Share

Chapter 17.1

NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Daviana sabay kunot ng kanyang noo. Hindi nagustuhan ng dalaga ang paraan ng pagsasalita ng lalaki sa kanya na parang ang laki ng kasalanan niya. Itinikom niya ang bibig habang tiningnan ang kaibigan na sulyapan ang likod ng humarurot na sasakyan. Muli niyang ibinaling ang tingin kay Daviana na alam niyang mayroong naghatid kahit pa tahasan nitong itanggi iyon. Hindi siya maniniwala sa babae kaya huwag siya nitong gawing tanga dahil hindi siya maniniwala sa kahit na anong kasinungalingan ang sabihin nito sa kanya. Nagagalit siya dahil natututo na rin itong maglihim ngayon.

“Nakita mo bang mayroon? Nasaan?” maang-maangang tanong ni Daviana sa kanya, nungkang umamin siya na ang half-brother niya iyon. Malamang lalong magwawala si Warren kapag nalaman niya. “Wala...”

“Daviana Policarpio, ano bang nangyayari sa’yo ha?! Natuto ka na 'ring magsinungaling ngayon?!” anitong tinawag na siya sa buong pangalan, alam niyang galit na ito kapag ganito na ang tawag sa ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status