NAWALAN NG LAKAS ng loob si Daviana na sabihin sa kanila nang harapan na nang dahil iyon sa pakiusap sa kanya ni Warren kung kaya nagawa niya. Hindi niya na kailangan na idamay pa ang kaibigan. Walang dapat na ibang sisihin doon kundi isya dahil pumayag siya. Alam niyang mali pero ginawa pa rin niya. Wala namang magagawa si Warren doon kung nakipagmatigasan siya dito, isa pa siya pa rin naman ang masusunod sa gusto niya at hindi ibang tao. Aakuin na lang niya ang kasalanan tutal wala na rin naman siyang lusot. Sasarilin na lang niya lahat dahil pinairal niya noon ang pagiging maawain kay Warren. Tatanggapin na lang niya ang parusa na kapalit ng mga kasalanang ginawa niya. Pikit ang mga matang yayakapin na lang niya iyon at papalagpasin sa kanyang kabilang tainga. Para matapos na rin sa usapin. “P-Patawarin niyo po sana ako…”Gulong-gulo ang isipan ni Daviana ng mga sandaling iyon, nagkandabuhol-buhol na at hindi na siya makapag-isip pa ng matino. Nakaramdam na siya ng mali na sa mg
HINDI NA NAPIGILAN ni Daviana ang kanyang emosyon sa sinabing iyon ng kanyang ina, pinunasan niya ang gilid ng kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang magkabilang kamay. Masunurin na siyang tumayo. Gayunpaman, bago siya makaalis sa kanyang upuan ay may mahigpit ng humawak sa kanyang pala-pulsuhan. Si Warren iyon. Ilang beses itong sumenyas at umiling na agad namang naunawaan ni Daviana. Ang ibig sabihin noon ay huwag siyang umalis sa hapag at iwan siya doong mag-isa. Walang emosyon na inalis ni Daviana ang mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya. Tama na ang pagiging martir na kaibigan niya sa kanya. Simula sa pagkakataong iyon ay wala na siyang ibang uunahin kundi ang sarili niya. Gusto niyang magkaroon ng peace of mind na hangga't isinasaalang-alang niya ang mararamdaman ni Warren ay paniguradong hinding-hindi niya makukuha. Sarili muna ang uunahin niya. “Saka na lang tayo mag-usap, Warren.” matamlay na sagot niya sa lalaki.Bigong tinanaw lang ni Warren ang pag-alis ni Dav
NAPAMULAGAT SI WARREN sa tinuran ng Ginang na ngayon lang niya naranasan. Sa unang pagkakataon kasi ay hindi niya inaasahan na pipigilan siya ng Ginang na makita at makausap niya si Daviana. Hindi na mapigilan ni Warren na makaramdam ng matinding pagkahiya ngunit nilunok na lang niya ang pride. Gusto niyang makausap si Daviana dahil sobrang nag-aalala siya sa expression ng mukha nito kanina.“Tita, mabilis lang naman po. Pagbigyan niyo na ako. Medyo nag-aalala lang po ako sa kanya eh…”“Hayaan mo siyang mapag-isa, magiging maayos din ang pakiramdam niya kahit na hindi ka niya makita at hindi mo siya makita, Warren.” mariing giit pa rin ng Ginang na desidido ng huwag payagan ang lalaking magtungo sa silid ng kanyang anak, iyon lang ang magagawa niya na matino para kay Daviana upang hindi na nito mas maramdaman na pinagkakaisahan siya. “Matanda na kayo kaya kailangan niyo ng matutong maging matatag dahil kapag nagka-edad pa kayo, hindi lang iyan ang ibabato ng mundo sa inyong harap.” ma
NATULALA SI DAVIANA saglit sa kisame ng kanyang silid bago pa siya dahan-dahang bumangon at bumaba ng kama. Isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi at mamalagi dito kapag ganitong bakasyon. Maingay. Walang kapayapaan. Hindi nababalot ng pagmamahal ang kanilang bahay. Tatlo na nga lang sila, wala pang pagmamahal na namamagitan sa kanilang pamilya. Iisang anak na nga lang siya hindi pa nila mabigay ang peace of mind na hinihiling niya at ang atensyon na kailangan niya.“Hays, heto na naman po kami sa walang katapusang bangayan nila mula umaga hanggang gabi.”Walang saplot ang paa ay itinulak niya ang pintuan pabukas at dahan-dahang lumakad sa banda na malapit sa may hagdan, ngunit hindi siya tuluyang bumaba doon. Gusto lang niyang mas maging malinaw sa pandinig niya ng ugat ng kanilang pagtatalo kahit na alam na niya naman kung saan iyon nagsimula. Mula sa bandang iyon ay narinig niya ang walang katapusan na mga sumbatan nila sa ibaba ng hagdanan.“Nagpunta dito si Warren kagab
HINDI MAKATULOG NANG maayos si Daviana nang gabing iyon. Pabiling-biling siya sa kanyang higaan. Hindi mawala sa kanyang isipan ang imahe ni Rohi na nakita niya kanina. Hindi niya rin lubos maisip kung paano ginugol ng binata ang Bagong Taon ng siya lang mag-isa sa loob ng malaking bahay nila na tanging kadiliman ang yumayakap. Kung siya iyon, paniguradong hindi niya ito kakayaning gawin mag-isa. “Ang tibay niya naman, kaya niyang mag-celebrate nang siya lang…”Umagang-umaga pa lang ng araw ng New Year ay nagkaroon na naman ng pagtatalo ang mga magulang ni Daviana. Iyon ang gumising sa dalaga pagdilat pa lang ng kanyang mga mata. Nang hindi na niya makayanan at sobrang naririndi na siya ay palihim siyang nagtungo ng kusina. Pinilit ang sarili na huwag gumawa ng anumang ingay o kaluskos upang hindi mapansin ng mga ito. Palihim niyang kinuha sa refrigerator ang ilan sa kanilang mga nilutong ng ulam ng mga katulong nang nagdaang gabi. Kumuha rin siya ng iba nilang handa na alam niyang h
BATA PA LANG ay marunong ng lumangoy si Daviana, ngunit hindi naman sobrang galing na swimmer. Malakas lang ang loob niya nang dahil sa pagkataranta kung kaya naman sinubukan niyang lumangoy upang sagipin lang si Rohi na sigurado siyang nasa ilalim ng tubig. At dahil kakapalit lang ng taon iyon ay malamig pa ang tubig sa ilog kahit na mainit ang sikat ng araw. Nanggaling ang panahon sa taglamig. Walang pag-aalinlangang inilubog niya ng paulit-ulit ang katawan sa tubig, hindi alintana ang ginaw.“Rohi?!” sisinghap-singhap siyang panaka-nakang umaahon ang mukha habang hinahanap ang katawan ng lalaki. “Ano ba? Nasaan ka? Rohi?!” kawag-kawag niya pa ng dalawang kamay sa tubig.Hindi na gaanong malinaw ang alaala sa parteng iyon ni Daviana. Hindi niya nga alam kung paano niya nagawang malibot ang paligid ng ilog upang hanapin lang katawan ni Rohi, o gaano niya katagal hinanap ang lalaki bago niya ito natagpuan na tila wala ng buhay. Nang makita niya ito ay walang pakundangan niyang hinila
PAKIRAMDAM NI DAVIANA ay may kung anong nakabara na sa kanyang lalamunan. Nahihirapan na siyang huminga. Ganunpaman ay kailangan niyang sampalin ito ng katotohanan kahit na alam niyang hindi naman siya nito papakinggan. Palalagpasin lang nito sa kabilang tainga ang lahat ng sinasabi niya.“Kailangan mong mabuhay! Kailangan mong lumaban para makita mo ang mga mangyayari sa hinaharap. Kailangan mong makatapos ng pag-aaral, saka kailangan mong maranasan na tumanda, Rohi!”Hinila ni Daviana ang collar ng kanyang damit na parang sinasakal na siya. Ipinakita niya sa lalaki na kailangan niyang seryosohin ang kanyang mga pinagsasabi. Hindi niya pwedeng kitlin ang sariling buhay.“Huwag mo akong takutin ulit, Rohi ng ganito. Please lang? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo pero hindi naman habang panahon ay nariyan ka lang. Habang buhay na nakasadlak. Ikaw ang huhubog ng hinaharap na gusto mo. Magiging maayos din ang lahat. Maniwala ka lang sa akin, maghintay ka pa ng ilang panahon. Nagma
SERYOSO ANG MUKHANG pumasok si Rohi sa opisina ng mga Gonzales. Nang nagdaang araw ay ibinigay na ni Rohi sa kanyang ama ang plano tungkol sa pormal na pagtatatag ng isang artificial intelligence research and development department. Binigyan siya ni Welvin ng sagot at inaprubahan ito bago magtanghali ng araw na iyon kung kaya naman kinailangan siyang magtungo doon. Sa nakalipas na dalawang taon mula noong dinala ng binata ang kanyang team sa kumpanya, ang mga pangunahing proyekto na natapos ay naging mga benchmark sa kanilang industriya. Walang nagkuwestiyon sa kanyang pananaw at kakayahang tinataglay. Isang buwan na rin ang nakalilipas magmula nang maging opisyal siyang direktor ng departamento ng produktong iyon sa pamamagitan ng panloob na kompetisyon. Gayunpaman, sa labas ng trabaho, ang daming chismis patungkol sa kanya na ang karamihan ay galing sa mga empleyadong mayroong inggit na nabubuhay sa kanilang katawan. Hindi lingid sa kanila ang pagiging anak niya sa labas na pangunah