Share

Chapter 20.3

NANG MAGSIMULA ANG lecture, lalong nanlumo ang pakiramdam ni Daviana. Ang nilalaman ng discussion kasi ay nauugnay sa artificial intelligence. Wala siyang knowledge doon at hindi rin naman siya dito interesado. Para siyang nanonood ng pelikulang hindi niya gusto ang genre, o napilitang basahin ang isang libro kahit hindi pumapasok ang laman noon sa loob ng utak niya. Nagsimulang bumalik sa isipan niya sina Warren at Melissa. Ibang beses siyang tahimik na napatanong kung nasa Thailand na ba ang dalawa at kung ano ang ginagawa nila sa mga oras na iyon. Sumama na naman ang hilatsa ng mukha niya. Umasim na parang gusto na mang magwala. Aminin niya man o hindi ay inis na inis pa rin siya. Nagngingitngit sa pagiging panira ng moment nila ni Warren ni Melissa. Alam niyang sinadya niyang gawin iyon. Bigla siyang nilingon ni Anelie na nag-e-enjoy na sa panonood kay Darrell nang marinig ang malalim na hinga.

“Huwag mo ng isipin si Warren,” lapag ni Anelie sa isang kamay ni Daviana ng tablet ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status