NAGLIWANAG ANG MGA mata ni Daviana nang makitang nag-reply ang binata sa message niya. Parang gustong tumalon sa tuwa ang kanyang puso nang makita niya iyon. Kumabog na iyon na para bang ang makita niyang nag-reply ito ay isang achievement na. Ang buong akala niya kasi ay wala na siyang pag-asang reply’an ni Rohi. Ilang beses niya pang paulit-ulit na binasa ang message at baka naman namamalikmata lang siya Napanguso na si Daviana doon na parang nais ng maiyak. Ganun kababaw ng kaligayahan niya at pati ng kanyang mga luha. Tama nga naman ito sa sinabi tungkol sa sticker ng baboy. Hindi niya tuloy mapigilan na mahina ng matawa na rin sa kanyang sarili. Nai-imagine na niya ang hitsura ni Rohi habang sinasabi iyon at nakakunot na ang noo nito habang seryosong-seryoso ang mata. Daviana Policarpio: Diyan. Umiiyak siya hindi ba? Ibig sabihin merong ganyan, Rohi. Hindi ko naman sinabing sa tunay na buhay iyan nangyayari. May iba pa akong sticker ng mga hayop na umiiyak dito. Gusto mo bang i
NANG SUMAPIT ANG gabi at mahiga na si Daviana ay hindi nawala sa kanyang isipan kung paano nasabi ni Rohi ang bagay na iyon sa kanya. Pilit niyang inapuhap sa kanyang isipan kung ano ang sanhi noon. Hindi siya nito patulugin. Binabagabag ang kanyang isipan at puso ng litanya niyang iyon. Wala tuloy siyang choice kung hindi ang balikan ang kanilang nakaraan habang hindi pa siya dinadalaw ng antok.“Hindi naman ako sobrang naging masama sa kanya noon ah? May panahon namang mabait ako.” Noong bata pa sila, palagi siyang nagtutungo sa bahay ng mga Gonzales para makipaglaro kay Warren. Pinapayagan naman siya ng kanyang ina dahil kalapit bahay lang nila. Halos araw-araw niyang ginagawa iyon lalo na sa hapon, ngunit minsan lang niya kung makita si Rohi na nakikisalamuha. Parang may sarili itong mundo. Dahil walang may gusto kay Rohi kung kaya naman palagi itong nakakulong sa kanyang silid sa second floor. Kapag kakain lang, o kapag naisipan niya lang bumaba at kumuha ng bote ng tubig na mai
MABILIS NA NAGLIWANAG ang lugar nang pindutin ni Daviana ang on ng pocket flashlight na nasa palad niya. Normal na lighter iyon na mura lang mabibili sa palengke kung saan ay may libreng flashlight. Hindi man nito gaanong matanglawan nang malakas ang buong paligid, at least nagbigay iyon ng karampot na liwanag upang maaninag ang dilim sa loob ng attic. Nakangiting ini-abot na iyon ni Daviana kay Rohi. “Sa iyo na lang ito para may ilaw ka tuwing mapupunta ka sa lugar na ito.” Hindi gumalaw si Rohi. Lumipat lang ang kanyang mga mata mula sa flashlight patungo sa nakangiti pa 'ring mukha ni Daviana. Bakas sa kanyang mga mata na hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ng babae sa lugar na iyon gayong sa ibaba ng bahay ang kasiyahan ng kaarawan ng half-brother niya. “Ayaw mo ba? Kunin mo na Rohi. Huwag kang mag-alala, hindi ko naman papabayaran iyan o isusumbat iyan sa’yo. Bigay ko na nga lang hindi ba?” bahagyang may iritasyon na sa mukha ni Daviana na itinaas pa ang kamay upang
MARIING NAIKUYOM NA ng dalaga ang kanyang mga kamao. Kahit kailan talaga, ang eskandaloso ng lalaking ito! Parang pumunta lang ito sa lugar upang asarin siya at ipahiya sa mga makakakita at makakarinig. Hindi niya tuloy mapigilang sumagi sa isipan niya si Rohi na tinawag siya sa buong pangalan noong una silang magkita nito sa hotel. Nakalimutan niya na oo nga pala at magkapatid pa rin ang dalawa. Malamang ay iisang dugo ang nananalaytay sa katawan nila. “Narito ako, Viana. Yohoo! Dito banda sa harapan mo! Saan ka pa ba pupunta? Hindi mo ba ako nakikita?” dagdag pa nitong tanong na siniguradong mas malakas ang boses kanina upang mapansin siya ng mga dumadaan. “Huwag ka ngang magpanggap na hangin ako!” Wala tuloy choice si Daviana kung hindi ang muling humarap at puntahan na ang kaibigan. Kung hindi niya iyon gagawin ay baka kung ano na namang kalokohan ang gawin nito or worst kung anong klase ng basura ang sabihin nito. Matapang na siyang humakbang palapit sa kay Warren na halos um
UNTI-UNTING LUMUWAG ANG hawak ni Daviana sa laylayan ng damit ng katabi niyang kaibigan matapos na marinig ang napakahaba nitong litanya. Ilang beses niyang sinulyapan si Warren na halatang natameme na lang sa lakas ng boses ni Anelie. Tama nga naman ito sa kanyang mga sinabi. Ganunpaman ay hindi naman iyon ang ikinakalungkot ni Daviana Ang ikinakasama pa lalo ng loob niya ay may plano pala itong magka-girlfriend pero hindi man lang ito nagsabi o kahit ang bigyan siya ng heads up nang sa ganun ay hindi naman siya nagugulat. Hindi niya tuloy napaghandaan ang araw na iyon kaya mukha rin siyang talunan. O ‘di kaya naman kahit na ganun sana ang nangyari na wala namang makakaiwas ay at least nakapaghanda siya at hindi na nagulat oras na makita niya sila. Hindi na rin sana siya umasa. Napahinga na si Daviana nang malalim. Anuman ang gawin nila ni Anelie na ngawa ay hindi na rin naman sila mananalo pa sa lalaki. Hinawakan na niya sa isang braso ang kaibigan upang hilahin na paalis doon. “Ha
MASAMA ANG LOOB na lumayas si Warren sa harapan ng magkaibigan. Hindi niya nagamit ang plano niyang pagkain ng almusal kasama si Daviana upang humingi ng tawad at muling makipagbati sa dalaga. Tinanaw lang naman iyon ng dalawa. Nagpalitan sila ng makahulugang mga tingin lalo na nang mabilis na paharurutin ng lalaki ang dala niyang sasakyan. Kumabog ang puso doon ni Daviana ngunit mabilis niya rin naman iyong iwinaglit nang hawakan na ni Anelie ang kanyang isang braso upang ayain na. “Tara na Daviana, ang lakas makasira ng mood ni Warren umagang-umaga.” hila niya sa dalaga. Nagpahila naman si Daviana na parang nalunok na naman ang kanyang dila. Hindi kasi mawala sa isip niya ang hitsura ni Warren noong tumalikod ito at hindi siya muling nilingon. Mabagal na silang naglakad upang pumanhik ng kanilang silid. Patuloy pa rin sa pagdadaldal si Anelie, samantalang nanatiling tahimik naman si Daviana na ang isip ay mukhang sumama sa pag-alis ni Warren ng dorm. “Nakita mo ang mukha ng Warre
SA KABILANG BANDA, hindi mapalagay si Daviana. Hindi siya sanay na may hidwaan sila ni Warren. Hindi lang iyon, nangyari pa ang pag-aaway nilang dalawa kung kailan parating na ang kanilang exam week kung kaya naman nahihirapan siyang makapag-focus at makapag-isip ng tama. Ilang gabi na rin siyang hindi makatulog nang maayos nang dahil sa kanyang insomnia na mas pinalala pa ng pag-aaway nilang dalawa. Hindi niya mapigilang mag-overthink na kahit anong laban niya, hindi niya iyon magawang gapiin. Madalas na hindi niya namamalayan na bigla na lang pala siyang napapatulala habang nag-rereview at nakatingin sa malayo. Lutang na lutang ang kanyang hitsura. “Come on, Daviana. Hindi na bago ang bagay na ito sa’yo. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo!” kastigo niya sa kanyang sarili na ginulo pa ang buhok, inis na inis siya kung bakit sobrang apektado niya. Itinatak niya sa kanyang isipan na oras na makatapos siya, malamang magkakaroon siya ng magandang trabaho na magbibigay sa kanya ng kal
DALA PA RIN ng panic ay binura niya bigla ang message lalo at nakita niya pang kay Warren niya pala iyon naipadala. Nakasanayan na niya kasing mag-send ng message dito kapag may ganitong mga pagkakataon at problema siyang kinakaharap. Siya lang ang madalas niyang takbuhan kung kaya naman nakasanayan na iyon ng kamay. Ito lang ang nagiging comfort niya. Sa ibang pagkakataon, kung normal na araw lang iyon gaya ng dati at wala silang samaan ng loob malamang ay tatawag na ang lalaki oras na mabasa niya ang message upang pakalmahin lang siya. Iyon ang kailangan niya ng mga sandaling iyon. Ngunit sa hindi malamang dahilan, minabuti niyang i-unsent iyon habang hindi pa ito nagagawang i-seen ng lalaki. Ilang beses niyang muling tiningnan ang screen kung saan may nakalagay na unsent message. Muli pa siyang napamura nang malutong doon. Wala naman siyang pakialam kung ano ang sasabihin ni Warren oras na makita ang message niyang binura. Ang sa kanya lang ay ayaw niyang isipin nito na nagpapakumb
BAKAS SA MGA mata ng dalaga na sobrang litong-lito na siya. Pilit niya lang kinalamay ang kanyang sarili para magmukhang kalmado pa rin kahit na ang kaloob-looban niya ay unti-unti ng gumugulo. Nagugulo. Hindi na alam ang gagawin at mga sasabihin ay pinili na lang niyang manahimik. Masyadong nagulo ang kanyang isipan ng sinabi ng kanyang ina. Malakas ang naging impact ng mga salita nito sa kanya tungkol sa nobyo. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin ang kanyang sarili kung gaano niya nga ito kakilala? Hindi lang iyon. Sa punto ng pananalita ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang tinutumbok noon. Sadya ba talagang kailangan niyang makipaghiwalay kay Rohi? Hindi niya kaya. Sobrang mahal niya ang binata.“Hindi ka pa rin naman nakaka-graduate. Mahaba pa ang panahong lalakbayin mo anak. Anuman ang iyong desisyon, huwag kang magmadali upang gawin iyon. Isipin mo ulit mabuti ang mga desisyon mo sa buhay. Isa pa ay bata ka pa naman. Masyado pang bata. Marami pa ang mangyayari sa'yo basta h
HINDI MATANGGAP NG damdamin at parang sasabog na ang isipan ni Daviana sa sinabing iyon ng ina. Hindi niya lubos maisip na ganun ang hangarin ng kanyang nobyo. Maaring tama nga ito ng kanyang hinuha, pero malakas pa rin ang kanyang paniniwala na hindi iyon kayang gawin ni Rohi. Mabuting tao ang kanyang nobyo. Sobrang mahal na mahal din siya nito kaya bakit naman siya nito sasaktan at paiiyakin?“Alalahanin mo na ang buong pamilya ng Gonzales ay may ayaw sa kanya. Si Carol at Warren ang sobrang nanakit sa kanyang damdamin lalo na noong bata pa siya. Si Welvin na kanyang ama at si Don Madeo rin na halatang walang pakialam sa existence niya. Sa palagay mo ba ang isang taong tulad ni Rohi na may masalimuot na karanasan sa kanyang kabataan ay magiging mapagparaya at bukas-palad na patatawarin na lang ang lahat ng mga taong nanakit sa kanya?” muling iwan ng mga katanungan sa isipan ni Daviana ng kanyang inang si Nida, “Walang ganun Daviana, lahat ng tao ay mayroong hangganan ang pasensya.”
PARANG HINIHIWA NA ang puso ni Daviana sa mga salitang iyon ng ina na para bang pinagtatabuyan o tinatakwil siya ng araw na iyon, pero ang totoo gusto lang nitong maging maayos ang buhay niya. Ayaw na ni Nida na maranasan ng anak ang kahirapan sa piling ni Danilo. Gusto niyang mamulat doon ang anak. At ang mga salitang iyon ay ang kanyang tanging instrumento upang ipakilala sa kanya ang katotohanan.“Mag-aral ka pa rin, huwag mo iyong kakalimutan at pipiliing itigil. Magtapos ka. I-pursue mo ang mga pangarap mo. Kung kinakailangan mong tumigil muna para makapag-ipon ng mga gagastusin, gawin mo. Huwag ka lang babalik sa bahay. Naiintindihan mo, Viana? Hindi iyon ang magandang option sa ngayon.”Hilam na sa luha ang mga mata ni Daviana. Ilang beses siyang umiling. Masama na naman ang loob niya pero batid niyang may punto naman ang kanyang ina. Tama ito, nais nitong suportahan ang gusto niya.“Sorry Viana, kasalanan ko ang lahat kung kaya nagkaroon ka ng amang kagaya niya. Okay naman siy
PUMASOK NA SI Daviana sa loob samantalang tumigil naman sa paghakbang papalayo si Warren. Muling bumalik at sumandal lang sa pader malapit sa pinto ng ward upang hintayin doon si Daviana. Naisip niya na kapag iniwanan niya ito doon ay baka takasan lang siya nitong bigla. Hindi niya pa naman alam kung saan ito namamalagi ng sandaling iyon. Nakaramdam siya ng lungkot. Naninibago. Sobrang laki ng ipinagbago ng kaibigan mula ng lumayas ito. Parang hindi na ito ang kaibigan na kanyang minahal dati.“Kasalanan mo rin naman ‘yun, Warren…” paninisi niya sa kanyang sarili habang huminga na ng malalim.Maingat na isinara ni Daviana ang pintuan ng ward. Napabaling ng tingin doon si Nida nang marinig na may pumasok sa loob mula sa kabilang direksyon ng kama kung saan siya nakaharap. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang ang anak iyon na si Daviana. Nagtama ang mga mata nilang tila nagkagulatan.“M-Mom…”Naglakbay ang mga mata ni Daviana sa kabuohan ng ina mula sa dextrose na nakatusok sa kam
NAPATIGIL NA SI Nida sa pagsasalita nang makita ang reaction ni Warren. Maya-maya pa ay pinili na lang lumabas ng lalaki na lingid sa kaalaman ng Ginang ay hinanap ang doctor na naka-duty sa emergency room upang magtanong at makibalita lang sa lagay ni Nida. Hindi mapigilan ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ni Warren ng sabihin ng doctor na binugbog ang Ginang base sa natamong sugat.“It was probably caused by domestic violence. There are many such injuries na dinadala sa hospital na ito.”Biglang sumagi sa isip ni Warren ang ginawang paglayas ni Daviana, iyon marahil ang dahilan kung bakit nabugbog ng ama ng dalaga ang kanyang ina. Pinag-isipang mabuti ni Warren kung ipaapalam niya ba iyon sa kaibigan. Paniguradong kapag ginawa niya iyon, tiyak na lulutang si Daviana at pupunta. Hindi nito magagawang tiisin ang sariling ina. Ganunpaman, bigla siyang tinubuan ng konsensiya. Baka malaman ng kanyang ama na pumunta siya doon, at baka magkagulo lang silang muli at maipahamak niya si Da
SINAMAAN PA SIYA ng tingin ni Danilo na kulang na lang ay ibalibag ang katawan sa sahig.“Your son was killed by you, you said I was useless, and you, as a woman, don't you feel that you are a failure too for not protecting him? Hindi ka marunong maging isang ina, Nida!”The dead baby was the deepest wound buried by everyone in the Policarpio family. Most of the time, they avoided talking about it. But Danilo tore open this wound. The person who hurt the most was Nida. How could a father feel real? Siya ang dinudugong nakaratay sa ibabaw ng kama sa hospital. Siya ang nakakaramdam ng mga galaw nito sa loob ng sinapupunan niya. Siya ang lahat. Naiyak na si Nida nang dahil doon. Matagal na kinimkim niya ang sama ng loob at ngayong muli itong nabuksan, para siyang bumalik sa nakaraan na pilit na niyang kinakalimutan dahil bilang ina ay masakit din iyon.“Wala ka na talagang konsensya. Sa akin mo na lang lahat sinisisi kahit na alam mo sa sarili mong isa ka sa may kasalanan kung bakit si
NAGTAAS NA NG isang kilay niya si Warren na sa mga sandaling iyon ay nakatayo sa labas ng pintuan ng ward kung saan naroon ang ina ni Daviana. Tinatanaw ang Ginang na nakaratay sa hospital bed. Humakbang siya papalayo doon habang nasa tainga pa rin ang kanyang hawak na cellphone. Ayaw niyang maulinigan ng ina ng dalaga na kausap niya ang dalaga at nagsumbong siya. Sinabi niya ang lagay nito na ang bilin ng Ginang ay huwag niyang gagawin.“Viana, you are great. You didn't reply to my message yesterday, so why did you see this one just now? Ikaw pa talaga ang tumawag sa akin—”Umigting na ang panga ni Daviana na tila nahuhulaan ng kalokohan ang ginagawa nito. Trap. “Warren? Huwag mong sabihin na nagsisinungaling ka lang sa akin at ginagamit mo ang Mommy ko bilang pain para lang makontak mo ako? Nagsisinungaling ka lang ba?!”“Anong nagsisinungaling na sinasabi mo?” ganting angil ni Warren na hindi na naman natutuwa sa pagbibintang ng kanyang kaibigan, “Nasa hospital nga ako ngayon at
ILANG SEGUNDONG NATAMEME si Rohi sa naging tanong ng nobya. Maingat niyang hinawakan ito sa kanyang magkabilang balikat at kapagdaka ay mahigpit ng binigyan ng yakap. Ang binata rin naman. Ayaw niya sanang umalis sa araw na iyon. Gusto niya pang manatili sa suite at maghapon na ikulong lang sa mga bisig ang nobya. Makipag-bond lang sa dalaga, kaso may trabaho naman siyang biglaan na pupuntahan.“Pipilitin kong matapos nang maaga ang trabaho nang makabalik ako agad dito. Hmm?” Huminga lang si Daviana nang malalim at kapagdaka ay marahan ng tumango ng ulo upang sumang-ayon. Wala naman siyang ibang magagawa kahit na gusto niyang pigilan ito. Trabaho iyon, alangang pigilan niya ang nobyo? Magkayakap na tinungo nila ang pintuan ng suite matapos na ilang beses na pahapyaw halikan ni Rohi ang labi ng nobya. Pinanood siya ni Daviana na magsuot ng sapatos habang tahimik na nakatayo lang sa gilid na harapan niya. Para siyang asawa na hinihintay na matapos sa ginagawa ang kabiyak upang ihatid n
KINABUKASAN AY NAGISING si Daviana na nakaunan at nakakulong pa rin sa mga bisig ng nobyo. Nakatulog siya habang may pinag-uusapan. Antok na antok pa siya nang idilat niya ang kanyang mga mata. Ang nakangiting mukha ni Rohi ang sumalubong sa kanya. Bago niya pa matakpan ang bibig ay nagawa na nitong halikan ang kanyang labi.“Good morning,” mababa at malambing nitong bati. “G-Good morning…bakit hindi mo ako ginising kagabi? Nakatulog ka na ba? O binantayan mo ako?”Iinot-inot siyang bumangon pero hinila siya ni Rohi at muling ikinulong sa kanyang mga bisig. Ayaw pang paalisin ng higaan. Dama niya na parang binugbog ang kanyang katawan, pero hindi na ito kasingbigat nang nagdaang gabi matapos gamitin.“Mamaya ka na bumangon, masyado pang maaga.”Nakangusong pinagbigyan ni Rohi ang nobyo. Yumakap na lang din siya sa katawan nito at isiniksik pa ang katawan palapit sa binata. Nang muli nitong halikan ang kanyang kabi ay mahina siyang humagikhik. Naninibago pa rin siya sa ka-sweetan nito