HINDI NA INISIP pa ni Daviana ang kahihinatnan ng kanyang mga salitang iyon kay Warren. Punong-puno na siya. Ang tanging nais niya lang mangyari ay ang ilabas dito ang sama ng loob niya. Noong nakaraan, palagi niyang sinasaalang-alang ang mararamdaman nila at natatakot na magbitaw ng mga salitang makakasakit. Subalit ngayon ay iba na. Hindi na pwedeng palagpasin niya pa ang lahat ng ito gayong nag-uumapaw na ang poot sa kanyang puso. Kung hindi niya iyon ilalabas, makakasama ito sa kalusugan niya. “Viana?!” bulalas ni Warren na tila naging blangko na rin ang kanyang isipan.Umakyat na sa ulo ang init ng dugo ni Warren dahil sa inaasta ng dalaga. Madiin na inapakan niya ang preno. Delikado iyon dahil nasa gitna sila ng busy na kalsada kung saan ay maraming mga sasakyan dito. Walang sinuman ang pwede at pinapayagan na basta na lang huminto sa bahaging iyon ng kalsada lalo na kung hindi naman emergency ang dahilan. Muntik na silang mabangga ng sasakyan na nasa likod. kaunting-kaunti na
HINDI NAGTAGAL AY nagpasyang umuwi na rin ng bahay si Daviana matapos na magmuni-muni ng ilan pang saglit sa lugar na iyon. Lumulan siya ng taxi na kanyang pinara nang gumaan na ang kanyang pakiramdam. Hindi niya tinawagan o kahit ang e-chat si Warren pagdating ng bahay para sana tanungin kung saan nito dinala ang kanyang maleta dahil hindi naman masyadong mahalaga ang mga bagay na nakalagay doon. Magiging rason pa iyon ng kanilang pag-uusap kung gagawin niya. Eh, ayaw niya ngang makausap muna ang kaibigan kaya naman bakit niya gagawin ang bagay na iyo? Bahala siya sa buhay niya kung ayaw siya nitong kausapin doon. “Hindi ako ang may kasalanan noon kaya naman hindi ako ang magpapakumbaba sa kanila ng pangit niyang niyang nobya. Unahan nila!”Kinabukasan ng araw na iyon ay inimbitahan ng ina ni Warren ang kanilang pamilya sa isang hapunan. Hindi naman iyon pinalampas ng mga magulang ni Daviana, lalo na ng kanyang amang si Danilo. Umaasa kasi itong pag-uusapan na nila ang tungkol sa ma
GANUNDIN ANG NARARAMDAMAN ni Warren sa tabi ni Daviana na halatang kanina pa napapanisan ng sariling laway. Dati-rati kasi ay sinusuyo at kinukulit ng lalaki ang matanda sa pamamagitan lang ng mga nakakatawang pananalita at saka nakikipag-usap din siya sa kanyang ama ngunit ngayon ay hindi na niya iyon ginagawa. Tikom ang bibig ni Warren na tila ba mayroon siyang kasalanan. Hindi naman iyon napansin ni Don Madeo na abala pa rin sa pakikipag-usap sa dalawang lalaki na padre de pamilya ng mga lalaki. Nakaramdam ng kaunting panlulumo si Daviana, ngunit kailangan niyang tapusin ang hapunan ng dalawang pamilya nang hindi gumagawa ng anumang kahihiyan. Nang malapit nang matapos ang hapunan, biglang tumahimik na si Welvin, ang ama ni Warren na para bang kanina pa may iniisip ito at nagtitimpi lang doon. Kinuha nito ang atensyon ng lahat na nasa hapag. “May gusto nga pala akong pag-usapan ngayon. Huwag niyo sanang masamain. Magiging malalim itong problema kung hahayaan lamang natin.”Napa-an
SINALUBONG NI WARREN ang matatalas na mga mata ng kanyang ina. Hindi niya magawang makaapgsalita ng ilang sandali. Pakiramdam naman ni Daviana ay parang sinampal siya ng malakas na katotohanan sa harap ng publiko. Sanay na siyang maging mabait at matinong babae sa mata ng matatanda kaya marahil sobrang nakaka-disappointed iyon sa kanila. Ang gayong pampublikong pag-aalipusta at mga akusasyon ay nagpahiya pa sa dalaga. Nagsimulang mag-init ang kanyang mukha, at tuluyang tumigil ang kanyang utak. Hindi na siya doon makapag-isip pa ng tama. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Tinitigan na siya ng ina ni Warren nang hindi kumukurap, na para bang gusto ng Ginang na pahirapan si Daviana gamit lang ang sarili nitong mga mata. Nagsimula ng mamasa ang bawat sulok ng mga mata ng dalaga. Nagbabadya na doon ang kanyang luha.“Viana, napakaganda ng ugali mo simula noong bata ka pa man, kaya tuwing sasabihin ni Warren na gusto ka niyang makasama o lumabas na kasama ka ay ni minsan hindi kami nag
BUMALANDRA ANG MATINDING pressure sa mukha ng dalagang si Daviana at hindi lang sa mukha ni Warren matatagpuan nang marinig na nila ang litanyang iyon. Sa unang pagkakataon ay napunta sila sa seryosong usaping iyon na matagal ng kinatatakutan ni Daviana dahil alam niya sa kanyang sarili na lantarang tatanggihan siya ni Warren na pakasalan kahit pa sa harapan iyon ng kanilang buong pamilya. Isang malaking dagok iyon sa kanya at hindi lang basta malakas na sampal ng kahihiyan kapag nagkataon. Napaayos naman ng upo si Danilo, ang ama ng dalaga dahil iyon naman talaga ang pangunahing dahilan kung bakit siya pumayag na magtungo sa family dinner na iyon ng mga Gonzales. Sinipa naman ni Nida ang paa ni Danilo sa ilalim ng lamesa nang makita na naging masaya bigla ang aura ng mukha ng asawa.“Lolo naman, our child marriage is a thing of the past! Matagal na iyon napag-usapan kaya naman bakit kailangan pa nating ituloy?” bungad ni Warren na alam na agad ni Daviana kung saan ito patungo, “Hindi
NAWALAN NG LAKAS ng loob si Daviana na sabihin sa kanila nang harapan na nang dahil iyon sa pakiusap sa kanya ni Warren kung kaya nagawa niya. Hindi niya na kailangan na idamay pa ang kaibigan. Walang dapat na ibang sisihin doon kundi isya dahil pumayag siya. Alam niyang mali pero ginawa pa rin niya. Wala namang magagawa si Warren doon kung nakipagmatigasan siya dito, isa pa siya pa rin naman ang masusunod sa gusto niya at hindi ibang tao. Aakuin na lang niya ang kasalanan tutal wala na rin naman siyang lusot. Sasarilin na lang niya lahat dahil pinairal niya noon ang pagiging maawain kay Warren. Tatanggapin na lang niya ang parusa na kapalit ng mga kasalanang ginawa niya. Pikit ang mga matang yayakapin na lang niya iyon at papalagpasin sa kanyang kabilang tainga. Para matapos na rin sa usapin. “P-Patawarin niyo po sana ako…”Gulong-gulo ang isipan ni Daviana ng mga sandaling iyon, nagkandabuhol-buhol na at hindi na siya makapag-isip pa ng matino. Nakaramdam na siya ng mali na sa mg
HINDI NA NAPIGILAN ni Daviana ang kanyang emosyon sa sinabing iyon ng kanyang ina, pinunasan niya ang gilid ng kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang magkabilang kamay. Masunurin na siyang tumayo. Gayunpaman, bago siya makaalis sa kanyang upuan ay may mahigpit ng humawak sa kanyang pala-pulsuhan. Si Warren iyon. Ilang beses itong sumenyas at umiling na agad namang naunawaan ni Daviana. Ang ibig sabihin noon ay huwag siyang umalis sa hapag at iwan siya doong mag-isa. Walang emosyon na inalis ni Daviana ang mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya. Tama na ang pagiging martir na kaibigan niya sa kanya. Simula sa pagkakataong iyon ay wala na siyang ibang uunahin kundi ang sarili niya. Gusto niyang magkaroon ng peace of mind na hangga't isinasaalang-alang niya ang mararamdaman ni Warren ay paniguradong hinding-hindi niya makukuha. Sarili muna ang uunahin niya. “Saka na lang tayo mag-usap, Warren.” matamlay na sagot niya sa lalaki.Bigong tinanaw lang ni Warren ang pag-alis ni Dav
NAPAMULAGAT SI WARREN sa tinuran ng Ginang na ngayon lang niya naranasan. Sa unang pagkakataon kasi ay hindi niya inaasahan na pipigilan siya ng Ginang na makita at makausap niya si Daviana. Hindi na mapigilan ni Warren na makaramdam ng matinding pagkahiya ngunit nilunok na lang niya ang pride. Gusto niyang makausap si Daviana dahil sobrang nag-aalala siya sa expression ng mukha nito kanina.“Tita, mabilis lang naman po. Pagbigyan niyo na ako. Medyo nag-aalala lang po ako sa kanya eh…”“Hayaan mo siyang mapag-isa, magiging maayos din ang pakiramdam niya kahit na hindi ka niya makita at hindi mo siya makita, Warren.” mariing giit pa rin ng Ginang na desidido ng huwag payagan ang lalaking magtungo sa silid ng kanyang anak, iyon lang ang magagawa niya na matino para kay Daviana upang hindi na nito mas maramdaman na pinagkakaisahan siya. “Matanda na kayo kaya kailangan niyo ng matutong maging matatag dahil kapag nagka-edad pa kayo, hindi lang iyan ang ibabato ng mundo sa inyong harap.” ma
IPINILIG NG BINATA ang ulo. Imposible iyon. Dama naman niya na mahalaga siya, kaya lang pinapangunahan pa rin siya noon na baka wala lang itong choice at mapupuntahan kung kaya sa kanya ito pumunta. Ganunpaman, wala siyang pakialam. Mahal niya ito. Gusto niya ang dalaga. Ano pa bang iisipin niya? At least kahit sandali at kahit paano naramdaman niya mula sa dalaga kung paano rin nito pahalagahan.“Pasensya na. Alam kong masungit ako kanina kaya nanibago ka. Bad mood lang talaga ako kaya hindi kita nagawang samahang kumain. Hindi ko na uulitin.” aniyang parang kawawang tuta na namamalimos ng atensyon kay Daviana, “Pwede bang pag-isipan mo pa ulit ang pag-alis mo dito?”Ang makitang ganito si Rohi ay panibago na naman sa paningin ni Daviana. Mukhang na-miunderstood niya. Ang akala siguro ng nobyo ay galit siya dahil masungit ito kanina kaya siya aalis na sa puder nito. Sa totoo lang, hindi siya pamilyar sa ganitong uri ng hindi pagkakaunawaan. Bilang isang personalidad na kasiya-siya sa
ANG ISA NAMANG kamay ay hinapit niya sa katawan ni Daviana upang mapalapit ito sa kanya. Bahagya niyang ibinaba ang mukha upang halikan lang ang noo ni Daviana pababa sa kanyang ilong. Sa ginawang iyon ng binata, hindi mapigilan ni Daviana na mag-angat ng mukha. Tumingala siya upang magtama ang kanilang mga matang dalawa. Ipinatong ni Rohi ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at natural na ibinaba pa ang kanyang ulo para halikan na ang mga labi ng kanyang nobya. Sandali niya lang itong tinikman. Hindi nagtagal ang halik na banayad dahil baka saan pa mapunta.“Sapat na ba iyan para gumaan ang pakiramdam mo?” tanong niya sa nobya na namula na ang mukha matapos niyang palisin ng hinalalaki ang ilang bahid ng laway niya sa labi ng kanyang nobya.Hindi pa rin makatingin ay tumango si Daviana. Binitawan na siya ni Rohi upang magtungo na sa kusina. Tahimik na sinundan si Rohi ng nobya kaya naman ay tiningnan niya na ito nang may pagtataka.“Sasamahan kitang mag-dinner.”Wala namang nagi
NAGKULITAN PA SINA Anelie at Keefer samantalang nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Daviana, hanggang dumating ang kanilang order na pagkain.“Siya nga pala, Keefer alam mo ba kung ano ang favorite niyang pagkain? I mean ni Rohi.”Tiningnan siya ng lalaki na puno ng pagtataka ang mata. Tahasang nagtatanong na iyon kung bakit o literal na nagsasabing bakit hindi niya iyon alam eh siya ang boyfriend? Hindi lang nito isinatig pa iyon.“Paano ka naging boyfriend kung hindi mo alam?” hindi nakatiis ay tanong ni Keefer sa kanya.Nakaani agad ng batok si Keefer mula kay Anelie. “Siraulo ka ba? Bago pa lang silang dalawa! Kaya nga nagtatanong para makilala pa siya ni Daviana.”Sinamaan ni Keefer ng tingin si Anelie. Kumakamot na sa kanyang ulo na binatukan nito nang mahina.“Hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto niyang pagkain. Walang partikular na pagkain ‘yun. Hindi naman siya mapili. Kahit ano kinakain niya.”How can someone have no preference for food? Hindi naniniwala doon s
TULUYAN NA NGANG magkasamang bumaba si Anelie at Daviana. Tinawagan ni Anelie si Keefer para may kasama sila. Imbitasyon na hindi tinanggihan ng lalaki. Hindi naman pinansin ni Daviana ang galaw ni Rohi kahit napansin niya na parang hindi akma iyon. Medyo nanlumo si Daviana nang maisip ang tungkol sa ina ni Rohi. Tinanong siya ni Anelie kung ano ang mali at nakasimangot.“Anong nangyari sa’yo? Hindi ba at okay ka lang kanina? Bakit nakabusangot ka na naman diyan?”Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Matapos makilala ang ina ni Rohi noong umaga, masama na ang pakiramdam niya. Ito ay kay Rohi na family affair. Bukod dito, malamang wala siyang gustong malaman ng iba na mayroon siyang psychotic na ina. Hindi niya masabi kay Anelie ang tungkol dito para igalang iyon, kaya napailing na lang siya. “Wala. Kain na lang tayo.”Nang dumating si Keefer ay agad niyang pinuna ang pananamlay at kawalan ng gana doon ni Daviana. Walang sumagot sa dalawang babae sa tanong nito. “Sabihin niyo sa a
NABABAKAS NI DAVIANA ang ligaya sa message ng kaibigan dahil sa umaapaw nitong mga emoji ng puso. Napailing na lang si Daviana. Bigla siyang natigilan. Pamilyar ang feeling na iyon sa kanya. Nag-send lang siya ng thumbs up at hindi na ito inistorbo pa para mabilis na matapos sa ginagawa. Gaya ng inaasahan ni Daviana, dumating nga si Anelie sa suite pagsapit ng gabi. Dahil sa takot na baka maistorbo si Rohi sa trabaho ng tunog ng usapan nila, dinala ni Daviana si Anelie sa kanyang kwarto at maingat na isinara niya na ang pinto nito.“Bakit?”“Busy si Rohi sa kabilang silid, baka maistorbo…”Tumango-tango si Anelie na pabagsak ng naupo sa kama. Hindi alintana kung nasaan sila. Maingay si Anelie at ang una niyang nais pag-usapan ay ang tungkol sa kanila ni Darrell na magkasamang nag-overtime. Tinawanan lang siya ni Daviana dito. “Kung alam mo lang Daviana, parang gusto kong araw-araw na lang hilingin na may overtime kami!”“Huwag kang masyadong assuming hangga’t wala siyang sinasabi. Si
ANG MENSAHENG IPINADALA ni Warren kay Daviana ay walang anumang naging tugon. Hindi pa rin niya lubusang maintindihan at mapaniwalaan na kayang gawin ng dalaga ang tumalon sa bintana para lang takasan ang nakatakdang kasal nila. “Gusto niya ba talagang hindi na umuwi sa kanila?”Kahit gaano kasama si Danilo ay ama pa rin niya ito. Tsaka naandon ang kanyang ina. Hindi naniniwala si Warren na tuluyan na niyang kakalimutan ang pamilya niya nang dahil lang sa bagay na iyon. Lumipas na lang ang kalahati ng araw na wala siyang ibang ginawa kundi ang madalas na tinitingnan ang cellphone. Umaasa na baka maaaring nag-reply na si Daviana sa message niya. Bigo siya. Wala. Sa sobrang galit niya ay marahas na tinapon niya ang cellphone phone na bumagsak sa gilid ng sofa. Para ma-divert din ang atensyon niya ay kinuha niya ang remote controller upang maglaro. Hindi siya maka-concentrate doon sa labis na iritasyon. Muli niyang kinuha ang cellphone at nang may nakitang notification, agad nabuhayan
ILANG SEGUNDONG TINGIN at sumunod naman si Rohi, ngunit muli siyang bumalik sa pwesto ng nobya. Ayaw niyang maramdaman nitong binabalewala niya. Hinawakan niya ito sa isang kamay at marahang igininiya papasok sa loob ng pintuan. Hindi na nakaangal pa ang dalaga. Agad kinausap ni Rohi ang naghihintay na doctor pagkapasok nila sa loob.“Ayaw ng ina mong makipagtulungan para mabilis siyang gumaling. Flinushed niya ang gamot sa banyo tapos binunot niya ang tube sa kamay during infusion.” sumbong agad ng doctor sa ginagawa ng ina, “And during the conversation intervention treatment, palagi niyang sinasabi na wala siyang sakit. Na-miunderstood mo lang daw siya at gusto mong gantihan dahil ipinamigay ka ng bata ka pa.”Walang reaction si Rohi kung hindi ang makinig. “Binibitangan niya pa kami na ang mga gamot na pinapainom namin sa kanya ay para baliwin namin siya. To be honest, hijo, your mother has certain symptoms of paranoia. Last night she even wanted to jump from the ninth floor. If t
WALANG MAAPUHAP NA mga salita si Daviana sa kanyang mga nalaman. Tinanggal niya ang seatbelt na suot at kapagdaka ay hinarap na ang kasintahan. “Malay mo naman? Bigla siyang gumaling at bumalik sa dati? Kailangan lang maghintay, Rohi.”Hindi siya nilingon ng binata. Isang nasasaktan na ngiti ang sumilay sa gilid ng labi ni Rohi. Umiiling habang tinatanggal na rin ang seatbelt na suot niya.“Wala akong pakialam kung maka-recover pa siya o hindi na. Basta ginawa ko na ang parte ko bilang anak niya okay na iyon. Pangbawi lang.”Bumaba ang dalawa sa sasakyan at nagtungo na sa inpatient department ng rehabilitation center. May kakaibang nararamdaman si Daviana sa kanyang puso, marahil dahil sa mga huling salita ni Rohi kanina, o dahil sa ngiti nitong nasasaktan na taliwas sa kanyang mga sinabi. Gusto ng dalaga sanang itanong na kung walang pakialam si Rohi sa ina, bakit siya nagpapakahirap na dalhin ang ina sa Laguna upang maalagaan lang sa rehabilitation center? Siguradong may kinikimkim
ILANG ARAW PAGKALIPAS ng usapan nilang iyon ay pwersahang isinama na naman si Rohi ng ina patungo sa tahanan ng kanyang ama. Keysa naman sa kung saan niya ito abandonahin, ibibigay na lang niya sa ama nang sapilitan. Iyon ang itinatak ni Rufina sa kanyang isipan.“Nakita mo naman kung gaano kalaki ng bahay ng Daddy mo di ba? Kung magmamakaawa ka sa kanya na kunin ka niya, hindi ka na makkaaranas na magutom. Malambot na rin ang kamang tutulugan mo, Rohi.”Mariing iniiling ni Rohi ang kanyang ulo. Kahit na mahirap, nais pa rin niyang makasama ang ina niya. Ito ang kinamulatan niya kung kaya naman hindi niya ito ipagpapalit kahit na ipinagtatabuyan pa siya.“Mommy, ayoko sa kanya—”“Makinig kang mabuti, Rohi. Kapag nasa puder ka ng Daddy mo, pwede kang makakain ng masasarap na hindi ko kayang ibigay sa’yo. Araw-araw. Mga bagong damit. Toys. At isa pa kapag malaki ka na, makakapag-aral ka sa magandang paaralan at makakatapos. Kapag nakatapos ka na ng pag-aaral, wala ng makakaalipusta sa’y