Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2021-06-02 13:02:00

Lizabeth's POV

"Let's go." Pagkabukas ko pa lang ng gate ay bumungad na sa akin ang kotse ni Kenzo.

Hawak ko na ang maleta ko at ang backpack ko. 

"Tss, bakit ba atat ka?" sabi ko habang sinasara ang gate na kalawangin na at kahit anong oras ay pwede ng makatetano.

"I have a work today!" Ang aga-aga para nang binuhusan ng suka ang mukha niya.

"Oh, edi sana hindi mo na ako sinundo, kasalanan ko pa ngayon na baka ma-late ka?!" sigaw ko sa kanya. Ke aga-aga nasisira na agad ang araw ko. 

"Hindi ka na lang magpasalamat dahil sinundo pa kita. Aish! Sumakay ka na nga lang. Ilagay mo 'yang mga gamit mo sa compartment." My mouth formed to O shape in annoyance.

Humalukipkip ako habang kinakalma ang sarili.

"Hindi ka man lang ba bababa para tulungan akong maglagay? Anong klaseng asawa ka pala kung gano'n?" kunot noo kong tanong at medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko.

"It's your luggage after all," he said while smirking. Aba at talagang inaasar pa 'ko ng hinayupak na 'to!

"Argh! F*ck you ka talaga Kenzo!" Sa inis ko ay nilagay ko na lang ang mga gamit ko sa compartment at malakas na sinarado ito.

Masira sana kotse mo animal ka. Binuksan ko ang backseat at papasok na ako nang magsalita siya.

"Sit here, beside me." Napaikot ako ng mata at malakas ko ding sinara ang pinto na akala mo matatanggal na sa pagkakakabit sa kotse.

Pagkabukas ko ng passenger seat ay syempre malakas ko ding sinara saka na ako nag-seatbelt.

"Magdahan-dahan ka nga, alam mo ba kung gaano kamahal itong sasakyan na 'to?" Para siyang leon na anytime pwede akong kagatin. Masyadong high blood.

"Malay ko ba, kasama mo ba akong bumili nito?" bulong ko sa hangin habang nakatulala sa bintana.

"What?!" Galit na galit? Gustong manakit?

Hindi na ako nagsalita at nagsimula na siyang magmaneho. Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan habang unti-unti na akong lumalayo sa bahay namin. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang isa akong madungis na batang tulo ang sipon tapos ngayon magiging asawa na ako ng artista. 

"Wala ka bang pasok?" he asked.

"Wala," tipid kong sagot at nabalot na muli ng katahimikan ang byahe.

As I look at the trees passing in the road I felt different. Siguro hindi ko lang maisip kung gaano kalaki ang mababago sa buhay ko pagkatapos ng araw na ito. It's true that time is really a gold, so better spend it wisely. 

—————

Tumigil na ang sasakyan sa harap ng mansyon nila Kenzo. Everyone in the house was looking at me when I get out from the car. 

"Welcome home my love." Nasa tabi ko na si Kenzo habang nakatingin sa akin. Kinunutan ko naman siya ng noo. 

"Love your face." Tumawa siya at saka nauna nang maglakad papasok at ako ay kasunod niya, sa likod ko naman ay ang mga maids na may dala ng mga gamit ko. 

"Maayos na ba 'yong room?" he asked in the maids na abala sa buong bahay.

Ang iba ay nagluluto sa kusina, ang iba ay nagpupunas ng mga paintings at furnitures at ang iba ay nagwawalis. Basta lahat ay may ginagawa. Sa bagay 7:45 pa lang ng umaga. 

"Yes Sir, dadalhin na po ba namin itong mga gamit niya?" tanong ng isang kasambahay na mukhang bata pa ang hitsura. Kenzo just nodded then umakyat sila sa taas. 

"Come with me. Ililibot kita para maging pamilyar ka." Sumunod naman ako sa sinabi niya.

"Of course this is the living room," sabi niya bago namin lampasan ang mga naglilinis sa sala. 

Sa sobrang laki ng sala niya ay parang isang buong bahay na namin ito eh.

Sa magkabilang gilid ng sala ay may dalawang daan at kung hindi ako nagkakamali ay pasilyo iyon, sa pagitan no'n ay pader na may napakalaking frame. 

"And meet my family first." He was talking about the big picture frame in the wall.

"This is my mother, her name is Kendra Navarro." Napaka ganda ng mama niya. Mukhang bata pa pero hindi, mukhang masiyahing tao at halatang artistahin din ang hitsura.

"This is my father, his name is Enzo Navarro." Ang papa niya ay halata ding napaka gwapong lalaki noong araw niya. Matangos ang ilong, makinis ang kutis at meztizo.

"So, kaya Kenzo ang pangalan ko dahil sa pangalan nila Mama. Ken from my mother's name Kendra and Zo from my father's name Enzo." I nodded as he explain.

"And this, this is my little sister, her name is Raen (Rain)." As I look at the girl, nanliit ako bigla.

Paano ba naman mukha siyang manika. Halatang spoiled din at manang-mana sa nanay niya.

"Her name comes also from Kendra and Enzo," he explains then I nodded again. 

"Nasaan sila?" I asked out of nowhere.

"Well, the three of them go to states. Noong mga panahong 'yon nagsisimula na ako ng career ko sa showbiz that's why I left here alone. But I kinda like here all by my self," he said while looking at the big picture.

I looked at him. Sa pagpapaliwanag niya ay mukhang sanay na siya pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Alam kong nami-miss na niya ang pamilya niya.

Nagsimula na siyang maglakad ulit kaya sumunod na ako. Lumiko kami sa pasilyo at pumasok sa isang pinto sa kanan. 

"This is the kitchen." Namangha ako pagbukas ng pinto. Mukha itong kusina sa mga restaurant, may umuusok-usok tapos ang daming nagluluto na naka sumbrerong mahabang puti at apron. Naaamoy ko ang napaka bangong ulam na niluluto nila.

"Kapag nagugutom ka pumunta ka na lang dito or kung tinatamad kang bumaba sa kwarto, you can call the maids para dalhan ka ng pagkain. This is the head of the kitchen." Lumapit sa kanya ang isang lalaking parang kaedad niya lang din. 

"Meet Chef Leo, and Leo this is my wife, Lizabeth," pagpapakilala niya sa akin.

"Nice to meet you, Ma'am Lizabeth." Nag-bow siya sa akin pagkatapos magsalita.

"Beth na lang," I said.

Sunod naming pinasok ang dining, meron doong mahabang lamesa na kasya ang benteng tao. Sunod ay library na malulula ka sa sobrang daming libro. Nalaman ko din na home schooled pala si Kenzo at doon siya madalas mag-aral.

Sunod naming pinasok ay gym. Yes, tama ang nabasa niyo, gym. Meron siyang sariling gym sa mansyon niya. Kumpleto ito sa gamit kagaya ng mga typical na nakikita sa mga gym.

Ang huling pintong pinasok namin ay parang sinehan. Madilim doon at mayroong malaking white screen sa harapan. Hitsura siyang cinema na may mga upuan pababa gano'n, tapos may projector sa taas. Sabi niya doon sila nagme-meeting minsan ng mga katrabaho niya minsan kapag bored siya nanonood siya ng movie.

Sa dulo ng hallway ay may liwanag akong nakita. Pagliko namin doon ay 'yon na pala ang end ng hallway at may malaking bubog na pintuan doon. 

"This is the garden." Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang malawak na likod-bahay.

Mayroong mushroom table doon at upuan na pandalawang tao. Sa kaliwa ay makikita mo ang malaking swimming pool. May mga ilaw na nakapalibot sa buong likod-bahay at nae-excite akong makita iyon sa gabi. And the ground is covered with bermuda grass.

"Beautiful isn't it?" he asked while placing his both hands in his pocket.

"Yah, relaxing." Lumanghap ako ng sariwang hangin. Napaka tahimik dito at napaka mapayapa.

"This will be your home for three months. So, better cherish every day of your staying here." Tumingin ako sa kanya ng nakangiti.

"Sure I will..." Bahagya akong tumigil sa sasabihin at tiningnan ko siya sa mga mata

"Love," I said.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Genevieve Balanay
I love the story.more pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 6

    Lizabeths POV Pagkatapos ng paglilibot namin sa unang palapag ng mansyon ay umakyat na kami sa itaas, mayroon lamang doong dalawang guestroom, kwarto ng parents niya, office niya, kwarto niya, at kwarto ng kapatid niya. Sa hitsura ng mansyon nila Kenzo hindi na nakapagtatakhang maswerte ang mapapangasawa nito sa hinaharap. “Raens room is your temporary room. Katabi lang nito ang kwarto ko, so kung may kailangan ka, nandoon lang ako kabila,” sabi niya habang naglalakad kami at tumigil sa isang pinto. Tumango-tango na lamang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Pagbukas 'non ay bumungad sa akin ang pink theme na kwarto. Punong-puno ito ng mga stuff toys na unicorn sa isang sulok nito. Mayroon itong pink carpet din sa loob at maging ang kisame nito ay color pink din. Sa harapan ng kama ay may isang salamin na may lamesang punong-puno

    Last Updated : 2021-07-09
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 7.1

    Lizabeth’s POV Our face is only an inch apart and I can smell his breath that smells like some kind of wine. Hindi ko alam, pero hindi ko din mapaliwanag ang kakaiba kong nararamdaman sa mga oras na ito ngunit ang tanging sigurado ako ay gusto ko nang mahagkan ang mga labi niya. “Ang tagal niyo namang mag kiss.” Para akong napaso sa pagtulak ko sa kanya. Parehas kaming napatingin sa nagsalita and there we saw a boy with a malicious smile habang nakatingin sa aming dalawa ni Kenzo. Nakasandal siya sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip. Pakiramdam ko ay namumula na ako sa kahihiyan. “Oh, bakit hindi niyo tinuloy?” parang nanghihinayang pa niyang tanong. Naglakad siya papunta sa couch at ibinagsak ang katawan doon at nagdekwatro. Nakita ko si Kenzo na naglakad papunta sa lamesa niya at naglagay ng wine sa baso. Ako ay nanatiling nakatayo doon at hindi ko alam kung anong gagawing kilos.

    Last Updated : 2021-07-15
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 7.2

    (Continuation of chapter 7) Lizabeth's POV That endearment... why I felt something in my stomach everytime he say that word to me? Pero I try to look normal. This is just pretend Beth okay, 'wag ka umasa. “Palagi ka kasing nakasimangot, eh,” I said. “Tss, just be thankful that I am nice to you.” Inirapan ko na lang siya at saka tumayo at nagtingin-tingin ng damit na nakaayos sa mga sabitan. Habang abala ako sa pagsusuri ng mga damit ay 'di ko namalayang tapos na palang ayusan at magbihis si Kenzo. He was so handsome in his black tuxedo. “Let’s go.” We walk while holding hands habang papalapit sa mga tao sa labas. Pumunta kami sa pwesto ni Lloyd kung saan ay kumakain ng tsitsirya. “Stay with Lloyd, just wait until we finish the taping.” Binitawan na niya ako at ako naman ay naupo sa katabing upuan niya.  

    Last Updated : 2021-07-15
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 8.1

    Lizabeth’s POV “Wake up.” Nagising ako sa tapik sa pisngi ko at pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang isang anghel. Este half anghel, half evil. Charot, si Kenzungit lang naman iyon. Inilibot ko ang paningin at napansing nasa mansyon na kami. Nauna siyang lumabas at inalalayan ako sa pagbaba ng sasakyan. Pagkasara ng pinto ay bumaba ang bintana sa driver’s seat kung saan nandoon si Lloyd. “Paano ba 'yan? Kitakits na lang ulit bukas Sir Ken, Ma’am Liza,” wika niya at mukhang pagod na din sa maghapon niyang trabaho. Kumaway pa ako at saka na siya nagmaneho paalis. Curious lang ako kung gaano kalayo ang tinitirahan niya dito. Baka mamaya ay sa isang barangay pa pala edi paniguradong bagsak na sa higaan ‘yon pagdating sa bahay nila. Pinagbuksan kami ng mga katulong ng malaking pintuan. Ang iba sa kanila ay mukhang pagod na at ang iba

    Last Updated : 2021-07-16
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 8.2

    (Continuation of Chapter 8) Lizabeth's POV Kung wala lang kami sa harap ng pagkain ay sinaksak ko na ‘to ng kutsilyo at ipinakain ko na ang buong manok sa kanya. Gawin ba naman akong aso na sunod-sunuran sa kanya. Napaka lakas talaga ng apog ng lalaking ito! Maghintay ka lang talaga Kenzo, may araw ka din sa 'kin. May kasama pang buwan. Pagkatapos namin kumain ay binigay ko na ang phone number ko sa kanya at saka na ako nagkulong sa kwarto. Doon pa lang ako nakapag bukas ng phone ko at sunod-sunod na text messages na ang lumabas. From: Ate Lucy [Nasaan ka? Bakit wala ka pa sa bahay?] Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa. Lagot, paano ko ipapaliwanag kay Ate? From: Ate Lucy [Beth! Bakit hindi ka man lang bumisita ng ospital pagkatapos ng klase mo? Sabi ng mga kapitbahay ay ang tahimik ng bahay at mukhang

    Last Updated : 2021-07-16
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 9

    Lizabeth’s POV Headline: Kenzo Navarro, Kasal na? “Kilalang-kilala nating lahat ang sikat na actor na si Kenzo Navarro at kamakailan lamang ay nakuhanan ng letrato ang actor kasama ang isang hindi pamilyar na babae sa set ng taping ng ginagawa nilang pelikula. At ang kapansin-pansin din ay ang mga singsing na pareho nilang suot habang magkasama. Totoo ba? O haka-haka?” Pinatay ko ang TV at tumingin sa kanya. “So, what’s the problem about the news?” kalmadong sabi ni Kenzo habang umiinom ng gatas niya at nanonood sa TV. Pagkatapos kong mapanood ito ay kaagad akong tumakbo papunta sa kwarto niya at pinabukas ang TV niya. Kanina nga ay gusto ko nang painumin ng coke na may biogesic itong si Kenzo. Paano ba naman ay pachill-chill pa ang gago. Edi siya na ang kalmado! “Ken! Hindi mo ba napanood? The news is about us!” sigaw ko sa kanya habang iniliyad ang kamay sa TV.

    Last Updated : 2021-07-17
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 10.1

    Lizabeth’s POV Diretso akong nakatayo ngayon dito sa harap ng pintuan ng kwarto ni Mama. Nandito na ako sa ospital at humuhugot ng lakas ng loob bago pumasok. May dala akong mga prutas na naka basket para kay Mama. Nag-withdraw ako kanina ng pera para may maibigay ako sa kanila mamaya. Pinihit ko na ang seradura ng pinto at bumungad sa akin si Ate na pinapakain si Mama. Pareho silang napatingin sa akin nang marinig ang pagbukas ng pintuan. “Beth!” wika ni Ate Lucy na ibinaba muna ang mangkok ng lugaw sa isang lamesa sa tabi ng higaan ni Mama. Naglakad ako palapit sa kanilang dalawa at inilapag ang basket sa may lamesa at nagmano ako kay Mama bago umupo sa tabi niya. “Kamusta na po ang pakiramdam niyo?” tanong ko at hinawakan ang kanang kamay niya. “Heto at lumalakas na ako. Ang sabi ng doktor, makakalabas na ako bukas, anak.”&nbs

    Last Updated : 2021-07-18
  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 10.2

    (Continuation of chapter 10) Lizabeth's POV “Ehem.” Napatingin kaming lahat sa nagsalita. It’s Kenzo. Nakatayo siya sa may pintuan habang masamang nakatingin sa akin. Nakasuot siya ng long sleeves white polo at black pants at saka black shoes. His hair is also messed up. Napalunok ako dahil sa nakikita kong ekspresyon niya. Nag-bow lahat ng nandito sa kusina maging si Leo. Naglakad siya papalapit sa akin at masarahas akong hinawakan sa pulso at saka hinila palabas. “Aray! Kenzo bitiwan mo nga ako!” Halos masubsob na ako sa sahig dahil sa pagkaladkad niya sa akin. Nakikita na kami ng mga maids maging si Faye ay nag-aaalang nakatingin sa akin but I gave her an assurance smile. Hanggang sa makarating kami sa pangalawang floor ay hindi pa din niya ako binibitawan. Nakarating kami sa kwarto n

    Last Updated : 2021-07-18

Latest chapter

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Epilogue

    Lizabeth's POV"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?""Basta, malapit na."Hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong naisip niya. Kanina kasi habang nag-aasikaso ako ng mga gagamitin sa kasal namin sa isang araw ay bigla na lang niya 'kong hinila palabas ng tinitirahan ko ngayon.Nakatakip ang mata ko ng isang pulang tela. Nararamdaman ko ang malamig na hangin na yumayakap sa akin at dahil naka tsinelas lang ako ay alam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon."Ready ka na ba?" tanong niya at dahan-dahang kinakalag ang buhol ng tela."Naku, Kenzo! Kanina pa!"Tinanggal na niya ang piring ko at namangha ako nang bumungad sa harapan ko ang isang magandang mansyon. Sa likod nito ay makikita ang mga puno. Sa tantsa ko ay tatlong palapag ang taas nitol. Gray, white, at black ang kulay nito.Pagtingin ko sa aming lik

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 50.2

    (Continuation of chapter 50)Lizabeth's POVNang marinig ko ang sinabi ni Lloyd ay mabilis akong nagyaya na umalis na. Para akong nanlalambot habang nasa loob ako ng kotse. Hindi ako mapakali."Kalma ka lang, Beth.""Kalma? Lloyd, paano ako kakalma sa oras na 'to? Paano kung hindi ko na siya maabutan ng buhay? Lloyd, akala mo ba makakaya ko 'yon?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko sa mata habang natuon ang pansin sa labas.Tahimik lang ang naging byahe namin ni Lloyd. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng pansin ang daang tinatahak namin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Kenzo. Nag-aalala na 'ko sa kanya.Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa parke. Nagtatakha kong tiningnan si Lloyd na ngayon ay nagtatanggal na ng seatbelt."Lloyd, anong ginagawa natin dito? Sa ospital dapat tayo pumunta, baka ano nang nangyari kay Kenzo."Hindi niya '

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 50.1

    Lizabeth's POVPara bang namamanhid na ang kanang hita ko habang tumatagal. Nahihirapan na 'kong kumilos. Tumigil ang sinasakyan namin ni Luis sa isang lugar kung saan maraming palayan at puno sa paligid. Wala akong maririnig na ingay at tanging simoy ng hangin lang ang nadidinig ng tainga ko."We're here."Kinalas na ni Luis ang seatbelt naming dalawa at naunang lumabas ng sasakyan bago ako alalayang makalabas. Nasa kanang kamay niya ang baril na hawak habang iika-ika akong humakbang.Saka ko lamang napansin ang malawak na kaparangan kung saan kami huminto."Kuya!" sigaw ni Luis.Minulat ko ang mga mata ko at gano'n na lang ang tuwang nararamdaman ko nang matanaw sa 'di kalayuan ang mga sasakyan ng pulis at mga men in black. Naroroon din sila Lloyd at si Kenzo na kaagad na napaangat ang tingin sa amin.Nabuhayan ako ng loob nang maki

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 49.3

    (Continuation of chapter 49)Third Person's POV"Kenzo! Nag-text si Luis, papunta na daw sila." Tumakbo papalapit si Lloyd sa kaibigan na nag-aabang sa labas ng condominium.Umaga na at saktong natanggap ni Lloyd ang mensahe mula sa kapatid."Let's go, call the police and prepare the team," maawtoridad na wika ni Kenzo ngunit papasok pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumating ang mga kaibigan ni Beth."Sandali!" sigaw ni Weslynn at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa. Nasa likuran niya sila Irene at Kevin."Anong ginagawa niyo dito, sweetheart?" Sinalubong ni Lloyd si Kevin at niyakap ito ng mahigpit."We're just hoping na pwede kaming sumama sa inyo," tugon naman niya at kumalas sa yakap.Tumingin si Lloyd kay Kenzo na seryoso ang mga matang sinasalubong ang bawat titig niya. Alam na niya ang ibig sabihin ng kaibigan at muling hinarap a

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 49.2

    (Continuation of chapter 49)Third Person's POVNormal lang na nagmamaneho si Luis ng sasakyan habang nasa tabi niya ang mahimbing na natutulog na si Beth. Chine-check naman niya kung may buhay pa ito bawat minuto sa pamamagitan ng paglapit ng hintuturo niya sa ilalim ng ilong nito.Hapon na at medyo malayo pa ang lugar kung saan sila magtatagpo ni Kenzo at ng kuya niya. Sa huli ay nakipagkasundo siya sa mga ito para sa kaligtasan ni Beth."Beth, sana next time na mag-road trip tayo, hindi ka na duguan."Para siyang baliw na nagsasalita at kausap si Beth kahit na alam naman niyang hindi ito maririnig ng babae. Napaka tahimik din naman kasi sa loob ng sasakyan simula nang makaalis sila ng lumang building."Na-miss ko din na makasama ka kahit sa ganitong sitwasyon. Miss na miss ko lahat ng tungkol sayo." Ngumiti siya at parang sinasariwa ang lahat ng mga pinagsamahan nila ng babae s

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 49.1

    Third Person's POV"Nasaan si Beth?!" sigaw ni Kenzo sa mukha ni Luis na nakatayo at nakapamulsa. Para bang hindi ito nasisindak sa boses ni Kenzo."How many times I need to tell you that I don't know? You're just wasting your time," walang gana niyang tugon.Kinuwelyuham siya ni Kenzo ngunit nanatili lamang siyang kalmado. Nasa likuran ni Kenzo si Lloyd na nakatingin sa ibang direksyon. Masakit din sa kanyang makita ang kapatid na sinisigawan o sinasaktan pero hindi naman niya ito kukunsintihin kapag mali na ang ginagawa niya."Mamili ka, sasabihin mo kung nasaan siya o sisirain ko 'yang pagmumukha mo?"Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Napaka tahimik sa kwarto ni Luis kung nasaan sila ngayon."Hindi ko alam—"Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay sinuntok na agad siya ni Kenzo sa mukha kaya napaatras siya. Si Lloyd naman ay

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 48.3

    (Continuation of chapter 48)Third Person's POVMahimbing na natutulog si Luis mula pa kanina. Hindi na din kasi niya kinaya ang antok kaya napagpasyahan niyang umidlip kahit sandali.Nagising ang kanyang diwa nang makarinig ng mga yabag mula sa pasilyo. Sigurado siyang si Allyson ito kaya kaagad niyang inayos ang sarili. Sakto naman na pumasok ang babae sa pinto."Umuwi ka muna para makapagpalit ng damit. Ako na ang magbabantay sa kanya," wika nito at umupo sa sofa."Sigurado ka ba?"Tumango lamang si Allyson habang nagtitipa sa cellphone. Sumulyap muli si Luis sa monitor bago na lumabas ng pinto. Hindi pa din kasi siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit simula nang makarating sila dito. Alam niya sa sarili niyang hinahanap na din siya ng kuya niya.Nang makaalis si Luis ay tumingin si Allyson sa monitor at nakaisip ng hindi magandang bagay. Tumayo s

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 48.2

    (Continuation of chapter 48)Third Person's POV"Ginagawa ang alin?"Patuloy lang sa pagkain si Beth habang sinusubuan siya ni Luis. Kung titingnan ay parang normal lang silang nag-uusap sa kabila ng kalagayan niya ngayon."Ito, hindi ba't kinidnap mo 'ko? Pero bakit mo 'ko pinapakain?""Ayaw kong nagugutom ka," simple niyang sagot.Hindi pa din kumbinsido si Beth."Plinano niyo ba 'to ni Allyson?"Doon na napatigil si Luis sa ginagawa at saka seryosong tiningnan ang babae sa mga mata."Y-yes, but she didn't know this. Itong ginagawa ko ngayon, gusto niyang mamatay ka sa gutom pero sa tingin mo ba kaya kong makita kang nahihirapan?"Para bang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Beth. Dapat pala ay nakinig na lamang siya sa sinabi ni Kenzo na layuan na si Luis. Ngunit kahit na may galit ito dahil

  • Acting Of Affection (TAGALOG)   Chapter 48.1

    Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka

DMCA.com Protection Status