IPINAKITA NI DAVIANA na nakikiramay siya sa luhaan at sugatang puso ng kaibigan niyang si Anelie sa pamamagitan ng pagyakap dito nang mahigpit at ilang sandali. Na-recall niya pa sa kanyang isipan ang babaeng nakita niya noon na kasama ni Darrell. Iyon kaya ang tinutukoy ng kaibigan niya na tipo ng lalaki? Wala siyang planong tanungin pa si Anelie.“So mature na babae ang gusto niya pala? Mukha ba akong batang-isip, Viana? Sabi niya para raw akong bata kung umasta na may katawang matanda na. Malamang, bata pa rin naman talaga ako hindi ba? Kaya ko rin naman kasing magbago.” ungot pa ni Anelie na visible na ang mga luha sa kanyang mga mata, halatang hindi na lang biro ang pagdra-drama nito.Napatitig na si Daviana sa kaibigan. Pasalampak na kasi itong nakaupo sa sahig habang nakasandal ang likod sa gilid ng sofa. Nakaunat ang kanyang dalawang binti sa sahig. Ayaw na nitong maupo ng normal sa sofa na kagaya niya. Mukha talaga siyang bata sa inaasta niya. Hindi na siya magtataka kung iyo
MAHINANG NATAWA NA si Rohi, ibig sabihin ay hindi talaga panaginip lang na naroon na ulit si Viana sa hotel suite niya. Totoong nangyayari iyon. Kinilig pa ang lalaki, hinarap na ang kaibigan. “Huwag ka ngang OA!” natatawang wisik ni Rohi ng tubig kay Keefer na mabilis na tumalon upang iwasan lang iyon, “Tigilan mo na nga iyan. Para kang bubuyog, bulong nang bulong!”“Men need to learn to be reserved. Naiintindihan mo ba kung ano ang ibig sabihin noon? Hindi ka pwedeng basta na lang bumigay sa kanya. Iisipin noon na easy to get ka. Ano ba naman, Rohi?” problemado pa nitong tanong na para bang kapag ginawa iyon ay magagawa siyang mabago nito.Kinuha na ni Rohi ang face towel na nakasampay sa balikat niya at ipinunas na iyon sa basang mukha. Hinarap na niya si Keefer na umagang-umaga ay parang batang nagmamaktol sa kanya. “Naku, tigilan mo nga ako Keefer. Akala mo naman ina-apply mo iyon sa sarili mo.” Napakurap na ng mga mata niya si Keefer, mukhang ipinagtatanggol pa talaga ni Rohi
SA GITNA NG dilim ay hindi mapigilan ni Rohi na mapalunok ng laway na naging dahilan upang gumalaw ang kanyang adams apple. Ikinurap pa niya ang kanyang mga mata para mas makahinga. The air was so quiet that even breathing could be heard clearly. Kapwa dumadagundong ang puso nila ni Daviana na dinig na dinig ng kanyang mga tainga. Hindi siya maaaring magkamali doon. Para iyong tinatambol sa sobrang lakas.“Pwede ko bang hawakan ang kamay mo, Rohi?” tanong ni Daviana na kung saan ay naamoy pa ng lalaki ang mabangong hininga. “Sige na, please?” parang bata pa nitong samo nang mahina.Napaawang na ang bibig ni Rohi sa labis na gulat, hindi na hinintay ni Daviana ang magiging sagot niya at hinawakan na ang kanyang kamay. Bagay na nagpatigas pa ng katawan ng lalaki. “V-Viana…” napapaos na sambit ni Rohi na halatang hindi na mapakali.“Hmm—” Hindi na nagawa pang matapos ni Daviana ang kanyang sasabihin nang bigla na lang sakupin ni Rohi ang kanyang labi. Nakahawak na agad ang isang kamay
NAMEYWANG NA SI Daviana matapos na lingunin ang silid ni Rohi kung nasaan ang talipandas na si Keefer. Napabangon naman si Rohi sa kanyang hinihigaan nang makita niya ang reaction ng babae sa gitna ng dilim. Iyong hitsura nito ay nakahandang manugod ng kanyang kalaban. “Humanda talaga siya sa akin, kakaladkarin ko siya palabas ng kwarto mo!” Nahawakan na ni Rohi ang isang braso ni Daviana bago pa man makapunta si Daviana ng silid ng kaibigan ng lalaki. Puno ng pagtatakang nilingon na ni Daviana ang lalaki na umiiling ang ulo. “Hayaan mo na. Tulog na iyon.” “Kahit na! Eh ‘di sana tabi na lang kayo.” “Ayoko siyang katabi. Maingay iyong matulog. Bukod sa nagsasalita ay humihilik din.” Napuno pa ng pagtataka si Daviana. Bakit hindi niya kasi ito itaboy? Ganun naman pala. “Ganun? Ang lala pala niya. Gusto mo bang matulog sa tabi ko?” walang pakundangang offer niya na bigla na lang lumabas sa kanyang bibig, “Ang liit ng sofa para sa’yo. Ni hindi ka rin makaunat.”Anong masama doon?
HINDI NA NAGKOMENTO pa si Daviana sa sinabi ng ina. Masyado ng matanda ang ina at alam na nito ang tamang gawin. Isa pa, dapat ay hindi niya rin hinahadlangan kung ano ang gusto nito eh.“Hindi pa naman ako nakakapagpasya, gaya ng sinabi ko. After all, things at home have not been dealt with yet.” ani pa ni Nida na nababasa na ang bumabahang katanungan ng kanyang anak. “Okay, Mommy.” “Tita, napag-usapan po namin ni Viana na lilipat siya sa hotel suite ko.” sabad ni Rohi nang makita ang bahagyang pagbigat sa pagitan ng mag-ina, mabuti na iyong sabihin na niya rin iyon.Napalingon na si Nida sa anak. Hindi makapaniwala na agad mapapapayag sa nais niya si Rohi. “Okay lang po ba iyon sa inyo?” Naburo na ang mga mata ni Nida at Daviana kay Rohi. Alam na iyon ng ina, pero heto si Rohi at magalang na nagpapaalam pa rin sa kanya. Bagay na lalo pang minahal ni Daviana na ugali nito. “Oo naman. You are already an engaged couple. Natural lang na tumira na kayo sa loob ng iisang bahay. Bilan
KULANG ANG SALITANG halos lumuwa ang mga mata at mahulog ang panga upang ilarawan ang pagkagulat ni Keefer sa matapang na sinabing iyon ni Daviana sa kanyang harapan. Nilingon na niya ang babae na may nagtatagong ngisi sa likod ng mga mata niya. Hindi siya makapaniwala.“Ah, plano mo palang dito na ulit tumira kaya pala tinatanong mo ako kung bakit ako narito.” bakas ang iritasyon sa kanyang boses habang sinasabi niya iyon at nakatingin pa rin sa babae.“Bakit hindi? Fiancee ako ng nakatira dito.” tugon pa ni Daviana na kinapalan na ang mukha niya, “Dati nga tumira na ako dito, ngayon pa ba na kasal na lang ang kulang sa aming dalawa ay hindi ko iyon kayang gawin? Masama rin bang magtanong ako? Syempre, maiilang ako sa’yo di ba?” Natutop ni Keefer ang kanyang bibig. Iba ang naging kahulugan ng sinabi ni Daviana sa kanya na kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa. Ibig bang sabihin ay seryoso na talaga ang babae? Saka bakit ba ang tanong nito? Huwag niyang sabihin na natikman na r