NAGKAROON NG PAG-AALINLANGAN si Daviana na muling isipin ang pangyayaring iyon sa nakaraan nila. Hindi niya maiwasang makiramay kay Rohi ng mga sandaling iyon dahil sa labis na lungkot. Hindi na rin naman siya komportableng balikan ang malungkot na parte ng buhay na iyon ng binata. Baka oras na banggitin niya ito ay mauna pa siyang maiyak nang dahil sa nararamdaman niya pang awa. Walang imik na bumalik siya sa tabi ng binata at hinaayang malanghap ng ilong niya ang amoy ng sigarilyo na sumasama sa ihip ng hangin. Ngayon lang naman iyon. Biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay pagdating sa usok ng sigarilyo nito. Naalala niya ang t-shirt na ipinahiram sa kanya ng binata na may mahinang amoy ng tabako. Naisip ng dalaga na marahil dito iyon naggaling na nahaluan lang ng gamit na pabango ni Rohi.“Nalabhan ko na iyong ipinahiram mo sa aking damit, ngunit hindi ko naman ito dinala ngayon. Hindi ko rin kasi alam na makikita kita ngayong araw. Ibibigay ko na lang iyon siguro sa iyo sa iban
BINILISAN NI DAVIANA ang kanyang mga hakbang upang unahan si Rohi. Nagpaubaya naman doon ang binata na pinagbuksan pa siya ng pintuan ng resto. Makahulugan silang tiningnan ng tatlong naiwan nila sa table na prenting nagkukuwentuhan ng mga sandaling iyon. Walang sinuman sa kanilang tatlo ang nag-usisa kung bakit natagalan ang dalawa sa labas, na kahit si Keefer ay may nase-sense na iba ay hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig upang mang-usisa sa kanila. “Daviana, nauna na akong tumikim ng cake mo ha? Huwag ka sanang magagalit.” pangunguna ni Anelie habang sinusulyan na ang kaibigan. “Hmm, ayos lang. Pagkain naman kasi ‘yan na hindi dapat paghintayin.” Itinikom ni Anelie ang bibig. Sobrang curious na siya kung ano ang pinag-usapan ng lider nina Keefer at ng kanyang kaibigan sa labas. Sa tingin niya ay mukhang matagal na silang magkakilalang dalawa nito.“Okay, akala ko magagalit ka dahil inunahan kita.”SA KABILANG banda ay tahimik na ibinaba ni Warren ang cellphone. Naiintind
NATANGGAL ANG NAKABALOT na towel sa katawan ni Melissa na hindi napansin ni Warren na sinadya ng kanyang nobya. Dumampi ang labi ni Warren sa kanyang balikat habang dalang-dala na sa kanilang ginagawa. Humaplos naman ang palad ng babae sa matipunong dibdib ni Warren. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumigil ang lalaki sa kanyang ginagawa. Sa hindi malamang dahilan ay bigla niyang naalala ang naging panaginip. Sa panaginip ay ganundin ang ginagawa niya, hinahalikan ang makinis nitong balikat ay niyayakap niya ang taong nasa ilalim niya. Para na siyang binuhusan ng isang palanggana ng malamig na tubig nang maalala na hindi ang nobya niya ang nasa panaginip kundi ang kaibigan niyang si Daviana. Nanigas ng ilang segundo ang katawan ni Warren. Bigla niyang itinulak papalayo ang katawan ni Melissa, saka napaatras nang ilang hakbang habang hinahabol ang kanyang sariling hininga.“B-Beyb? Bakit mo ako itinulak?” naguguluhang tanong ni Melissa na kamuntikan ng bumulagta sa sahig ng hotel, “May ma
MALIKOT ANG MGA matang napaiwas na agad si Daviana ng tingin sa kay Anelie pagkaraan nilang magkatitigan ng ilang minuto matapos nitong bumulong sa kanyang tainga. Natatakot siya na baka mabasa nito ang laman ng kanyang isipan. Ayaw pa naman niyang malaman ni Anelie ang tungkol sa paglalasing na kanyang ginawa noon kasama sina Keefer at Rohi, paniguradong ito pa ang magiging mitsa ng pagiging alaskador nito.“Huwag ka ngang magsalita diyan nang walang kapararakan! Itikom mo ang bibig mo. Pasmado!”Sa halip na sundin siya nito ay mas nagkaroon pa ito ng lakas na walang takot na e-bully siya.“Huwag nga ako Daviana, nararamdaman kong may itinatago ka sa akin. Hindi ako bulag at saka manhid!” irap pa nito matapos siyang pandilatan, “Umamin ka na sa akin ngayon pa lang. Gusto mo bang ako pa nag kusang makatuklas kung ano?Anong meron sa inyong tatlo? Anong meron, Daviana?”Hinilot na ni Daviana ang kanyang sentido na biglang nanakit nang dahil sa tinurang iyon ng kanyang kaibigan. Mali ang
PAGKASABI NOON NI Rohi ay biglang umayos ito ng tayo at nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad. "Siya na nga ang tinutulungan, ayaw pa niya?!” Sa naghihimutok na isipan ni Daviana ay nadama na kung hindi lang siya dito naaawa ay nungkang magmalasakit siya sa kanya at handa siyang tulungan sana. Siya pa tuloy ang naging masama sa pagmamagandang-loob lang naman niya rito. Batid ni Daviana na walang ibang tutulong sa kay Rohi sa lugar na iyon kundi siya lang. Alam ng lahat na isa siyang illegitimate child ng padre de pamilya ng mga Gonzales. Si Daviana lang talaga ang malakas ang loob na kumausap sa lalaki. Maliban sa awa ay sigurado si Daviana na kung nakita siya sakali ng half-brother niyang si Warren ng sandaling iyon ay baka isinumpa na siya nito. “Ikaw na nga ang tinutulungan, ayaw mo pa!” mas nilakasan niya ang litanyang iyon para kay Rohi. “E di huwag kung ayaw mong magpatulong. Yabang mo! Wala ka rin namang ipagmamayabang!” Sa halip na tumalikod ay dahan-dahan na doon si Davi
ILANG BESES NA umirap si Daviana sa kawalan. Napipigtas na ang pasensya niya sa lalaking kaharap. Hindi na ito batang paslit pero ang hirap nitong utusang uminom ng gamot. Panay ang pagpapasaway sa kanya.“Inumin mo na itong gamot, Rohi. Kung hindi ka iinom ng gamot, paano kung...paano kung...may masamang mangyari sa’yo ha? Walang ibang tutulong sa'yo. Wala kang masasandalan. Alam mo 'yan!”Naalala ni Daviana ang tsismis na narinig niya noon sa dorm na may kaklase daw sila sa elementarya na nilalagnat ng mahigit 40 degrees. Hindi iyon naagapan at naapektuhan ang utak. Muntik-muntikan ng tumarak ang mga mata dahil nagkaroon ng convulsion. Kung hindi ito naitakbo sa hospital malamang ay nautas na. Hindi lang iyon, naging dahilan pa iyon upang mas maging mapurol ang utak ng taong iyon.“Paano kung atakehin ka ng convulsion at bigla na lang tumarak ang mga mata? Paano ka, Rohi?”Kung mangyayari iyon kay Rohi, madadala nito ‘yun hanggang sa kanyang pagtanda. Hindi iyon maaalis. Kada lalagn
PUNO NG PAG-AALINLANGAN na sumulyap si Daviana kay Rohi upang tingnan kung medyo bumubuti na ba ang hitsura nito. Hindi niya ito pwedeng basta iwanan lang lalo pa at mayroon itong lagnat. Nag-angat ito ng paningin na tahimik ng nakatitig sa kanyang mukha nang maramdaman ang ginawang pagtitig niya. Matamlay pa rin ang kanyang hitsura kagaya kanina. Walang nagbago doon kahit na nakainom na ito ng gamot. Nakaramdam bigla ng pagkailang sa ginagawa niyang iyon si Daviana, parang hinahalukay kasi nito ang buong pagkatao niya gamit lang ang mga mata niya. Ibang-iba ang paninitig ni Rohi sa kanya. May laman na hindi niya kayang ipaliwanag sa pamamagitan lang ng mga salita. Binawi ni Daviana ang tingin dito nang maramdamang kumalabog ang kanyang puso. Iyong tipong biglang kinabahan siya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.“Sige, pupunta ako.” sagot niya sa katanungan ni Warren.Pagkatapos ibaba ang tawag ay pilit ang ngiting hinarap na niya si Rohi. Nahihiya siya dito pero kailangan niyang
UMIKOT LANG NAMAN ang mga mata ni Daviana sa narinig, damang-dama niya kasi ang excitement ng kaibigan na medyo nakakahawa. Iba talaga ang fighting spirit nito. Kumikislap pa ang mga mata sa galak.“Para kang sira, bakit ka naman iiyak aber?” natatawang tanong pa ni Daviana sa kaibigang kaharap niya.“Eh kasi naman, gustong-gusto ko ngang makuha nila. Ini-expect ko na isa ako sa mapipili nila. Hopefully. Alam mo ba kung gaano karaming mga nagtapos ang gustong makapasok sa team nila? Marami, Daviana.” bida pa ni Anelie na para bang walang alam tungkol doon ang kaibigan, “Pero ayon naman sa sabi-sabi ay napakahirap makapasok sa kanila. Masyadong mataas ang standards. Maliban na lang kung kasing talino mo si Darrell, nangangailangan sila ng mayaman sa mga karanasan sa trabaho at hindi may alam lang.” “Gusto mo talagang sundan si Darrell doon at makasama siya sa iisang kompanya?”“Hindi ah, nagkataon lang ang pagsunod ko sa kanya pero gusto ko talagang mapabilang sa team nila...” iwas ni
NAPAHAWAK NA SIYA sa magkabilang braso ni Rohi dahil kung hindi niya gagawin iyon ay paniguradong babagsak siya sa sobrang panghihina na katawan niya. Niyakap na siya ni Rohi sa beywang at walang pag-aatubiling binuhat na patungo ng kanyang kama. Maingat niyang inihiga doon ang katawan ni Daviana at kinubabawan habang hindi pa rin pinuputol ang pagdidikit ng kanilang labi. Mapaglaro ang dila na sinipsip niya ang labi ni Daviana na hindi na katulad kanina na may diin. Banayad na iyon at puno ng pag-iingat. Gumapang pa ang libreng kamay nito sa pailalim ng kanyang suot na damit na tuluyang nagpawala ng wisyo at the same time ay galit ni Daviana. Sabik na tumugon siya sa halik ni Rohi na nang maramdaman iyon ay tuluyan na ‘ring nawala sa kanyang sarili. Natagpuan na lang nilang dalawa na kapwa na pinapaligaya ang kanilang katawan sa ikalawang pagkakataon kahit nasa alanganin silang sitwasyon. Bigay todo sa pagtugon si Daviana dahil alam niya na baka huli na rin ang pagkakataong iyon. “M
SA PUNTONG IYON ay hindi na rin maikubli ni Daviana ang kalungkutan na bumabalot sa kanyang buong katawan. Gusto niyang sabihin kay Rohi na napipilitan lang siya sa engagement nila dahil hinihingi iyon ng pagkakataon at hindi magtatagal, bago pa sila maikasal ay sisirain din naman nila ni Warren. Subalit, may mag-iiba ba kung sasabihin niya? Baka mamaya umasa lang si Rohi ulit. Magiging katatawanan sila sa marami kung sakaling naging fiancée siya ni Warren, tapos hindi natuloy ang kasal tapos malalaman nila na nobyo niya naman si Rohi. Pag-uusapan ang kanilang pamilya at magdudulot iyon ng malalang isyu. Kaya mabuting manahimik na lang at hayaan na lumipas na lang ang lahat sa kanila.“Hindi ka pa rin magsasalita? Ayaw mo akong bigyan ng explanation, Viana? Bakit mo ito ginagawa?” Puno ng pagpipigil ng hiningang itinaas ni Daviana ang kanyang isang kamay at hinawakan ang pala-pulsuhan ni Rohi. Sinalubong niya ang pinupukol na mga tingin sa kanya ng dating nobyo.“Hindi ko pwedeng hin
MARAHAS NA TUMIBOK pa ang puso ni Daviana na parang nagwawala na sa loob ng dibdib niya. Gusto niyang sumigaw, ngunit hindi siya nangahas na gawin iyon dahil makukuha ang atensyon ng marami. Isa pa ay malapit na ang engagement nila ni Warren ma tiyak na mabubulilyaso oras na gawin niya ang bagay na iyon. Saka mapapahamak niya rin si Rohi.“Please, Rohi?” muli niyang untag pero para itong binging ahas.Hindi pa rin nagsalita si Rohi kahit na ilang beses niya ng tinawag ang pangalan nito. Nasa iisang linya ang kanyang mga kilay. Mariin ang kagat niya sa labi niya, halatang nagpipigil. Nakapatay ang mga ilaw sa silid kung kaya naman hindi ni Daviana maaninag ang reaksyon ng mukha ng lalaki. Ang tanging tanglaw lang sa kabuohan ng silid ay ang maputlang liwanag ng buwan na nagmumula sa labas ng bintana. Liwanag ng buwan na hindi niya alam kung bakit malungkot ang dating sa mga mata ni Daviana ng mga sandaling iyon.“Isa! Bitawan mo ako, sabi! Baliw ka na ba, ha?!”“Oo, Viana. Baliw na nga
HUMIGPIT NA ANG hawak ni Daviana sa kanyang cellphone. Naiiyak na siya. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa kanyang isipan ang mga ginawa niya kay Rohi. Ngayon pa lang na parang sinampal siya ni Anelie doon.“Wala akong ibang choice, Anelie…sana maintindihan mo ang naging desisyon ko.” bakas ang sakit sa kanyang mahinang boses, hindi na niya kayang itago pa ang tunay na nararamdaman ng puso niya. “Naiintindihan kita kung pag-intindi lang naman Viana, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kayo humantong sa ganito? Kita naman kay Sir na head over heels siya sa’yo. Iyong tipong lahat ay gagawin niya para sa’yo, pero bigla mo siyang iniwan sa ere. Bigla mo siyang binitawan nang ganun-ganun na lang...”Guilty na hindi na magawang makapagsalita pa doon ni Daviana. Wala na siyang maisip na ibang dahilan. Inaamin naman niya. Mali niya. Siya ang may kasalanan, ngunit kagaya ng naunang sinabi, wala siyang choice. Kung mayroon lang naman, iyon ang pipiliin niya. Hindi na siya magpapaipit sa sitwa
PARANG NAPUTULAN NG dila si Melissa dahil sa pananahimik nito ng ilang segundo. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kinakalamay nito ang sarili na huwag ng bayolente pang mag-react. “So, ano napagdesisyunan mo na gusto mo akong maging sidechick mo lang na malayo sa mata ng publiko? Ganun ba ang gusto mong mangyari?”“Pansamantala lang naman iyon, Melissa. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan ha? Habang nag-iisip kami ng ibang paraan. Gagawa ako ng paraan, ngunit hindi mo maaaring labanan ang aking pamilya sa sandaling ito. Hindi ka o-obra sa kanila kaya makinig ka na lang sa sinasabi ko.”“Alam ko naman iyon, Warren. Gusto ko lang namang makasigurado sa’yo eh. Baka mamaya wala naman na pala akong hinihintay. Assurance ang kailangan ko mula sa'yo. Assurance.” puno ng pagkabigo ang tono ng boses ni Melissa, naiiyak.Ayaw siyang suyuin ni Warren dahil paniguradong aarte'han siyang lalo ng nobya. Kailangan nitong makipag-cooperate sa kanya kung nais nilang maging matagumpay ang pina-plano
NAGAWA PANG ITURO ni Warren ang mga bodyguard niya na nasa bakuran ng tahanan nina Daviana na matatanaw sa may bintana ng silid ng dalaga. Hindi naman siya pinansin ni Daviana na pinalampas lang ang sinabi sa kabila ng tainga niya. Wala siyang pakialam sa mga problema nito dahil kung tutuusin ay mas marami ang kanyang problema kumpara kay Warren. Mas malaki rin iyon lalo na pagdating nito kay Rohi.“I've had enough, Viana. Sinabi ko na sa kanila na hindi naman ako tatakas, ngunit hindi pa rin sila naniniwala sa akin. Ngayong tinanggap na nating dalawa ang engagement na tanging hiling ng ating mga magulang ay maaari mo ba akong tulungang malutas ang problemang ito? Sige na, Viana. Na-miss ko ng lumabas ng ako lang at walang inaalalang buntot na mga bodyguard.” muling ulit ni Warren nang wala pa rin siyang makuhang opinyon tungkol doon sa babae na pumapayag ito sa mga gusto niyang mangyari.“Okay, sasabihin ko sa parents mo kapag nakita ko sila. Okay na ba iyon? Ano? Happy ka na ba?” “
HINDI NAMAN NA nagulat pa si Warren nang makita niyang bumaba si Daviana ng hagdan kasunod ng kanyang ama. Masakit man sa kanyang paningin na napipilitan lang si Daviana ay hindi niya ito pinansin. Iwinaglit niya iyon sa isipan dahil siya rin naman ang isa sa humimok kay Daviana para sa fake engagement.“Hija, napag-isipan mo na ba?” maligayang tanong ni Carol matapos na bigyan niya ng yakap si Daviana ng makalapit, “May sagot ka na? Alam mo na, gusto na naming matapos ito sa lalong madaling panahon.”“Opo, Tita…nagkausap na kami ni Daddy…” linga niya sa ama na nasa sulok lang at matamang nakikinig sa usapan. “Pumapayag na ako sa engagement namin ni Warren.” halos ayaw lumabas noon sa lalamunan.Sumilay na ang kakaibang ngiti sa labi ni Carol sa kanyang narinig. Ang gusto niya ay isang manugang na madaling kontrolin kagaya na lang ni Daviana na sunud-sunuran lang. Kung hindi ito, kung ang ugali niya ay katulad ng kanyang anak na si Warren paniguradong masakit sa ulo iyon ng kanilang b
HATINGGABI NA NANG humupa at bumaba ang taas ng lagnat ni Nida. Nakahiga na sa bakanteng kama ng ward si Danilo, habang si Daviana namann ay hindi kayang ipikit ang mga mata sa labis na pag-aalala pa rin sa kalagayan ng kanyang ina. Hindi siya dalawin ng antok sa patong-patong na problema at isipin. Stress na stress ang utak niya kung alin ang kanyang uunahin. Nagtatalo ang puso niya at ang isipan niya. Ayaw siyang patulugin noon kahit na gustohin niya man kahit na saglit lang. Madaling araw na iyon ng naalimpungatan si Nida. Natulala siya saglit nang makita ang anak na si Daviana na naroon pa rin sa tabi. “Ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umaalis? Binalaan na kita noon na huwag kang—”“May lagnat ka na naman, dinala ka namin ni Daddy ng ospital.” pagputol ni Daviana upang sabihin ang bagay na iyon sa kanyang ina nang matapos na ang pag-iisip nito ng ibang mga bagay sa kanya.Naalala ni Nida ang nangyari ng nagdaang gabi sa kanilang bahay. Naging malinaw ang lahat ng iyo
WALANG IMIK AT piniling hindi na lang magsalita nina Danilo at Daviana sa mgasinabing iyon ng doctor. Wala rin namang mangyayari kung magbibigay pa sila ng katwiran at ipapaliwanag kung ano ang nangyari. “Bilhin niyo na ang mga kailangang ito ng pasyente.” tagubilin pa ng doctor at inabot na ang reseta.At dahil public hospital iyon ay sila ang pinabili ng mga gamot na kailangan ng kanyang ina. Hindi na siya sinamahan pa ni Danilo dahil batid ng lalaki na babalik naman ang anak lalo pa at nasa ganung sitwasyon ang kanyang ina. Hindi nito magagawang iwan ito sa kanyang palad kung kaya naman panatag na siya. “Siguraduhin mong babalik ka, Viana. Alam mo ang mangyayari sa iyong ina kung hindi.” mahina nitong usal na tanging silang mag-ama lang ang nakakaalam, “Huwag na huwag mong balakin iyon, Viana...”“Oo, Dad, babalik ako. Hindi mo kailangang paulit-ulit na sabihin iyon sa akin. Babalik ako...”Nanatili ang padre de pamilya nila sa labas ng ward pagbalik ni Daviana. May dextrose na s