GANUNDIN ANG NARARAMDAMAN ni Warren sa tabi ni Daviana na halatang kanina pa napapanisan ng sariling laway. Dati-rati kasi ay sinusuyo at kinukulit ng lalaki ang matanda sa pamamagitan lang ng mga nakakatawang pananalita at saka nakikipag-usap din siya sa kanyang ama ngunit ngayon ay hindi na niya iyon ginagawa. Tikom ang bibig ni Warren na tila ba mayroon siyang kasalanan. Hindi naman iyon napansin ni Don Madeo na abala pa rin sa pakikipag-usap sa dalawang lalaki na padre de pamilya ng mga lalaki. Nakaramdam ng kaunting panlulumo si Daviana, ngunit kailangan niyang tapusin ang hapunan ng dalawang pamilya nang hindi gumagawa ng anumang kahihiyan. Nang malapit nang matapos ang hapunan, biglang tumahimik na si Welvin, ang ama ni Warren na para bang kanina pa may iniisip ito at nagtitimpi lang doon. Kinuha nito ang atensyon ng lahat na nasa hapag. “May gusto nga pala akong pag-usapan ngayon. Huwag niyo sanang masamain. Magiging malalim itong problema kung hahayaan lamang natin.”Napa-an
SINALUBONG NI WARREN ang matatalas na mga mata ng kanyang ina. Hindi niya magawang makaapgsalita ng ilang sandali. Pakiramdam naman ni Daviana ay parang sinampal siya ng malakas na katotohanan sa harap ng publiko. Sanay na siyang maging mabait at matinong babae sa mata ng matatanda kaya marahil sobrang nakaka-disappointed iyon sa kanila. Ang gayong pampublikong pag-aalipusta at mga akusasyon ay nagpahiya pa sa dalaga. Nagsimulang mag-init ang kanyang mukha, at tuluyang tumigil ang kanyang utak. Hindi na siya doon makapag-isip pa ng tama. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Tinitigan na siya ng ina ni Warren nang hindi kumukurap, na para bang gusto ng Ginang na pahirapan si Daviana gamit lang ang sarili nitong mga mata. Nagsimula ng mamasa ang bawat sulok ng mga mata ng dalaga. Nagbabadya na doon ang kanyang luha.“Viana, napakaganda ng ugali mo simula noong bata ka pa man, kaya tuwing sasabihin ni Warren na gusto ka niyang makasama o lumabas na kasama ka ay ni minsan hindi kami nag
BUMALANDRA ANG MATINDING pressure sa mukha ng dalagang si Daviana at hindi lang sa mukha ni Warren matatagpuan nang marinig na nila ang litanyang iyon. Sa unang pagkakataon ay napunta sila sa seryosong usaping iyon na matagal ng kinatatakutan ni Daviana dahil alam niya sa kanyang sarili na lantarang tatanggihan siya ni Warren na pakasalan kahit pa sa harapan iyon ng kanilang buong pamilya. Isang malaking dagok iyon sa kanya at hindi lang basta malakas na sampal ng kahihiyan kapag nagkataon. Napaayos naman ng upo si Danilo, ang ama ng dalaga dahil iyon naman talaga ang pangunahing dahilan kung bakit siya pumayag na magtungo sa family dinner na iyon ng mga Gonzales. Sinipa naman ni Nida ang paa ni Danilo sa ilalim ng lamesa nang makita na naging masaya bigla ang aura ng mukha ng asawa.“Lolo naman, our child marriage is a thing of the past! Matagal na iyon napag-usapan kaya naman bakit kailangan pa nating ituloy?” bungad ni Warren na alam na agad ni Daviana kung saan ito patungo, “Hindi
NAWALAN NG LAKAS ng loob si Daviana na sabihin sa kanila nang harapan na nang dahil iyon sa pakiusap sa kanya ni Warren kung kaya nagawa niya. Hindi niya na kailangan na idamay pa ang kaibigan. Walang dapat na ibang sisihin doon kundi isya dahil pumayag siya. Alam niyang mali pero ginawa pa rin niya. Wala namang magagawa si Warren doon kung nakipagmatigasan siya dito, isa pa siya pa rin naman ang masusunod sa gusto niya at hindi ibang tao. Aakuin na lang niya ang kasalanan tutal wala na rin naman siyang lusot. Sasarilin na lang niya lahat dahil pinairal niya noon ang pagiging maawain kay Warren. Tatanggapin na lang niya ang parusa na kapalit ng mga kasalanang ginawa niya. Pikit ang mga matang yayakapin na lang niya iyon at papalagpasin sa kanyang kabilang tainga. Para matapos na rin sa usapin. “P-Patawarin niyo po sana ako…”Gulong-gulo ang isipan ni Daviana ng mga sandaling iyon, nagkandabuhol-buhol na at hindi na siya makapag-isip pa ng matino. Nakaramdam na siya ng mali na sa mg
HINDI NA NAPIGILAN ni Daviana ang kanyang emosyon sa sinabing iyon ng kanyang ina, pinunasan niya ang gilid ng kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang magkabilang kamay. Masunurin na siyang tumayo. Gayunpaman, bago siya makaalis sa kanyang upuan ay may mahigpit ng humawak sa kanyang pala-pulsuhan. Si Warren iyon. Ilang beses itong sumenyas at umiling na agad namang naunawaan ni Daviana. Ang ibig sabihin noon ay huwag siyang umalis sa hapag at iwan siya doong mag-isa. Walang emosyon na inalis ni Daviana ang mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya. Tama na ang pagiging martir na kaibigan niya sa kanya. Simula sa pagkakataong iyon ay wala na siyang ibang uunahin kundi ang sarili niya. Gusto niyang magkaroon ng peace of mind na hangga't isinasaalang-alang niya ang mararamdaman ni Warren ay paniguradong hinding-hindi niya makukuha. Sarili muna ang uunahin niya. “Saka na lang tayo mag-usap, Warren.” matamlay na sagot niya sa lalaki.Bigong tinanaw lang ni Warren ang pag-alis ni Dav
NAPAMULAGAT SI WARREN sa tinuran ng Ginang na ngayon lang niya naranasan. Sa unang pagkakataon kasi ay hindi niya inaasahan na pipigilan siya ng Ginang na makita at makausap niya si Daviana. Hindi na mapigilan ni Warren na makaramdam ng matinding pagkahiya ngunit nilunok na lang niya ang pride. Gusto niyang makausap si Daviana dahil sobrang nag-aalala siya sa expression ng mukha nito kanina.“Tita, mabilis lang naman po. Pagbigyan niyo na ako. Medyo nag-aalala lang po ako sa kanya eh…”“Hayaan mo siyang mapag-isa, magiging maayos din ang pakiramdam niya kahit na hindi ka niya makita at hindi mo siya makita, Warren.” mariing giit pa rin ng Ginang na desidido ng huwag payagan ang lalaking magtungo sa silid ng kanyang anak, iyon lang ang magagawa niya na matino para kay Daviana upang hindi na nito mas maramdaman na pinagkakaisahan siya. “Matanda na kayo kaya kailangan niyo ng matutong maging matatag dahil kapag nagka-edad pa kayo, hindi lang iyan ang ibabato ng mundo sa inyong harap.” ma
NATULALA SI DAVIANA saglit sa kisame ng kanyang silid bago pa siya dahan-dahang bumangon at bumaba ng kama. Isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi at mamalagi dito kapag ganitong bakasyon. Maingay. Walang kapayapaan. Hindi nababalot ng pagmamahal ang kanilang bahay. Tatlo na nga lang sila, wala pang pagmamahal na namamagitan sa kanilang pamilya. Iisang anak na nga lang siya hindi pa nila mabigay ang peace of mind na hinihiling niya at ang atensyon na kailangan niya.“Hays, heto na naman po kami sa walang katapusang bangayan nila mula umaga hanggang gabi.”Walang saplot ang paa ay itinulak niya ang pintuan pabukas at dahan-dahang lumakad sa banda na malapit sa may hagdan, ngunit hindi siya tuluyang bumaba doon. Gusto lang niyang mas maging malinaw sa pandinig niya ng ugat ng kanilang pagtatalo kahit na alam na niya naman kung saan iyon nagsimula. Mula sa bandang iyon ay narinig niya ang walang katapusan na mga sumbatan nila sa ibaba ng hagdanan.“Nagpunta dito si Warren kagab
HINDI MAKATULOG NANG maayos si Daviana nang gabing iyon. Pabiling-biling siya sa kanyang higaan. Hindi mawala sa kanyang isipan ang imahe ni Rohi na nakita niya kanina. Hindi niya rin lubos maisip kung paano ginugol ng binata ang Bagong Taon ng siya lang mag-isa sa loob ng malaking bahay nila na tanging kadiliman ang yumayakap. Kung siya iyon, paniguradong hindi niya ito kakayaning gawin mag-isa. “Ang tibay niya naman, kaya niyang mag-celebrate nang siya lang…”Umagang-umaga pa lang ng araw ng New Year ay nagkaroon na naman ng pagtatalo ang mga magulang ni Daviana. Iyon ang gumising sa dalaga pagdilat pa lang ng kanyang mga mata. Nang hindi na niya makayanan at sobrang naririndi na siya ay palihim siyang nagtungo ng kusina. Pinilit ang sarili na huwag gumawa ng anumang ingay o kaluskos upang hindi mapansin ng mga ito. Palihim niyang kinuha sa refrigerator ang ilan sa kanilang mga nilutong ng ulam ng mga katulong nang nagdaang gabi. Kumuha rin siya ng iba nilang handa na alam niyang h