Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
View MoreBumukas ang pinto ng kuwarto kung saan nakakulong si Ambria, bumungad sa kanya ang isang maganda at sexy na babae at pumasok din si Mike. “Hi.” Nakangiting bati nito sa kanya. Ibinaba naman ni Mike ang mga bitbit niyang paper bags sa sahig. “Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?” “I’m Lexy, Vito’s friend. Ibinilin ka niya sa akin kaya ako na ang bahala sa’yo.” Bumaling si Lexy kay Mike. “Ikaw na ang bahala sa kanya. Siguraduhin mong maganda siya mamayang gabi.” Bilin ni Mike sa kanya. “Okay, ako na ang bahala. Basta ba babayaran mo ako sa napagusapan na halaga.” “No problem.” Lumabas si Mike at nilocked ni Lexy ang pinto. Naupo siya sa gilid ng kama. “May dala akong mga damit kaya maligo—”“Ayoko.” Pagmamatigas ni Ambria sa kanya. Ngumiti si Lexy para makuha ang loob ni Ambria dahil yun ang usapan nila ni Mike. "Sabi ni Mike, tatlong araw ka na daw dito. Dapat siguro maligo ka na at magpalit ng damit.” Marahan na sabi Lexy sa kanya. “Masamang tao ka rin ba?
Nagulat si Ambria sa sinabi nito hanggang sa tuluyang naagaw ni Vito ang patalim sa kanyang kamay at tinulak siya nito sa kama. “Mukhang pinagpyestahan na ni Master ang dalagang yun. Nagkakalabugan na sa kuwarto.” Nakangising sabi ni Loyd kay Mike na parehong pinagkakatiwalaan ni Vito na mga tauhan niya habang nakatayo sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Vito. “Ngayon lang niya ginawa ito, hindi naman siya ganyan noon. Simula nang mamatay si Myla nagsimula na siyang maging ganyan kasama. Sana lamang ay hindi niya pagsisihan ang kanyang desisyon.” Seryosong sabi ni Mike. Simula pagkabata ay kaibigan na niya si Vito at siya lang ang bukod tanging nakakaalam ng pinagdaanan nitong hirap hangang sa unti-unti itong nakabangon at pinasok ang magulong mundo sa underground business kung saan mas malaki ang kinikita nilang pera. Si Vito din ang dahilan kung bakit napasama siya sa kanyang mga tauhan dahil binalikan siya nito sa lansangan na kinalakihan nila. Kaya hindi lang sila basta magkaibigan
Inangat ni Ambria ang larawan ng kanyang ama na nakapatong sa ibabaw ng cabinet nito. Hinaplos niya ang larawan at ipinatong sa kanyang mga damit pagkatapos ay nagpunas siya ng kanyang luha. Kakatapos lang niyang maka-usap ang abogado ng kanyang ama at nalaman niyang malaki ang halaga na iniwan nito para sa kanya. Sa kanya din iniwanan ang bahay at lupa.Nasisigurado niya na magiging magaan na ang kanyang buhay sa hinaharap kahit hindi siya magtrabaho ngunit balewala pa rin sa kanya ang lahat ng meron siya ngayon dahil wala na siyang natitirang pamilya. Pagkababa niya ng hagdan ay hinarap niya ang kanyang mga kasambahay at pati na rin ang ibang taong naglingkod sa kanyang daddy sa mahabang panahon. “Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa inyo. Alam kong mahihirapan kayo na makahanap ulit ng mapagta-trabahuhan. Ngunit tangapin niyo sana ang tig-tatlong daang libo na ibibigay ko para sa pagsisimula ninyo. Hindi ko po kasi alam kung kailan ako makakabalik ulit dito. Sa Europe na a
THIRD PERSON’S POINT OF VIEW“How’s the burial of Richard? Marami pa rin ba ang mga pulis?” agad na tanong ni Vito kay Mike pagkarating nito sa kanilang hide out.“Naka-alis na sila, wala silang nakuhang lead ng pagkamatay ni Richard. Tama lamang na hinulog natin sa tulay ang kotse niya para mabura ang bakas ng pagpapahirap natin sa kanya.” Imporma ni Mike na kagagaling lang sa burol.“Good, mabuti naman kung ganun. Alam kong malinis ang mga tauhan natin na magtrabaho. Nahanap mo na ba yung lalaking nagsumbong at nakakita ng pag-hulog niyo sa car ni Richard sa tulay?” usisa ni Vito habang humihithit buga ng sigarilyo. "Hindi na namin siya nahanap dahil pagkarating namin sa police station ay pinaalis na nila ito. Pero for sure doon lang din ito nakatira. Kaya ipapahanap ko na rin siya—” “No need, hindi naman siya treat sa atin. Mabuti pa i-despose mo na rin ang kotse na ginamit niyo baka may iba pang nakakita. Sa ngayon wala na tayong problema. Puwede na tayong makabalik sa mahahalag
THIRD PERSON’S POINT OF VIEW“How’s the burial of Richard? Marami pa rin ba ang mga pulis?” agad na tanong ni Vito kay Mike pagkarating nito sa kanilang hide out.“Naka-alis na sila, wala silang nakuhang lead ng pagkamatay ni Richard. Tama lamang na hinulog natin sa tulay ang kotse niya para mabura ang bakas ng pagpapahirap natin sa kanya.” Imporma ni Mike na kagagaling lang sa burol.“Good, mabuti naman kung ganun. Alam kong malinis ang mga tauhan natin na magtrabaho. Nahanap mo na ba yung lalaking nagsumbong at nakakita ng pag-hulog niyo sa car ni Richard sa tulay?” usisa ni Vito habang humihithit buga ng sigarilyo. "Hindi na namin siya nahanap dahil pagkarating namin sa police station ay pinaalis na nila ito. Pero for sure doon lang din ito nakatira. Kaya ipapahanap ko na rin siya—” “No need, hindi naman siya treat sa atin. Mabuti pa i-despose mo na rin ang kotse na ginamit niyo baka may iba pang nakakita. Sa ngayon wala na tayong problema. Puwede na tayong makabalik sa mahahalag...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments