Share

Chapter 5.2

PINAGBUKSAN SIYA NG isa sa mga katulong ng pamilya Gonzales. Agad na nagliwanag ang mukha nito nang makita siya at napalitan ng saya ang kanyang mukha. Alam na ni Daviana ang meaning noon.

“Viana, mabuti naman at narito ka. Kailangan mong kausapin si Madam. Hindi mo ba alam na buong magdamag ng nakaluhod si Warren sa lumang silid. Ikinulong siya nila doon. Hindi pa siya doon pinapalabas. Kung magpapatuloy ito, paano kakayanin ng mura niyang katawan ang lahat ng iyon? Hindi rin siya pinakain ng hapunan. Hindi rin siya pinadalhan kahit na isang basong tubig lang. Ang lupit nila.”

Sa tingin ni Daviana ay sobrang ginalit niya ang mga magulang doon. Hindi naman ganuna ng trato nila sa kanya. Baka napuno na lang ang mga ito dahil sa nagawa niyang kasalanan. Nagmamadaling pinapasok ni Daviana ang kanyang sarili nang marinig iyon. Bagamat maayos na ang pakiramdam ni Warren, isang taon pa lang halos ang lumilipas mula ng mahulog ito sa kabayo. Nakaluhod siya buong magdamag, operada pa naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
ang Ganda po author thanks nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status