Share

Chapter 26.2

PUNO NG PAG-AALINLANGAN na sumulyap si Daviana kay Rohi upang tingnan kung medyo bumubuti na ba ang hitsura nito. Hindi niya ito pwedeng basta iwanan lang lalo pa at mayroon itong lagnat. Nag-angat ito ng paningin na tahimik ng nakatitig sa kanyang mukha nang maramdaman ang ginawang pagtitig niya. Matamlay pa rin ang kanyang hitsura kagaya kanina. Walang nagbago doon kahit na nakainom na ito ng gamot. Nakaramdam bigla ng pagkailang sa ginagawa niyang iyon si Daviana, parang hinahalukay kasi nito ang buong pagkatao niya gamit lang ang mga mata niya. Ibang-iba ang paninitig ni Rohi sa kanya. May laman na hindi niya kayang ipaliwanag sa pamamagitan lang ng mga salita. Binawi ni Daviana ang tingin dito nang maramdamang kumalabog ang kanyang puso. Iyong tipong biglang kinabahan siya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

“Sige, pupunta ako.” sagot niya sa katanungan ni Warren.

Pagkatapos ibaba ang tawag ay pilit ang ngiting hinarap na niya si Rohi. Nahihiya siya dito pero kailangan niyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status