Si Lizabeth Villanueva ay isang babaeng may pangarap sa buhay ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nangailangan siya ng malaking halaga para sa sakit ng kanyang ina. Inalok siya ng sikat na aktor na si Kenzo Navarro ng malaking halaga kapalit ng pagiging pekeng asawa nito sa loob ng tatlong buwan Mauwi kaya ang pagpapanggap sa totohanan? Ilang beses paglalaruan ng tadhana ang pareho nilang buhay?
View MoreLizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik
(Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '
Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki
(Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a
(Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s
Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay
(Continuation of chapter 48)Third Person's POVMahimbing na natutulog si Luis mula pa kanina. Hindi na din kasi niya kinaya ang antok kaya napagpasyahan niyang umidlip kahit sandali.Nagising ang kanyang diwa nang makarinig ng mga yabag mula sa pasilyo. Sigurado siyang si Allyson ito kaya kaagad niyang inayos ang sarili. Sakto naman na pumasok ang babae sa pinto."Umuwi ka muna para makapagpalit ng damit. Ako na ang magbabantay sa kanya," wika nito at umupo sa sofa."Sigurado ka ba?"Tumango lamang si Allyson habang nagtitipa sa cellphone. Sumulyap muli si Luis sa monitor bago na lumabas ng pinto. Hindi pa din kasi siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit simula nang makarating sila dito. Alam niya sa sarili niyang hinahanap na din siya ng kuya niya.Nang makaalis si Luis ay tumingin si Allyson sa monitor at nakaisip ng hindi magandang bagay. Tumayo s
(Continuation of chapter 48)Third Person's POV"Ginagawa ang alin?"Patuloy lang sa pagkain si Beth habang sinusubuan siya ni Luis. Kung titingnan ay parang normal lang silang nag-uusap sa kabila ng kalagayan niya ngayon."Ito, hindi ba't kinidnap mo 'ko? Pero bakit mo 'ko pinapakain?""Ayaw kong nagugutom ka," simple niyang sagot.Hindi pa din kumbinsido si Beth."Plinano niyo ba 'to ni Allyson?"Doon na napatigil si Luis sa ginagawa at saka seryosong tiningnan ang babae sa mga mata."Y-yes, but she didn't know this. Itong ginagawa ko ngayon, gusto niyang mamatay ka sa gutom pero sa tingin mo ba kaya kong makita kang nahihirapan?"Para bang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Beth. Dapat pala ay nakinig na lamang siya sa sinabi ni Kenzo na layuan na si Luis. Ngunit kahit na may galit ito dahil
Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka
"Sign this contract and you'll be living as a queen in 3 months," wika niya sa aking harapan. I was dumb founded while looking at the piece of paper na may nakasulat na kontrata. Pipirmahan ko ba? Kapag pinirmahan ko ito ay mapapagamot ko na si Mama, pero kapalit naman nito ay pagbebenta ko ng sarili ko sa isang artista. Well nah, hindi naman siguro benta, parang renta lang kasi tatlong buwan lang naman, pero kahit na! Nag-aalinlangan man ay kaagad kong kinuha ang ballpen at pinirmahan ang kontrata sa lamesa. Sa pagkakataong ito, mas matimbang ang buhay ni Mama kaysa sa delikadesa ko. Mahal ko siya at gusto ko pa siyang mabuhay nang matagal. Matapos kong pirmahan ay ibinigay ko na ito sa kanya. He's just looking at the contract with a playful smile na kinabubwisitan ko. "Very well, so tomorrow we will start. Pack your things up and starting tomorrow, you will be known as..." Sandali siyang tu...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments