UMINIT PA ANG mukha ni Daviana lalo pa nang magawi ang tingin niya sa banda ni Rohi na sa mga sandaling iyon ay nakaburo na pala ang mga mata sa kanya. Malalim ang pagtitig na ginagawa nito sa dalaga na para bang kailangan niyang mag-explain kung bakit may pa-cake sa kanya si Keefer? Eh, hindi niya rin naman alam kung bakit nag-abala pa ang lalaking iyon. Hindi naman niya dito hiningi. So, hindi na rin niya kasalanan iyon kung bakit mayroon. Ilang segundo silang nagtitigan. Mas nagbaga pa ang mukha niya nang maisip na iyon ang unang pagkakataon na tiningnan siya nito mula nang dumating sila sa resto.“Minsan ka lang naman magbi-birthday sa isang taon, at para sa akin ay cake ang pinaka-importanteng pagkain na mayroon ka sa araw na iyon. Malay mo kasi matupad mo na ang mga wish mo dito kapag nag-blow ka ng candle. Hindi ba?” lihim na patutsada ni Anelie na alam ni Daviana na may nakatagong panunukso ang mga nilalaman ng lahat ng kanyang sinasabi. “Hindi ba, Keefer? Isang beses lang iyo
PAGLABAS NG BANYO, sa halip na bumalik ng table sa loob ng restaurant si Daviana ay nagtungo siya sa dulo ng corridor kung saan may daan patungo ng veranda sa itaas. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng resto at inihawak sa railings ang dalawa niyang kamay sa walang katau-taong veranda ng resto. Tumingala na siya sa madilim na langit. Huminga siya nang malalim habang pinipigilan na maiyak pa dahil sa sobrang lungkot na bumabalot sa katawan. Naagaw ang atensyon niya nang mag-vibrate ang cellphone sa bulsa niya. Inilabas niya ito.“Tsk, talagang tumatawag ka pa. Hindi ka pa ba tapos sa pananakit na ginagawa mo sa akin ha?” kausap niya sa screen nang makita niya itong si Warren. Umismid pa siya na animo ay makikita siya ng kaibigan.Pinindot niya ang mute button at tinitigan ang screen ng kanyang telepono, pinapanood niyang muling dumilim iyon. Ilang sandali pa ay muli itong umilaw sa bagong tawag. Sa bandang huli ay hindi niya pa rin natiis iyon.“Hello?”“Busy ka ba? Kanina pa ako tuma
NAGKAROON NG PAG-AALINLANGAN si Daviana na muling isipin ang pangyayaring iyon sa nakaraan nila. Hindi niya maiwasang makiramay kay Rohi ng mga sandaling iyon dahil sa labis na lungkot. Hindi na rin naman siya komportableng balikan ang malungkot na parte ng buhay na iyon ng binata. Baka oras na banggitin niya ito ay mauna pa siyang maiyak nang dahil sa nararamdaman niya pang awa. Walang imik na bumalik siya sa tabi ng binata at hinaayang malanghap ng ilong niya ang amoy ng sigarilyo na sumasama sa ihip ng hangin. Ngayon lang naman iyon. Biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay pagdating sa usok ng sigarilyo nito. Naalala niya ang t-shirt na ipinahiram sa kanya ng binata na may mahinang amoy ng tabako. Naisip ng dalaga na marahil dito iyon naggaling na nahaluan lang ng gamit na pabango ni Rohi.“Nalabhan ko na iyong ipinahiram mo sa aking damit, ngunit hindi ko naman ito dinala ngayon. Hindi ko rin kasi alam na makikita kita ngayong araw. Ibibigay ko na lang iyon siguro sa iyo sa iban
BINILISAN NI DAVIANA ang kanyang mga hakbang upang unahan si Rohi. Nagpaubaya naman doon ang binata na pinagbuksan pa siya ng pintuan ng resto. Makahulugan silang tiningnan ng tatlong naiwan nila sa table na prenting nagkukuwentuhan ng mga sandaling iyon. Walang sinuman sa kanilang tatlo ang nag-usisa kung bakit natagalan ang dalawa sa labas, na kahit si Keefer ay may nase-sense na iba ay hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig upang mang-usisa sa kanila. “Daviana, nauna na akong tumikim ng cake mo ha? Huwag ka sanang magagalit.” pangunguna ni Anelie habang sinusulyan na ang kaibigan. “Hmm, ayos lang. Pagkain naman kasi ‘yan na hindi dapat paghintayin.” Itinikom ni Anelie ang bibig. Sobrang curious na siya kung ano ang pinag-usapan ng lider nina Keefer at ng kanyang kaibigan sa labas. Sa tingin niya ay mukhang matagal na silang magkakilalang dalawa nito.“Okay, akala ko magagalit ka dahil inunahan kita.”SA KABILANG banda ay tahimik na ibinaba ni Warren ang cellphone. Naiintind
NATANGGAL ANG NAKABALOT na towel sa katawan ni Melissa na hindi napansin ni Warren na sinadya ng kanyang nobya. Dumampi ang labi ni Warren sa kanyang balikat habang dalang-dala na sa kanilang ginagawa. Humaplos naman ang palad ng babae sa matipunong dibdib ni Warren. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumigil ang lalaki sa kanyang ginagawa. Sa hindi malamang dahilan ay bigla niyang naalala ang naging panaginip. Sa panaginip ay ganundin ang ginagawa niya, hinahalikan ang makinis nitong balikat ay niyayakap niya ang taong nasa ilalim niya. Para na siyang binuhusan ng isang palanggana ng malamig na tubig nang maalala na hindi ang nobya niya ang nasa panaginip kundi ang kaibigan niyang si Daviana. Nanigas ng ilang segundo ang katawan ni Warren. Bigla niyang itinulak papalayo ang katawan ni Melissa, saka napaatras nang ilang hakbang habang hinahabol ang kanyang sariling hininga.“B-Beyb? Bakit mo ako itinulak?” naguguluhang tanong ni Melissa na kamuntikan ng bumulagta sa sahig ng hotel, “May ma
MALIKOT ANG MGA matang napaiwas na agad si Daviana ng tingin sa kay Anelie pagkaraan nilang magkatitigan ng ilang minuto matapos nitong bumulong sa kanyang tainga. Natatakot siya na baka mabasa nito ang laman ng kanyang isipan. Ayaw pa naman niyang malaman ni Anelie ang tungkol sa paglalasing na kanyang ginawa noon kasama sina Keefer at Rohi, paniguradong ito pa ang magiging mitsa ng pagiging alaskador nito.“Huwag ka ngang magsalita diyan nang walang kapararakan! Itikom mo ang bibig mo. Pasmado!”Sa halip na sundin siya nito ay mas nagkaroon pa ito ng lakas na walang takot na e-bully siya.“Huwag nga ako Daviana, nararamdaman kong may itinatago ka sa akin. Hindi ako bulag at saka manhid!” irap pa nito matapos siyang pandilatan, “Umamin ka na sa akin ngayon pa lang. Gusto mo bang ako pa nag kusang makatuklas kung ano?Anong meron sa inyong tatlo? Anong meron, Daviana?”Hinilot na ni Daviana ang kanyang sentido na biglang nanakit nang dahil sa tinurang iyon ng kanyang kaibigan. Mali ang
PAGKASABI NOON NI Rohi ay biglang umayos ito ng tayo at nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad. "Siya na nga ang tinutulungan, ayaw pa niya?!” Sa naghihimutok na isipan ni Daviana ay nadama na kung hindi lang siya dito naaawa ay nungkang magmalasakit siya sa kanya at handa siyang tulungan sana. Siya pa tuloy ang naging masama sa pagmamagandang-loob lang naman niya rito. Batid ni Daviana na walang ibang tutulong sa kay Rohi sa lugar na iyon kundi siya lang. Alam ng lahat na isa siyang illegitimate child ng padre de pamilya ng mga Gonzales. Si Daviana lang talaga ang malakas ang loob na kumausap sa lalaki. Maliban sa awa ay sigurado si Daviana na kung nakita siya sakali ng half-brother niyang si Warren ng sandaling iyon ay baka isinumpa na siya nito. “Ikaw na nga ang tinutulungan, ayaw mo pa!” mas nilakasan niya ang litanyang iyon para kay Rohi. “E di huwag kung ayaw mong magpatulong. Yabang mo! Wala ka rin namang ipagmamayabang!” Sa halip na tumalikod ay dahan-dahan na doon si Davi
ILANG BESES NA umirap si Daviana sa kawalan. Napipigtas na ang pasensya niya sa lalaking kaharap. Hindi na ito batang paslit pero ang hirap nitong utusang uminom ng gamot. Panay ang pagpapasaway sa kanya.“Inumin mo na itong gamot, Rohi. Kung hindi ka iinom ng gamot, paano kung...paano kung...may masamang mangyari sa’yo ha? Walang ibang tutulong sa'yo. Wala kang masasandalan. Alam mo 'yan!”Naalala ni Daviana ang tsismis na narinig niya noon sa dorm na may kaklase daw sila sa elementarya na nilalagnat ng mahigit 40 degrees. Hindi iyon naagapan at naapektuhan ang utak. Muntik-muntikan ng tumarak ang mga mata dahil nagkaroon ng convulsion. Kung hindi ito naitakbo sa hospital malamang ay nautas na. Hindi lang iyon, naging dahilan pa iyon upang mas maging mapurol ang utak ng taong iyon.“Paano kung atakehin ka ng convulsion at bigla na lang tumarak ang mga mata? Paano ka, Rohi?”Kung mangyayari iyon kay Rohi, madadala nito ‘yun hanggang sa kanyang pagtanda. Hindi iyon maaalis. Kada lalagn