Share

Chapter 21.1

SAGLIT NA NAPA-ANGAT na ang mga mata ni Daviana habang kumakalabog na ng kakaiba ang kanyang dibdib. Parang hindi pa siya handang malaman ang mga susunod na tagpo sa video pero kailangan niyang ipagpatuloy ang panonood doon hanggang sa bandang dulo nito. Muli niyang ibinaba ang mga mata sa pinapanood niya. Nag-resume iyon sa part na may lumabas na isang hindi kilalang bulto ng lalaki sa dulong bahagi ng pasilyo. Nang dumaan ang lalaki sa banda nila ni Rohi, tinitigan siya nito ng malagkit na tingin. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makitang parang natural na inakbayan ni Rohi ang isang balikat niya na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin iyon. Pagkaalis ng lalaki na halatang may dismayadong mukha ay itinaas niya ang kamay niya nang walang babala at niyakap na ang leeg ni Rohi. Nagunyapit siya sa leeg nito. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Daviana. Nanginig na ang kamay doon ng dalaga na may hawak na cellphone. Hindi na napigilang mandilat ang mga mata.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status