Share

Chapter 16.2

NAPUNO NA NG pag-aalala ang isipan ni Daviana, baka masaktan niya ang damdamin ng binata. Nagmalasakit lang naman siya sa kanya. Wala namang masama doon sa kanyang ginawa eh. Huwag naman niya sanang isipin na may masama siyang intensyon o minamaliit niya ang kakayahan nito.

“Okay, tinulungan mo na ako noon sa pamamagitan ng pera. Inalaagan naman kita kagabi. Sa tingin ko ayos na iyon. Fair na. Quits na. Hindi mo na kailangan pang tumanaw sa akin ng utang na loob sa mga ginawa ko. Kalimutan mo na iyon. Wala ka ng utang sa akin na kailangan mong pagbayaran at suklian.”

Napahinga na doon nang maluwag si Daviana ngunit may agam-agam pa rin sa kanyang damdamin. Parang may kulang. Pakiramdam niya ay malaki pa rin ang utang na loob niya sa binata kahit na sinabi na nitong okay na iyon. Hindi sapat dito ang perang ibinigay niya kapalit ng dalawang beses nitong walang pag-aalinlangan na pagtulong sa kanya. Ganunpaman ay hindi na niya isinatinig dahil paniguradong hindi nito magugustuhan kung
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status