VITO“Malayo pa ba?” inip na tanong ko sa kanila. Halos dalawang oras na kaming nasa byahe, until now hindi pa rin kami nakakarating sa sinasabi nilang resort.“Malapit na tayo, Vito. Huwag kang mainip. Tama lang na by land tayo pumunta doon dahil kapag gumamit tayo ng chopper baka mas mahirapan tayong ma-corner sila.” Wika ni Mike. “By land or air, I don’t care. All I want is to see that bloody face of Ace and take it back, Ambria.” Walang emosyon na sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga nadadaanan naming kasukalan.”Tumunog ang phone ko at sinagot ko ang tawag ni Lexy. “What happen?”“Pabalik na ako sa mansyon, dala ang importanteng black book ni Richard.” Narinig kong sambit niya. “Black book?” usisa ko na pati Mike at Raul ay napatingin sa akin. “Oo, lahat ng mga illegal transaction ni Richard ay nandito at maraming involved na personalidad. Bukod doon may nakita din akong pangalan ng isang sikat na cargo shipping lines. Hindi ko mabasa dahil naka-code at chinese ang sula
AMBRIAMabigat pa ang talukap ko nang magising ako sa pamilyar na kuwarto. Ngunit mas nagulat ako nang makita ko si Vito nakaupo sa sofa na nasa tapat ng kuwarto ko. Napabalikwas ako ng bangon at ini-akap sa sarili ang makapal na comforter ng kama. “Mabuti gising ka na…magpapahain na ako ng pagkain.” Sambit niya sa malamig na tinig. “Hindi mo ako papatayin? Tumakas ako hindi ba? Si Ace? Pinatay mo na rin ba siya?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Bakit? Gusto mo pa rin bang tumakas kasama siya kahit muntik ka na niyang halayin?” Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa kubo. Kung hindi sila dumating baka nagtagumpay na si Ace sa masamang balak niya. At paniguradong tinapos na rin niya ang buhay nito dahil nagawa niya akong bawiin ulit kay Ace. “Anong plano mo ngayon sa akin? Nasisiguro mo ba na hindi nga ako nagalaw ni Ace?” Hindi nakaligtas sa akin ang pagalaw ng kanyang panga. “It doesn’t matter anymore, I have my ways to proved it.” Wika niya sa akin. Kinuha nya ang ph
THIRD PERSON’S POINT OF VIEW“How’s the burial of Richard? Marami pa rin ba ang mga pulis?” agad na tanong ni Vito kay Mike pagkarating nito sa kanilang hide out.“Naka-alis na sila, wala silang nakuhang lead ng pagkamatay ni Richard. Tama lamang na hinulog natin sa tulay ang kotse niya para mabura ang bakas ng pagpapahirap natin sa kanya.” Imporma ni Mike na kagagaling lang sa burol.“Good, mabuti naman kung ganun. Alam kong malinis ang mga tauhan natin na magtrabaho. Nahanap mo na ba yung lalaking nagsumbong at nakakita ng pag-hulog niyo sa car ni Richard sa tulay?” usisa ni Vito habang humihithit buga ng sigarilyo. "Hindi na namin siya nahanap dahil pagkarating namin sa police station ay pinaalis na nila ito. Pero for sure doon lang din ito nakatira. Kaya ipapahanap ko na rin siya—” “No need, hindi naman siya treat sa atin. Mabuti pa i-despose mo na rin ang kotse na ginamit niyo baka may iba pang nakakita. Sa ngayon wala na tayong problema. Puwede na tayong makabalik sa mahahalag
Inangat ni Ambria ang larawan ng kanyang ama na nakapatong sa ibabaw ng cabinet nito. Hinaplos niya ang larawan at ipinatong sa kanyang mga damit pagkatapos ay nagpunas siya ng kanyang luha. Kakatapos lang niyang maka-usap ang abogado ng kanyang ama at nalaman niyang malaki ang halaga na iniwan nito para sa kanya. Sa kanya din iniwanan ang bahay at lupa.Nasisigurado niya na magiging magaan na ang kanyang buhay sa hinaharap kahit hindi siya magtrabaho ngunit balewala pa rin sa kanya ang lahat ng meron siya ngayon dahil wala na siyang natitirang pamilya. Pagkababa niya ng hagdan ay hinarap niya ang kanyang mga kasambahay at pati na rin ang ibang taong naglingkod sa kanyang daddy sa mahabang panahon. “Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa inyo. Alam kong mahihirapan kayo na makahanap ulit ng mapagta-trabahuhan. Ngunit tangapin niyo sana ang tig-tatlong daang libo na ibibigay ko para sa pagsisimula ninyo. Hindi ko po kasi alam kung kailan ako makakabalik ulit dito. Sa Europe na a
Nagulat si Ambria sa sinabi nito hanggang sa tuluyang naagaw ni Vito ang patalim sa kanyang kamay at tinulak siya nito sa kama. “Mukhang pinagpyestahan na ni Master ang dalagang yun. Nagkakalabugan na sa kuwarto.” Nakangising sabi ni Loyd kay Mike na parehong pinagkakatiwalaan ni Vito na mga tauhan niya habang nakatayo sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Vito. “Ngayon lang niya ginawa ito, hindi naman siya ganyan noon. Simula nang mamatay si Myla nagsimula na siyang maging ganyan kasama. Sana lamang ay hindi niya pagsisihan ang kanyang desisyon.” Seryosong sabi ni Mike. Simula pagkabata ay kaibigan na niya si Vito at siya lang ang bukod tanging nakakaalam ng pinagdaanan nitong hirap hangang sa unti-unti itong nakabangon at pinasok ang magulong mundo sa underground business kung saan mas malaki ang kinikita nilang pera. Si Vito din ang dahilan kung bakit napasama siya sa kanyang mga tauhan dahil binalikan siya nito sa lansangan na kinalakihan nila. Kaya hindi lang sila basta magkaibigan
Bumukas ang pinto ng kuwarto kung saan nakakulong si Ambria, bumungad sa kanya ang isang maganda at sexy na babae at pumasok din si Mike. “Hi.” Nakangiting bati nito sa kanya. Ibinaba naman ni Mike ang mga bitbit niyang paper bags sa sahig. “Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?” “I’m Lexy, Vito’s friend. Ibinilin ka niya sa akin kaya ako na ang bahala sa’yo.” Bumaling si Lexy kay Mike. “Ikaw na ang bahala sa kanya. Siguraduhin mong maganda siya mamayang gabi.” Bilin ni Mike sa kanya. “Okay, ako na ang bahala. Basta ba babayaran mo ako sa napagusapan na halaga.” “No problem.” Lumabas si Mike at nilocked ni Lexy ang pinto. Naupo siya sa gilid ng kama. “May dala akong mga damit kaya maligo—”“Ayoko.” Pagmamatigas ni Ambria sa kanya. Ngumiti si Lexy para makuha ang loob ni Ambria dahil yun ang usapan nila ni Mike. "Sabi ni Mike, tatlong araw ka na daw dito. Dapat siguro maligo ka na at magpalit ng damit.” Marahan na sabi Lexy sa kanya. “Masamang tao ka rin ba?
“What the hell are you both doing?” salubong ang kilay na tanong ni Vito sa dalawa niyang kaibigan na nakaupo ngayon sa harapan niya.“It was Mike’s plan, Vito.” sagot ni Lexy. Dahil ito naman talaga ang tumawag sa kanya para matulungan nila ang babae. “Bakit kailangan niyong gawin yun sa kanya? She’s here to pay her father’s sin!” “Vito kung ipagpapatuloy mo ang pagiging malupit mo sa kanya. Wala ka na ring pinagkaiba sa mga criminal niyang ama. She’s young and innosent at hindi lang yun, nagluluksa pa siya. Wala kaming ibang intensyon kundi ang matulungan kang paamuhin ang babaeng yun.” Katwiran ni Mike na ikinataas ng kilay ni Vito.“Alam mo? Dahil sa mga sinasabi mo pinapatunayan mo lang na may gusto ka talaga sa kanya—”“Hindi ako mangangahas na magkagusto sa babaeng gusto mo—”“I don’t like her!” pagtatama niya sa akusa nito. Tumayo si Lexy at tinungo ang cabinet kung saan nakalagay ang mga alak niya sa office. Kumuha siya ng isang bote wine at tatlong wine glass na rin. Pagk
Nagising si Vito at namilipit sa sakit ng kanyang sugat sa tiyan. Patuloy ang pag-agos ng sariwang dugo nito dahil sa tama ng baril sa kanya mula sa mga tauhan ni Richard. Tatlong putok ng baril ang tumama sa kanya pagkatapos siyang pahirapang bugbugin ng mga tauhan ni Richard. Masuwerte pa siya kung tutuusin dahil sa balikat at hindi sa dibdib tumagos ang bala. Pinilit niyang gumapang at pumasok sa abandon building upang hanapin ang kanyang mga magulang at si Myla. Nawala na ang tawanan, ang hiyawan at ingay na kanyang naririnig. Dahil napuno na ito ng katahimikan. Paos na tinawag niya ang kanyang inay at itay ngunit kaunting kaluskus ay wala na siyang naririnig. Buhay pa siya, sigurado siyang buhay pa siya. At basta nalamang sila iniwan ng mga taong gumawa nito sa kanya. Humawak siya sa gilid ng pinto at sinubukan niyang tumayo. Ngunit nang maitukod niya ang kanyang paa ay nakita niya ang kalunos-lunos na dinanas ng kanyang minamahal na kasintahan. Namuo ang kanyang luha at halos
AMBRIAMabigat pa ang talukap ko nang magising ako sa pamilyar na kuwarto. Ngunit mas nagulat ako nang makita ko si Vito nakaupo sa sofa na nasa tapat ng kuwarto ko. Napabalikwas ako ng bangon at ini-akap sa sarili ang makapal na comforter ng kama. “Mabuti gising ka na…magpapahain na ako ng pagkain.” Sambit niya sa malamig na tinig. “Hindi mo ako papatayin? Tumakas ako hindi ba? Si Ace? Pinatay mo na rin ba siya?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Bakit? Gusto mo pa rin bang tumakas kasama siya kahit muntik ka na niyang halayin?” Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa kubo. Kung hindi sila dumating baka nagtagumpay na si Ace sa masamang balak niya. At paniguradong tinapos na rin niya ang buhay nito dahil nagawa niya akong bawiin ulit kay Ace. “Anong plano mo ngayon sa akin? Nasisiguro mo ba na hindi nga ako nagalaw ni Ace?” Hindi nakaligtas sa akin ang pagalaw ng kanyang panga. “It doesn’t matter anymore, I have my ways to proved it.” Wika niya sa akin. Kinuha nya ang ph
VITO“Malayo pa ba?” inip na tanong ko sa kanila. Halos dalawang oras na kaming nasa byahe, until now hindi pa rin kami nakakarating sa sinasabi nilang resort.“Malapit na tayo, Vito. Huwag kang mainip. Tama lang na by land tayo pumunta doon dahil kapag gumamit tayo ng chopper baka mas mahirapan tayong ma-corner sila.” Wika ni Mike. “By land or air, I don’t care. All I want is to see that bloody face of Ace and take it back, Ambria.” Walang emosyon na sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga nadadaanan naming kasukalan.”Tumunog ang phone ko at sinagot ko ang tawag ni Lexy. “What happen?”“Pabalik na ako sa mansyon, dala ang importanteng black book ni Richard.” Narinig kong sambit niya. “Black book?” usisa ko na pati Mike at Raul ay napatingin sa akin. “Oo, lahat ng mga illegal transaction ni Richard ay nandito at maraming involved na personalidad. Bukod doon may nakita din akong pangalan ng isang sikat na cargo shipping lines. Hindi ko mabasa dahil naka-code at chinese ang sula
AMBRIAHindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Basta malayo kami sa siudad at matatarik na daan ang tinatahak ng sasakyan namin. Tumigil din kami sa isang drugstore kanina upang bumili ng gamot na panghupa sa sugat ni Kuya Ace. “Kumusta ang pakiramdam mo?” usisa ko sa kanya nang dalawin ko siya sa kanyang kubo. Nasa isang malaking resort kami sa gitna ng bundok. Tahimik, may mga pailan-ilan na bisita at bukod sa tatlong malalaking swimming pool may ilog din doon sa bandang itaas ng resort. Kubo din ang cottage kaya masarap sa pakiramdam at nakakahinga ako ng maluwag kaysa sa city dahil malago ang mga puno sa buong paligid. “Mabuti naman ako, Ms, Ambria. Salamat sa pagtulong mo sa akin.” Sagot nya. Naupo ako sa kawayan na upuan nasa tapat ng papag niyang may kutson na hinihigaan para makapag-pahinga na din siya. “Ako nga dapat ang magpasalamat sa’yo dahil pumayag kang isama ako. Alam kong labas na ako sa obligasyon mo at lalong mas mapanganib pa sa inyo dahil hinahanap din ako ni Vit
VITO“Boss, nakatakas si Ace at kasama niya si Ms. Ambria—”“FVCK!!!” umalingawngaw ang malakas na mura ko sa narinig kong sinabi ng isa sa mga tauhan kong nakaligtas sa pinagbantay ni Mike sa bahay nila Ambria. “Sorry boss—”“Vito—huwag!” harang sa akin ni Mike nang tutukan ko ng baril ang tauhan kong nakaluhod ngayon sa harapan ko. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Mike. “It’s all your fault! Naging kampante kayo sa babaeng yun! At kasama niya ngayon si Ace! Ang lalaking matagal ko nang gustong ibaon sa lupa!” igting ang panga na sigaw ko sa kanya. “Alam ko, alam kong kasalanan ko. Kaya kung gusto mo siyang tapusin unahin mo na ako! Alam mong si Ambria lang ang hinahanap natin dahil akala natin naka-alis na ng bansa si Ace hindi ba? Kaya nga kulang anmg puwersa natin at natakasan tayo ng hayop na yun. Kaya hindi niya din kasalanan at lalong hindi mo dapat siya patayin.” sagot niya sa akin. Suminghap ako at napasabunot sa sarili. Kinalma ko ang sarili at inabot ko sa k
AMBRIAAlas dos na nang madaling araw nang magpasya akong umakyat sa first floor mula sa basement na pinagtataguan ko. Tahimik, patay ang ilaw at tanging maliit na ilaw lang mula sa lighter ang hawak ko habang iniiwasan ang mga salamin na bintana upang hindi ako makita sa labas kung sakali man na may nagbabantay sa labas ng bahay namin. Ma-ingat din ako na hindi makalikha ng kahit kaunting ingay. Mabuti na lamang at hindi ako takot sa dilim kaya nagagawa kong gumala-gala sa loob ng bahay namin kahit madilim. Alam kong pumasok sila kanina. Pero dahil nasa basement ako ay hindi nila ako nakita. Pero nakita ko sila sa CCTV. Kasama nila si Mike na walang paalam na pumasok sa bahay namin. Sa likod ng library ni Dad ang pinto ng basement pababa. Hindi naman ako nagutom dahil maraming pagkain sa pantry ang puwede pang kainin ang kinuha ko para magtago. Nakatulog na rin ako at nakaligo sa basement. May napansin din akong kotse sa likod na puwedeng escape vehicle in case na makita nila ako.
VITOKanina pa ako hindi mapakali habang nandito sa hotel na kinaroroonan ko. Katatapos lang ng transaction ko with Mr. Levitsky. At bukas pa ng umaga ang uwi ko ngunit ilang oras pa lamang akong wala sa bahay hindi na ako mapakali. Hindi rin tumatawag si Mike at Lexy para update ako kung ano na ang nangyari sa pagsama nila kay Ambria sa mall. Tumunog ang phone ko at nilapitan ko ito sa ibabaw ng mesa. “Anong balita?” usisa ko sa tumawag. “Boss, wala na daw dito si Ace, umalis na daw ito ng bansa.” Imporma niya sa akin. Nagkikiskisan ang bagang ko sa narinig. “Wala akong paki-alam kahit saang lupalop pa siya naroroon. Magbibigay ako ng malaking reward, mahanap mo lang ang hayop na yun!” “Yes, boss!” Naikuyom ko ang aking kamao. Bukod kay Richard na ama ni Ambria may isang tao pa akong hinahanap. Ang kanang kamay nito! Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng lalaking yun! Masuwerte lang siya nagawa niyang makatakas sa mga galamay ko. Pero hindi ko siya titigilan hanga’t
AMBRIAGinawa ko ang utos ni Mike at Lexy sa akin na akitin ko si Vito nang sa ganun ay hindi na niya ako pagmalupitan at mas maging masunurin na ako sa nais niyang gawin. Ngunit sa huli ako pa rin ang talo dahil nagawa kong masarapan sa ginawa niya sa akin. Inaamin ko sa sarili ko na nakakabaliw ang ginawa niya sa akin kanina. At hindi ko akalain na kahit malaki ang age gap naming dalawa ay ma-apektuhan ako ng presensiya niya. Ngunit hindi ko kailan man kakalimutan kung bakit ako naririto. Yun ay tapusin ang buhay ni Vito. At kung hindi ko man magawa yun kahit makatakas muna ako sa puder niya at saka ko na iisipin kung paano ko siya gagantihan. 1 month ago…“Dad? May problema ba kayo? Bakit parang nitong mga nakaraang araw balisa kayo palagi parang kulang na kayo sa ahit at tulog.” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bigla siyang humarap sa camera dahil kausap ko siya sa phone at nasa school ako. “Ambria, kahit anong mangyari ipangako mo sa akin na hinding-hindi ka uuwi dito okay?” N