NAPAMULAGAT SI WARREN sa tinuran ng Ginang na ngayon lang niya naranasan. Sa unang pagkakataon kasi ay hindi niya inaasahan na pipigilan siya ng Ginang na makita at makausap niya si Daviana. Hindi na mapigilan ni Warren na makaramdam ng matinding pagkahiya ngunit nilunok na lang niya ang pride. Gusto niyang makausap si Daviana dahil sobrang nag-aalala siya sa expression ng mukha nito kanina.“Tita, mabilis lang naman po. Pagbigyan niyo na ako. Medyo nag-aalala lang po ako sa kanya eh…”“Hayaan mo siyang mapag-isa, magiging maayos din ang pakiramdam niya kahit na hindi ka niya makita at hindi mo siya makita, Warren.” mariing giit pa rin ng Ginang na desidido ng huwag payagan ang lalaking magtungo sa silid ng kanyang anak, iyon lang ang magagawa niya na matino para kay Daviana upang hindi na nito mas maramdaman na pinagkakaisahan siya. “Matanda na kayo kaya kailangan niyo ng matutong maging matatag dahil kapag nagka-edad pa kayo, hindi lang iyan ang ibabato ng mundo sa inyong harap.” ma
NATULALA SI DAVIANA saglit sa kisame ng kanyang silid bago pa siya dahan-dahang bumangon at bumaba ng kama. Isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi at mamalagi dito kapag ganitong bakasyon. Maingay. Walang kapayapaan. Hindi nababalot ng pagmamahal ang kanilang bahay. Tatlo na nga lang sila, wala pang pagmamahal na namamagitan sa kanilang pamilya. Iisang anak na nga lang siya hindi pa nila mabigay ang peace of mind na hinihiling niya at ang atensyon na kailangan niya.“Hays, heto na naman po kami sa walang katapusang bangayan nila mula umaga hanggang gabi.”Walang saplot ang paa ay itinulak niya ang pintuan pabukas at dahan-dahang lumakad sa banda na malapit sa may hagdan, ngunit hindi siya tuluyang bumaba doon. Gusto lang niyang mas maging malinaw sa pandinig niya ng ugat ng kanilang pagtatalo kahit na alam na niya naman kung saan iyon nagsimula. Mula sa bandang iyon ay narinig niya ang walang katapusan na mga sumbatan nila sa ibaba ng hagdanan.“Nagpunta dito si Warren kagab
HINDI MAKATULOG NANG maayos si Daviana nang gabing iyon. Pabiling-biling siya sa kanyang higaan. Hindi mawala sa kanyang isipan ang imahe ni Rohi na nakita niya kanina. Hindi niya rin lubos maisip kung paano ginugol ng binata ang Bagong Taon ng siya lang mag-isa sa loob ng malaking bahay nila na tanging kadiliman ang yumayakap. Kung siya iyon, paniguradong hindi niya ito kakayaning gawin mag-isa. “Ang tibay niya naman, kaya niyang mag-celebrate nang siya lang…”Umagang-umaga pa lang ng araw ng New Year ay nagkaroon na naman ng pagtatalo ang mga magulang ni Daviana. Iyon ang gumising sa dalaga pagdilat pa lang ng kanyang mga mata. Nang hindi na niya makayanan at sobrang naririndi na siya ay palihim siyang nagtungo ng kusina. Pinilit ang sarili na huwag gumawa ng anumang ingay o kaluskos upang hindi mapansin ng mga ito. Palihim niyang kinuha sa refrigerator ang ilan sa kanilang mga nilutong ng ulam ng mga katulong nang nagdaang gabi. Kumuha rin siya ng iba nilang handa na alam niyang h
BATA PA LANG ay marunong ng lumangoy si Daviana, ngunit hindi naman sobrang galing na swimmer. Malakas lang ang loob niya nang dahil sa pagkataranta kung kaya naman sinubukan niyang lumangoy upang sagipin lang si Rohi na sigurado siyang nasa ilalim ng tubig. At dahil kakapalit lang ng taon iyon ay malamig pa ang tubig sa ilog kahit na mainit ang sikat ng araw. Nanggaling ang panahon sa taglamig. Walang pag-aalinlangang inilubog niya ng paulit-ulit ang katawan sa tubig, hindi alintana ang ginaw.“Rohi?!” sisinghap-singhap siyang panaka-nakang umaahon ang mukha habang hinahanap ang katawan ng lalaki. “Ano ba? Nasaan ka? Rohi?!” kawag-kawag niya pa ng dalawang kamay sa tubig.Hindi na gaanong malinaw ang alaala sa parteng iyon ni Daviana. Hindi niya nga alam kung paano niya nagawang malibot ang paligid ng ilog upang hanapin lang katawan ni Rohi, o gaano niya katagal hinanap ang lalaki bago niya ito natagpuan na tila wala ng buhay. Nang makita niya ito ay walang pakundangan niyang hinila
PAKIRAMDAM NI DAVIANA ay may kung anong nakabara na sa kanyang lalamunan. Nahihirapan na siyang huminga. Ganunpaman ay kailangan niyang sampalin ito ng katotohanan kahit na alam niyang hindi naman siya nito papakinggan. Palalagpasin lang nito sa kabilang tainga ang lahat ng sinasabi niya.“Kailangan mong mabuhay! Kailangan mong lumaban para makita mo ang mga mangyayari sa hinaharap. Kailangan mong makatapos ng pag-aaral, saka kailangan mong maranasan na tumanda, Rohi!”Hinila ni Daviana ang collar ng kanyang damit na parang sinasakal na siya. Ipinakita niya sa lalaki na kailangan niyang seryosohin ang kanyang mga pinagsasabi. Hindi niya pwedeng kitlin ang sariling buhay.“Huwag mo akong takutin ulit, Rohi ng ganito. Please lang? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo pero hindi naman habang panahon ay nariyan ka lang. Habang buhay na nakasadlak. Ikaw ang huhubog ng hinaharap na gusto mo. Magiging maayos din ang lahat. Maniwala ka lang sa akin, maghintay ka pa ng ilang panahon. Nagma
SERYOSO ANG MUKHANG pumasok si Rohi sa opisina ng mga Gonzales. Nang nagdaang araw ay ibinigay na ni Rohi sa kanyang ama ang plano tungkol sa pormal na pagtatatag ng isang artificial intelligence research and development department. Binigyan siya ni Welvin ng sagot at inaprubahan ito bago magtanghali ng araw na iyon kung kaya naman kinailangan siyang magtungo doon. Sa nakalipas na dalawang taon mula noong dinala ng binata ang kanyang team sa kumpanya, ang mga pangunahing proyekto na natapos ay naging mga benchmark sa kanilang industriya. Walang nagkuwestiyon sa kanyang pananaw at kakayahang tinataglay. Isang buwan na rin ang nakalilipas magmula nang maging opisyal siyang direktor ng departamento ng produktong iyon sa pamamagitan ng panloob na kompetisyon. Gayunpaman, sa labas ng trabaho, ang daming chismis patungkol sa kanya na ang karamihan ay galing sa mga empleyadong mayroong inggit na nabubuhay sa kanilang katawan. Hindi lingid sa kanila ang pagiging anak niya sa labas na pangunah
SA NABASANG CHAT mula kay Daviana ay agad ng napatayo si Rohi. Rumihistro sa kanyang mukha ang kakaibang kaba. Weird man pakinggan pero batid niyang may ibang laman ang sinasabi ni Daviana ngayon sa chat sa kanya. Napakurap na ang mga mata ni Rohi nang makita niyang biglang ini-unsent iyon ng dalaga, mas lalo pa siya ritong nabahala. Biglang dumilim na ang mukha niya na biglang naging balisa. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Keefer na nasa harapan pa rin niya at matamang nakatingin sa kanya. “Anong meron? Sino ang nag-chat?”Ipinilig ni Rohi ang kanyang ulo. Ayaw ipaalam sa kaibigan kung sino iyon dahil tiyak na marami itong tanong. Nasa inbox pa rin ng chat nila ni Daviana ang mga mata ng binata. Humigpit ang kanyang hawak sa cellphone. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mag-alala kay Daviana.“Wala...”Nag-sink in na sa utak niya kung tungkol saan ang tinatanong ni Daviana. Bigla siyang mas nataranta. Naiintindihan niya na dahil biglang sumagi sa isip niya ang tungkol s
NAPAHILAMOS NA SA kanyang mukha si Daviana. Gulong-gulo na sa gagawin niya.“Rohi—”“Tinanong mo ako sa chat kung ano ang pakiramdam kapag tumalon pababa. Kung malaya ba…” ilang segundo itong nag-paused dahilan upang kumabog na ang puso ng dalaga, “Malamig. Nakakatakot dahil hindi ako marunong noong lumangoy. Iyon ang pakiramdam ko noon, Daviana kaya huwag mo ng subukin pa kahit na magaling ka pang lumangoy. Naiintindihan mo ako? Huwag mo akong gagayahin noon.”Mariing itinikom ni Daviana ang bibig. Ni isang salita ay walang namutawi sa kanya. Dama niya ang pagiging concern sa boses nito.“Kahit na kaya ko ng lumangoy hindi ko na iyon ulit gagawin ngayon dahil alam kong mag-aalala ka. Kaya habang hindi mo pa ginagawa iyon gusto na kitang agad na hawakan para hindi mo ito maranasan. Ayaw kong maranasan mo ang tagpong iyon.”Sa narinig, animo parang mabubulunan si Daviana sa kanyang sariling laway. Gustong-gusto ng kanyang pandinig ang mga salitang sinabi ng binata. Hindi lang iyon gust
NAGSUKATAN NG MATALIM na mga tinginan ang dalawa na ikinalamig na ng buong katawan ni Daviana. Baka kasi mamaya ay magsuntukan sila doon, nakakahiya. Hindi mababanaag ang pagiging magkadugo ng dalawa na parang parehong ibang tao ng mga sandaling iyon. Sinubukan ni Daviana na pumagitna sa kanilang dalawa na nagiging manipis ang pagitan. Kitang-kita ng dalaga kung paano magngalit ang mga ngipin ni Warren sa sobrang inis niya rito.“Gusto ko lang makita ang tunay na nangyari. Iyon lang. Huwag mo na sanang ipagdamot iyon, Warren. Uulitin ko, wala akong masamang ginawa sa girlfriend mo. Ni hindi ko hinawakan ang kamay noon. Nagpatihulog siya ng sadya.” Hindi pa rin siya pinakinggan ni Warren na hinawi lang sila upang siya na ang maghanap ng footage. “Tingnan natin, Viana, kung sino ang nagsasabi sa inyong dalawa ni Melissa!” hawak nito sa mouse na binitawan ni Rohi kanina, ikinapula na iyon ng mga mata na naman ng dalaga. “Dito natin makikita kung sino ang sinungaling.” Namuo na ang luh
MALALAKI ANG MGA hakbang na tinungo ni Warren ang general security department ng kanilang Hacienda. Nais niyang patunayan na hindi nagsisinungaling ang kanyang nobya at ang kaibigang si Daviana talaga ang may kasalanan ng aksidente. Doon ay saka pa lang siya mapapalagay ng loob. Para matapos na rin pagka-guilty niya sa mga nangyari. Ganun na lang ang gulat ng head ng security department nila nang marinig kung kaninong anak siya at ng purpose ng pagpunta niya doon. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kanina pa nauna doon si Rohi at Daviana upang tingnan ang CCTV, habang kumakain ng breakfast kanina ay hinimok ni Rohi na tingnan nila ang buong pangyayari sa mga CCTV. “Hindi na kailangan, Rohi, alam ko naman na wala akong masamang ginagawa.” “Kailangan iyon Daviana, para malinis mo rin ang iyong pangalan. Para masampal mo rin sa babaeng iyon na siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan at hindi ikaw. Mappaatunayan mo lang iyon kung makikita iyon ng lantaran sa CCTV.” Muling iniiling ni Davi
SINUNDAN NG MGA mata ni Rohi ang likod ng dalaga na naglaho na sa paningin niya nang sumara ang pintuan. Dahan-dahang naupo ang binata sa sofa habang nakatingin pa rin ang mata sa dahon ng pintuan ng silid. Nakapagkit pa rin sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ni Daviana kanina. Napayuko na siya doon. Hindi na niya napigilan ang sarili at malakas na doong tumawa na tanging siya lang ang nakakarinig. Tuwang-tuwa ang binata sa naging reaksyon ng dalaga na halatang labis na nahihiya pa rin sa kanya. Nanatiling nakangiti pa rin ang labi ni Rohi.“Ang cute niya talagang maasar…” mahina niya pang usal na muling mahinang natawa. Nahiga na si Rohi sa sofa at pilit niyang pinagkasya ang sarili doon. Pinag-krus niya pa ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Muli pa siyang natawa nang pagpikit ng mga mata ay makita niya sa balintataw niya si Daviana. Ang linaw noon na tila ba kaharap niya lang ang dalaga. Nakagat na ni Rohi ang kanyang pang-ibabang labi, iba na kasi ito. Masyado
PINATAY NI ROHI ang gripo gamit ang kaliwa niyang palad. Biglang natahimik ang buong silid nang mawala ang ingay ng bumabagsak na tubig. Humigpit pa ang hawak niya sa kamay ni Daviana na parang bigla itong naging kabado doon. “Kung ganun, napag-isipan mo bang ikonsidera ang ibang lalaki kung sakaling mangligaw sa’yo?” Naramdaman ni Daviana na nagsimulang uminit ang kanang kamay na hawak ng binata. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso niya, parang lalabas na sa dibdib niya ang puso. Nang sobra na ang tensyon na nararamdaman ng kanyang katawan ay laking pasasalamat niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya na naging dahilan upang basagin ang katahimikan sa loob ng kwarto. Tila napasong binitawan ni Rohi ang kamay niya at umatras ng ilang hakbang upang makalayo sa katawan niya at bigyan na siya ng distansya.“Hindi mo ba sasagutin ang tawag?” Ang buong akala ni Daviana ay cellphone iyon ni Rohi kung kaya naman wala siyang a
HINDI NA MAPIGILAN ni Daviana na mapakurap ng kanyang mga mata. Para siyang nabingi sa narinig niyang pahayag ng kaharap na binata. Ano raw? Hindi na ito aalis? Doon ito matutulog kasama niya? Bakit niya naman gagawin iyon?“Anong s-sinabi mo, Rohi?” Sa halip na sumagot ay dire-diretso lang lumakad ang binata palapit sa sofa at naupo na ito sa kabilang gilid noon. “Ang sabi ko hindi na ako aalis. Dito ako matutulog. Sasamahan kita.” Hindi magawang makaimik ni Daviana. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Paano ang mga tauhan nitong lasing na? Saka saan siya matutulog? Iisa lang ang silid at kama na naroon. Ano iyon magtatabi sila? “Bakit?” “Sa sofa ako matutulog. Huwag kang mag-alala.” sa halip ay sambit niya dahil nababasa ang pag-aalala ng dalaga.May bahid pa ng luha ang mata ni Davian, basa pa noon ang kanyang mga pilik-mata. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Rohi. Malamang, paano niya iiwanan doon ang dalaga lalo na at nakita niya itong umiiyak da
NAPATITIG NA SI Daviana sa likod ni Rohi na nagsimula ng humakbang patungo ng pintuan ng holiday home. Mabagal niyang sinundan ang binata. Gusto niya itong pigilan para samahan siya doon, ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig lalo pa at alam niyang kailangan ito ng mga staff doon sa hotel. Nakaramdam ng pagkataranta at bahagyang pag-aalala na ang dalaga nang akmang lalabas na siya rito. “Rohi, sandali lang!” Agad napalingon sa kanya ang binata nang marinig ang kanyang sinabi. Mababanaag niya sa mukha ng dalaga ang pag-aalinlangan na may sabihin ito sa kanya. Bagay na hindi niya naman alam kung ano iyon.“Bakit? May kailangan ka pa ba?” Marahang kinagat ni Daviana ang labi. Ang nais niyang sabihin ay huwag siyang iwan nito sa lugar ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig. Salitang hindi naman niya pinagsisisihang sabihin pa rin sa binata.“Maraming salamat.”“Walang anuman, Daviana. Siya nga pala, bagama’t may mga guards ang lugar na ito na nagbabantay magdamag hindi pa rin ito
DUMILIM NA ANG paningin ni Rohi nang marinig niya ang mga sinabi ng dalaga. Humigpit pa ang hawak niya sa manibela ng kanyang sasakyan. Marami siyang nais na sabihin pero hindi niya magawang sabihin dahil ang labas noon ay magiging pakialamero na siya sa buhay nito.“Paniguradong hindi na kami muling magiging magkaibigan pa ni Warren mula sa araw na ito.” mapakla ang tinig na sambit ni Daviana na bahagyang ikinalingon sa kanya ni Rohi, huminga pa siya nang malalim para lang hugutin ang sama ng kanyang loob. “Naaksidente kasi si Melissa kanina nang mangabayo kami at pumunta sa pusod ng kagubatan sa may waterfalls. Sa akin ba naman binebentang, ni hindi ko nga hinawakan kahit ang dulo ng daliri ng babaeng iyon. Malamang girlfriend niya iyon kaya siya ang pinapaniwalaan at hindi ako. May sira na ang utak ng babaeng ‘yun! Nakakabahala na talaga…”“Paanong bintang? Itinulak mo?” “Hindi. Ganito kasi iyon.” Umayos na ng upo si Daviana upang ikuwento ang nangyari kay Rohi. “Pinatakbo ko an
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Daviana nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang lahat ng takot niya ng mga sandaling iyon ay agad na nawala. Lumapit pa siya sa kotse upang lubos niyang maaninag ang mukha nito. Siya nga! Si Rohi.“Rohi?” masiglang sambit niya sa pangalan ng lalaki na hindi niya inaasahang makikita niya roon, dahil ang sabi ni Anelie ay hindi naman ito doon pupunta dahil sa busy raw. Ngunit ano ang ibig sabihing narito ito?Ngumiti lang si Rohi nang makilala siya ng dalaga matapos niyang magpunas ng mga luha niya. “Pumasok ka na ng kotse. Saan ka pa ba pupunta ng ganitong oras? Gabing-gabi na ah? Nag-walked out ka ba?” sunod-sunod niyang tanong na hindi sinagot ni Daviana dahil pinili niyang sumakay na roon.Umikot na ang mga mata ni Daviana na nagsusuot na ng seatbelt matapos isara ang pintuan ng kotse. Komportable talaga siya kapag si Rohi ang kanyang kasama. Ang layo noon sa pakiramdam niya kay W
SUMIDHI PA ANG galit ni Daviana sa walang imik at nakatayo lang na si Warren. Hindi niya ugali ang mag-eskandalo, pero hindi niya na mapigilan ang sakit nang dahil sa ginagawa ni Warren sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan, subalit hindi niya pa rin alintana. Wala ng pakialam ang dalaga sa kung anong sasabihin ng iba. Naramdaman na niya ang panghihina ng kanyang dalawang tuhod na parang anumang oras ay magco-collapse na siya. “Ikaw ang nagbago, dahil kay Melissa, ikaw Warren!” Sa mga sandaling iyon ay nais niyang isumbat ang lahat ng mga nagawa niya sa lalaki. Ang mga sakripisyo niya. Kung alam niya lang din na magiging ganito ito sa kanya ngayon, dapat noon pa lang ay inilayo na niya ang kanyang sarili. Hindi na dapat siya nag-aksaya pa ng oras.“Ngayon nagsisisi kang sumama ka dito? Hindi ba at gusto mo naman? Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo—” “Wala ka ba sa tamang katinuan? Tumanggi ako hindi ba? Anong ginawa mo? Pinadaan mo kay Daddy ang invitation mo! Gu