Share

Chapter 1

last update Last Updated: 2021-06-02 12:35:48

Lizabeth's POV

"May bagong role na gaganapan ang sikat na sikat na actor na si Kenzo Navarro sa gagawing pelikula ng kilalang director na si Binibining Grace Alonzo. Hindi pa inilalabas ang mga detalye ng nasabing palabas ngunit mapapanood ang movie na ito, tatlong buwan mula ngayon," said by the reporter on the news.

"Oh my God! Bakit ang gwapo mo Kenzo?!" sigaw ng katabi kong akala mo sinisilihan ang pwet sa sobrang likot.

Napatakip ako sa aking tainga. She's Irene, isa sa libo-libong babaeng kilala kong obsessed na obsessed kay Kenzo Navarro. Nanonood kami ng TV sa kwarto niya habang kasama din ang dalawa pa naming kaibigan na sila Kevin at Weslynn. 

"He's not even handsome," sabi ko habang nanonood pa din sa TV at kumakain ng ice cream. 

"How dare you, Beth! Are you blind?" hindi makapaniwalang tanong ni Irene at sumubo din ng ice cream niya. Hindi ko 'yon sinagot at patuloy lang sa pagkain.

"Ano ka ba Irene? Alam mo namang may galit si Beth sa mga artista, nagtaka ka pa," sabi ni Weslynn na abala sa pagtipa sa cellphone niya.

"Oh my God, Weslynn! It's been a years and yet, 'yon pa din ang issue? Beth, hindi naman lahat ng artista kagaya niya 'no. At saka mas hamak na gwapo pa si Kenzo kaysa sa kanyang parang kamoteng tinubuan ng ulo," ika naman ni Kevin.

She was talking about my ex-boyfriend na nagkataong artista din.

Nagtawanan sila at maging ako ay natawa din sa sinabi ni Kevin. Kevin is actually a girl, yes I know, akala niyo lalaki siya? Noong baby pa kasi siya, ang talagang pangalan niya dapat Kelly and it turns out na mali ang pangalan na nailagay sa birth certificate niya. Hindi ko alam kung nagkamali lang ng sabi ang daddy niya or t*nga lang talaga 'yong gumawa.

"Quiet, quiet!" Napatigil kami sa pagtatawanan nang magsalita si Irene habang nilalakasan ang volume ng TV. Nagsasalita pala si Kenzo.

"Well yes, I will be partner with Allyson for this upcoming movie and I am so excited to work with her. This is a big opportunity to be her leading man. And I am sure that this movie will be a big hit," saad ni Kenzo habang tumatango-tango pa. 

"Allyson? Tss, sa dami ng babae bakit siya pa ang kailangan niyang makatrabaho?" naiinis na sabi ni Weslynn.

"Oo nga! Hitsura pa lang mukha ng malandi—" naputol ang sasabihin ni Kevin nang sundan iyon ni Irene.

"Anong hitsura? My God, girl! Sadyang malandi siya 'no. Ilang artista na ba ang naging jowa niya? Maganda nga saksakan naman ng kati sa katawan. Subukan niya lang ahasin ang Kenzo ko, ako mismo ang bubuo ng samahan ng lahat ng haters niya all over the world o kahit buong galaxy pa para lang maturuan ng leksyon ang babaeng iyan!" matapang na sabi ni Irene habang hawak ang kutsara sa ere. 

"Hay naku! Ewan ko sa inyo. Wala naman akong interes sa mga artista na 'yan. Uuwi na ako, mag gagabi na din baka hinahanap na 'ko ni Mama." Tumayo ako at inayos na ang mga gamit ko.

"Oo nga, Beth sabay ka na sa akin, uuwi na din ako. Ewan ko lang itong si Weslynn, taga d'yan lang naman 'yan kaya siguradong mamaya pa ang uwi niya," wika naman ni Kevin at tumayo na din. 

Nagpaalam na kami kay Irene at Weslynn at saka hinatid na ako ni Kevin sa bahay. May kotse kasi siyang dala. Sa aming apat, si Irene ang pinaka mayaman, sunod naman ay si Kevin, then si Weslynn na may kaya sa buhay at ako itong naiiwan sa baba. 

—————

Pagkababa ko sa kotse ay kumaway muna ako sa kanya bago na niya pinaandar ang kotse papalayo. Tumayo ako sa harap ng simple naming tahanan habang hawak ang strap ng sling bag ko.

Hindi naman kami as in mahirap na sa buhay. Ang ate ko ay isang teacher sa isang public school at sapat lang ang kinikita niya sa pang araw-araw na pangangailangan naming tatlo nila Mama. 

Pagpasok ko sa pinto ay naabutan ko si Mama na nagluluto sa kusina habang si Ate ay may ginagawang PowerPoint sa laptop niya.

"Ate Lucy, ano 'yang ginagawa mo?" tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos sa tabi ng pintuan.

"Oh, nandito ka na pala. Wala naman, lesson lang para bukas," sagot naman niya at tumipa na muli sa kanyang laptop.

"Lucy, nandyan na ba ang kapatid mo? Halina kayo at kakain na," tawag sa amin ni Mama na nasa kusina. Tumayo na din si Ate at sabay na kaming pumunta sa kusina at umupo sa hapag kainan.

—————

"Oo nga pala anak, Beth. Samahan mo akong mamalengke bukas at wala namang pasok. Itong si Ate Lucy mo ay may gagawin sa school para sa program," wika ni Mama habang naglalagay ng kanin sa pinggan.

"Sige po, no problem," nakangiti kong tugon at kumain. 

"Paano ba yan bunso? Isang taon na lang at gagraduate ka na. Natutuwa ako dahil malapit mo nang makamit ang mga pangarap mo," sabi ni Ate na may ngiti sa mga labi.

"Aba siyempre! Ang kapatid mo ata ang magiging sikat na designer sa buong mundo," sabi naman ni Mama at pabirong tumawa. 

Sandaling natahimik ang hapag nang tumigil sa pagtawa si mama at sumeryoso ang mukha.

"Basta kung saan kayo masaya mga anak, doon ako." Bahagyang napatingin kami ni Ate kay mama.

"Sana sa panahon na may mga pamilya na kayo, makarga ko pa ang mga apo ko." Tumawa siya pero halatang peke.

She's always like that. Iyong feeling na parang namamaalam na siya agad. Simula pagkabata, kapag hindi kami tumutulong ni Ate sa mga gawaing bahay, ang palagi niyang sinasabi: "Kapag ako namatay kawawa na kayong dalawa!"; "Malalaki na kayo Lucy, Beth. Hangga't buhay pa ako, sana naman ay tulungan niyo na ako. Kapag namatay ba ako matutulungan niyo pa akong bumaba sa langit?"

Lahat naman siguro ng nanay nasabi na ang mga script na 'yan.

"Aish! Ma naman! 'Wag ka magsalita ng gan'yan, siyempre makakarga mo pa ang mga magiging apo niyo. Dadalhin pa tayo ni Beth sa Paris at makikita niyo pa ang Eiffel Tower, 'di ba Beth?" Sinenyasan ako ni ate kaya tumango ako agad.

"O-oo naman, naku Ma magiging donya, señorita ka pa sa magiging mansyon natin kaya dapat malakas ka pa 'non ha," saad ko habang nakatingin sa mga mata ni Mama. Pilit kong pinipigilan ang luha na lalabas sa mata ko. Ayaw kong isipin niya na malungkot ako.

Bahagya siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagkain. Wala nang nagtangkang magsalita pagkatapos no'n.

Hindi ko ma-imagine ang buhay namin ni Ate na wala si mama. Malungkot ito at napaka tahimik dahil wala nang magbubunganga. Lalo na kapag may nakatiwangwang na panty sa CR. Kaya hangga't maaari gusto namin ni Ate na mabigyan ng magandang buhay si Mama habang kapiling pa namin siya.

—————

Kinabukasan ay kagaya ng sinabi ni Mama, sinamahan ko siyang mamalengke. Ako ang nagbibitbit ng mga pinapamili niya at siya naman ang naghahanap ng mga lulutuin.

Napansin kong madalas hirap huminga si Mama pero sinasabi niya lagi na okay lang siya. Ang palaging dahilan niya ay kalabaw lang daw ang tumatanda.

"Ay suki, isang kilo nga niyang manok mo," nakangiti niyang sabi kay Aling Melba na suki namin sa pagbili ng manok. 

—————

Matapos naming mamalengke ay naghihintay na kami ng tricycle sa tabi ng kalsada nang biglang humawak si Mama sa braso ko at habol-habol ang hininga.

Nataranta ako.

"Ma! Ma! Ano pong problema?" tanong ko habang hinahawakan siya sa braso.

"H-hindi ako makahi—nga." Napaluhod siya sa kalsada habang hawak ang dibdib at habol ang hininga na para bang tumakbo sa marathon.

"Ma!" Naibagsak ko ang mga plastic ng mga binili namin at napaupo ako sa kalsada habang yakap-yakap siya.

"Tulong! Tulungan niyo kami! Parang awa niyo na!" Sumisigaw na ako habang tumutulo ang luha sa kongkretong kalsada. Ang ilan sa mga nakakita ay kaagad na lumapit sa amin at tumawag ng ambulansya.

"Ma, please 'wag muna ngayon. Hindi pa po ako handa," bulong ko sa pagitan ng aking paghikbi. 

Sa 'di kalayuan ay naririnig ko na ang tunog ng ambulansya papalapit sa amin.

Related chapters

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 2

    Lizabeth's POV "Kamusta na si Mama?" maluha-luhang tanong ni Ate na kakadating lang galing sa paaralan. Nandito kami sa ospital kung saan dinala si Mama pagkatapos ng nangyari kanina. Mahimbing siyang natutulog habang hawak ko ang kamay niya. Halos tawagin ko na ang lahat ng santo sa langit para lang hilingin na sana ay maayos lang ang kalagayan niya. "Mamaya pa malalaman ang result, Ate. Pero mukhang maayos lang naman siya," nakangiti kong tugon at hinalikan ang kamay ni Mama. "Excuse me po," wika ng isang matangkad na lalaking nakaputi at may hawak na mga papeles. Pareho kaming napatingin ni Ate sa doktor na lumapit sa amin. Napatayo kami at kapwa kinakabahan sa sasabihin ng doktor. Wala naman sigurong problema kay Mama 'di ba? Siguro ay nanghina lang siya kaya siya 'di makahinga 'di ba? Positivity is spreading all over my

    Last Updated : 2021-06-02
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 3

    Lizabeth's POV "Po? Papasukin niyo na po ako, please. Estudyante po ako dito maniwala po kayo," pagmamakaawa ko habang hawak ang mga bakal sa gate ng school. Umagang kay ganda. Kapag swerte ka, swerte ka talaga. Kaya nga nakikipag-away ako sa gwardya ng school namin na ayaw akong papasukin dahil wala daw akong ID. Hashtag: Start your day with bad vibes. I don't even know where I placed that fucking ID. Argh! Curse that ID! Mukhang absent talaga ako ngayon. "Sorry Miss, pero no ID, no entry," sabi ni Ate guard habang tinatapik-tapik pa ang hawak na batuta. Kung sino man ang nakaimbento ng lintik na batas na 'yan, mamatay na siya! Hindi na ako natutuwa. Padabog akong naglakad papalayo sa gate ng school. Wala na ding sense kung papasukin ako, late na ako. Napaupo ako sa gilid ng kalsada habang namomroblema. So, paan

    Last Updated : 2021-06-02
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 4

    Lizabeth's POV Pagkatapos ng klase ko ay pumunta muna ako saglit sa ospital para bisitahin si Mama. Nag-aabang ako ngayon ng taxi papuntang café. Nagdadalawang isip pa ako kung sisipot ba ako o i-indianin ko na lang si Kenzo. Pero, kasi naman 5 million na 'yon girl, tapos magbubuhay reyna pa ako sa loob ng tatlong buwan, choosy pa ba? At saka si Kenzo Navarro ang magiging asawa ko! But honestly I'm not interested in that man, but also think about all the benefits I can get. Nang may huminto ang taxi ay kaagad akong sumakay doon. Ito na talaga, wala ng atrasan. Nang makarating sa tapat ng café ay nagbayad na ako sa driver. Pagkababa ay nakita ko na agad ang pigura ng isang lalaking akala mo back up dancer ni kamatayan. Naka all black ba naman from head to toes. Humugot muna 'ko ng malalim na hininga bago pumasok. This is it pansit. &n

    Last Updated : 2021-06-02
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 5

    Lizabeth's POV "Let's go." Pagkabukas ko pa lang ng gate ay bumungad na sa akin ang kotse ni Kenzo. Hawak ko na ang maleta ko at ang backpack ko. "Tss, bakit ba atat ka?" sabi ko habang sinasara ang gate na kalawangin na at kahit anong oras ay pwede ng makatetano. "I have a work today!" Ang aga-aga para nang binuhusan ng suka ang mukha niya. "Oh, edi sana hindi mo na ako sinundo, kasalanan ko pa ngayon na baka ma-late ka?!" sigaw ko sa kanya. Ke aga-aga nasisira na agad ang araw ko. "Hindi ka na lang magpasalamat dahil sinundo pa kita. Aish! Sumakay ka na nga lang. Ilagay mo 'yang mga gamit mo sa compartment." My mouth formed to O shape in annoyance. Humalukipkip ako habang kinakalma ang sarili. "Hindi ka man lang ba bababa para tulungan akong maglagay? Anong klaseng asawa ka pala kung gano

    Last Updated : 2021-06-02
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 6

    Lizabeths POV Pagkatapos ng paglilibot namin sa unang palapag ng mansyon ay umakyat na kami sa itaas, mayroon lamang doong dalawang guestroom, kwarto ng parents niya, office niya, kwarto niya, at kwarto ng kapatid niya. Sa hitsura ng mansyon nila Kenzo hindi na nakapagtatakhang maswerte ang mapapangasawa nito sa hinaharap. “Raens room is your temporary room. Katabi lang nito ang kwarto ko, so kung may kailangan ka, nandoon lang ako kabila,” sabi niya habang naglalakad kami at tumigil sa isang pinto. Tumango-tango na lamang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Pagbukas 'non ay bumungad sa akin ang pink theme na kwarto. Punong-puno ito ng mga stuff toys na unicorn sa isang sulok nito. Mayroon itong pink carpet din sa loob at maging ang kisame nito ay color pink din. Sa harapan ng kama ay may isang salamin na may lamesang punong-puno

    Last Updated : 2021-07-09
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 7.1

    Lizabeth’s POV Our face is only an inch apart and I can smell his breath that smells like some kind of wine. Hindi ko alam, pero hindi ko din mapaliwanag ang kakaiba kong nararamdaman sa mga oras na ito ngunit ang tanging sigurado ako ay gusto ko nang mahagkan ang mga labi niya. “Ang tagal niyo namang mag kiss.” Para akong napaso sa pagtulak ko sa kanya. Parehas kaming napatingin sa nagsalita and there we saw a boy with a malicious smile habang nakatingin sa aming dalawa ni Kenzo. Nakasandal siya sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip. Pakiramdam ko ay namumula na ako sa kahihiyan. “Oh, bakit hindi niyo tinuloy?” parang nanghihinayang pa niyang tanong. Naglakad siya papunta sa couch at ibinagsak ang katawan doon at nagdekwatro. Nakita ko si Kenzo na naglakad papunta sa lamesa niya at naglagay ng wine sa baso. Ako ay nanatiling nakatayo doon at hindi ko alam kung anong gagawing kilos.

    Last Updated : 2021-07-15
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 7.2

    (Continuation of chapter 7) Lizabeth's POV That endearment... why I felt something in my stomach everytime he say that word to me? Pero I try to look normal. This is just pretend Beth okay, 'wag ka umasa. “Palagi ka kasing nakasimangot, eh,” I said. “Tss, just be thankful that I am nice to you.” Inirapan ko na lang siya at saka tumayo at nagtingin-tingin ng damit na nakaayos sa mga sabitan. Habang abala ako sa pagsusuri ng mga damit ay 'di ko namalayang tapos na palang ayusan at magbihis si Kenzo. He was so handsome in his black tuxedo. “Let’s go.” We walk while holding hands habang papalapit sa mga tao sa labas. Pumunta kami sa pwesto ni Lloyd kung saan ay kumakain ng tsitsirya. “Stay with Lloyd, just wait until we finish the taping.” Binitawan na niya ako at ako naman ay naupo sa katabing upuan niya.  

    Last Updated : 2021-07-15
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 8.1

    Lizabeth’s POV “Wake up.” Nagising ako sa tapik sa pisngi ko at pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang isang anghel. Este half anghel, half evil. Charot, si Kenzungit lang naman iyon. Inilibot ko ang paningin at napansing nasa mansyon na kami. Nauna siyang lumabas at inalalayan ako sa pagbaba ng sasakyan. Pagkasara ng pinto ay bumaba ang bintana sa driver’s seat kung saan nandoon si Lloyd. “Paano ba 'yan? Kitakits na lang ulit bukas Sir Ken, Ma’am Liza,” wika niya at mukhang pagod na din sa maghapon niyang trabaho. Kumaway pa ako at saka na siya nagmaneho paalis. Curious lang ako kung gaano kalayo ang tinitirahan niya dito. Baka mamaya ay sa isang barangay pa pala edi paniguradong bagsak na sa higaan ‘yon pagdating sa bahay nila. Pinagbuksan kami ng mga katulong ng malaking pintuan. Ang iba sa kanila ay mukhang pagod na at ang iba

    Last Updated : 2021-07-16

Latest chapter

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Epilogue

    Lizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 50.2

    (Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 50.1

    Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 49.3

    (Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 49.2

    (Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 49.1

    Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 48.3

    (Continuation of chapter 48)Third Person's POVMahimbing na natutulog si Luis mula pa kanina. Hindi na din kasi niya kinaya ang antok kaya napagpasyahan niyang umidlip kahit sandali.Nagising ang kanyang diwa nang makarinig ng mga yabag mula sa pasilyo. Sigurado siyang si Allyson ito kaya kaagad niyang inayos ang sarili. Sakto naman na pumasok ang babae sa pinto."Umuwi ka muna para makapagpalit ng damit. Ako na ang magbabantay sa kanya," wika nito at umupo sa sofa."Sigurado ka ba?"Tumango lamang si Allyson habang nagtitipa sa cellphone. Sumulyap muli si Luis sa monitor bago na lumabas ng pinto. Hindi pa din kasi siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit simula nang makarating sila dito. Alam niya sa sarili niyang hinahanap na din siya ng kuya niya.Nang makaalis si Luis ay tumingin si Allyson sa monitor at nakaisip ng hindi magandang bagay. Tumayo s

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 48.2

    (Continuation of chapter 48)Third Person's POV"Ginagawa ang alin?"Patuloy lang sa pagkain si Beth habang sinusubuan siya ni Luis. Kung titingnan ay parang normal lang silang nag-uusap sa kabila ng kalagayan niya ngayon."Ito, hindi ba't kinidnap mo 'ko? Pero bakit mo 'ko pinapakain?""Ayaw kong nagugutom ka," simple niyang sagot.Hindi pa din kumbinsido si Beth."Plinano niyo ba 'to ni Allyson?"Doon na napatigil si Luis sa ginagawa at saka seryosong tiningnan ang babae sa mga mata."Y-yes, but she didn't know this. Itong ginagawa ko ngayon, gusto niyang mamatay ka sa gutom pero sa tingin mo ba kaya kong makita kang nahihirapan?"Para bang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Beth. Dapat pala ay nakinig na lamang siya sa sinabi ni Kenzo na layuan na si Luis. Ngunit kahit na may galit ito dahil

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 48.1

    Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka

DMCA.com Protection Status