PAGKASABI NOON NI Rohi ay biglang umayos ito ng tayo at nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad. "Siya na nga ang tinutulungan, ayaw pa niya?!” Sa naghihimutok na isipan ni Daviana ay nadama na kung hindi lang siya dito naaawa ay nungkang magmalasakit siya sa kanya at handa siyang tulungan sana. Siya pa tuloy ang naging masama sa pagmamagandang-loob lang naman niya rito. Batid ni Daviana na walang ibang tutulong sa kay Rohi sa lugar na iyon kundi siya lang. Alam ng lahat na isa siyang illegitimate child ng padre de pamilya ng mga Gonzales. Si Daviana lang talaga ang malakas ang loob na kumausap sa lalaki. Maliban sa awa ay sigurado si Daviana na kung nakita siya sakali ng half-brother niyang si Warren ng sandaling iyon ay baka isinumpa na siya nito. “Ikaw na nga ang tinutulungan, ayaw mo pa!” mas nilakasan niya ang litanyang iyon para kay Rohi. “E di huwag kung ayaw mong magpatulong. Yabang mo! Wala ka rin namang ipagmamayabang!” Sa halip na tumalikod ay dahan-dahan na doon si Davi
ILANG BESES NA umirap si Daviana sa kawalan. Napipigtas na ang pasensya niya sa lalaking kaharap. Hindi na ito batang paslit pero ang hirap nitong utusang uminom ng gamot. Panay ang pagpapasaway sa kanya.“Inumin mo na itong gamot, Rohi. Kung hindi ka iinom ng gamot, paano kung...paano kung...may masamang mangyari sa’yo ha? Walang ibang tutulong sa'yo. Wala kang masasandalan. Alam mo 'yan!”Naalala ni Daviana ang tsismis na narinig niya noon sa dorm na may kaklase daw sila sa elementarya na nilalagnat ng mahigit 40 degrees. Hindi iyon naagapan at naapektuhan ang utak. Muntik-muntikan ng tumarak ang mga mata dahil nagkaroon ng convulsion. Kung hindi ito naitakbo sa hospital malamang ay nautas na. Hindi lang iyon, naging dahilan pa iyon upang mas maging mapurol ang utak ng taong iyon.“Paano kung atakehin ka ng convulsion at bigla na lang tumarak ang mga mata? Paano ka, Rohi?”Kung mangyayari iyon kay Rohi, madadala nito ‘yun hanggang sa kanyang pagtanda. Hindi iyon maaalis. Kada lalagn
PUNO NG PAG-AALINLANGAN na sumulyap si Daviana kay Rohi upang tingnan kung medyo bumubuti na ba ang hitsura nito. Hindi niya ito pwedeng basta iwanan lang lalo pa at mayroon itong lagnat. Nag-angat ito ng paningin na tahimik ng nakatitig sa kanyang mukha nang maramdaman ang ginawang pagtitig niya. Matamlay pa rin ang kanyang hitsura kagaya kanina. Walang nagbago doon kahit na nakainom na ito ng gamot. Nakaramdam bigla ng pagkailang sa ginagawa niyang iyon si Daviana, parang hinahalukay kasi nito ang buong pagkatao niya gamit lang ang mga mata niya. Ibang-iba ang paninitig ni Rohi sa kanya. May laman na hindi niya kayang ipaliwanag sa pamamagitan lang ng mga salita. Binawi ni Daviana ang tingin dito nang maramdamang kumalabog ang kanyang puso. Iyong tipong biglang kinabahan siya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.“Sige, pupunta ako.” sagot niya sa katanungan ni Warren.Pagkatapos ibaba ang tawag ay pilit ang ngiting hinarap na niya si Rohi. Nahihiya siya dito pero kailangan niyang
UMIKOT LANG NAMAN ang mga mata ni Daviana sa narinig, damang-dama niya kasi ang excitement ng kaibigan na medyo nakakahawa. Iba talaga ang fighting spirit nito. Kumikislap pa ang mga mata sa galak.“Para kang sira, bakit ka naman iiyak aber?” natatawang tanong pa ni Daviana sa kaibigang kaharap niya.“Eh kasi naman, gustong-gusto ko ngang makuha nila. Ini-expect ko na isa ako sa mapipili nila. Hopefully. Alam mo ba kung gaano karaming mga nagtapos ang gustong makapasok sa team nila? Marami, Daviana.” bida pa ni Anelie na para bang walang alam tungkol doon ang kaibigan, “Pero ayon naman sa sabi-sabi ay napakahirap makapasok sa kanila. Masyadong mataas ang standards. Maliban na lang kung kasing talino mo si Darrell, nangangailangan sila ng mayaman sa mga karanasan sa trabaho at hindi may alam lang.” “Gusto mo talagang sundan si Darrell doon at makasama siya sa iisang kompanya?”“Hindi ah, nagkataon lang ang pagsunod ko sa kanya pero gusto ko talagang mapabilang sa team nila...” iwas ni
NAGKATITIGAN NA NANG masama ang dalawang babae ngunit wala ni anong patutsadahang namutawi pa sa kanilang mga labi. Nang makita ni Warren ang tensyon na namamagitan sa kanila ay mabilis siyang lumabas ng kotse at pinuntahan ang dalawa upang pumagitna na. Hindi niya alam kung ano ang pinag-aawayan nila ngunit malakas ang kutob niyang meron. Lumambot naman ang expression ni Melissa nang makita ang anino ni Warren sa gilid ng kanyang mga mata na palapit na sa kanilang banda ni Daviana.“Ako na ang magsasakay niyan sa likod ng sasakyan, sumakay na kayong dalawa sa loob ng kotse.” kuha ni Warren sa handle ng maleta na hindi na nagawa pang ipagdamot ni Daviana dahil si Warren na kasi iyon.Nagawa ng makuha iyon ng lalaki nang hindi nakakapag-react ang nagulat na dalaga. Nakatalikod siya sa banda nito kung kaya naman hindi niya napansin ang ginawa nitong mabilis na paglapit sa pwesto nila. Hinawakan naman ni Melissa ang kamay ni Daviana upang ipakita kay Warren na okay sila ng babae. Hindi n
HABANG NAKABURO ANG mga maya ni Warren kay Daviana ay biglang sumagi sa isip na naman niya ang kakaibang panaginip niya ng ilang gabi kung saan kaulayaw niya doon ng walang saplot ang kaibigan. At nang dahil doon ay bigla na lang nag-iba ang reaction ng kanyang katawan na hindi niya na maipaliwanag. Gumalaw ang adams kanyang apple, at bahagya niyang pinigilan ang sariling mag-react sa pamamagitan ng pag-iwas niya na ng mga mata kay Daviana. Ipinilig niya ang ulo. Pilit iwinaksi ang mga makamundong ganap na iyon sa kanyang panaginip na malinaw na malinaw niyang nakita, na parang totoong-totoo ito. “Viana, pagbigyan mo na si Melissa. Huwag ka ng magalit. Alam kong nagtatampo ka pa rin sa akin dahil inuna naming magpunta kami ng Thailand sa halip na magdiwang kasama mo ng iyong kaarawan.” sabat na ni Warren na hindi siya tinitingnan, nasa kalsada pa rin ngayon ang kanyang mga mata. “Hindi ah, bakit ko naman gagawin iyon? Ayos lang. May mga kasama naman akong nag-celebrate noon.” pagtan
HINDI NA INISIP pa ni Daviana ang kahihinatnan ng kanyang mga salitang iyon kay Warren. Punong-puno na siya. Ang tanging nais niya lang mangyari ay ang ilabas dito ang sama ng loob niya. Noong nakaraan, palagi niyang sinasaalang-alang ang mararamdaman nila at natatakot na magbitaw ng mga salitang makakasakit. Subalit ngayon ay iba na. Hindi na pwedeng palagpasin niya pa ang lahat ng ito gayong nag-uumapaw na ang poot sa kanyang puso. Kung hindi niya iyon ilalabas, makakasama ito sa kalusugan niya. “Viana?!” bulalas ni Warren na tila naging blangko na rin ang kanyang isipan.Umakyat na sa ulo ang init ng dugo ni Warren dahil sa inaasta ng dalaga. Madiin na inapakan niya ang preno. Delikado iyon dahil nasa gitna sila ng busy na kalsada kung saan ay maraming mga sasakyan dito. Walang sinuman ang pwede at pinapayagan na basta na lang huminto sa bahaging iyon ng kalsada lalo na kung hindi naman emergency ang dahilan. Muntik na silang mabangga ng sasakyan na nasa likod. kaunting-kaunti na
HINDI NAGTAGAL AY nagpasyang umuwi na rin ng bahay si Daviana matapos na magmuni-muni ng ilan pang saglit sa lugar na iyon. Lumulan siya ng taxi na kanyang pinara nang gumaan na ang kanyang pakiramdam. Hindi niya tinawagan o kahit ang e-chat si Warren pagdating ng bahay para sana tanungin kung saan nito dinala ang kanyang maleta dahil hindi naman masyadong mahalaga ang mga bagay na nakalagay doon. Magiging rason pa iyon ng kanilang pag-uusap kung gagawin niya. Eh, ayaw niya ngang makausap muna ang kaibigan kaya naman bakit niya gagawin ang bagay na iyo? Bahala siya sa buhay niya kung ayaw siya nitong kausapin doon. “Hindi ako ang may kasalanan noon kaya naman hindi ako ang magpapakumbaba sa kanila ng pangit niyang niyang nobya. Unahan nila!”Kinabukasan ng araw na iyon ay inimbitahan ng ina ni Warren ang kanilang pamilya sa isang hapunan. Hindi naman iyon pinalampas ng mga magulang ni Daviana, lalo na ng kanyang amang si Danilo. Umaasa kasi itong pag-uusapan na nila ang tungkol sa ma