NAPUNO NA NG pag-aalala ang isipan ni Daviana, baka masaktan niya ang damdamin ng binata. Nagmalasakit lang naman siya sa kanya. Wala namang masama doon sa kanyang ginawa eh. Huwag naman niya sanang isipin na may masama siyang intensyon o minamaliit niya ang kakayahan nito. “Okay, tinulungan mo na ako noon sa pamamagitan ng pera. Inalaagan naman kita kagabi. Sa tingin ko ayos na iyon. Fair na. Quits na. Hindi mo na kailangan pang tumanaw sa akin ng utang na loob sa mga ginawa ko. Kalimutan mo na iyon. Wala ka ng utang sa akin na kailangan mong pagbayaran at suklian.”Napahinga na doon nang maluwag si Daviana ngunit may agam-agam pa rin sa kanyang damdamin. Parang may kulang. Pakiramdam niya ay malaki pa rin ang utang na loob niya sa binata kahit na sinabi na nitong okay na iyon. Hindi sapat dito ang perang ibinigay niya kapalit ng dalawang beses nitong walang pag-aalinlangan na pagtulong sa kanya. Ganunpaman ay hindi na niya isinatinig dahil paniguradong hindi nito magugustuhan kung
NAKAHINGA NA NANG maluwag si Rohi, unti-unting lumuwag na rin ang kanyang hawak sa manibela. Gumaan ang pakiramdam niya ng malamang at least, pinapaniwalaan siya ng dalaga. Sa sobrang saya niya hindi niya napigilang umangat ang gilid ng kanyang labi. Facial reaction ni Rohi na hindi nakaligtas sa paningin ni Daviana na sa sandaling iyon ay nakatitig pa rin sa mukha ng binata Binabasa kung nagsasabi ba ito ng totoo ang o ini-echos niya lang ang naging sagot niya sa kanya para bilugin pa ang ulo niya.“Anong nakakatawa, Rohi?” hindi na napigilan ni Daviana na itanong sa kanya. Nakita niyang bahagyang ngumisi ito kanina at para sa kanya ay sobrang estranghero noon. Curious siyang malaman kung bakit ito biglang napangisi nang sabihin niyang naniniwala siya.“Wala. Hindi naman ako tumatawa ah?” “Anong hindi? Ngumisi ka kaya. Huwag mo akong gawing bulag. Nakita ko ‘yun!”Hindi siya sinagot ni Rohi na biglang bumalik ang dati nitong itsura na walang anumang emosyon roon. Good mood na ang n
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Daviana sabay kunot ng kanyang noo. Hindi nagustuhan ng dalaga ang paraan ng pagsasalita ng lalaki sa kanya na parang ang laki ng kasalanan niya. Itinikom niya ang bibig habang tiningnan ang kaibigan na sulyapan ang likod ng humarurot na sasakyan. Muli niyang ibinaling ang tingin kay Daviana na alam niyang mayroong naghatid kahit pa tahasan nitong itanggi iyon. Hindi siya maniniwala sa babae kaya huwag siya nitong gawing tanga dahil hindi siya maniniwala sa kahit na anong kasinungalingan ang sabihin nito sa kanya. Nagagalit siya dahil natututo na rin itong maglihim ngayon.“Nakita mo bang mayroon? Nasaan?” maang-maangang tanong ni Daviana sa kanya, nungkang umamin siya na ang half-brother niya iyon. Malamang lalong magwawala si Warren kapag nalaman niya. “Wala...”“Daviana Policarpio, ano bang nangyayari sa’yo ha?! Natuto ka na 'ring magsinungaling ngayon?!” anitong tinawag na siya sa buong pangalan, alam niyang galit na ito kapag ganito na ang tawag sa ka
PAGKATAPOS NA SABIHIN iyon ni Daviana ay napatungo siya. Gulong-gulo ang kanyang isipan. Hindi niya gusto ang magkaroon ng komplikadong relasyon kay Warren. Kilala niyang matigas ang ulo nito at dahil malambot ang puso niya at ayaw niyang masyadong mapasama ang loob ng kaibigan kung kaya naman hindi niya na dapat pang palakihin kung ano ang gusot sa pagitan nila. Pagkatapos ng lahat-lahat, ang kanilang mga pamilya ay magkakaibigan at saka magkapitbahay. May tendency rin na laging magkikita.“May damdamin din naman ako Warren, na sana naisip iyon ng girlfriend mo.” “Oo naman, Viana. Alam ko naman iyon. Kaya nga ako na ang humihingi ng paumanhin di ba?” Nagdugo pa ang puso ni Daviana sa narinig. Inaasahan na niya iyon pero ang sakit pa rin pala talagang harapang sabihin iyon sa kanya. Nakaramdam na siya ng kaunting hindi pagka-komportable. Batid niyang hindi naman niya ito intensyon pero tila ba sinasadya iyon ng kanyang kaibigan. Nagmamanhid-manhidan lang siya. Kung patuloy niyang pa
MULING NANUMBALIK SA isipan ni Daviana na nasa hotel nga pala siya kagabi kasama si Rohi sa litanyang iyon ni Warren. Bagay na hindi niya pwedeng sabihin sa kaibigan. Hindi niya rin alam ang detalye dahil tuluyan na siyang na-black out nang mapasok ng alak ang katawan. Hindi niya rin alam kung ano ang sinabi niya kay Warren sa tawag dito kagabi, para maintindihan niya ang direksyon ng pinupunto nito, ngunit isang bagay ang natitiyak niya. Sa pagitan ng mga magkakaibigan na opposite sex, talagang hindi na kailangang sabihin pa at pag-usapan ang mga pribadong isyu sa kanilang mga buhay kagaya na lang ng nangyari kagabi. Hindi siya komportable at ayaw niyang pag-usapan nila ni Warren ang paksang ito. Ang weird na kasi kung pag-uusapan pa nila iyon na parang nagku-kuwentuhan lang sila tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari na at wala silang dalawang anumang kontrol.“Wala, ang dumi ng isip mo ha? Ganun ba ako sa paningin mo?” naging malikot na ang mga mata ni Daviana, hindi na niya magawa
DAHAN-DAHAN NA IKINUYOM ni Daviana ang kanyang dalawang kamao at kapagdaka ay marahan na lang na tumango upang sumang-ayon sa mga sinabi ng kaibigan. Hindi mawala sa kanyang isipan na ang akala niya noon ay ang lalaki ang magiging boyfriend niya na eventually ay magiging asawa sa hinaharap, ngunit hindi pala. May nakakagimbal na plot twist sa pagitan nila. Isa pala iyong malaking joke lang ng kapalaran na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit nangyari sa kanya. Hindi siya ang babaeng pangarap ng kaibigan. Iba. Hindi siya na unti-unti pang dumudurog sa buo niyang pagkatao. “Sige na, kain na…” panghihinuyo ni Warren nang mabasang tila nawalan na ng gana ang hitsura ni Daviana, “Concern lang ako sa'yo. Huwag mo sanang isipin na hilig ko lang ang pakialaman ka...”Hindi na nila muling binalikan ang naging topic nilang dalawa kanina. Matapos na ubusin ang kanilang inuming kape ay inihanda na ni Daviana ang iwanan doon ang kaibigan. Tumayo siya. Inayos na ang bahagya
PINAANDAR NA NI Warren ang dala niyang kotse. Sa halip na lumiko siya patungo ng kanilang tahanan ay dire-diretso ang kanyang pagmamaneho patungong South Luzon. Pagkatapos ng graduation niya noon ay bumili siya ng malaking flat na matatagpuan sa may bandang Batangas. Bungad lang iyon, napapagitnaan ng Calamba at Alaminos, Laguna.. Ngayon ang nakatira sa bahay niyang iyon ay ang kasintahan niyang si Melissa. May malalim din siyang dahilan kung bakit ayaw niya at hindi niya hinayaang sabihin ni Daviana sa kanyang pamilya na nagde-date sila ni Melissa. Ang ama ni Melissa ay isang mataas na opisyal na natiwalag sa isang kumpanya at tinanggal sa pwesto dahil sa katiwalian noong nakaraang taon. Anak siya ng mayaman na kagaya niya na lumaking sunod sa lahat ng layaw, ngunit pagkatapos na matanggal ang kanyang ama, ang kanyang dating buong pamilya ay nagkawatak-watak. Nawala ang kanyang marangyang buhay at madalas na inaapi na lang ng mga tao sa paligid na sa kanila ay mga nakakakilala. Noong
HINDI NA kinulit pa ni Melissa si Warren. Pagkatapos na kumain nila ng hapunan ng araw na iyon ay nagtungo na siya sa isa sa mga silid ng bahay na iyon. Dahil hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi, paglapat ng kanyang likod sa kama ay mabilis siyang hinila ng antok. Gayunpaman, bigla na lang siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Natutulog na rin si Melissa sa guest bedroom ng mga sandaling iyon. Kaagad siyang bumangon habang habol ang kanyang hinga. Nananaginip na naman siya. Kakatwa ang naging laman noon na sa hinagap ay hindi niya naisip na sisilid sa kanyang isipan. Sa panaginip niya kasi ay mayroon siyang kaulayaw na babae na perpekto ang hubog ng katawan. Hindi niya maipaliwanag ang ibinibigay nitong kaligayahan na para bang sasabog ang kanyang buong katawan sa kanilang ginagawa. Nakatalikod ito sa kanya pero kilala niya ang bulto ng katawan nito. Malinaw na malinaw ang panaginip niya na para bang totoong nangyayari iyon sa totoong buhay at mundo. Hindi niya naisip na panaginip