Share

Chapter 12.2

NAMILOG NA DOON ang mga mata ni Daviana sa naging pakiusap ni Keefer. Mukhang nagkakamali ito ng pagkakakilala sa kanila. Sino naman siya para pakinggan ni Rohi oras na pagsabihian niya? Di hamak na kaibigan lang naman siya ng lalaki. Wala rin naman silang relasyon na ipagyaybang kahit na pagkakaibigan lang iyon. Naging toxic sila sa bawat isa noong mga bata pa sila. Bully siya.

“Talaga?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Daviana, “Wow, ang astig naman noon. Pero hayaan na natin siya kung ayaw niyang ma-discover ng iba ang talent niya.” palusot ni Daviana na kunwari ay respeto iyon. “Ikaw ba?”

“Hindi na gaano ngayon. Nagbawas na ako ng alcohol intake. Kakaunti na lang akong uminom ngayon kumpara noong nasa ibang bansa ako. Isa pa, may trabaho na rin ako na kailangan na tutukan, kapag hindi ko iyon gagawin baka bigla na lang akong matanggal. At saka napagsawaan ko na rin siguro ang bagay na iyon. Napagod ako.” umayos na ng upo si Keefer upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Davia
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status