"Mr. Baltazar!" bulalas ni Monique nang makita ang lalaki. Siya si Noel Baltazar, ang Manager ng Light Metrobank.
"I'm so sorry Mr. Baltazar. Ginawa ko na po ang lahat para mapigilan ang lalaking 'to na makapasok, pero nagpumilit pa rin po ito." paliwanang ni Monique habang nanginginig ng kaunti ang kanyang boses.Saglit na tiningnan ni Noel si Luke saka sinenyasan si Monique na lumapit ito sa kanya. Agad namang sumunod si Monique."Listen to me. Do you know who's this young man beside me?" bulong na tanong ni Noel kay Monique.Saglit namang tiningnan ni Monique ang lalaking katabi ni Noel. Hindi niya ito kilala at hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito. Ngayon lang marahil ito pumunta sa kanilang bangko. Pero masasabi niyang isa itong mayamang kliyente."That's right! He's the son of one of the top clients of Light Metrobank!" sambit ni Noel na para bang nabasa nito ang iniisip ni Monique. "Ganitong uri lang ng tao ang tinatanggap natin sa bangkong ito. Bakit may ganitong tao sa loob ng building?"Napatahimik lang si Monique sabay napayuko. Naipaliwanag na niya ang dapat niyang ipaliwanag. Kilala niya si Mr. Baltazar. Mas malilintikan lamang siya kapag inulit niya lang ang kanyang paliwanag."You! Take him out!" utos ni Noel sa gwardyang katabi ni Luke. "At Ikaw, mag-uusap tayo mamaya." baling na sabi ni Noel kay Monique."Let's go to the office Mr. Gregory. 'Wag mo nalang silang pansinin." sambit ni Noel sa kanyang kasama.Ayaw na ayaw ni Noel na may makita o nakakapasok na pulubi sa loob ng bangko. Hindi niya maunawaan kung bakit walang pakialam yung dalawang gwardya sa labas sa bawat pumapasok na tao. Anong silbi ng pagbabantay nila kung simpleng pagtaboy lang sa katulad ng lalaking ito ay hindi nila magawa?Ang Presidente mismo ng Light Metrobank ang nag-hire sa kanila kaya hindi niya ito mapagsabihan o mapakiusapan. Tanging kung anong iniutos lamang ng Presidente ang kanilang sinusunod. Ang tangi niya lang magagawa ay pagsabihan ang mismong mga teller na huwag magpapapasok ng mukhang pulubi sa bangko. Isa pa ay may mga gwardya din naman sa loob mismo ng gusali maliban sa dalawang nasa labas."Teka saglit. Nakalimutan ng babaeng ito na sabihin sa'yo na naparito ako para makipagkita kay Mr. Louis Rivera." wika ni Luke kay Noel na kasalukuyan nang naglalakad paalis.Pagkarinig sa sinabi ni Luke ay napahinto agad ito pati na rin ang kasama nitong lalaki."Pakiulit nga ng sinabi mo?" naniningkit ang matang nilingon ni Noel si Luke. Bahagya namang natawa ang lalaking kasama nito dahil sa sinabi ni Luke."Ang sabi ko, nandito ako para makipagkita kay Mr. Louis Rivera. Mahina ba ang pagkakasabi ko o bingi ka lang?" medyo naiinis na sambit ni Luke dahil sa hindi man lang siya nito binigyan ng atensyon o tinanong man lang kung anong pakay niya sa kanyang pagpunta.Kumulo ang dugo ni Noel sa sinabi ni Luke. Tinawag ba siya nitong bingi? Kilala ba nito kung sino ang kausap niya? Sa tingin niya ba ay magkapantay lang sila ng estado sa buhay?Napanganga naman ang mga taong nakarinig ng sinabi ni Luke. 'Nagawa ba talaga ng pulubing ito na insultuhin si Mr. Baltazar?'"I see." galit na napangisi si Noel. "You're looking for Mr. Rivera huh?" dahan-dahang humakbang si Noel kay Luke. Si Monique naman ay unti-unti ring napaatras.Base sa ekspresyon sa mukha ni Noel at base na rin sa pagkakakilala niya sa ugali nito, sigurado siyang pagsisisihan ng pulubing kaharap nila ngayon ang pagtawag nito ng bingi kay Noel.Pagkalapit ni Noel kay Luke ay malamig nitong tinitigan sa mata si Luke. Hindi naman nagpatinag si Luke at sinabayan niya lang ng titig si Noel. Bagay na mas ikinagalit ni Noel."Senior Manager Rivera is now currently in his office, and waiting for someone that is very, very far more important than you, and that's a Super VIP Client! Do you really think na makakagala ka sa buong building dahil lang sa kilala mo si Mr. Rivera? Managinip ka! Kahit isilang ka pa ng sampung beses sa mundong ito, there's no chance na makikita mo siya sa personal. Do you understand me?" nanggagalaiiting sabi ni Noel kay Luke.Iniisip ni Noel na ginagamit lang ni Luke ang pangalan ng Senior Manager sa kagustuhang makapasok sa Bangko.Nalaman ni Noel mula mismo kay Louis na may importanteng kliyente na pupunta ngayon sa kanilang bangko. Nabanggit din ni Louis na nagmula ito sa makapangyarihang pamilya. Kaya kapag may dumating at hanapin siya ay siguraduhing ipaalam kaagad ito sa kanya. Syempre, excited din na makita ni Noel kung sino man ang importanteng kliyenteng iyon. Hinding-hindi niya papalagpasin ang pagkakataon na makausap ito at maging malapit dito.Mahigit isang oras lang ang nakalipas ay may dumating ngang naghahanap kay Mr. Rivera, pero kabaliktaran naman ito ng tinutukoy niya. Kahit pakainin man ngayon si Noel ng dumi ng aso ay siguradong-sigurado siya na hindi ito ang taong tinutukoy ni Mr. Rivera."Calm down Mr. Baltazar. Maybe hindi lang pulubi ang isang 'to kun'di ay kakalabas lang ng mental hospital. Oh! Maybe tumakas nga lang ito. Haha! What a joke!" nakatawang sambit ng lalaking kasama ni Noel."Yeah you're probably right. Hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras ang mga taong katulad ng isang ito." pagsang-ayon ni Noel. "Call the other security guards and drag this poor little bastard outside. Give him a good beating bago niyo paalisin nang hindi na 'yan bumalik pa rito." utos ni Noel.Kailangang mapaalis niya kaagad ang pulubing ito sa loob ng bangko. Ayaw niyang magkaroon ng hindi magandang impresyon sa bangko ang kliyenteng hinihintay ni Louis. Anumang oras ay maaaring dumating na ito.Napakuyom ang kamao ni Luke. Gustong-gusto niyang maturuan sila ng leksyon at sabihin sa kanila na ang bangkong ito ay pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Hindi makatwiran ang ipinapakita nilang pag-uugali. Pero mas pinili niya pa rin ang kumalma. Paniguradong hindi nila gugustuhing makita kung paano siya magalit."Hindi na kailangan." pagsuko ni Luke pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga at tumalikod upang tumungo ng exit.Mayroon pa namang mamaya para sa kanila. Sa ngayon ay tatawagan niya nalang muna si Philip para hingin ang numero ni Louis.Kampante kasi siya kanina na pagpunta niya rito ay makikita niya kaagad ang Senior Manager kaya hindi na siya nag-abalang hingin pa ang numero nito kay Philip. Marahil ganun na rin si Philip kaya wala na sa isip nito na ibigay pa ang numero ni Louis sa kanya. Pero hindi niya inaasahang ganito pala ang sasalubong sa kanya.Hahakbang na sana palabas si Luke nang magsalita si Noel. "Do you think you can escape that easily?" pasigaw na sambit nito. "Grab him! Don't let him leave yet!"Saglit lang ay nagsidatingan na din ang iba pang gwardya na tinawagan ng gwardyang naroon gamit ang kanyang radyo.Nalaglag ang balikat ni Luke. Alam niya na kung saan ito tutungo. Pinili niyang maging mapagkumbaba sa ngayon para lang maiwasan ang gulong magaganap. Pero naghuhukay naman ng sariling libingan ang aroganteng Manager na ito."Iniisip siguro ng basurang ito na basta-basta nalang siya makakatakas." tumatawang sambit ng lalaking kasama ni Noel. "Kung ako siguro ang ginalit nito, paniguradong hindi lang bugbog ang aabutin nito kun'di pati langit." dagdag pa nito.Napataas ang kilay ni Luke dahil sa sinabi ng lalaki. Talaga? Ganun ba ito kamakapangyarihan kaya mas nirerespeto ito ni Noel kaysa sa kanya?"Tingnan natin ang tungkol sa bagay na 'yan." saad ni Luke habang direktang nakatingin sa lalaki."You..." Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki nang makitang parang hinahamon siya ni Luke.Anong karapatan ng basurang ito na magpanggap na matapang sa harapan niya? Siguro ay dahil sa hindi nito alam na isa siya sa anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa syudad ng Quezon. Baka manginig ito sa takot kapag nalaman nito kung sino ang kanyang inaangasan."Wala kang karapatan na kausapin ang katulad ko! How dare you to speak like that in front of me? Do you know who I am?" galit na sigaw ng lalaki kay Luke."Bakit, hindi mo ba kilala sarili mo? Bakit ako ang tinatanong mo?" pamimilosopo ni Luke habang nagtaas-baba ang kanyang balikat.Nagulat sila sa naging sagot ni Luke sa mayamang lalaki. Saan nakukuha ng pulubing ito ang lakas ng loob na bumangga ng makapangyarihang tao? Alam ni Noel at ni Monique kung gaano kamakapangyarihan ang pamilya ng lalaking ito. Kahit sila ay hindi maglalakas loob na magsabi ng kahit na anong bagay na makakainsulto sa sino mang miyembro ng kanilang pamilya. Hinihingi ba ng pulubing ito ang sarili niyang kamatayan?"Talaga nga namang naghahanap ng sariling kapahamakan ang isang 'to." naiinis na nakangising sambit ni Noel. "For your information, brat, the one you're talking to is Reynold Gregory! He's the eldest son of the Gregory family at ang kanilang pamilya ay ang pang-apat sa pinakamayamang pamilya sa buong syudad ng Quezon! Konektado din ang kanilang pamilya sa underground society kaya kung ako sa'yo, mag-ingat ka sa mga sasabihin mo." pagmamalaki ni Noel sa kasama niyang lalaki."Oh?" tanging reaksyon lamang ni Luke habang bahagyang tumatango-tango.Pagkakataon nga naman. Ang lalaki palang ito ay kapatid ni Richard. Kaya pala magkasing-ugali sila. Kinasusuklaman niya nang lubos si Richard dahil sa pag-agaw nito sa kanya kay Veronica. Dahil sa ginusto na rin naman na subukan siya ni Reynold, sa kanya nalang ibubuhos ni Luke ang galit niya kay Richard.Nang makita nila ang reaksyon sa mukha ni Luke, at saglit nitong pagkatahimik ay sigurado silang takot na takot na ito sa kalooban nito dahil sa kanyang nalaman. Lubos na napangiti si Noel na para bang nagtagumpay siya na matakot si Luke."You're afraid now, aren't you?" tanong ni Noel habang may malawak na ngiti sa kanyang labi."Oh boy, mali ka ng inangasan. Kung luluhod ka sa harapan ko at hahalikan mo ang sapatos ko, ay baka maawa pa ako sa'yo." sambit ni Reynold.Pero kahit man na gawin iyon ni Luke ay wala siyang balak na palampasin nalang ito ng basta-basta. Sisiguraduhin niyang pagsisisihan ng pulubing payaso na ito ang pagiging arogante nito sa kanyang harapan.Si Monique ay tahimik lang sa gilid. Napailing-iling nalang ito dahil sa ginawa ni Luke. Paano niya nakakayang makipag-usap ng ganun kay Reynold? May saltik ba ito sa utak? Kung ayaw niya nang mabuhay bakit dito pa siya pumunta? Pati tuloy siya ay nadamay. Kung nakinig lamang ito sa kanya kanina ay sana hindi na umabot pa sa ganito ang sitwasyon.Unti-unting lumapit si Luke kay Reynold. Kalmado ang mukha nito at nakatitig lang ito ng diretso sa mukha ni Reynold. Akala ni Reynold ay luluhod nga ito sa kanyang harapan pero hindi nito inaasahan nang bigla siyang sampalin nito.Lahat ng taong nakakita ay gulat na gulat sa kanilang nasaksihan. Lalong-lalo na ang sinampal, si Reynold. Seryoso? Nagawa talaga ng basurang ito na sampalin siya?"How dare you to—"*Smack!*Isa pang sampal ang muling natanggap ni Reynold mula kay Luke. Kahit na alam niya sa kanyang sarili na pulubi lang ang nasa harapan niya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba lalo na nang magtagpo ang kanilang mga titig. Nakikita niya sa mata ni Luke ang matinding kagustuhan nito na gulpihin siya. Syempre, dahil sa anak mayaman at lumaking spoiled, ay wala siyang magawa para ipagtanggol ang sarili dahil sa wala naman siyang alam sa pakikipaglaban. Ang kanya lang magagawa ay humingi ng tulong. Pero nang lingunin niya si Noel ay nakatulala lang itong nakatingin kay Luke.Hindi agad nakapag react si Noel. Lahat sila ay nanigas sa gulat dahil sa nangyari. Paano nagkaroon ng lakas ng loob ang lalaking ito na sampalin si Reynold? Pagod na talaga itong huminga kung ganun."Guards! Beat him!" pasigaw na utos ni Noel nang matauhan ito. Wala na siyang pakialam kung magkaroon man ng komosyon sa loob ng bangko. "Bugbugin niyo 'yan nang husto at huwag kayong mag-aalala, sagot ko lahat kung sakaling may mangyari mang masama."Ang tinitukoy ni Noel ay kung mamatay man si Luke sa bugbog. Dahil sa tingin niyang isa lamang pulubi si Luke na isang palaboy-laboy, marahil ay wala rin itong pamilya. Kaya madali lang na asikasuhin ang pagkamatay nito, kung sakali man."What's going on here?"Lahat napalingon kung saan nanggaling ang boses. Isang lalaki na nakasuot ng kulay blue na double-breasted suit ang nakatayo malapit sa labas ng elevator. Marahil ay nasa sixty pataas na ang edad nito. Walang kaekspre-ekspresyon ang mukha nito. Diretsong napatingin ito sa kinatatayuan ni Luke nang matapos siyang magsalita.Siya si Louis Rivera.Naghalong pagkatuwa at pagkadismaya ang kanyang nararamdaman ngayon pero hindi niya iyon ipinahalata. Sa halip ay lumapit ito sa kanila habang nasa likudan ang kanyang mga kamay. "Anong kaguluhan 'to?" kalmadong muling tanong lang nito kay Noel habang inilibot sa grupo ng mga security guards ang kanyang tingin.Ang galit na nararamdaman ni Noel kay Luke ay napalitan ng bahagyang pagkabahala nang makita si Louis. Hindi ba dapat nasa kanyang opisina lamang ito habang hinihintay ang kanyang VIP client? Hindi niya inaasahan na bababa si Louis dito.Pero sigurado naman siyang mauunawaan ni Louis ang nangyayari at sa huli ay matuturuan din nila ng leksyon ang aroganteng pulubi na nasa harapan nila ngayon."You see Mr. Rivera, this young man right here is trying to sneak in, at sinasabi niya na makikipagkita siya sa'yo. I guess he's only using your name para makagala sa loob ng bangko." paliwanag ni Noel.Napatango lamang si Louis. Bilang lamang ang salita sa sinabi ni Noel ang makatotohanan. Totoong hinahanap nga ni Luke si Louis, pero hindi totoong ginagamit lamang ni Luke ang pangalan ni Louis para makapasok sa bangko. Lahat ng iyon ay akusasyon lamang ni Noel.Kanina habang tahimik na naghihintay sa loob ng kanyang opisina at nag-iisip ng maaari niyang sasabihin kapag dumating na si Luke, ay biglang tumunog ang telepono ng kanyang opisina. Tawag iyon mula front desk ng bangko. Pagkatapos niyang malaman mula dito ang nagaganap na komosyon sa ibaba ng gusali ay agad niyang binuksan ang kanyang computer upang tingnan ang live cctv footage sa reception area.Sa una, magkahalong pagkagulat at pagkagalak ang kanyang naramadaman nang makita niya si Luke. Pero agad na napasimangot ito nang m
Matapos marinig ni Reynold ang mga sinabi ng kanyang Ama, ay agad na namutla ang kanyang mukha. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay ay nakaramdam siya ng matinding takot na mas matindi pa kaysa sa sarili niyang kamatayan.Ano itong nagawa niya? Ginalit niya lang naman ang isa sa tagapagmana ng pamilya Cruise! Kung alam niya lang na ang lalaking ito ay isa palang tagapagmana ng ubod na yamang pamilya ay sana hindi niya na ginawa pang insultuhin ito. Hindi lang sarili niya ang apektado. Paniguradong madadamay ang buong pamilya niya dahil sa kagagawan niya.Tumingin ito kay Luke pagkatapos ay napaluhod at buong pagmamakaawang sinabing, "Please Young Master, patawarin mo ako sa nagawa ko. I'm really sorry, hindi ko sinasadya." naiiyak na paghingi ni Reynold ng patawad. Bahagya pa itong humahakbang nang nakaluhod patungo sa kinatatayuan ni Luke.Napasimangot lang si Luke habang malamig na tinitigan ang nakaluhod na si Reynold. Anong ibig niya sabihin na hindi niya sinadya? "Ibig mo bang s
Pagkatapos ng naganap na komosyon sa Light Metrobank, at pagkatapos ng ilang proseso para muling ma-access ni Luke ang kanyang mga ari-arian at pera, ay heto siya ngayon, pangiti-ngiti habang bitbit ang take-out na pagkain at binabaybay niya ang corridor patungo sa kanilang dormitoryo.Pagkapasok niya sa kanilang kwarto ay nadatnan niyang nakahiga sa sarili nitong kama si Tony habang nakatalikod ito sa kanya at nanonood ng videos sa cellphone nito. Agad na napakunot ang noo ni Luke nang makita ito. Hindi ba oras ng klase at alas dos pa dapat ang balik nito?Inilapag niya ang bitbit niyang mga supot ng pagkain na para talaga sa kanya at kanyang mga kasamahan sa dormitoryo. Gusto niyang ipagdiwang ang kanyang pagbabalik bilang isang anak mayaman kasama ang kanyang mga roommates. Pero ayaw niyang maghinala sila kung yayayain niya sila sa isang magarbong pagsasalo kaya napag-isipan niya lang na bumili ng hindi kamahalang pagkain para sa kanila."Tony tara kain tayo. May dala akong take-out
Habang abala sa pag-order ang tatlo ay iginala naman ni Luke ang kanyang paningin. Ito ang unang pagkakataon na pumasok si Luke sa bar.Kahit na anak ng mayaman, simula pagkabata hanggang edad labing lima ay walang ibang ginawa si Luke kung hindi ang manatili sa Manor upang mag-aral at matuto ng iba't-ibang kaalaman mula sa iba't-ibang kilala at sikat na guro at eksperto, na nagmula sa iba't-ibang panig ng mundo.Pagdating ng ikalabing anim na taong gulang ay isinabak siya sa gyera, na siyang kanyang ikatlong training. Dito ay naranasan ni Luke ang matinding hirap. Kung hindi dahil sa una't ikalawang training ay marahil nabigo siya sa ikatlo niyang training. Sa tulong din nito ay mas napabuti pa nang lubos ang kanyang pakikipaglaban, mapa long range combat man o hand-to-hand combat.Sa loob ng isang taong 'war training', ay agad na sumabak siya sa kanyang ikaapat na training, ang tatlong taong 'poverty training'. Magmula sa gyera ay diretso agad siya sa pagiging pulubi na kung saan ay
Tinulungan ng isang tauhan ni Douglas si Arman habang ang tatlo naman ay galit na pinagmasdan si Luke, determinadong gulpihin siya ng mga ito."Ang lakas naman ng loob mo bata! Hindi mo ba kilala kung sino kami?" sambit ng isa sa tatlo at tumalikod pa ito nang bahagya para ipakita ang tattoo sa kanyang batok."Hah! Marahil ay naghahanap ng kapahamakan ang isang 'yan. Sisiguraduhin kong makakamit mo ang hinahangad mo bata." ani naman ng isa pa habang pinapalagutok ang kanyang mga buto sa daliri."Tama. Pero siguraduhin niyong 'wag niyo 'yang tutuluyan. Dadalhin ko 'yan mamaya sa dog farm upang tadtarin nang buhay at ipakain kay Bruno." sambit naman ng isa pa na ang tinutukoy ay ang alaga nilang malaking Pitbull na sinundan ng malademonyong halakhak.Hindi umimik si Luke sa halip ay siya mismo ang unang sumugod sa tatlo. Dahil sa hindi napaghandaan ng tatlo ang pag-atake ni Luke ay saglit lang nakahandusay na ang mga ito at mga wala na ring malay tulad ni Arman. Ang liksi at presisyon na
Muling bumalik si Luke sa ikatlong palapag. Saktong paakyat siya habang pababa naman ang ilang miyembro ng BPG kasama ang isang gwardyang nagbabantay kanina sa pinto ng ikatlong palapag. Napahinto sila nang makasalubong siya."S-siya ang binatang nagpumilit pumasok kanina." tukoy ng gwardya kay Luke.Nagtataka namang pinagmasdan ng mga miyembro si Luke. Hindi sila kumbinsidong siya ang nambugbog sa mga tauhan ni Douglas. Napakabata pa nito kung titingnan at parang wala naman itong kakayahan sa pakikipaglaban. Natawa ang ilan sa kanila."Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo magagawa nitong gulpihin ang mga tauhan ni Douglas?" natatawang sambit ng isang miyembro."Sigurado ka bang ito ang tinutukoy mo? Eh mukhang estudyante palang ang isang 'to eh." sambit naman ng isa pa na hindi rin kumbinsido sa sinasabi ng gwardya."Ano ka ba sa Bar na'to, gwardya o komedyante?" ani rin ng isa na mas nagpalakas ng kanilang tawanan.Natahimik lang ang gwardya. Totoo ang kanyang sinasabi pero hindi rin siya
Matapos masabi nina Arman kay Malcov ang totoong pinaggagagawa nila ay walang imik na pinagmasdan lamang ni Malcov si Douglas na ngayon ay nakayuko na lamang at naghihintay ng sasabihin ni Malcov. Si Douglas ang tinaguriang kanang kamay ni Malcov pero siya itong nangungunang lumalabag sa utos ng kanilang 'gang rules'. Oras na malaman ito ng ibang gang ay malaking kahihiyan ito para sa buong BPG.Maririnig ang malalim na pagbuntong hininga ni Malcov. Pinagmasdan niya si Douglas at iniisip kung bakit sinunod niya pa ang utos ng dating lider ng BPG na gawing kanang kamay ito."Mukhang hindi naman kayo nagsisinungaling." wika ni Malcov.Nabuhayan naman ng dugo sina Arman na para bang sa tingin nila ay papatawarin pa sila ni Malcov. "Dalhin sila sa dog farm. Magmula ngayon ay doon kayo titira kasama ang mga aso sa loob ng sampung taon bilang kaparusahan sa paglabag niyo sa alituntunin ng gang. Magsisilbi rin kayong tagalinis ng mga kulungan at kasama nilang matutulog." dagdag pa ni Malcov k
Lahat nag-aabang ng susunod na mangyayari. Base sa pagkakakilala nila sa kanilang lider ay hindi malabong tuluyan nito ang aroganteng binata na ito."Hanga rin ako sa tapang mo. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganito katapang na binata na kahit nasa dulo na ng paa ang hukay ay kalmado pa ring nakikipaglaro kay kamatayan." puri ni Malcov na sinundan ng malakas na halakhak. "Anong pangalan mo?""Hindi ka ba nangangalay? Bakit ayaw mong iputok muna ang baril na 'yan? Hindi ba makapangyarihan naman ang gang niyo? Saglit niyo lang maitatago ang bangkay ko pagkatapos mo akong patayin." Hindi tumugon si Luke sa tanong ni Malcov sa halip ay hinamon niya pa itong iputok ang hawak nitong baril."Gusto mo ba talagang kalabitin ko ang baril na'to?" nakataas ang kilay na tanong ni Malcov."Sige lang. Ikaw lang din naman ang mangangalay." wika ni Luke saka muling isinandal nang husto ang sarili sa sofa. Kampanteng pinagmasdan lamang niya si Malcov.Ilang saglit lang ay kinalabit nga ni Malcov ang baril