DISMAYADONG UMILING si Rohi na iba ang nais na marinig mula kay Daviana. Ikinatahip na iyon ng puso ng dalaga. Bigla siyang natakot kay Rohi dahil parang hindi siya pwedeng magsabi ng kasinungalingan dahil sa bandang huli ay malalaman din nito kung ano ang katotohanan sa hindi. “Wala kang kinuhang gamit, Daviana. Umuwi ka lang para magmakaawa at pagtakpan ang kasalanan ni Warren sa pamilya niya.” tahasan nitong turan, hindi alam ni Daviana kung paano nito nagawang sabihin iyon sa kanya. “Tinulungan mo siyang makalusot dahil sinalo mo na naman ang kasalanan ng iba.”Panandaliang nagkaroon ng mental block si Daviana sa naging akusasyon ni Rohi. Hindi niya alam kung ano ang iisipin ngayon sa sinabi nito. Palaisipan pa rin kung paano niya nalaman na iyon talaga ang dahilan ng pag-uwi niya? Nakita kaya siya nito kanina na nanggaling sa bahay ng mga Gonzales? Imposible naman iyon. Ano ito, stalker niya? Kailangan na ba niyang matakot sa mga sinasabi nito?“Rohi, mali ka ng iniisip. Hindi k
KAGAYA NG DATI, walang anumang sinabi doon si Rohi. Ni hindi niya sinalungat ang mga paratang nito. Natatakpan na ng bulto ng katawan ni Warren ang mukha ni Daviana kung kaya naman binawi na lang ni Rohi ang tingin dito. Tumalikod na siya sa dalawa at walang imik na lang na umalis. Nakita iyon ni Daviana, akmang pipigilan niya sana si Rohi dahil hindi pa sila tapos mag-usap nang pigilan naman siya ni Warren na gawin iyon. Bakas pa rin ang umaatikabong matinding galit sa kanyang mukha kay Rohi. “Ayos ka lang ba? May ginawa ba siyang masama sa’yo?” parang maamong tupang pag-che-check na ni Warren sa hitsura ni Daviana, “Binantaan ka ba niya? Sabihin mo sa akin. Huwag kang matakot.” Huminga lang nang malalim si Daviana. Punong-puno na sa pagiging OA ni Warren sa kanyang harapan. “Huwag ka ngang OA, Warren!” waglit niya sa pagkakahawak nito sa kanyang isang braso, namumuo na naman ang inis niya dito. “Ano namang gagawin niya sa akin dito na ang daming taong makakakita?”Napahinga na n
SA DAMI NG tao sa paligid ay hindi na nagawa pang magreklamo ni Daviana at ilabas ang kanyang sama ng loob. Marami ang makakarinig oras na gawin niya. Madalas na walang pakialam si Warren ngunit ng mga sandaling iyon ay kitang-kita ng dalaga kung paano ito maging concern sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sarili na magdiwang sa isiping ayaw ni Warren na tuluyang magalit siya sa lalaki. Ibig sabihin lang nito ay pinapahalagahan pa rin ng lalaki ang pinagsamahan nila. Kagaya ng mga nangyari sa nakaraan, napalambot na naman nito ang kanyang puso. Hindi niya talaga matiis si Warren kahit na galit na galit siya. Keysa patagalin pa iyon ay minabuti na lang din niyang makipag-ayos na lang sa lalaki.“Oo na, hindi na ako galit.” mahinang turan niya na hindi ito tinitingnan sa mata.Agad nagliwanag ang mga mata ni Warren. Kulang na lang din ay mapaangat ang puwet nito sa upuan sa sobrang saya. Hindi kasi siya sanay na matagal silang nagkakasamaan ng loob ng kaibigang si Daviana. “Talaga, Vian
NAGSIMULA NA RIN silang asarin ng mga ka-roomate ni Daviana na sinakyan na lang niya. Ang mahalaga huwag itong masaktan ng mga mapagsamantala. Subalit ngayong may girlfriend na siya, tapos malapit na itong makatapos ng college. Iniisip niya na bigyan na rin ito ng kalayaan. Matanda na siya. Alam na niya ang makakabuti sa hindi. Isa pa, malalaki na sila. Naiintindihan din niya na may sarili rin itong buhay kagaya niya. Hindi naman palaging kailangan niyang guluhin ito at isama sa mga lakad ng girlfriend niya lalo na kapag napakilala niya na. Ganunpaman ay nag-aalala pa rin siya, dapat makilala niya ng lubusan ang lalaking gugustuhin nito nang sa ganun ay malaman niya kung totoo ba iyon sa nararamdaman o nagpapanggap. “Tama iyan, Viana. Ugali ang pagbasehan mo huwag ang hitsura. Kadalasan kasi sa mga gwapo ay manloloko. Tama ka sa desisyong iyan. Huwag mong hahayaang lokohin ka dahil hindi mo deserve iyon. Kailangang maging bukas ang mga mata mo. Kapag may nakita kang red flag, bitaw n
NAINIS NA DOON si Daviana. Binibilisan niya ngang ubusin na ang pagkain sa kanyang pinggan para makalayas na tapos lalagyan pa nito. Platter kasi ang order nila at hindi individual meal na gaya ng iba. Ang akala ni Daviana ay doon na matatapos ang lahat ngunit mali siya. Madaldal talaga si Melissa. Balikan pa ba naman nito ang pakikipag-away ni Warren sa bar, kinakalimutan na nga iyon ni Daviana. “So, alam na ng parents mo ang nangyari kaya malamang ay tutulungan ka nilang ma-settle ang lahat?” halumbaba pa nito paharap kay Warren na hinihintay na ang magiging kasagutan. “Dinig ko malaki raw ang gagastusin noong babae sa surgery. Deserve niya naman kasi iyon. Masyado siyang matapang. Hindi niya kasi kinilala muna kung kaninong girlfriend ang binabangga niya. Hindi ba? Mabuti nga sa kanya!”“Hmm, sabi ng Mommy ko ay magpapapunta siya ng abugado upang iyon na ang makipag-usap sa bar at doon sa pamilya ng babae. Huwag kang mag-aalala magiging okay din iyon. Huwag mo ng isipin pa.” “Oka
MATAMANG SINUNDAN NG mga mata nina Melissa at Warren ang likod ni Daviana na nagkukumahod ng lumabas ng restaurant. Mababakas sa mukha ng nobya ni Warren na hindi nagustuhan ang inasta ni Daviana kung kaya naman mayroon itong komento sa kanya. “Ang bastos niya naman! Anong klaseng ugali iyon? Bigla ba naman tayong nilayasan?” gigil na gigil nitong tanong, walang filter ang pagkainis na nilingon na ang katabi. “Tamang ugali iyon, Warren?” Natatabangan naman siyang nilingon ng lalaki. Puno ng paninisi ang mga mata nito sa ginawa ni Daviana. Hindi alam ni Melissa kung ano ang hirap na pinagdaanan niya mapapayag lang niya si Daviana na akuin ang kasalanan ng nobya sa kanyang mga magulang. Dismayado siyang inilingan na ni Warren. “Kung hindi mo paulit-ulit na binalikan ang tapos ng mangyari, hindi sana siya aalis agad!” tahasan nitong sumbat kay Melissa na biglang napaayos sa inuupuan niyang bangko. “Kasalanan mo, Melissa!” Hindi makapaniwala si Melissa na sa kanya ibubunton ni Warren
NAGLIWANAG ANG MGA mata ni Daviana nang makitang nag-reply ang binata sa message niya. Parang gustong tumalon sa tuwa ang kanyang puso nang makita niya iyon. Kumabog na iyon na para bang ang makita niyang nag-reply ito ay isang achievement na. Ang buong akala niya kasi ay wala na siyang pag-asang reply’an ni Rohi. Ilang beses niya pang paulit-ulit na binasa ang message at baka naman namamalikmata lang siya Napanguso na si Daviana doon na parang nais ng maiyak. Ganun kababaw ng kaligayahan niya at pati ng kanyang mga luha. Tama nga naman ito sa sinabi tungkol sa sticker ng baboy. Hindi niya tuloy mapigilan na mahina ng matawa na rin sa kanyang sarili. Nai-imagine na niya ang hitsura ni Rohi habang sinasabi iyon at nakakunot na ang noo nito habang seryosong-seryoso ang mata. Daviana Policarpio: Diyan. Umiiyak siya hindi ba? Ibig sabihin merong ganyan, Rohi. Hindi ko naman sinabing sa tunay na buhay iyan nangyayari. May iba pa akong sticker ng mga hayop na umiiyak dito. Gusto mo bang i
NANG SUMAPIT ANG gabi at mahiga na si Daviana ay hindi nawala sa kanyang isipan kung paano nasabi ni Rohi ang bagay na iyon sa kanya. Pilit niyang inapuhap sa kanyang isipan kung ano ang sanhi noon. Hindi siya nito patulugin. Binabagabag ang kanyang isipan at puso ng litanya niyang iyon. Wala tuloy siyang choice kung hindi ang balikan ang kanilang nakaraan habang hindi pa siya dinadalaw ng antok.“Hindi naman ako sobrang naging masama sa kanya noon ah? May panahon namang mabait ako.” Noong bata pa sila, palagi siyang nagtutungo sa bahay ng mga Gonzales para makipaglaro kay Warren. Pinapayagan naman siya ng kanyang ina dahil kalapit bahay lang nila. Halos araw-araw niyang ginagawa iyon lalo na sa hapon, ngunit minsan lang niya kung makita si Rohi na nakikisalamuha. Parang may sarili itong mundo. Dahil walang may gusto kay Rohi kung kaya naman palagi itong nakakulong sa kanyang silid sa second floor. Kapag kakain lang, o kapag naisipan niya lang bumaba at kumuha ng bote ng tubig na mai