"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
"Luke! Bakit ang tagal mong sagutin? Bilisan mo! Pumunta ka agad ngayon dito sa cafeteria! May kailangan kang makita!" Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Tony mula sa kabilang linya ng tawag. "Bakit, anong nangyari?" takang tanong ni Luke habang nakakunot ang kanyang noo. Nasa kalagitnaan siya ng pagligo kanina nang magsimulang tumunog ang kanyang cellphone. Patuloy lang iyon sa pagtunog hanggang sa matapos siyang maligo. Nang makitang si Tony ang tumatawag ay agad niyang sinagot iyon. Nakasuot lamang siya ng puting tuwalya at natatakpan lang nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, habang nakalantad naman ang itaas na bahagi na may magandang hubog na animo'y alagang gym. Kapansin-pansin din ang maliit nitong birthmark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na tila para bang hugis ulo ng isang dragon. Kung sino man ang makakakita nito ay aakalaing tattoo ito ng ulo ng dragon. "Basta dalian mo! Pumunta ka agad dito! Si Veroni—" Nakarinig si Luke ng sigaw ng isang lalaki sa kabil
Bumalik si Luke sa kanilang dormitoryo. Pagkatapos niyang pumasok sa kanilang kwarto ay dumiretso siya sa kanyang kama at naupo. May pasok dapat siya ngayon pero dahil sa nangyari sa cafeteria ay nawalan na siya ng gana. Mamasa-masa ang mga matang ibinaling niya ang kanyang tingin sa isang picture frame na nakapatong sa maliit na drawer sa gilid ng kanyang kama. Picture nila iyon ni Veronica noong unang anniversary nila. Ang kalungkutan sa kanyang puso ay mas tumindi pa nang makita niya ang nakangiting mukha ni Veronica sa larawan. Kinuha niya ito at ilang segundong pinagmasdan. Pagkatapos ay binuksan niya ito mula sa likod saka kinuha ang mismong laman nitong litrato at itinapon sa basurahan ang frame. Mapait siyang napangiti habang hinahaplos niya ang mukha ni Veronica sa litrato. Matapos ng ilang saglit, ay pinunit niya ito at itinapon din ito sa basurahan. Kasabay nito ang kanyang pangako sa sarili na sisimulan na niyang kalimutan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit na alam niy
"Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa pinanggalingan ng boses. Nakatingin ito sa direksyon nina Luke habang magkasalubong ang kilay. Matangkad ito na marahil ay nasa singkwenta pataas na ang edad dahil sa medyo mauban nitong buhok. Ang maayos na kulay-abo na suot nitong suit at makintab na itim na sapatos kasama ang kanyang postura ng katawan, nagbibigay iyon ng impresyon ng isang makapangyarihang negosyante. Siya si Bernard Bautisa, ang presidente ng ENDX Corporation. Ang isa sa tanyag at pinaka-iginagalang na negosyante sa buong mundo. "Is that really Mr. Bautista?" tanong ng isa sa mga nakikiusisang empleyado. "Omg! Ang gwapo niya pa rin kahit may edad na!" mahina at kinikilig na bulalas naman ng isa pang babaeng empleyado. "Totoo ba ito o baka nananaginip lang ako? Siya ba talaga si Mr. Bautista?" hindi makapaniwalang saad naman ng isa pa habang kinusot-kusot pa ang mata. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanil