"Luke! Bakit ang tagal mong sagutin? Bilisan mo! Pumunta ka agad ngayon dito sa cafeteria! May kailangan kang makita!" Maririnig ang pag-aalala sa boses ni Tony mula sa kabilang linya ng tawag.
"Bakit, anong nangyari?" takang tanong ni Luke habang nakakunot ang kanyang noo. Nasa kalagitnaan siya ng pagligo kanina nang magsimulang tumunog ang kanyang cellphone. Patuloy lang iyon sa pagtunog hanggang sa matapos siyang maligo. Nang makitang si Tony ang tumatawag ay agad niyang sinagot iyon. Nakasuot lamang siya ng puting tuwalya at natatakpan lang nito ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, habang nakalantad naman ang itaas na bahagi na may magandang hubog na animo'y alagang gym. Kapansin-pansin din ang maliit nitong birthmark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na tila para bang hugis ulo ng isang dragon. Kung sino man ang makakakita nito ay aakalaing tattoo ito ng ulo ng dragon. "Basta dalian mo! Pumunta ka agad dito! Si Veroni—" Nakarinig si Luke ng sigaw ng isang lalaki sa kabilang linya na para bang si Tony ang sinisigawan niyon na sanhi ng pagkaputol ng sinasabi ni Tony. "Hello, Tony? Anong nangyari kay Veronica? Hello?" Naguguluhang tanong ni Luke pero pinatay na ni Tony ang tawag. Nakaramdam si Luke na parang may hindi magandang nangyayari base na rin sa tono ng boses ni Tony lalo pa't sinubukan nitong banggitin ang pangalan ni Veronica. Sinubukan ulit itong tawagan ni Luke ngunit hindi ito sumasagot. Medyo nakaramdam siya ng pagkabahala. May nangyari bang masama kay Veronica? Dali-daling nagbihis si Luke at pumunta ng cafeteria. Samantanla sa cafeteria, may ilang estudyanteng pumapalakpak at may ilan namang humihiyaw sa tuwa. Iyong iba naman ay nagrerecord gamit ang kani-kanilang cellphone. Nakapalibot sila sa dalawang estudyanteng tila magkasintahan. Parehas silang nakangiti sa isa't-isa. Pagkarating ni Luke roon, napansin niya ang mga estudyanteng nagtitipon-tipon sa gitna, sa mismong harap ng cafeteria. Sinubukan niyang hanapin si Tony pero hindi niya ito makita. "Anong nangyayari dito?" tanong niya sa isang estudyanteng kanyang nakasalubong. Agad siyang nakilala ng estudyante. Umiling-iling lamang ito saka umalis na wala man lang binabanggit na kung ano. Bahagyang nagulumihanan si Luke dahil sa inasta ng estudyanteng iyon. Nakipagsiksikan siya sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng cafeteria para makita niya kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Sa kanyang gulat, nakita niya ang kanyang kasintahan na si Veronica at isang matangkad na lalaki. Magkatabi ang mga ito sa gitna. Estudyante rin sa mismong paaralan ang lalaki. Magkahawak sila ng kamay at napakasaya nila kung pagmamasdan na para bang kakatapos lang nila ikasal. Agad na nakilala ni Luke kung sino ang lalaki. Si Richard Gregory ito. Isa lamang itong bagong lipat na estudyante sa kanilang unibersidad tatlong buwan na ang nakakaraan. Isa ito sa anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang syudad. Bukod sa mayaman ay napakagwapo rin nito na agad umakit sa maraming kababaihan. Marami agad ang nagkagusto rito unang tapak palang nito sa unibersidad. Sa loob lamang ng tatlong buwan ay nagkaroon agad ito ng maraming kaibigan at nagtamo ng kasikatan dahil sa kanyang estado sa buhay. Kahit na mismo mga faculty staff members ay napakaganda ng pagtrato ng mga ito sa kanya. "Veronica? Anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ni Luke habang nagpalipat-lipat kay Veronica at Richard ang kanyang tingin. Nawala ang ngiti sa labi ni Veronica nang marinig nito ang boses ni Luke. Napalingon ito sa kinatatayuan niya, pagkatapos ay saglit na nanigas sa kinatatayuan nito. "Oh shit! The loser boyfriend is here." sambit ng isa sa mga estudyante saka mahinang natawa at itinapat ang camera ng cellphone nito kay Luke. "Correction! Ex-boyfriend!" pagtatama ng isa sa nauna na sinundan ng mahinang pagtawa. "Kawawang Luke, dumped like a garbage. What a cheap loser." sambit pa ng isa habang nakangisi. "Richard is so much better than you so please just go away and don't ruin the mood!" sigaw pa ng isa. Sumali naman ang iba pang estudyante at nagsimula na ring itaboy si Luke. "Oo nga! Umalis ka na!" halos pare-parehas na sambit ng iba pang estudyante. Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Luke matapos niyang marinig ang kanilang mga sinabi. Hindi sa dinidibdib niya ang mga masasakit nilang salita, sanay na siya roon. Kung hindi ay ang ideyang pinagpalit siya ni Veronica kay Richard. Totoo ba? "L-Luke, magpapaliwanag ako," bahagyang nauutal na sambit ni Veronica. Binitawan nito ang kamay ni Richard at saka hinarap si Luke, marahang hinablot ang kanyang dalawang kamay. "I'm... so sorry Luke. Alam ko kung gaano mo ako kamahal, and I appreciated that. I really do. Pero to tell you the truth, hindi na ako masaya sa relasyon natin. I found out lately na hindi ikaw ang tamang lalaki para sa akin. Unang beses ko palang na makita si Richard at matapos na makilala siya nang lubos, I know it's him, It's him that I love." Saglit itong huminto at nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago muling nagpatuloy. "I'm really sorry Luke, but I have decided to end our relationship." sinseridad nitong sambit. Kumabog ang dibdib ni Luke nang marinig niya ang mga sinabi ni Veronica. "Veronica, anong ibig mong sabihin? Makikipaghiwalay ka na sa'kin? Nagbibiro ka lang hindi ba?" tanong niya na tila hindi makapaniwala. Kumawala siya sa pagkakahawak ni Veronica. Paano magkakaroon ng pagmamahal si Veronica kay Richard sa loob lamang ng napakaikling panahon? Isa ba itong biro? Pagkatapos ng dalawang taon at kalahating kanilang pinagsamahan ay makikipaghiwalay na ito sa kanya na para bang biro lang ang kanilang naging relasyon? Ganoon nalang ba kadali para kay Veronica iyon? Malikot ang matang pinagmasdan niya ang mga mata ni Veronica, nagbabakasakaling nagsisinungaling lang ito. "No Luke, nagsasabi ako ng totoo. I-I really don't love you anymore. Natatakot lang akong magtapat sa'yo ng tunay kong nararamdaman. Naghahanap lang ako ng tamang oras para makipaghiwalay sa'yo. Ayaw lang kitang masaktan. Sana maunawaan mo ako." taos-puso nitong sambit habang sinusubukang hawakan muli ang mga kamay ni Luke, pero tinanggihan iyon ni Luke. Sa loob ng mga panahong kanilang pagsasama, tiniis ni Veronica ang lahat ng pang-iinsulto ng mga taong hindi sumasang-ayon sa kanilang relasyon. Kahit na mismong kanyang mga magulang ay tutol din sa kanilang dalawa dahil sa alam nilang isa lamang mahirap si Luke. Pero hindi siya nakinig sa kanila. Bukod sa gwapo ay mabuting tao si Luke kahit na walang estado sa buhay. Iyon ang rason kung bakit nahulog ang kanyang loob kay Luke. Pero napakainosente niya pa pagdating sa pag-ibig ng mga panahong niligawan siya nito at sinagot niya ito. Gusto niya lang maranasan na magkaroon ng nobyo noon. Dumating ang puntong nagsawa rin siya sa mga masasakit na salitang halos araw-araw na bumubungad sa kanya. Napagtanto niya rin na walang naghihintay na magandang kinabukasan para sa kanilang dalawa kapag nagpatuloy ang kanilang relasyon. Tama ang kanyang mga magulang, walang magandang maidudulot si Luke sa kanya at sa kanyang pamilya. Kahit na masipag at pursigido si Luke, walang paraan para mamuhay ito nang marangya sa hinaharap dahil sa pangkasalukuyan nitong estado sa buhay. Baka maging mahirap ito sa buong buhay nito at ayaw na ni Veronica na patagalin pa ang kanilang pagsasama. May pakialam pa naman siya sa sarili niyang estado sa buhay at sa kanyang pamilya. Ayaw niyang hilahin siya ni Luke papaba kasama niya. Panandaliang natahimik si Luke. Masasabi niyang nagsasabi ng totoo si Veronica at nakikita niya iyon sa mga mata nito pero ayaw niya iyong paniwalaan. Hindi niya matanggap ang katotohanang nakikipaghiwalay na ito sa kanya. Tinitigan niya nang masama si Richard. Anong karapatan ng lalaking itong manghimasok sa kanilang relasyon at agawin ang babaeng minamahal niya? Makikita ang galit sa kanyang mga mata pero nanatili siyang tahimik. Gusto niyang suntukin nang malakas sa mukha si Richard. Nanatili namang kalmado si Richard habang nakangisi. Nababasa nito ang iniisip ni Luke. Lumapit ito kay Veronica at hinawakan ang kamay nito. "Hindi ko na kasalanan kung naging pabaya ka sa nobya mo. Isa pa, hindi ko siya inagaw sa'yo. Mahal niya ako at pinili niya ako kaysa sa'yo. What's wrong with that? Besides you are not worthy of such beauty like Veronica at all. Isa ka lang basura na pakalat-kalat sa unibersidad na ito. Hindi ko nga maintidihan kung paano ka nakapasok sa paaralang ito." sambit nito pagkatapos ay mahinang natawa sabay akbay kay Veronica. "Look at yourself Luke. Karapat-dapat ka ba talaga para kay Veronica? Hindi ka ba nahihiya?" biglang sabat ng isang babaeng estudyante na isa rin sa mga nakapalibot sa kanila. Tumabi ito kay Veronica saka nandidiring tinitigan nito si Luke. Si Patricia iyon. Pinsan ni Veronica. Kahit na isa siyang sophomore student, ay hindi siya nagbibigay ng galang sa mga seniors lalo na sa katulad ni Luke. "Look at your clothes. Nasa pribado kang paaralan pero ganyan ka manamit? Why? That's because you're so poor that you can't even afford to buy a decent clothes? Hindi ko alam kung anong klase ng gayuma ang ginamit mo para akitin ang pinsan ko." sambit nito habang punong-puno ng panlalait ang kanyang mga mata. Napahalukipkip ito. "Ngayong wala nang epekto ang gayuma mo, so please stay away and let my cousin be with Mr. Perfect guy." pagpapatuloy nito habang nakangiting nilingon si Richard at iniisip kung gaano kaswerte ang kanyang pinsan. Simula't sapul palang talaga ay pinandidirian na ni Patricia si Luke. Siya ang nangungunang tumututol sa relasyon nito at ni Veronica. Ngayong napagtanto na ng kanyang pinsan na isang basura lang si Luke, wala nang dahilan para magpigil pa. Hindi umimik si Luke. Hindi niya pinansin si Patricia sa halip ay tumitig siya nang diretso sa mata ni Veronica at nagtanong, "Mahal mo ba talaga ang lalaking 'yan?" Mababakas ang lungkot sa boses at mga mata ni Luke. Pagkatapos ng ilang sandali, ay buo ang loob na sumagot si Veronica. "Yes, Luke. I love Richard and I hope you'll understand. At please lang, 'wag mo nang subukang guluhin kami sa hinaharap. Para na rin sa ikabubuti mo." Kahit na ganoon pa man ang naging desisyon ni Veronica, may natitira pa rin naman siyang pag-aalala para kay Luke. Sa kabila ng lahat ay dalawang taon at kalahati ang tinagal ng kanilang naging relasyon. Nag-aalala pa rin siya sa maaaring mangyari dito sakaling tangkain nitong guluhin sila ni Richard. Alam niya kung gaano kamakapangyarihan ang pamilya ni Richard. Marami silang koneksyon at meron ding sabi-sabi na konektado rin sila maging sa underground society. Kapag sinubukan ni Luke na gumawa ng ano mang bagay laban sa kanila ni Richard ay siguradong pagsisisihan lamang iyon ni Luke. Parang tinusok ng karayum ang puso ni Luke nang marinig niya ang naging sagot ni Veronica. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya nito. Sinubukan niyang ngumiti para itago ang sakit na kanyang nararamdaman. "Okay. Kung 'yan ang desisyon mo, hindi na kita gagambalain pa. Sana ay maging masaya ka sa naging desisyon mo." pagsuko niya. Pagkatapos niyon, tahimik na nilisan niya ang cafeteria. Sinubukan pa ng ilang estudyante na insultuhin siya at maliitin pero hindi niya sila pinansin na tila ba parang hindi niya sila naririnig. Sa kabilang dako naman, habang pinagmamasdan ni Veronica ang papalayong si Luke, pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang napakaimportanteng bagay sa kanyang buhay. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso.Bumalik si Luke sa kanilang dormitoryo. Pagkatapos niyang pumasok sa kanilang kwarto ay dumiretso siya sa kanyang kama at naupo. May pasok dapat siya ngayon pero dahil sa nangyari sa cafeteria ay nawalan na siya ng gana. Mamasa-masa ang mga matang ibinaling niya ang kanyang tingin sa isang picture frame na nakapatong sa maliit na drawer sa gilid ng kanyang kama. Picture nila iyon ni Veronica noong unang anniversary nila. Ang kalungkutan sa kanyang puso ay mas tumindi pa nang makita niya ang nakangiting mukha ni Veronica sa larawan. Kinuha niya ito at ilang segundong pinagmasdan. Pagkatapos ay binuksan niya ito mula sa likod saka kinuha ang mismong laman nitong litrato at itinapon sa basurahan ang frame. Mapait siyang napangiti habang hinahaplos niya ang mukha ni Veronica sa litrato. Matapos ng ilang saglit, ay pinunit niya ito at itinapon din ito sa basurahan. Kasabay nito ang kanyang pangako sa sarili na sisimulan na niyang kalimutan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit na alam niy
"Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa pinanggalingan ng boses. Nakatingin ito sa direksyon nina Luke habang magkasalubong ang kilay. Matangkad ito na marahil ay nasa singkwenta pataas na ang edad dahil sa medyo mauban nitong buhok. Ang maayos na kulay-abo na suot nitong suit at makintab na itim na sapatos kasama ang kanyang postura ng katawan, nagbibigay iyon ng impresyon ng isang makapangyarihang negosyante. Siya si Bernard Bautisa, ang presidente ng ENDX Corporation. Ang isa sa tanyag at pinaka-iginagalang na negosyante sa buong mundo. "Is that really Mr. Bautista?" tanong ng isa sa mga nakikiusisang empleyado. "Omg! Ang gwapo niya pa rin kahit may edad na!" mahina at kinikilig na bulalas naman ng isa pang babaeng empleyado. "Totoo ba ito o baka nananaginip lang ako? Siya ba talaga si Mr. Bautista?" hindi makapaniwalang saad naman ng isa pa habang kinusot-kusot pa ang mata. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanil
"Mahigit dalawang dekada na akong nagtatrabaho para sa inyong pamilya," panimula ni Bernard. Napataas naman agad ang kilay ni Luke dahil sa sinabi nito. Ang ibig sabihin lamang niyon ay hindi pa siya sinisilang sa mundo, naninilbihan na si Bernard sa kanilang pamilya? "Nagsimula ako bilang tagapamahala ng isang hotel. Noong mga panahong iyon ay hindi pa naitatayo ang ENDX Corp. Naitayo lamang ito noong 2013." Dahil nga sa may kaunting kaalaman na si Luke patungkol sa ENDX Corp, hindi na siya nagulat nang sabihin ni Bernard na itininayo lamang ito sampung taon palang ang nakakalipas. Ang bagay na kanyang ikinamangha ay ang mabilis na pag-unlad nito at mabilis na pamamayagpag sa larangan ng negosyo sa kabila ng marami nitong kakompetensya. Ito ay dahil sa pagmamay-ari pala nila ang kumpanya at malamang dahil na rin sa impluwensya ng kanyang lolo ay mabilis itong lumago. Napansin ni Luke ang bahagyang pagngiti ni Bernard habang naiiling-iling na para bang may naalala ito. Agad namang
Pero kahit naman wala pang nobya ang kanilang bagong presidente ay napakaimposibleng magkagusto ito sa katulad niyang Executive Manager lang. Kahit na marami namang lalaki ang nanliligaw sa kanya na nagmula sa mayayamang pamilya, ay wala pa ring makakatalo sa karisma at estado sa buhay ni Luke. Bukod sa gwapo at mabait, ay siya ang presidente ng ENDX Corporation! Kung sino man ang babaeng papakasalan nito sa hinaharap ay talagang napakaswerte!"May problema ba Ms. Lee?" nagtatakang tanong ni Luke nang mapansing nakatitig lang sa kanya si Pauline. Napansin niya ang paghanga sa mga mata nito.Nanlaki ang mga mata ni Pauline at agad itong tumalikod sa kahihiyan. Hindi niya napansing nakatitig na pala siya ng husto sa mukha ni Luke dahil sa kanyang sobrang paghanga rito. Namula ang kanyang magkabilang pisngi at hiniling na sana magkaroon ng butas sa sahig na kinatatayuan niya at higupin siya nito."No Mr. Cruise. There's nothing wrong." agad na sagot nito habang nakatalikod siya kay Luke.
Nagsimula na ring magkawatak-watak ang mga taong nakapalibot. Nagsibalik sila sa pag-iikot-ikot sa showroom na animo'y walang naganap na komosyon.Tiningnan ni Pauline si Luke na may halong pagtataka sa kanyang mukha. Tinanong niya si Luke kung dapat lang ba nilang hayaan na makaalis ang mag-asawang iyon. Pasimple lang na tumango si Luke at sinabing, "Hayaan mo sila."Hindi komportable si Luke kapag nasa harapan niya ang mga magulang ni Veronica. Ayaw niya silang makita. Sa loob ng mahigit dalawang taon ay hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya ng mag-asawa. Baka hindi niya makontrol ang kanyang sarili kapag nagtagal pa ang mag-asawang iyon sa kanyang harapan.Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Pauline. Alam niyang gustong-gusto nito na maturuan sila ng leksyon. Gusto niya rin naman sana, kung hindi lang sila magulang ni Veronica. Baka isipin pa ni Veronica na dahil sa hiniwalayan niya si Luke kaya nito nagawang saktan ang mga magulang niya.Nakaramdam naman ng simpaty
"Mr. Baltazar!" bulalas ni Monique nang makita ang lalaki. Siya si Noel Baltazar, ang Manager ng Light Metrobank."I'm so sorry Mr. Baltazar. Ginawa ko na po ang lahat para mapigilan ang lalaking 'to na makapasok, pero nagpumilit pa rin po ito." paliwanang ni Monique habang nanginginig ng kaunti ang kanyang boses.Saglit na tiningnan ni Noel si Luke saka sinenyasan si Monique na lumapit ito sa kanya. Agad namang sumunod si Monique."Listen to me. Do you know who's this young man beside me?" bulong na tanong ni Noel kay Monique.Saglit namang tiningnan ni Monique ang lalaking katabi ni Noel. Hindi niya ito kilala at hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito. Ngayon lang marahil ito pumunta sa kanilang bangko. Pero masasabi niyang isa itong mayamang kliyente."That's right! He's the son of one of the top clients of Light Metrobank!" sambit ni Noel na para bang nabasa nito ang iniisip ni Monique. "Ganitong uri lang ng tao ang tinatanggap natin sa bangkong ito. Bakit may ganitong tao sa loob
"You see Mr. Rivera, this young man right here is trying to sneak in, at sinasabi niya na makikipagkita siya sa'yo. I guess he's only using your name para makagala sa loob ng bangko." paliwanag ni Noel.Napatango lamang si Louis. Bilang lamang ang salita sa sinabi ni Noel ang makatotohanan. Totoong hinahanap nga ni Luke si Louis, pero hindi totoong ginagamit lamang ni Luke ang pangalan ni Louis para makapasok sa bangko. Lahat ng iyon ay akusasyon lamang ni Noel.Kanina habang tahimik na naghihintay sa loob ng kanyang opisina at nag-iisip ng maaari niyang sasabihin kapag dumating na si Luke, ay biglang tumunog ang telepono ng kanyang opisina. Tawag iyon mula front desk ng bangko. Pagkatapos niyang malaman mula dito ang nagaganap na komosyon sa ibaba ng gusali ay agad niyang binuksan ang kanyang computer upang tingnan ang live cctv footage sa reception area.Sa una, magkahalong pagkagulat at pagkagalak ang kanyang naramadaman nang makita niya si Luke. Pero agad na napasimangot ito nang m
Matapos marinig ni Reynold ang mga sinabi ng kanyang Ama, ay agad na namutla ang kanyang mukha. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay ay nakaramdam siya ng matinding takot na mas matindi pa kaysa sa sarili niyang kamatayan.Ano itong nagawa niya? Ginalit niya lang naman ang isa sa tagapagmana ng pamilya Cruise! Kung alam niya lang na ang lalaking ito ay isa palang tagapagmana ng ubod na yamang pamilya ay sana hindi niya na ginawa pang insultuhin ito. Hindi lang sarili niya ang apektado. Paniguradong madadamay ang buong pamilya niya dahil sa kagagawan niya.Tumingin ito kay Luke pagkatapos ay napaluhod at buong pagmamakaawang sinabing, "Please Young Master, patawarin mo ako sa nagawa ko. I'm really sorry, hindi ko sinasadya." naiiyak na paghingi ni Reynold ng patawad. Bahagya pa itong humahakbang nang nakaluhod patungo sa kinatatayuan ni Luke.Napasimangot lang si Luke habang malamig na tinitigan ang nakaluhod na si Reynold. Anong ibig niya sabihin na hindi niya sinadya? "Ibig mo bang s