NAMILOG NA DOON ang mga mata ni Daviana sa naging pakiusap ni Keefer. Mukhang nagkakamali ito ng pagkakakilala sa kanila. Sino naman siya para pakinggan ni Rohi oras na pagsabihian niya? Di hamak na kaibigan lang naman siya ng lalaki. Wala rin naman silang relasyon na ipagyaybang kahit na pagkakaibigan lang iyon. Naging toxic sila sa bawat isa noong mga bata pa sila. Bully siya. “Talaga?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Daviana, “Wow, ang astig naman noon. Pero hayaan na natin siya kung ayaw niyang ma-discover ng iba ang talent niya.” palusot ni Daviana na kunwari ay respeto iyon. “Ikaw ba?” “Hindi na gaano ngayon. Nagbawas na ako ng alcohol intake. Kakaunti na lang akong uminom ngayon kumpara noong nasa ibang bansa ako. Isa pa, may trabaho na rin ako na kailangan na tutukan, kapag hindi ko iyon gagawin baka bigla na lang akong matanggal. At saka napagsawaan ko na rin siguro ang bagay na iyon. Napagod ako.” umayos na ng upo si Keefer upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Davia
PUMUNTA SILA SA isa sa pinaka-famous na bar na matatagpuan sa kanilang lugar na may pangalang SKINNY BANK BAR. Prestihiyoso iyon at sikat sa mga may kaya sa lipunan. High-end iyon kung saan mahal ang presyo ng alak ngunit walang pakialam doon si Daviana. May naipon naman siya mula sa kanyang baon at iyon ang lulustayin niya. Isa pa, minsan lang naman niya iyon gagawin kung naman ayos lang ito. Nang tumigil na ang sasakyan ay lumakas pa ang kabang nararamdaman ni Daviana na parang nananakal.“Baba ma, Daviana.” utos ni Rohi na nilingon siya, nakababa na doon si Keefer na nauuna na. Agad namang sinunod iyon ng dalaga. Hinintay nila ni Keefer si Rohi na umibis ng sasakyan bago sabay-sabay silang tatlong naglakad patungo sa main entrance noon. Hindi naman sila sinita ng guard kahit pa halatang masama ang tingin nito kay Daviana. Napansin kasi nitong naka-suot pa ito ng uniform. Ganun pa man ay hinid naman ito nag-aksaya ng laway an sitahin sila. Sa pintuan pa lang noon na kung saan ay di
IKINAWAY NI DAVIANA ang isang kamay niya sa harapan ng waiter na parang sinasabing ayos lang iyon pero hindi pa rin naman nawawala ang pagkadismaya na ipinakita nito sa kanyang mukha kanina. Medyo napahiya kasi siya sa kanyang mga kaharap. Ganunpaman ay hindi niya na pinahaba pa rito ang usapin. “Nevermind. Huwag mo ng uulitin iyon dahil nakakapikon, Kuya Waiter. Hindi lahat ng mukhang bata ay natutuwa kapag nasasabihan sila ng baby face at dapat naka-angkop din iyon sa lugar.” acting ni Daviana na akala mo ay kung sinong matanda, gusto lang naman niyang bigyan ng lesson ang waiter doon. “Baka isipin ng nakakarinig na nag-cutting classes ako ngayon para lang pumunta dito.” defensive niya pang turan na siyang tunay naman, hindi lang halata ang kanyang suot na uniform nang dahil sa suot na pinahiram na jacket ni Rohi kung kaya nagawa niya iyong maikubli sa mata ng nakakarami. “Mayroon ba kayo ditong tequila?” lakas-loob ng tanong ni Daviana na para na namang beterana sa harapan nila.
PILIT NA PINIGILAN ni Rohi na mapakamot siya ng ulo sa sobrang inis nang dahil sa sinagot ni Daviana. Parang biglang naging ibang babae ang kaharap niya ngayon sa natatandaan niyang Daviana na kilala. Nagugulat siya na ang masunuring babae noon ay naging matigas na ang ulo ngayon at hindi na ito mapagsabihan. Bagay na labis niyang ipinagtataka. Malamang si Warren na naman ang dahilan kung bakit ito ganito. Pasimpleng napabuga na siya ng hangin. Pilit niyang kinalamay ang sariling huwag sumabog.“Ang mataas na content ng alcohol ay hindi maganda sa katawan mo lalo na kung hindi ka naman sanay. Huwag ka ngang magtapang-tapangan diyan, Daviana. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari kapag nasobrahan ka ng alak. Alam kong hindi ka naman lasenggera. Huwag kang feeling strong sa harapan ko.”Akmang aagawin iyon ni Rohi sa kanya nang mabilis ni Daviana na tunggain iyon. Nandilat na ang mga mata ni Rohi sa kanyang ginawa. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng dalaga. Hindi lang iyon, mas
TULUYANG NILAMON NA si Daviana ng alak na ininom niya kung kaya naman hindi man niyang tahasang aminin ay namamanhid na ang kanyang buong katawan kasama na ang kanyang mga kamay. Halos kalahating minuto niyang tiningnan ang tawag sa phone at nang mamatay iyon ay mahina lang siyang natawa. Nang muling mag-ring ay saka pa lang niya sinagot iyon. Inilapit niya ito sa kanyang tainga upang marinig dahil sa matinding ingay na bumabalot sa buong paligid. Kung hindi niya iyon gagawin ay nungkang marinig niya ang sasabihin ng nasa kabilang linya na walang iba kung hindi si Warren lang. “Viana…”Napabungisngis na doon ang dalaga nang marinig ang malambing na boses ni Warren. Ibang-iba iyon sa mga pagtawag niya dati sa kanya. Iyong tipong may kailangan ito kung kaya naman ganun ang tono. “Hmm?” “Nasaan ka?” Maingay sa loob ng bar kung kaya naman hindi maintindihan ni Daviana kung ano ang sinasabi nito. Mas malakas kasi doon ang tugtog. Ayaw naman niyang lumabas. Tinatamad siyang gawin ang ba
BUMALIK ANG NAKAKABINGING musika sa paligid ni Daviana na ang buong akala niya ay humina ito kanina. Masyadong malakas lang talaga ang boses ni Warren sa kabilang linya. Nag-vibrate ulit ang cellphone, at si Warren na naman ang tumatawag. Diretso niyang pinatay na iyon. Wala siyang planong muling sagutin at kausapin ang kaibigan. Nag-angat siya ng tingin upang matagpuan lang ang mga malalim na mga titig ni Rohi. Madilim ang maitim niyang mga mata habang tahimik na nakatingin sa kanya. Ilang segundong naburo ang mata niya dito at nang hindi matagalan ay napaiwas siya. Muli niyang ibinalik iyon sa binata dahil feeling niya ay kailangan niyang magpaliwanag. “Sinungaling siya! Ilang beses niya akong ginamit panakip-butas. Okay lang naman sa akin iyon, pero nakakasakit na kaya siya! Manhid siya. Wala man lang siyang pakiramdam. Akala niya okay lang sa akin ang lahat ng ginagawa niya.”Hindi umimik si Rohi na nakatingin pa rin.“Kung kaya niyang gawin sa akin ‘yun, kaya ko rin. Anong akala
Lubos na inosente at walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya si Daviana lalo pa ngayong nasa impluwensya siya ng alak. Halata iyon sa kanyang mukha nang muling magtaas ng kanyang paningin sa binata. Parang wala itong anumang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Muling napabuga ng hangin si Rohi, kabado na ito na hinaluan na ng pagkailang sa asta ng dalaga. “Ang bango mo talaga, Rohi. Gustong-gusto ko ng amoy mong ito…pwede bang dito na lang ako?” nakapikit ang matang turan ng dalagang inihalik pa ang mukha sa leeg ng binatang muling sunod-sunod na napalunok ng kanyang laway. “So comfortable...parang unan ko lang...” hagikhik pa ng dalaga kahit wala namang nakakatawa.Kung lubos na matino pa ang isipan noon ni Daviana, hinding-hindi niya sasabihin ang mga ganitong salita na magpapa-awkward sa pagitan nilang dalawa. Isa pa kyeme ito. Mahiyain. At dahil alam ni Rohi na lasing na ito, sinubukan niyang kunin at agawin ang alak mula sa kamay nito.“Tama na ang inom, Davia
BATID NI ROHI na ang ibang tao ay normal na bossy sa loob ng kanilang tahanan, ngunit hindi isa doon si Daviana. Siya ay palaging mabuti at kyemeng nilalang na hindi makabasag ng pinggan sa harapan ng kanyang mga magulang. Subalit, sa mga sandaling iyon ngayon siya ay biglang naging bossy sa harapan niya. Siguro ay marahil dala lang iyon ng alak na nasa loob ng katawan. Makailang beses nitong sinabi na hindi niya kailangan ng magiging tagapag-alaga niya dahil kaya niya na ang kanyang sarili. Hindi na rin ito marunong makinig, taliwas iyon sa pagkakakilala niya sa dalaga noon. Ilang beses pang sinubukan ni Rohi na ibalik ang jacket sa katawan ni Daviana upang takpan ang malusog nitong dibdib, ngunit tumanggi pa rin siyang isuot ang jacket kahit na anong pilit niya. Kahit na ipakita niyang naiinis na rin siya sa dalaga. “Ano ba Rohi? Ang init nga sabi! Huwag mo akong piliting isuot ang jacket na iyan! Alin ba doon ang mahirap intindihin ha?” bulalas nitong sinamaan na siya ng tingin, “
NAGSUKATAN NG MATALIM na mga tinginan ang dalawa na ikinalamig na ng buong katawan ni Daviana. Baka kasi mamaya ay magsuntukan sila doon, nakakahiya. Hindi mababanaag ang pagiging magkadugo ng dalawa na parang parehong ibang tao ng mga sandaling iyon. Sinubukan ni Daviana na pumagitna sa kanilang dalawa na nagiging manipis ang pagitan. Kitang-kita ng dalaga kung paano magngalit ang mga ngipin ni Warren sa sobrang inis niya rito.“Gusto ko lang makita ang tunay na nangyari. Iyon lang. Huwag mo na sanang ipagdamot iyon, Warren. Uulitin ko, wala akong masamang ginawa sa girlfriend mo. Ni hindi ko hinawakan ang kamay noon. Nagpatihulog siya ng sadya.” Hindi pa rin siya pinakinggan ni Warren na hinawi lang sila upang siya na ang maghanap ng footage. “Tingnan natin, Viana, kung sino ang nagsasabi sa inyong dalawa ni Melissa!” hawak nito sa mouse na binitawan ni Rohi kanina, ikinapula na iyon ng mga mata na naman ng dalaga. “Dito natin makikita kung sino ang sinungaling.” Namuo na ang luh
MALALAKI ANG MGA hakbang na tinungo ni Warren ang general security department ng kanilang Hacienda. Nais niyang patunayan na hindi nagsisinungaling ang kanyang nobya at ang kaibigang si Daviana talaga ang may kasalanan ng aksidente. Doon ay saka pa lang siya mapapalagay ng loob. Para matapos na rin pagka-guilty niya sa mga nangyari. Ganun na lang ang gulat ng head ng security department nila nang marinig kung kaninong anak siya at ng purpose ng pagpunta niya doon. Lingid sa kaalaman ni Warren ay kanina pa nauna doon si Rohi at Daviana upang tingnan ang CCTV, habang kumakain ng breakfast kanina ay hinimok ni Rohi na tingnan nila ang buong pangyayari sa mga CCTV. “Hindi na kailangan, Rohi, alam ko naman na wala akong masamang ginagawa.” “Kailangan iyon Daviana, para malinis mo rin ang iyong pangalan. Para masampal mo rin sa babaeng iyon na siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan at hindi ikaw. Mappaatunayan mo lang iyon kung makikita iyon ng lantaran sa CCTV.” Muling iniiling ni Davi
SINUNDAN NG MGA mata ni Rohi ang likod ng dalaga na naglaho na sa paningin niya nang sumara ang pintuan. Dahan-dahang naupo ang binata sa sofa habang nakatingin pa rin ang mata sa dahon ng pintuan ng silid. Nakapagkit pa rin sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ni Daviana kanina. Napayuko na siya doon. Hindi na niya napigilan ang sarili at malakas na doong tumawa na tanging siya lang ang nakakarinig. Tuwang-tuwa ang binata sa naging reaksyon ng dalaga na halatang labis na nahihiya pa rin sa kanya. Nanatiling nakangiti pa rin ang labi ni Rohi.“Ang cute niya talagang maasar…” mahina niya pang usal na muling mahinang natawa. Nahiga na si Rohi sa sofa at pilit niyang pinagkasya ang sarili doon. Pinag-krus niya pa ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Muli pa siyang natawa nang pagpikit ng mga mata ay makita niya sa balintataw niya si Daviana. Ang linaw noon na tila ba kaharap niya lang ang dalaga. Nakagat na ni Rohi ang kanyang pang-ibabang labi, iba na kasi ito. Masyado
PINATAY NI ROHI ang gripo gamit ang kaliwa niyang palad. Biglang natahimik ang buong silid nang mawala ang ingay ng bumabagsak na tubig. Humigpit pa ang hawak niya sa kamay ni Daviana na parang bigla itong naging kabado doon. “Kung ganun, napag-isipan mo bang ikonsidera ang ibang lalaki kung sakaling mangligaw sa’yo?” Naramdaman ni Daviana na nagsimulang uminit ang kanang kamay na hawak ng binata. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso niya, parang lalabas na sa dibdib niya ang puso. Nang sobra na ang tensyon na nararamdaman ng kanyang katawan ay laking pasasalamat niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya na naging dahilan upang basagin ang katahimikan sa loob ng kwarto. Tila napasong binitawan ni Rohi ang kamay niya at umatras ng ilang hakbang upang makalayo sa katawan niya at bigyan na siya ng distansya.“Hindi mo ba sasagutin ang tawag?” Ang buong akala ni Daviana ay cellphone iyon ni Rohi kung kaya naman wala siyang a
HINDI NA MAPIGILAN ni Daviana na mapakurap ng kanyang mga mata. Para siyang nabingi sa narinig niyang pahayag ng kaharap na binata. Ano raw? Hindi na ito aalis? Doon ito matutulog kasama niya? Bakit niya naman gagawin iyon?“Anong s-sinabi mo, Rohi?” Sa halip na sumagot ay dire-diretso lang lumakad ang binata palapit sa sofa at naupo na ito sa kabilang gilid noon. “Ang sabi ko hindi na ako aalis. Dito ako matutulog. Sasamahan kita.” Hindi magawang makaimik ni Daviana. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Paano ang mga tauhan nitong lasing na? Saka saan siya matutulog? Iisa lang ang silid at kama na naroon. Ano iyon magtatabi sila? “Bakit?” “Sa sofa ako matutulog. Huwag kang mag-alala.” sa halip ay sambit niya dahil nababasa ang pag-aalala ng dalaga.May bahid pa ng luha ang mata ni Davian, basa pa noon ang kanyang mga pilik-mata. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Rohi. Malamang, paano niya iiwanan doon ang dalaga lalo na at nakita niya itong umiiyak da
NAPATITIG NA SI Daviana sa likod ni Rohi na nagsimula ng humakbang patungo ng pintuan ng holiday home. Mabagal niyang sinundan ang binata. Gusto niya itong pigilan para samahan siya doon, ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig lalo pa at alam niyang kailangan ito ng mga staff doon sa hotel. Nakaramdam ng pagkataranta at bahagyang pag-aalala na ang dalaga nang akmang lalabas na siya rito. “Rohi, sandali lang!” Agad napalingon sa kanya ang binata nang marinig ang kanyang sinabi. Mababanaag niya sa mukha ng dalaga ang pag-aalinlangan na may sabihin ito sa kanya. Bagay na hindi niya naman alam kung ano iyon.“Bakit? May kailangan ka pa ba?” Marahang kinagat ni Daviana ang labi. Ang nais niyang sabihin ay huwag siyang iwan nito sa lugar ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig. Salitang hindi naman niya pinagsisisihang sabihin pa rin sa binata.“Maraming salamat.”“Walang anuman, Daviana. Siya nga pala, bagama’t may mga guards ang lugar na ito na nagbabantay magdamag hindi pa rin ito
DUMILIM NA ANG paningin ni Rohi nang marinig niya ang mga sinabi ng dalaga. Humigpit pa ang hawak niya sa manibela ng kanyang sasakyan. Marami siyang nais na sabihin pero hindi niya magawang sabihin dahil ang labas noon ay magiging pakialamero na siya sa buhay nito.“Paniguradong hindi na kami muling magiging magkaibigan pa ni Warren mula sa araw na ito.” mapakla ang tinig na sambit ni Daviana na bahagyang ikinalingon sa kanya ni Rohi, huminga pa siya nang malalim para lang hugutin ang sama ng kanyang loob. “Naaksidente kasi si Melissa kanina nang mangabayo kami at pumunta sa pusod ng kagubatan sa may waterfalls. Sa akin ba naman binebentang, ni hindi ko nga hinawakan kahit ang dulo ng daliri ng babaeng iyon. Malamang girlfriend niya iyon kaya siya ang pinapaniwalaan at hindi ako. May sira na ang utak ng babaeng ‘yun! Nakakabahala na talaga…”“Paanong bintang? Itinulak mo?” “Hindi. Ganito kasi iyon.” Umayos na ng upo si Daviana upang ikuwento ang nangyari kay Rohi. “Pinatakbo ko an
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Daviana nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang ang lahat ng takot niya ng mga sandaling iyon ay agad na nawala. Lumapit pa siya sa kotse upang lubos niyang maaninag ang mukha nito. Siya nga! Si Rohi.“Rohi?” masiglang sambit niya sa pangalan ng lalaki na hindi niya inaasahang makikita niya roon, dahil ang sabi ni Anelie ay hindi naman ito doon pupunta dahil sa busy raw. Ngunit ano ang ibig sabihing narito ito?Ngumiti lang si Rohi nang makilala siya ng dalaga matapos niyang magpunas ng mga luha niya. “Pumasok ka na ng kotse. Saan ka pa ba pupunta ng ganitong oras? Gabing-gabi na ah? Nag-walked out ka ba?” sunod-sunod niyang tanong na hindi sinagot ni Daviana dahil pinili niyang sumakay na roon.Umikot na ang mga mata ni Daviana na nagsusuot na ng seatbelt matapos isara ang pintuan ng kotse. Komportable talaga siya kapag si Rohi ang kanyang kasama. Ang layo noon sa pakiramdam niya kay W
SUMIDHI PA ANG galit ni Daviana sa walang imik at nakatayo lang na si Warren. Hindi niya ugali ang mag-eskandalo, pero hindi niya na mapigilan ang sakit nang dahil sa ginagawa ni Warren sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan, subalit hindi niya pa rin alintana. Wala ng pakialam ang dalaga sa kung anong sasabihin ng iba. Naramdaman na niya ang panghihina ng kanyang dalawang tuhod na parang anumang oras ay magco-collapse na siya. “Ikaw ang nagbago, dahil kay Melissa, ikaw Warren!” Sa mga sandaling iyon ay nais niyang isumbat ang lahat ng mga nagawa niya sa lalaki. Ang mga sakripisyo niya. Kung alam niya lang din na magiging ganito ito sa kanya ngayon, dapat noon pa lang ay inilayo na niya ang kanyang sarili. Hindi na dapat siya nag-aksaya pa ng oras.“Ngayon nagsisisi kang sumama ka dito? Hindi ba at gusto mo naman? Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo—” “Wala ka ba sa tamang katinuan? Tumanggi ako hindi ba? Anong ginawa mo? Pinadaan mo kay Daddy ang invitation mo! Gu