Share

Chapter 12.5

PILIT NA PINIGILAN ni Rohi na mapakamot siya ng ulo sa sobrang inis nang dahil sa sinagot ni Daviana. Parang biglang naging ibang babae ang kaharap niya ngayon sa natatandaan niyang Daviana na kilala. Nagugulat siya na ang masunuring babae noon ay naging matigas na ang ulo ngayon at hindi na ito mapagsabihan. Bagay na labis niyang ipinagtataka. Malamang si Warren na naman ang dahilan kung bakit ito ganito. Pasimpleng napabuga na siya ng hangin. Pilit niyang kinalamay ang sariling huwag sumabog.

“Ang mataas na content ng alcohol ay hindi maganda sa katawan mo lalo na kung hindi ka naman sanay. Huwag ka ngang magtapang-tapangan diyan, Daviana. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari kapag nasobrahan ka ng alak. Alam kong hindi ka naman lasenggera. Huwag kang feeling strong sa harapan ko.”

Akmang aagawin iyon ni Rohi sa kanya nang mabilis ni Daviana na tunggain iyon. Nandilat na ang mga mata ni Rohi sa kanyang ginawa. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng dalaga. Hindi lang iyon, mas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status