Share

Chapter 143 - Stronger For Protection

"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.

Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"

Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."

Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status