MAHILIG MAGLARO SA iba’t-ibang larangan si Warren noong ito ay bata pa. Hilig nitong mag-rides ng bike na kung saan-saan nakakarating at kabisadong mabuti na iyon ni Daviana. Mahilig din ito sa musika. Pang-atleta rin ang katawan nito kung kaya naman hindi ito basta na lang masasaktan sa mga natamo. Inaasahan ng kanyang ama na mag-aaral siya ng masteral sa ibang bansa at pagbalik ay mamanahin na niya ang kanilang family business. Subalit, matapos na maka-graduate ng college ay hindi nito sinunod ang gusto ng ama. Nanatili ito sa bansa at nagsimulang sumali sa mga racing, mapa-kabayo man iyon o sasakyan. Minsan nga sumasali pa ito sa mga endurance na para kay Daviana ay sobrang napakadelikado.
“Hindi iyan, huwag kang kabahan.” palaging sagot nito kapag pinapaalalahanan ni Daviana, wala namang magawa doon ang dalaga kung hindi ang ibigay na lang ang kanyang hilig. “Magtiwala ka lang sa akin.”
Lahat ay kinabaliwan ni Warren laruin, maliban na lang sa babae kung kaya naman nagtataka pa rin si Daviana kung paano ito biglang nagkaroon na lang ng girlfriend. Iyon ang pagkakakilala niya kay Warren, kailanaman ay hindi naging mahilig sa babae. Kaya naman umasa din siya na magiging sila tutal iyon din naman ang itinakdang mangyari ng mga Lolo nila. Bukod doon siya lang ang babaeng nilalapitan nito. Ang buong akala niya talaga ay walang girlfriend si Warren, bagay na kailangan sigurong ipaliwanag niya sa mga magulang oras na magkaroon ulit siya ng pagkakataong makausap ang mga itong muli para malinaw.
“Whoo ang lamig!” bulong niyang pinagkiskis ang dalawang palad kahit na wala naman iyong maitutulong sa kanya, “Sana may hotel room na akong makuha, kapag wala pa baka manigas na ako at magkasakit.” bulong niya na pilit ng winawaglit ang sekretong nalaman niya sa kanyang isip.
Mabibilang lang sa daliri ang mga hotel sa malapit. Magkakalayo rin ang agwat noon kaya kailangan niya pang maglakad ng malayo upang marating lang ang mga hotels na ilang beses niyang ipinagdasal na sana naman ay mayroong available na room para sa kanya. Ngunit nakadalawa na siya, palaging punuan iyon at wala ng available. Hindi niya alintana ang papalakas na ambon dahil ang tanging goal ay ang makahanap.
“Kapag itong hotel na ‘to wala pa rin, hindi ko na alam kung saan pa ako maghahanap.” may himig nagtatampo na sa kanyang boses, kung alam niya lang na may girlfriend ito hindi na niya pinuntahan.
Nang makapasok na siya sa loob ng pangatlong hotel ay nanginginig na ang katawan niyang nakipag-usap sa front desk, kulang na lang ay magngalit ang mga ngipin niya dahil ‘di niya na kinakaya ang lamig.
“Pasensya na po Miss, okupado na po ang lahat ng silid. Nahuli po kayo ng ilang minutong dating. Kakakuha lang ng last room ngayon-ngayon lang.” magalang na tugon ng front desk, puno ng pakikisimpatya ang mga mata sa kalagayan niya.
Pakiramdam ni Daviana ay hindi umaayon sa kanya ang lahat at hindi niya maintindihan kung bakit. Malakas na bumuhos na ang ulan sa labas na natanaw niya sa salaming pintuan ng hotel. Nagpabagsak pa iyon ng kanyang balikat dahil paniguradong lalamig ang hangin paglabas niya. Nanatili siya sa may front desk, pinag-iisipang mabuti kung mauupo na lang ba siya sa sofa sa lobby at hihintayin na doon na lang dumating ang umaga keysa naman lumabas siya at maghanap pa ng ibang mga hotels. Kung naka-tatlo na siya at wala pa, baka mapagod na lang siya ay wala pa rin. Nang makapagpasya na ang dalaga na doon na lang siya, may narinig siyang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya mula sa likod.
“Daviana Policarpio?”
Mabilis ang ginawang pag-ikot ng katawan ng dalaga upang tingnan kung sino ang tumawag. Matangkad ang lalaki na nakasuot ng kulay itim na jacket. Kakagaling lang nito sa labas ng hotel dahil may dala itong payong na basa pa ng malakas na buhos ng ulan. Mahaba ang kanyang mga binti, ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito nang dahil sa suot niyang sumbrero sa ulo. Ilang segundong tinitigan siya ni Daviana upang alalahanin kung saan niya nakita ang nag-angat na pamilyar nitong mukha.
“R-Rohi Gonzales?”
Umangat ang gilid ng labi ng binata nang banggitin nito ang kanyang pangalan. Kung ganun pala ay hindi pa siya nagagawang kalimutan ng dalaga kahit matagal na silang hindi nagkikita. Half-brother siya ni Warren. Anak sa labas ng kanyang ama, pero siya naman ang panganay sa kanilang dalawa.
“Ikaw nga, R-Rohi!”
Matanda kay Daviana ng ilang taon ang binata kung kaya naman dapat ay kumu-kuya siya dito bilang paggalang. Hindi na iyon naisip pa ng dalaga sanhi ng pagkagulat niya sa biglang pagpapakita niya sa hotel na ‘yun. Sa lawak ng lugar, dito pa talaga? Sinong hindi magugulat? May espesyal na identity ang binata at hinding-hindi niya iyon makakalimutan. Anak siya sa labas ng ama ni Warren dahilan upang huwag siyang galangin at kilalanin na kapatid ni Warren kahit na noon pang bata sila. Hindi rin naman sila magkaibigan kaya itinapon ni Daviana ang guilt niya sa pagtawag lang dito sa kanyang pangalan.
“Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Sobrang late na ah? Bakit wala ka sa dorm?” sunod-sunod na tanong ni Rohi, hindi na rin inintindi ng binata kung ano ang gustong itawag nito sa kanya. Sanay naman siya sa pangalan lang. At isa pa hindi rin naman sila close para pansinin niya pa iyon at gawing big deal.
“Hmm…” saglit nag-isip si Daviana, hindi alam kung sasabihin dito ang totoong nangyari.
Ngumiti siya ng bukal sa puso. Matagal na noong huling nagkaroon siya ng balita tungkol sa binatang ito. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng may nakitang kakilala kahit na hindi niya close. Hinawakan niya ang ilong nang maramdaman niyang malapit na siyang mabahing. Feeling niya ay bigla siyang sisipunin nang dahil sa masamang klima at nagpaambon pa siya kanina habang naghahanap ng hotel room. Nag-iwan pa ng maraming katanungan kay Rogi ang gawing iyon ni Daviana. Ilang saglit pa ay naisip ng dalaga na hindi niya kailangang magsinungaling sa binata, mahuhuli siya nito kahit gawin iyon. At saka hindi naman siguro masama kung magsasabi siya dito ng totoong dahilan kung bakit siya naroon.
“Nasangkot sa gulo si Warren, galing ako sa police station para tulungan siyang lumabas.”
HINDI NA NAGULAT pa si Rohi sa nalaman niya. Kilalang-kilala niya ang kapatid sa ama mula pagkabata. Basagulero at takaw-gulo talaga ang half-brother niya kahit na noon pang mga bata sila. Worst, ito ang madalas na nagsisimula ng gulo at aastang siya ang biktima ng kaguluhang iyon. Hindi niya masisi ang kapatid, pinalaki rin naman siya sa layaw at ang lahat ng naisin niya ay nakukuha. Bagay na malamang na hanggang sa pagbibinata nito ay dala-dala. Wala naman siyang say doon, ito pa rin ang lihitimong anak. Dala man niya ang apelyido ng ama, hindi maiaalis na siya pa rin ang outsider sa kanilang dalawa.“Kung ganun ay nasaan siya? Bakit mag-isa ka lang? Huwag mong sabihin na iniwan ka niya matapos mo siyang tulungan?” alanganing tanong ni Rohi nang hindi masasaktan ang kanyang babaeng kaharap. “Oo, eh. Kasama ang girlfriend niya. Nag-booked sila ng hotel room malapit doon sa police station.” sagot ni Daviana sa tonong sobrang nasasaktan, hindi niya alam kung bakit ang bilis niyang map
HINDI ALAM NI Daviana kung ano ang kahulugan ng salitang makalat at malinis sa binata. Ni isa naman ay wala siyang makitang kalat sa loob ng suite nito na hindi niya alam kung gaano na katagal tinitirhan ni Rohi. Pinagmasdan niyang hubarin ng lalaki ang suot nitong sapatos na panlabas matapos na isabit sa gilid ang bitbit niyang payong. Sinuot na nito ang pambahay niyang tsinelas. Ilang minutong nilingon siya nito matapos na gawin ang bagay na iyon na para bang mayroon itong nakitang problema sa bulto niya.“Pasensya na ulit, walang babaeng nakatira dito kaya naman iisa lang ang pangbahay na tsinelas. Huwag kang mag-alala, magpapadala ako dito mamaya sa utility ng hotel para naman mayroon kang masuot.” “Ayos lang. Huwag ka ng mag-abala pa. Isang gabi lang naman akong mamamalagi dito.” kumpas ni Daviana ng isang kamay upang pigilan ang binata sa kanyang pina-plano, iyong bigyan siya nito ng higaan at matutuluyan ng gabing iyon ay sapat na sa kanya. “Ayos lang naman ang mga paa ko, Roh
MABUTING TAO SI Daviana pero naniniwala siya na ang pinakapangit na nagawa niyang desisyon sa buhay ay ang maging kakampi ni Warren noong sila ay mga bata pa. Hindi lang sa bahay ng pamilya Gonzales pangit ang trato kay Rohi dahil maging sa kanilang paaralan ay naging tampulan siya ng tukso ng kanilang mga kapwa estudyante. Nang dahil iyon sa pangalang inaalagaan ni Warren sa kanilang school. Masyado siyang popular at iginagalang. Kapag may inutusan siyang gawing masama ang mga kaklase, walang reklamo silang sumusunod agad dito nang hindi sila ang mapag-initan at mapagbalingan ng galit. Ang hindi makakalimutan ni Daviana ay nang minsang hindi sinasadyang mabangga siya ni Rohi. Aaminin niya, siya ang may kasalanan noon dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan.“Warren, hindi siya ang may kasalanan—”“Huwag kang makialam, Viana. Kailangang bigyan iyan ng leksyon para alam niya kung saan siya dito lulugar! Sampid!”“Pero Warren, hindi nga—” Bago pa muling makapag-react si Daviana ay ib
HINDI PA RIN SIYA pinansin ni Rohi na tuloy lang sa kanyang pagkain. Sa loob nito ay ang daldal pa rin ng dalaga. Wala itong kupas kagaya noong mga bata pa lang sila. At natutuwa siyang malaman niya iyon.“Whoa! Sobrang nabusog ako. Salamat sa almusal, Rohi. Huwag kang mag-alala, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay babawi ako sa’yo. Saan mo gusto? Gusto mong kumain tayo diyan sa Seaside Tapsi? Treat ko.” aniyang hinaplos pa ang busog na tiyan matapos na isandal ang kanyang likod sa upuan.“Sige. Bahala ka.” sagot ni Rohi na pinupunasan na ang kamay sa hawak niyang tissue. Ang buong akala ni Daviana ay tatanggihan siya ng binata, ngunit laking gulat niya ng pumayag ito agad. Hindi niya rin lubos maisip na after noon ay papayag pa itong magkaroon ng contact sa kanya na bully niya. Parang nagbago na ngang yata ang binata at medyo nae-excite siya na mas makilala pa siya.“Talaga? Payag ka?”“Dapat bang tanggihan ko?” balik-tanong nitong seryoso ang tinig at nakatitig na sa kanya. “Hin
MAGKASAMANG BUMABA ANG dalawa ng silid matapos ang kanilang maikling usapan. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan habang nasa loob ng elevator. Walang sinuman ang nagtangkang magsalita.“Kailangan mo pa bang ihatid kita?” Hindi na komportable ang pakiramdam ni Daviana na abalahin pa si Rohi, itinaas niya ang kamay ay iwinagayway iyon sa kanya. “Hindi na kailangan, sasakay na lang ako ng taxi.”“Sige, ingat ka na lang pauwi.”Tumalikod na si Daviana at naramdaman na hindi na siya giniginaw sa suot niyang jacket. Maliit na siyang napangiti doon. Isang sulyap pa ang kanyang iniwan kay Rohi bago tuluyang humakbang patungo ng taxi stand upang humanap ng masasakyan. Ilang hakbang pa lang ang layo niya doon nang matigilan dahil mayroon siyang naalala. Ang birthday ni Rohi. Sa kanyang malabong balintataw ay paniguradong summer ang buwang iyon. Summer din kasi noong umalis ito ng mansion ng mga Gonzales, dahil hindi niya na makayanan ang pambu-bully sa school at pagpaparusa ng pangalawa
LAKING PAGSISISI NI Daviana. Mabuti pa na hindi na lang niya sinabi iyon sa kaibigan dahil ang daming naging komento nito. Nagpabigat pa iyon sa puso ng dalaga. Naramdaman na niya ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata nang dahil sa luha. Kinagat niya na ang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ng sandaling iyon ay ang tang-tanga niya. “Daviana, alam mo maganda ka kaya hindi ka dapat ginaganyan. Hayaan mo na ang Warren na iyon. Baka naman past time niya lang ang babae tapos ikaw pa rin naman ang papakasalan niya sa bandang huli. Huwag mo ng isipin pa iyon.”Marahang iniiling ni Daviana ang kanyang ulo. Hindi niya na rin alam kung ano ang iisipin pa dito.“Hindi ko alam Anelie, pero parang mahal talaga siya ni Warren eh. Iba ang kinang ng mata niya habang nakatingin sa babaeng iyon. Basta. Hindi ko ma-explain sa’yo kung paano.” Hindi na alam ni Daviana kung ano ang iisipin niya. Pareho sila ng school noon ni Warren noong high school at hindi siya sweet sa ibang tao. Sa kanya lang
NANG SUMAPIT ANG gabi ay hindi makatulog si Daviana sa kakaisip ng mga nangyari. Hindi niya rin mapigilang alalahanin ang kanilang nakaraan na nakalipas na. Ganung panahon noong magsimulang ma-adik si Warren sa horseback riding. Hindi iyon alam ng kanyang mga magulang. At noong nakaraang taon lang nang sumali siya sa racing at hindi sinasadya siyang nahulog doon. Halos humadusay sa lupa si Daviana sa sobrang pag-aalala sa binata. Takot na takot siyang baka mapahamak ito nang hindi alam ng kanyang mga magulang. Nang maisakay siya sa ambulance, nakita niya na nababalot ng dugo ang kanyang ulo. Ang isip ni Daviana ay baka mamatay na doon ang binata, hindi lang siya ang nag-iisip noon dahil maging si Warren ay iyon din ang tumatakbo sa kanyang isipan. Bago tuluyang sumara ang kanyang mga mata ay idinilat niya iyon at mahinang tinawag ang pangalan ni Daviana.“V-Via-na…” paputol-putol nitong tawag sa kanyang pangalan.Nagkukumahog na lumapit sa kanya ang dalaga noon habang umiiyak. Nanlala
PINAGBUKSAN SIYA NG isa sa mga katulong ng pamilya Gonzales. Agad na nagliwanag ang mukha nito nang makita siya at napalitan ng saya ang kanyang mukha. Alam na ni Daviana ang meaning noon. “Viana, mabuti naman at narito ka. Kailangan mong kausapin si Madam. Hindi mo ba alam na buong magdamag ng nakaluhod si Warren sa lumang silid. Ikinulong siya nila doon. Hindi pa siya doon pinapalabas. Kung magpapatuloy ito, paano kakayanin ng mura niyang katawan ang lahat ng iyon? Hindi rin siya pinakain ng hapunan. Hindi rin siya pinadalhan kahit na isang basong tubig lang. Ang lupit nila.” Sa tingin ni Daviana ay sobrang ginalit niya ang mga magulang doon. Hindi naman ganuna ng trato nila sa kanya. Baka napuno na lang ang mga ito dahil sa nagawa niyang kasalanan. Nagmamadaling pinapasok ni Daviana ang kanyang sarili nang marinig iyon. Bagamat maayos na ang pakiramdam ni Warren, isang taon pa lang halos ang lumilipas mula ng mahulog ito sa kabayo. Nakaluhod siya buong magdamag, operada pa naman