"Luke! Bakit ang tagal mong sagutin? Bilisan mo! Pumunta ka agad ngayon dito sa cafeteria! May kailangan kang makita!" Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Tony mula sa kabilang linya ng tawag. "Bakit, anong nangyari?" takang tanong ni Luke habang nakakunot ang kanyang noo. Nasa kalagitnaan siya ng pagligo kanina nang magsimulang tumunog ang kanyang cellphone. Patuloy lang iyon sa pagtunog hanggang sa matapos siyang maligo. Nang makitang si Tony ang tumatawag ay agad niyang sinagot iyon. Nakasuot lamang siya ng puting tuwalya at natatakpan lang nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, habang nakalantad naman ang itaas na bahagi na may magandang hubog na animo'y alagang gym. Kapansin-pansin din ang maliit nitong birthmark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na tila para bang hugis ulo ng isang dragon. Kung sino man ang makakakita nito ay aakalaing tattoo ito ng ulo ng dragon. "Basta dalian mo! Pumunta ka agad dito! Si Veroni—" Nakarinig si Luke ng sigaw ng isang lalaki sa kabil
Bumalik si Luke sa kanilang dormitoryo. Pagkatapos niyang pumasok sa kanilang kwarto ay dumiretso siya sa kanyang kama at naupo. May pasok dapat siya ngayon pero dahil sa nangyari sa cafeteria ay nawalan na siya ng gana. Mamasa-masa ang mga matang ibinaling niya ang kanyang tingin sa isang picture frame na nakapatong sa maliit na drawer sa gilid ng kanyang kama. Picture nila iyon ni Veronica noong unang anniversary nila. Ang kalungkutan sa kanyang puso ay mas tumindi pa nang makita niya ang nakangiting mukha ni Veronica sa larawan. Kinuha niya ito at ilang segundong pinagmasdan. Pagkatapos ay binuksan niya ito mula sa likod saka kinuha ang mismong laman nitong litrato at itinapon sa basurahan ang frame. Mapait siyang napangiti habang hinahaplos niya ang mukha ni Veronica sa litrato. Matapos ng ilang saglit, ay pinunit niya ito at itinapon din ito sa basurahan. Kasabay nito ang kanyang pangako sa sarili na sisimulan na niyang kalimutan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit na alam niy
"Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa pinanggalingan ng boses. Nakatingin ito sa direksyon nina Luke habang magkasalubong ang kilay. Matangkad ito na marahil ay nasa singkwenta pataas na ang edad dahil sa medyo mauban nitong buhok. Ang maayos na kulay-abo na suot nitong suit at makintab na itim na sapatos kasama ang kanyang postura ng katawan, nagbibigay iyon ng impresyon ng isang makapangyarihang negosyante. Siya si Bernard Bautisa, ang presidente ng ENDX Corporation. Ang isa sa tanyag at pinaka-iginagalang na negosyante sa buong mundo. "Is that really Mr. Bautista?" tanong ng isa sa mga nakikiusisang empleyado. "Omg! Ang gwapo niya pa rin kahit may edad na!" mahina at kinikilig na bulalas naman ng isa pang babaeng empleyado. "Totoo ba ito o baka nananaginip lang ako? Siya ba talaga si Mr. Bautista?" hindi makapaniwalang saad naman ng isa pa habang kinusot-kusot pa ang mata. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanil
"Mahigit dalawang dekada na akong nagtatrabaho para sa inyong pamilya," panimula ni Bernard. Napataas naman agad ang kilay ni Luke dahil sa sinabi nito. Ang ibig sabihin lamang niyon ay hindi pa siya sinisilang sa mundo, naninilbihan na si Bernard sa kanilang pamilya? "Nagsimula ako bilang tagapamahala ng isang hotel. Noong mga panahong iyon ay hindi pa naitatayo ang ENDX Corp. Naitayo lamang ito noong 2013." Dahil nga sa may kaunting kaalaman na si Luke patungkol sa ENDX Corp, hindi na siya nagulat nang sabihin ni Bernard na itininayo lamang ito sampung taon palang ang nakakalipas. Ang bagay na kanyang ikinamangha ay ang mabilis na pag-unlad nito at mabilis na pamamayagpag sa larangan ng negosyo sa kabila ng marami nitong kakompetensya. Ito ay dahil sa pagmamay-ari pala nila ang kumpanya at malamang dahil na rin sa impluwensya ng kanyang lolo ay mabilis itong lumago. Napansin ni Luke ang bahagyang pagngiti ni Bernard habang naiiling-iling na para bang may naalala ito. Agad namang
Pero kahit naman wala pang nobya ang kanilang bagong presidente ay napakaimposibleng magkagusto ito sa katulad niyang Executive Manager lang. Kahit na marami namang lalaki ang nanliligaw sa kanya na nagmula sa mayayamang pamilya, ay wala pa ring makakatalo sa karisma at estado sa buhay ni Luke. Bukod sa gwapo at mabait, ay siya ang presidente ng ENDX Corporation! Kung sino man ang babaeng papakasalan nito sa hinaharap ay talagang napakaswerte!"May problema ba Ms. Lee?" nagtatakang tanong ni Luke nang mapansing nakatitig lang sa kanya si Pauline. Napansin niya ang paghanga sa mga mata nito.Nanlaki ang mga mata ni Pauline at agad itong tumalikod sa kahihiyan. Hindi niya napansing nakatitig na pala siya ng husto sa mukha ni Luke dahil sa kanyang sobrang paghanga rito. Namula ang kanyang magkabilang pisngi at hiniling na sana magkaroon ng butas sa sahig na kinatatayuan niya at higupin siya nito."No Mr. Cruise. There's nothing wrong." agad na sagot nito habang nakatalikod siya kay Luke.
Nagsimula na ring magkawatak-watak ang mga taong nakapalibot. Nagsibalik sila sa pag-iikot-ikot sa showroom na animo'y walang naganap na komosyon.Tiningnan ni Pauline si Luke na may halong pagtataka sa kanyang mukha. Tinanong niya si Luke kung dapat lang ba nilang hayaan na makaalis ang mag-asawang iyon. Pasimple lang na tumango si Luke at sinabing, "Hayaan mo sila."Hindi komportable si Luke kapag nasa harapan niya ang mga magulang ni Veronica. Ayaw niya silang makita. Sa loob ng mahigit dalawang taon ay hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya ng mag-asawa. Baka hindi niya makontrol ang kanyang sarili kapag nagtagal pa ang mag-asawang iyon sa kanyang harapan.Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Pauline. Alam niyang gustong-gusto nito na maturuan sila ng leksyon. Gusto niya rin naman sana, kung hindi lang sila magulang ni Veronica. Baka isipin pa ni Veronica na dahil sa hiniwalayan niya si Luke kaya nito nagawang saktan ang mga magulang niya.Nakaramdam naman ng simpaty
"Mr. Baltazar!" bulalas ni Monique nang makita ang lalaki. Siya si Noel Baltazar, ang Manager ng Light Metrobank."I'm so sorry Mr. Baltazar. Ginawa ko na po ang lahat para mapigilan ang lalaking 'to na makapasok, pero nagpumilit pa rin po ito." paliwanang ni Monique habang nanginginig ng kaunti ang kanyang boses.Saglit na tiningnan ni Noel si Luke saka sinenyasan si Monique na lumapit ito sa kanya. Agad namang sumunod si Monique."Listen to me. Do you know who's this young man beside me?" bulong na tanong ni Noel kay Monique.Saglit namang tiningnan ni Monique ang lalaking katabi ni Noel. Hindi niya ito kilala at hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito. Ngayon lang marahil ito pumunta sa kanilang bangko. Pero masasabi niyang isa itong mayamang kliyente."That's right! He's the son of one of the top clients of Light Metrobank!" sambit ni Noel na para bang nabasa nito ang iniisip ni Monique. "Ganitong uri lang ng tao ang tinatanggap natin sa bangkong ito. Bakit may ganitong tao sa loob
"You see Mr. Rivera, this young man right here is trying to sneak in, at sinasabi niya na makikipagkita siya sa'yo. I guess he's only using your name para makagala sa loob ng bangko." paliwanag ni Noel.Napatango lamang si Louis. Bilang lamang ang salita sa sinabi ni Noel ang makatotohanan. Totoong hinahanap nga ni Luke si Louis, pero hindi totoong ginagamit lamang ni Luke ang pangalan ni Louis para makapasok sa bangko. Lahat ng iyon ay akusasyon lamang ni Noel.Kanina habang tahimik na naghihintay sa loob ng kanyang opisina at nag-iisip ng maaari niyang sasabihin kapag dumating na si Luke, ay biglang tumunog ang telepono ng kanyang opisina. Tawag iyon mula front desk ng bangko. Pagkatapos niyang malaman mula dito ang nagaganap na komosyon sa ibaba ng gusali ay agad niyang binuksan ang kanyang computer upang tingnan ang live cctv footage sa reception area.Sa una, magkahalong pagkagulat at pagkagalak ang kanyang naramadaman nang makita niya si Luke. Pero agad na napasimangot ito nang m