HINDI ALAM NI Daviana kung ano ang kahulugan ng salitang makalat at malinis sa binata. Ni isa naman ay wala siyang makitang kalat sa loob ng suite nito na hindi niya alam kung gaano na katagal tinitirhan ni Rohi. Pinagmasdan niyang hubarin ng lalaki ang suot nitong sapatos na panlabas matapos na isabit sa gilid ang bitbit niyang payong. Sinuot na nito ang pambahay niyang tsinelas. Ilang minutong nilingon siya nito matapos na gawin ang bagay na iyon na para bang mayroon itong nakitang problema sa bulto niya.
“Pasensya na ulit, walang babaeng nakatira dito kaya naman iisa lang ang pangbahay na tsinelas. Huwag kang mag-alala, magpapadala ako dito mamaya sa utility ng hotel para naman mayroon kang masuot.”
“Ayos lang. Huwag ka ng mag-abala pa. Isang gabi lang naman akong mamamalagi dito.” kumpas ni Daviana ng isang kamay upang pigilan ang binata sa kanyang pina-plano, iyong bigyan siya nito ng higaan at matutuluyan ng gabing iyon ay sapat na sa kanya. “Ayos lang naman ang mga paa ko, Rohi.”
Hinubad ni Rohi ang kanyang suot na jacket at isinampay iyon sa likod ng pintuan bagkus na sagutin ang ginawa niyang pagtanggi. Walang imik na nagtungo ito ng kusina na sinundan lang ng tingin ni Daviana. Gaya ng dati ay ang tahimik pa rin nito. Iyong tipong akala mo magbabayad siya ng kada salitang sasabihin niya sa sobrang tipid niya. Nang lumabas ang binata ay may dala ng mainit na tubig para kay Daviana. Ipinatong niya iyon sa table kung saan ay tinuro niya pa sa dalaga kahit alam niyang nakita na.
“Uminom ka nito nang makaramdam ng kaunting init ang katawan mo. Nag-absorb na iyan ng lamig sa labas kung kanina ka pa roon. Baka magkasakit ka niyan kapag hindi naagapan, mahirap na.”
Dahil ginaw na ginaw si Daviana ay hindi niya inalis ang suot na manipis na jacket. Naupo siya sa sofa at isiniksik doon ang katawan. Dinampot niya ang cup ng mainit na tubig at saka marahang ininom na iyon.
“Salamat ulit, Rohi. Pasensya ka na sa abala.”
Nais sanang tanungin ni Daviana kung saan nanggaling ang binata gayung gabing-gabi na, ngunit nabasa niya sa mukha nito na pagod ito at walang planong makipag-usap pa kaya naman nanahimik na lang siya. Baka mamaya ay bigla siyang palayasin sa kadaldalan niya, mabuti na iyong makiramdam na lang muna.
“May sariling banyo ang silid ko kung kaya naman wag kang mahihiyang gumamit ng banyo dito sa labas dahil akala mo ay iyon din ang ginagamit ko. May mga toiletries din diyan na pwede mong pakialaman. Isipin mo na lang na magbabayad ka kaya huwag kang magtipid.” walang emosyon na saad nito, “Maaga ka ring matulog para maaga kang magising bukas. Kung may kailangan ka, katukin mo lang ako sa silid.”
Sasagot pa lang si Daviana nang biglang pumasok na ang lalaki sa silid. Hindi na siya hinintay magsalita. Mukhang wala ngang pinagbago ang binata. Kagaya pa rin ito noong ayaw siyang kausapin kahit saglit. Okay na rin iyon, at least may mabuting kalooban ang puso ng binatang hinangad pa rin siyang tulungan.
“Hindi mo siya pwedeng sisihin Daviana, pasalamat ka na lang na nag-offer pa siyang tulungan ka eh. E-bully mo ba naman siya noon kasama si Warren, malamang galit pa rin iyon sa’yo hanggang ngayon. Tsk!”
Nakaramdam siya ng guilt. Noon niya lang napagtanto ang kanyang mga pagkakamali. Sabagay, masyado pa naman siyang bata noon kung kaya hindi niya pa nalalaman ang kanyang ginagawa. Idagdag pa na may Warren na patuloy nanglalason ng kanyang murang isipan. Ano pa nga ba doon ang kanyang aasahan?
“Kita mo na? Kung sino pa ang tinulungan mo noon, siya ang binabalewala ka ngayon. Tapos iyong inaaway mo noon, siya ang nandiyan para saluhin ka sa panahong kailangan mo ng tulong!”
Matapos na maubos ang mainit na tubig ay tumayo na siya upang dalhin iyon sa kusina. Natigilan siya nang makarinig ng munting mga katok sa labas ng pintuan ng hotel room. Ilang beses niyang sinulyapan ang silid ni Rohi. Tatawagin niya ba ito o siya na lang ang magbubukas? Pinili niya na lang ang huli. Baka kasi namamahinga na ang binata. Maiistorbo niya pa eh mukha ngang pagod na pagod siya.
“Ito na po iyong pinapadala dito ni Mr. Gonzales.” anang lalaking staff na nasa labas.
Ang buong akala ni Daviana ay ang tsinelas lang iyon kung kaya tinanggap niya ang paperbag.
“Salamat.”
“You’re welcome po, Miss.”
Matapos na isara ang pintuan ay binuksan na niya ang laman ng paperbag at nagulat siya doon. Hindi lang tsinelas ang laman noon, may kasama iyong hot drinks na pwede niyang inumin kung sakaling nilalamig pa siya. May noodles din na pwede niyang lutuin kung sakaling nagugutom siya. Nang matapos na siya sa kanyang gagawin ay pumasok na siya sa loob ng silid na para sa kanya at nahiga. Namamahay siya, hindi siya sanay na matulog sa ibang kama kung kaya naman anong oras na ay gising pa siya at pabiling-biling sa higaan. Naghahanap ng komportableng pwesto upang makatulog na rin siya. Nang medyo nakukuha na niya ang antok ay naramdaman naman niya ang vibration ng cellphone niya. Bakas ang inis na tiningnan niya lang ang screen noon. Message lang naman pala mula kay Warren.
Warren Gonzales:
Viana, nakakuha ka ba ng silid? Bakit hindi ka man lang komontak sa akin? Ano? Wala ka bang planong mag-update man lang sa akin?
“Tsk, ikaw pa talaga ang may ganang magtampo? Eh mukhang hindi niyo naman ako tinulungan humanap niyang girlfriend mo. Manigas ka!” himutok niya kahit na hindi naman nito iyon magagawang marinig.
Hindi niya nireplyan ang message nito. Itinabi na lang niya ang cellphone at ipinikit na ang kanyang mga mata. Bago siya makatulog ay naisip niya na hindi si Rohi ang masama sa kanila kundi ay si Warren iyon.
MABUTING TAO SI Daviana pero naniniwala siya na ang pinakapangit na nagawa niyang desisyon sa buhay ay ang maging kakampi ni Warren noong sila ay mga bata pa. Hindi lang sa bahay ng pamilya Gonzales pangit ang trato kay Rohi dahil maging sa kanilang paaralan ay naging tampulan siya ng tukso ng kanilang mga kapwa estudyante. Nang dahil iyon sa pangalang inaalagaan ni Warren sa kanilang school. Masyado siyang popular at iginagalang. Kapag may inutusan siyang gawing masama ang mga kaklase, walang reklamo silang sumusunod agad dito nang hindi sila ang mapag-initan at mapagbalingan ng galit. Ang hindi makakalimutan ni Daviana ay nang minsang hindi sinasadyang mabangga siya ni Rohi. Aaminin niya, siya ang may kasalanan noon dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan.“Warren, hindi siya ang may kasalanan—”“Huwag kang makialam, Viana. Kailangang bigyan iyan ng leksyon para alam niya kung saan siya dito lulugar! Sampid!”“Pero Warren, hindi nga—” Bago pa muling makapag-react si Daviana ay ib
HINDI PA RIN SIYA pinansin ni Rohi na tuloy lang sa kanyang pagkain. Sa loob nito ay ang daldal pa rin ng dalaga. Wala itong kupas kagaya noong mga bata pa lang sila. At natutuwa siyang malaman niya iyon.“Whoa! Sobrang nabusog ako. Salamat sa almusal, Rohi. Huwag kang mag-alala, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay babawi ako sa’yo. Saan mo gusto? Gusto mong kumain tayo diyan sa Seaside Tapsi? Treat ko.” aniyang hinaplos pa ang busog na tiyan matapos na isandal ang kanyang likod sa upuan.“Sige. Bahala ka.” sagot ni Rohi na pinupunasan na ang kamay sa hawak niyang tissue. Ang buong akala ni Daviana ay tatanggihan siya ng binata, ngunit laking gulat niya ng pumayag ito agad. Hindi niya rin lubos maisip na after noon ay papayag pa itong magkaroon ng contact sa kanya na bully niya. Parang nagbago na ngang yata ang binata at medyo nae-excite siya na mas makilala pa siya.“Talaga? Payag ka?”“Dapat bang tanggihan ko?” balik-tanong nitong seryoso ang tinig at nakatitig na sa kanya. “Hin
MAGKASAMANG BUMABA ANG dalawa ng silid matapos ang kanilang maikling usapan. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan habang nasa loob ng elevator. Walang sinuman ang nagtangkang magsalita.“Kailangan mo pa bang ihatid kita?” Hindi na komportable ang pakiramdam ni Daviana na abalahin pa si Rohi, itinaas niya ang kamay ay iwinagayway iyon sa kanya. “Hindi na kailangan, sasakay na lang ako ng taxi.”“Sige, ingat ka na lang pauwi.”Tumalikod na si Daviana at naramdaman na hindi na siya giniginaw sa suot niyang jacket. Maliit na siyang napangiti doon. Isang sulyap pa ang kanyang iniwan kay Rohi bago tuluyang humakbang patungo ng taxi stand upang humanap ng masasakyan. Ilang hakbang pa lang ang layo niya doon nang matigilan dahil mayroon siyang naalala. Ang birthday ni Rohi. Sa kanyang malabong balintataw ay paniguradong summer ang buwang iyon. Summer din kasi noong umalis ito ng mansion ng mga Gonzales, dahil hindi niya na makayanan ang pambu-bully sa school at pagpaparusa ng pangalawa
LAKING PAGSISISI NI Daviana. Mabuti pa na hindi na lang niya sinabi iyon sa kaibigan dahil ang daming naging komento nito. Nagpabigat pa iyon sa puso ng dalaga. Naramdaman na niya ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata nang dahil sa luha. Kinagat niya na ang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ng sandaling iyon ay ang tang-tanga niya. “Daviana, alam mo maganda ka kaya hindi ka dapat ginaganyan. Hayaan mo na ang Warren na iyon. Baka naman past time niya lang ang babae tapos ikaw pa rin naman ang papakasalan niya sa bandang huli. Huwag mo ng isipin pa iyon.”Marahang iniiling ni Daviana ang kanyang ulo. Hindi niya na rin alam kung ano ang iisipin pa dito.“Hindi ko alam Anelie, pero parang mahal talaga siya ni Warren eh. Iba ang kinang ng mata niya habang nakatingin sa babaeng iyon. Basta. Hindi ko ma-explain sa’yo kung paano.” Hindi na alam ni Daviana kung ano ang iisipin niya. Pareho sila ng school noon ni Warren noong high school at hindi siya sweet sa ibang tao. Sa kanya lang
NANG SUMAPIT ANG gabi ay hindi makatulog si Daviana sa kakaisip ng mga nangyari. Hindi niya rin mapigilang alalahanin ang kanilang nakaraan na nakalipas na. Ganung panahon noong magsimulang ma-adik si Warren sa horseback riding. Hindi iyon alam ng kanyang mga magulang. At noong nakaraang taon lang nang sumali siya sa racing at hindi sinasadya siyang nahulog doon. Halos humadusay sa lupa si Daviana sa sobrang pag-aalala sa binata. Takot na takot siyang baka mapahamak ito nang hindi alam ng kanyang mga magulang. Nang maisakay siya sa ambulance, nakita niya na nababalot ng dugo ang kanyang ulo. Ang isip ni Daviana ay baka mamatay na doon ang binata, hindi lang siya ang nag-iisip noon dahil maging si Warren ay iyon din ang tumatakbo sa kanyang isipan. Bago tuluyang sumara ang kanyang mga mata ay idinilat niya iyon at mahinang tinawag ang pangalan ni Daviana.“V-Via-na…” paputol-putol nitong tawag sa kanyang pangalan.Nagkukumahog na lumapit sa kanya ang dalaga noon habang umiiyak. Nanlala
PINAGBUKSAN SIYA NG isa sa mga katulong ng pamilya Gonzales. Agad na nagliwanag ang mukha nito nang makita siya at napalitan ng saya ang kanyang mukha. Alam na ni Daviana ang meaning noon. “Viana, mabuti naman at narito ka. Kailangan mong kausapin si Madam. Hindi mo ba alam na buong magdamag ng nakaluhod si Warren sa lumang silid. Ikinulong siya nila doon. Hindi pa siya doon pinapalabas. Kung magpapatuloy ito, paano kakayanin ng mura niyang katawan ang lahat ng iyon? Hindi rin siya pinakain ng hapunan. Hindi rin siya pinadalhan kahit na isang basong tubig lang. Ang lupit nila.” Sa tingin ni Daviana ay sobrang ginalit niya ang mga magulang doon. Hindi naman ganuna ng trato nila sa kanya. Baka napuno na lang ang mga ito dahil sa nagawa niyang kasalanan. Nagmamadaling pinapasok ni Daviana ang kanyang sarili nang marinig iyon. Bagamat maayos na ang pakiramdam ni Warren, isang taon pa lang halos ang lumilipas mula ng mahulog ito sa kabayo. Nakaluhod siya buong magdamag, operada pa naman
MARAHANG UMILING NA lang si Daviana. Batid niyang kaunti pa lang ang sinabi ng ina ni Warren sa kanya. Kumbaga ay mabait pa ito sa kanya. Kung sa ibang magulang iyon ay baka niratrat na siya nito at pinaulanan ng masasakit na mga salita dahil naging bad influence siya sa anak nito. Iyon ang pagkakaalam niya na siya ang maging dahilan kung bakit napaaway ang kanilang anak, malamang talagang magagalit ito sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Siya na naman ang masama sa Ginang. Kung pwede lang bawiin niya ang lahat at sabihin ang totoo, ginawa niya na sana iyon. Kung tutuusin nga ay pinigilan pa ng Ginang na magalit sa dalaga, dahil kung hindi ay hindi lang iyon ang inabot nito ni Daviana. Ganunpaman ay hindi mawawala na sumama ang loob ng dalaga, hindi sa Ginang kundi kay Warren na pinabayaan na nga siya ng nagdaang gabi gusto pa nitong akuin niya ang lahat. Kasalanan din naman niya, pinamihasa niya itong ang lahat ay nakukuha. Hindi lang iyon, pinaramdam niya ditong palagi siya
BAGO PA MAGTANGHALI ay narinig ni Daviana na may pumasok ng bahay nila. Hindi niya alam kung sino ang dumating pero bumukas ang pintuan ng bahay nila sa ibaba. Bukas ang pinto ng kanyang silid kung kaya naman dinig niya iyon. Tumayo siya upang bumati sa kanila dahil narinig niyang ang mga magulang niya pala iyon, ngunit bago pa man siya makababa at magpakita sa kanila; nagsimula na ang kanilang malakas na pagtatalo. Naudlot sa tangkang pagbaba si Daviana. Pinakinggan kung ano na naman ang ugat ng kanilang pag-aaway. “Wala ka na bang ibang alam na gawin buong araw Nida, kung hindi ang magpa-ganda? Matanda ka na! Hindi mo na kailangan iyang derma-derma na iyan!” bulyaw ng ama niyang si Danilo na halata sa boses na nasa ilalim ng espiritu ng alak, “Ang daming trabaho sa kumpanya! Hindi mo man lang ako damayan sa mga problema. Wala kang ibang iniisip kung hindi ang sarili mo at ang lintik mong mukha at balat!” Napatayo na si Nida mula sa inuupuan niyang sofa. Mula sa bagong manicure na