro sa iyo sa iban
BINILISAN NI DAVIANA ang kanyang mga hakbang upang unahan si Rohi. Nagpaubaya naman doon ang binata na pinagbuksan pa siya ng pintuan ng resto. Makahulugan silang tiningnan ng tatlong naiwan nila sa table na prenting nagkukuwentuhan ng mga sandaling iyon. Walang sinuman sa kanilang tatlo ang nag-usisa kung bakit natagalan ang dalawa sa labas, na kahit si Keefer ay may nase-sense na iba ay hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig upang mang-usisa sa kanila. “Daviana, nauna na akong tumikim ng cake mo ha? Huwag ka sanang magagalit.” pangunguna ni Anelie habang sinusulyan na ang kaibigan. “Hmm, ayos lang. Pagkain naman kasi ‘yan na hindi dapat paghintayin.” Itinikom ni Anelie ang bibig. Sobrang curious na siya kung ano ang pinag-usapan ng lider nina Keefer at ng kanyang kaibigan sa labas. Sa tingin niya ay mukhang matagal na silang magkakilalang dalawa nito.“Okay, akala ko magagalit ka dahil inunahan kita.”SA KABILANG banda ay tahimik na ibinaba ni Warren ang cellphone. Naiintind
NATANGGAL ANG NAKABALOT na towel sa katawan ni Melissa na hindi napansin ni Warren na sinadya ng kanyang nobya. Dumampi ang labi ni Warren sa kanyang balikat habang dalang-dala na sa kanilang ginagawa. Humaplos naman ang palad ng babae sa matipunong dibdib ni Warren. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumigil ang lalaki sa kanyang ginagawa. Sa hindi malamang dahilan ay bigla niyang naalala ang naging panaginip. Sa panaginip ay ganundin ang ginagawa niya, hinahalikan ang makinis nitong balikat ay niyayakap niya ang taong nasa ilalim niya. Para na siyang binuhusan ng isang palanggana ng malamig na tubig nang maalala na hindi ang nobya niya ang nasa panaginip kundi ang kaibigan niyang si Daviana. Nanigas ng ilang segundo ang katawan ni Warren. Bigla niyang itinulak papalayo ang katawan ni Melissa, saka napaatras nang ilang hakbang habang hinahabol ang kanyang sariling hininga.“B-Beyb? Bakit mo ako itinulak?” naguguluhang tanong ni Melissa na kamuntikan ng bumulagta sa sahig ng hotel, “May ma